You are on page 1of 8

PANANAW NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY

TUNTUNGIN-PUTHO LOS BAÑOS LAGUNA PATUNGKOL

SA “DENGVAXIA VACCINE”

Kwalitatibong Pananaliksik na Iniharap ng

Mataas na Paaralan ng Tuntungin-Putho

Los Baños, Laguna

Ipinasa Nina:

Nhil Andrei I. Oñate

Hanz G. Banasihan

Mark Joseph Marza

Adrian Vergel De Lima

Evelyn D. Aycardo

Khezy Mae T. Gundaya

Via Bianca S. Galido

Romalyn D. Gonzales

Clarence Jake Malabanan

Pebrero 2020
KABANATA 1

INTRODUKSYON

Ang dengue ay isang nakakahawang sakit pantropiko na dulot ng virus na

dengue. Ito ay hatid ng lamok na tinatawag na Aeidis Aeypti. Mapanganib ang

dalang sakit na sinasabing lamok sa ating kalusugan. Kapansin pansin ang mga

sintomas ng dengue ay lagnat, sakit ng ulo, kalamnan, pananakit ng kasukasuan

pagpapantal ng balat at mababang bilang ng platelet ng dugo.

Naimbento ang Dengvaxia vaccine sa Sanofi manufacture. Ang Dengvaxia

o CYD-TDV ay isang bakuna laban sa dengue na ginagamit upang protektahan

ang ating katawan laban sa sakit na dengue na dulot ng mga serotypes 1,2,3, at

4. Ang bakuna ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapasigla sa natural na

panlaban ng katawan na gumagawa ng sarili nitong proteksyon laban sa mga

virus na nagdudulot ng sakit na dengue.

Ang Dengvaxia ay ibinibigay sa mga matatanda, kabataan, at mga batang

nasa edad 9 hanggang 45 taong gulang. CYD-TDV ay ang tatlong dosts na may

sukat na 0.5 ml at itinurok sa bawat pagita ng anim na buwan. Ipinagbabawal

ang pagbibigay ng bakuna sa mga buntis, nagpapasuso at mga sumasailalim sa

chemotherap. Ilan sa mga epekto ng dengvaxia na maaaring maranasan ay ang

hirap sa paghinga, pamamasa ng mukha o lalamunan, mababang presyo ng

dugo na nagiging sanhi ng pagkahilo o pagbagsak.


SULIRANIN

Ang dengvaxia ay isang uri ng bakuna kontra dengue. Ito ay ginagawa ng

isang International Pharmaceutical Company na Sanofi Pasteur. Napatunayan na

isang bagong pag aaral ng New England (NEJM) na hindi ligtas ang bakunang

dengvaxia kapag naiturok sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue. Natuklasan

na ang mga naturokan ng dengvaxia ay may sinyales ng severe dengue na

dahilan ng pagkamatay umano ng dalawang batang sinasabing naturokan ng

dengvaxia. Tumaas pa ang kaso ng mga naturokan at di kalaunan ay namatay

din. Isa pang nakakabahala ay ang pagmamaga ng internal organs ng batang

naturokan ng dengvaxia at namatay. Nalaman ito dahil sa pagsasagawa ng

autopsy sa katawan ng mga taong ito. Sa kabilang banda, lubos ang

pagkabahala ng mga magulang at bata sa mga bakunang magmumula sa DOH o

Department of Health dahil sa mga pangyayaring ito.


LAYUNIN

Layunin ng aming pananliksik na malaman ang mga kaalaman o opinyon

ng mga mamamayan ng Barangay Tuntungin-Putho, Los Baños, Laguna tungkol

sa isyu ng dengvaxia vaccine, sapagkat sa patuloy na pag dami ng mga

natuturokan nito ay karamihan dito ay hindi maganda ang naging resulta. Isa sa

mga layunin din ng pananliksik na ito ay upang mapalawig ang kaisipan ng mga

pilipino sa mga kasong katulad ng dengvaxia. Mahalagang parte ang pananaliksik

bilang isang instrumento ng mga tao sa pagbibigay kamalayan sa publiko at ng

isang isyu at magbigay daan upang mas lalo pang mapag aralan ang isang

problemang kinakaharap ng Pilipinas ngayon.


