Professional Documents
Culture Documents
Ang damong ito ay isang pangkaraniwang halaman na tumutubo halos kahit saan sa Pilipinas. Sa paaralan
ng SOCES matatagpuan ang mga ito na naging sakit pa sa mata ng mga guro at mag-aaral dahil ito ay
nakikipagkompetensya sa pagtubo nga mga gulay, kaya kadalasan ay binabaliwala lamang ito. Pero ang hindi natin
alam, ito pala ay may taglay na sangkap na nakapagpapagaling ng maraming uri ng mga karamdaman. Ito ay ang
Paragis o Wire Grass.
Ang halamang gamot na Paragis ay may scientific name na Eleusine Indica. Maraming mga pag-aaral ang
nagsasabing ang Paragis ay may kakayahang gamutin o iwasan ang ilang partikular na mga sakit.
Lalong pinatunayan ang kakayahan ng Paragis noong ito ay naging tampok sa episode ng "Kapuso Mo,
Jessica Soho”. Sinaliksik ng programa ang kuwento ng ilang tao na umiinom umano ng katas na Paragis at
nagsabing gumaling ang kanilang karamdaman at bumuti ang kanilang pakiramdam.
Sa magandang dulot sa halamang Peragis ito ay inaalagaan at isa na sa halamang gamot na itinatanim sa
herbal clinic ng Socorro Central Elementary School and SPED Center.