You are on page 1of 3

ALAGAAN ANG PROSTATE

ANG prostate ay organ na kasinglaki ng castañas. Nakabalot ito sa


labasan ng ihi ng lalaki (urethra).

Karamihan ng lalaking edad 45 pataas ay nagkakaroon ng


bahagyang paglaki ng prostate. Ito’y dala ng pagbabago sa hormones
ng lalaki kapag umeedad.

Ang sintomas ng lumalaking prostate ay ang madalas na pag-ihi, at


pakonti-konti ang labas. Humihina rin ang daloy ng ihi at parang
hindi kumpleto ang iyong pag-ihi. Sa mga may edad, madalas silang
gumising sa gabi para umihi.

Ito ang mga paraan para alagaan ang prostate:

1. Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang iyong pantog at bato.

2. Uminom ng 8 basong tubig sa isang araw para manatiling


malinaw ang iyong ihi.

3. Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti


sauce. Mataas ito sa lycopene. Kailangan kumain ng 10 kutsarang
spaghetti sauce bawat linggo.

4. Uminom ng green tea (decaffeinated) sa halip na kape. Panlaban


sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxin sa katawan.

5. Kumain ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.

6. Kumain ng isda kaysa karne.

7. Umiwas sa matataba at matatamis. Iwas sa soft drinks, iced tea at


cakes.

8. Umiwas sa alak at kape. Nakakairita ito ng prostate.

Natural na lunas sa prostate:

1. Saw Palmetto – Ayon sa Journal of the American Medical


Association (JAMA), ang pag-inom ng saw palmetto ay nakababawas
sa sintomas ng lumalaking prostate. Ang saw palmetto ay
napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finasteride (brand name
Proscar) na nirereseta ng doktor.
2. May tulong din ang mga natural remedies tulad ng Pygeum, Nettle
root at Pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng
multivitamin na may zinc.

Medikal na gamutan sa prostate:

Kumunsulta muna sa isang Urologist bago uminom ng mga gamot na


ito.

1. Terazosin (brand name Hytrin) – Mabilis ang epekto ng Hytrin na


pagandahin ang daloy ng iyong ihi. Halos 1 o 2 araw lang ay may
pagbabago na.

2. Finasteride (Proscar) o Dutasteride (Avodart) - Binibigay ito sa


mga pasyenteng malaki na talaga ang prostate. Kailangan ito inumin
ng ilang buwan bago mapaliit ang iyong prostate.

May kamahalan ang mga gamot sa prostate (halos P100 bawat


tableta). Sana ay mapababa ang presyo ng gamot para mas marami
ang matulungan nito.

Kapag hindi nakuha sa gamot ay may ginagawang laser treatment


ang mga Urologist (iniinit ang prostate). Huwag matakot at
kumunsulta sa iyong Urologist. Good luck po!

You might also like