KABANATA 2

Humigit kumulang 700,000 ang bilang ng nabakunahan ng

Dengvaxia kaya naman ang mga magulang ng mga batang

nabakunahan ay hindi maiiwasang magkaroon ng pangamba ukol sa

isyu ng Dengvaxia vaccine. Bagamat may mga negatibong epekto

ang nasabing bakuna ,may mga positibo parin na epekto ang

naimbentong solusyon sa problema. Ayon kay Ng Su Peing na pinuno

ng medical sa Sanofi Pasteur, dapat ikonsidera ang katotohanan na

ang dengvaxia vaccine ay magbibigay ng pangmatagal lunas

hanggang anim na taon bilang proteksyon laban sa dengue lalo na sa

mga taong may nakaraan na sakit sa impeksyon ng dengue. Base sa

pag aaral sa Pilipinas ay 90% na nasa edad 12 pataas ay may

dengue anti-bodies sa kanilang dugo. Ibig sabihin nito ay gagana ang

dengvaxia sa 90% na populasyon. Ayon kay Lyndon Lee Suy na

tagapagsalita ng Kalusugan ay mahigit 700,000 ang nabakunahan ng

Dengvaxia at mahigit70,000 ang hindi pa nagkakadengue. Mas

malaki parin ang bilang ng posibilidad ng epekto ng bakuna. Sa

ngayon, ay sumasailalim and Dengvaxia vaccine sa masusing

imbestigasyon ayon sa kagustuhan ng DOJ (Department of Justice)


para sa ikapapanatag ng mamamayan. Kailanga ng tamang paggamit

ng bakuna para sa epektibong paggana nito.

Sentro ng kontrobersiyangayon ang naturang bakuna na dala

ng disgrasya at hindi ang solusyon sa mga sakit na kinahaharap lalo

na ang pag kakaroon dengue. Hindi pa tumatagal ng ito’y maimbento

ngunit ipinapakalat na agad sa publiko. Hmigit P 7.5 million na pondo

ng bayan ang inilaan ng Gobyerno upang masolusyunan ang

nasabing problema, ngunit hindi katulad ng ating inaasahan. Ayon sa

iniulat sa Zanofi Pasteur, inamin nilang ang pharmaceutical company

na gumawa ng Dengvaxia na batay sa pinakahuli nitong pag aaral,

maaaring mas matindi ang tumamang dengue sa mga nabakunahan

na hindi pa nag kakadengue, pero hinayaan pa rin ng gobyerno na

maturukan ang mahigit kumulang 700,000 mga bata sa mga

pampublikong paaralan ang sumailalim sa dengue vaccine program

ng Department of Health (DOH) at 800,000 na sa ating mga

kapulisan ang nasabi rin sa kasama sa naturukan

Buwan ng Abril noon nang ilunsad ng gobyerno ang

programang nag bibigay ng libreng bakuna kontra dengue sa mga

bata sa mga lugar na maraming naitalang kaso ng dengue. Nagdulot


ng matinding pangamba ang isyung ito sa mga magulang matapos

malaman ang mga maaaring negatibong epekto ng bakuna sa mga

bata. Labis naman na pagdadalamhati ang naramdaman ng mga

magulang ng nasawing mga bata na naturukan ng nasabing dengue

vaccine.Naghudyat ang pangyayaring ito sa pagsusumite ng petisyon

ng mga pamilyang nabiktima sa Supreme Court laban sa gobyerno at

Sanofi Pasteur manufacturer. Nabigyang linaw na ang mga

respondent ng sangkot sa kinahaharap na kaso tulad nina Health

Secretary Francisco Duque III, Education Secretary Leonor Briones,

Department of the Interior and Local Government officer-in-charge

Catalino Cuy, Doctor Lindon Lee Suy, program director ng DOH for

Disease Prevention and Control at Food and Drug Administration

Director General Nela Charade Puno. Nais tiyakin ng mga petisyoner

na mabibigyan ng libreng medical na serbisyo ang mga naturukan ng

bakuna sakaling magkaroon ito ng malubhang reaksyon o side effect

dahil dito. Hiling din ng mga petisyoner sa Supreme Court na

obligahin ang DOH na isapubliko ang report ng task force na

nagmomonitor sa immunization program gamit ang Dengvaxia.

You might also like