You are on page 1of 2

Strep Throat at Tonsillitis

Mas seryoso ang bacterial infection kumpara sa viral


infection. Ang karaniwang dahilan ng bacteria sa lalamunan
ay “Strep throat.”

Streptococcal bacteria ang dahilan ng strep throat at sobrang


nakahahawa ito. Kumakalat ito sa hangin sa pag-ubo o pag-
bahing o kaya sa pagsalo sa pagkain at inumin. Maaari rin ito
makuha sa pintuan, cellphone, mesa at gamit sa bahay, at
mailipat ito sa iyong ilong at bibig.

Kadalasan na nabubuo ang strep throat sa loob ng 2


hanggang 7 araw pagkatapos mahawa ang isang tao. Ang
mga batang edad 5 hanggang 15 ay madalas mahawa sa
kaklase.

Karaniwan sintomas ng strep throat ay:


1. Pamamaga ng tonsils at kulani (lymph nodes).
2. Masakit kapag lumulunok.
3. Mapula at may nana sa lalamunan.
4. Mataas na lagnat.

Ang strep throat kung hindi magagamot ay maaaring


humantong sa komplikasyon gaya ng pamamaga ng kidney at
rheumatic fever. Ito ay kinakailangan magamot ng tamang
dosis ng antibiotics. Kumonsulta sa iyong doktor.

You might also like