You are on page 1of 1

Bakuna: nakakatulong ka ba?

Nitong nakaraang taon lamang, naging kontrobersyal ang usaping pagbabakuna sa Pilipinas dahil sa
dengue vaccination o “Dengvaxia” ng Philippine Department of Health (DOH) na ipinakilala noong
2016. Naglabasan ang mga balita tungkol sa naging pinsala ng bakunang ito sa mga bata.

Kayat hindi masisisi ang mga magulang kung matakot nang pabakunahan ang kanilang mga anak.
Nawalan na sila ng tiwala sa DOH dahil sa kontrobersiya ng Dengvaxia na ngayon ay bangungot na
nararanasan ng mga magulang dahil apektado ang kanilang mga anak.

Sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre taong kaslukuyan, ibinahagi ng Rural Health Unit personnel ang
bakuna para sa mga mag aaral sa unang baitang sa elementary at mga mag aaral sa ikaapat na baitang.
Habang paparating ang mga nakasuot ng puting uniporme , nagsipaglabasan ang mga bata.

Naitanim sa kanilang murang isipan ang mga balitang nakikita nila sa telebisyon ang pagkamatay ng mga
batang naturukan ng Dengvaxia ang dahilan ng kanilang takot.

Pilit ipinaabot ng pamahalaan ang tungkol sa kahalagahan sa pagpapabakuna ngunit wala silang magawa
dahil maraming mga magulang ang walang alam sa kaibahan ng Dengvaxia sa ibang uri ng bakuna.

Isa sa mga paraan upang makuha ang loob ng mga bata ay ang pagpapatawag ng RHU personnel sa mga
magulang. Tiniyak nilang maintindihan ng mga magulang ang kahalagahan ng pagpapaturok ng bakunang
measles-rubella at tetanus-diptheria sa lahat ng mga mag aaral sa unang baitang. At Human Papilloma
Virus (HPV) o Anti-Cervical Cancer para sa mga mag aaral na babae sa ikaapat na baitang.

Malaki ang sakripisyong ginawa ng mga RHU personnel upang hindi nila malabag ang karapatan
pantaong bawat bata kaya pinuntahan nila ang bahay ng mga batang hindi mabigyan ng libreng bakuna.
Isa na ito marahil sa mga paraan na ginawa nila upang maibalik ang nawawalang tiwala ng mga
mamamayan sa DOH.

Kakulangan sa sapat na kaalaman ang dahilan upang magdadalawang isip ang mga magulang. Dapat sana
sa mga magulang na kagaya ko lumapit sa mga himpilan o di kayay makinig sa mga balita sa telebisyon
para alamin ang mga kaganapan ng ating bayan higit sa lahat sa ating bansa.

Higit na kaayaaya ang taong may alam at pakikiisa. Hindi pakikibaka ang batayan ng pagpapatupad ng
programa kundi pagtutulungan at paghingi ng ideya ng bawat isa para maiwasan ang pagtuturuan at
pagtago sa mga katanungan.

You might also like