You are on page 1of 2

Iwasan ang Cramps o Pulikat

Payo ni Doc Willie Ong

Ang pulikat ay ang biglaang paninigas ng muscle ng


ating katawan. Kadalasan, dahil ito sa pagkapagod ng
muscle, dehydration at muscle strain.
Minsan, naiipit ang nerve sa balakang o laging nakaipit
sa isang pwesto ng matagal. Kapag kulang sa mineral
ang katawan, tulad ng mababa sa potassium, calcium,
at magnesium, puwede din pulikatin.
Ang mga taong madalas pulikatin ay ang may edad,
kulang sa tubig na iniinom, buntis at mga may sakit sa
diabetes at thyroid.

First Aid sa pulikat:


1. Stretch at i-masahe – I-stretch ang bahagi ng muscle
na namulikat o nanigas at dahan-dahang i-masahe
para ito ay ma-relax,
2. Hatakin ang paa - Para sa namulikat na binti o paa, i-
deretso ng bahagya ang binti at hita. Kung hindi
makatayo, umupo sa sahig o silya kasama ang iyong
apektadong binti.
3. Hot o Cold compress - Gumamit ng hot compress
para mabawasan ang sakit ng pamumulikat.

Para Maiwasan:
1. Iwasan ang makulangan sa tubig - Uminom ng 8-10
basong tubig araw-araw. Ang dami ng iinuming tubig
ay depende sa iyong mga ginagawa, panahon at edad.
2. I-stretch ang muscle – I-stretch bago o pagtapos mo
gamitin ang anumang bahagi ng muscle o kalamnan.
Kung nagkakaroon ng pamumulikat ng binti sa gabi,
mag-stretch muna bago matulog. Maaari itong
makatulong upang maiwasan ang pamumulikat sa
gabi.

You might also like