You are on page 1of 29

Pangunang Lunas

Para sa Ibang mga


Pinsala o Kondisyon
Paso o Lapnos
Pangunang Lunas

Bahagyang Paso na di-Nagkakaroon ng Paltos


(1st degree)
 Pahiran o agad na ilubog sa malamig na tubig
ang napasong bahagi o padaanan ng malamig
na tubig galling sa gripo ng 15-20 minute
 Kapag may burn ointment, pahiran ang
bahaging napaso at kung wala naman
maaaring balutan ng ilang piraso ng bahaging
gitna ng katawan (stem) ng saging.
Paso o Lapnos
Pangunang Lunas

Paso na nagiging Sanhi ng Paltos(2nd degree)


 Huwag paputukin ang paltos.
 Kapag pumutok ang paltos,maingat na
hugasan sa sabon at malinis na tubig.
 Balutan ng maluwag na tela (bandage) upang
maiwasang malagyan ng dumi,alikabok,at
hindi madapuan ng insekto.
 Tumawag ng ambulansiya o kaya’y dalhin agad
sa ospital.
Paso o Lapnos
Pangunang Lunas

Matinding paso (3rd degree)


 Kapag may damit na nakatakip sa matinding
paso, alisin ito.Kapag ang tela ay nakadikit sa
napasong bahagi,basain ito ng pinakuluang
tubig na pinalamig.
 Dapat uminon ng maraming tubig upang
maiwasan ang pagkatulala at pagkawala ng
likidon ng katawan mula sa sa kumakatas na
paso.
Paso o Lapnos
Pangunang Lunas

Matinding paso (3rd degree)


 Balutan ang napasong bahagi ng malinis na
tela o tuwalya.Hayaang nahahanginan ang
paso,pero natatakpan ng malambot na tela o
damit para mapangalagaan laban sa alikabok
at langaw.
 Huwag papahiran ng grasa,taba,toothpaste,o
anumang bagay ang bahaging napaso.
Paso o Lapnos
Pangunang Lunas

Matinding paso (3rd degree)


 Tummawag ng ambulansya o kaya’y dalhin
agad sa ospital
Paso o Lapnos
Pangunang Lunas

Paso sa Paligid ng Kasukasuan (Joints)


 Kapag nagkaroon ng matinding paso sa
pagitan ng mga daliri, sa kilikili, o sa ibang
kasukasuan, ang mga gasang may burn
ointment ay dapat ilagay sa pagitan ng mga
bahaing napaso upang maiwasang magdikit-
dikit angmga ito habang naghihilom.
 Dapat ding paulit ulit na unahin sa isang araw
ang mga daliri, braso at binit habang
pinagagaling.
Pagkalason sa Pagkain
Pangunang Lunas

 Uminom nang maraming fluid gaya ng tubig,


sabaw, o juice.
 Uminom ng ORS o oral rhydrating solution
kapag madalas at matubig na pagdumi.
Puwedeng gumawa ng ORS sa pamamagitn ng
paghalo ng 2 kutsarang asukal at ¼ kutsarita
ng asin sa isang baso ng tubig.
 Huwag uminom ng mga gamut naa kontra-
diarrhea kung hindi madalas ang pagdumi
Pagkalason sa Pagkain
Pangunang Lunas

 Kumain nang paunti-unting malalambot at


madaling matunaw na pagkain kung kaya na
para hindi mabigla ang tiyan. Iwasang kumain
ng dairy products, maanghang, at
mamantikang pagkain.
 Dalhin agad sa ospital kapag hindi pa humupa
ang sintomas.
Kawalang Malay
Pangunang Lunas
 Paupuin ang may karamdamn sa isang slya at
ibaba ang ulo sa pagitan ng mga tuhod.
 Pahigain na ang ulo ay mas mababa kaysa
kinalalagyan ng mga paa. Ito ay upang
padaluyin ang dugo sa ulo.
 Suriin ang pulso at paghinga kung malakas.
Kung ang paghinga ay mabilis at malakas ang
pulso, kumuuha ng supot na papel o plastic na
may sapat na laki upang dito pahingahin ang
pasyente. Kung hindi sya muling magkamalay
sa loob ng 15-20 minuto, dalhin agad ito sa
ospital
Kawalang Malay
Pangunang Lunas

 Tumawag ng manggagamot o kaya ay dalhin


ang pasyente sa pinakamalapit na ospital
 Kung ang pasyente ay hindi pa nakakakain sa
loo ng anim na oras o higit pa, o di kaya’y may
diabetes, bigyan ng kaunting fruit juice.
Pinsalang Musculoskeletal
Pangunang Lunas

Pilay (sprain/strain)

 Itaas ang pinsalang bahagi sa maayos at


komportableng posisyon at lagyan ng malamig
na pantapal (cold compress) o lapatan agad
ng yelong nababalot sa damit ang napinsalang
bahagi, tatlong beses maghapon
Pinsalang Musculoskeletal
Pangunang Lunas

Pilay (sprain/strain)

 Pagkatapos ng ilang araw, maligamgam naman


na pantapal (warm compress) ang ilagay
hanggang sa mawala ang pamamaga.
 Kapag namamaga pa rin ang napinsalang
bahagi, dalhin na sa malapit na pagamutan
upang matingnan sa pamamagitan ng x-ray.
Pinsalang Musculoskeletal
Pangunang Lunas

Pulikat (muscle cramps)

 Pahingahin ang bahagi ng katawan na may


pulikat. Ihinto ang ginagawa na nagging sanhi
nang labis na paggamit ng kalamnan at
pagtigil sa isang posisyon sa matagal na
panahon.
 Marahang unatin at masahiin ang
namamanhid na kalamnan hanggang sa ito ay
mawala.
Pinsalang Musculoskeletal
Pangunang Lunas

Pulikat (muscle cramps)

 Ilagay ang cold pack sa bahaging may pulikat


upang ma-relax ang naninigas na mga
kalamnan. Kung mayroong narandamang sakit
o panlalambot ng mainit na tubig kapag
maliligo.
 Iunat ng madalas ang binti, uminom ng
maraming tubig, at kumain ng pagkaing
mayaman sa potassium.
Pinsalang Musculoskeletal
Pangunang Lunas

Pagkabali ng buto at Pagkatanggal ng Buto


sa Kinalalagyan o Puwesto (dislocation)

 Iwasang galawin sa kinalalayan ang taong


napinsala.
 Buhatin lamang ang biktima kapag maayos na
ang pagkakapuwesto sa stretcher patungong
sasakyan o ambulansiya.
 Isugod ang pasyente sa malapit na ospital
Tukuyin ang mga pangunahing lunas sa mga pinsala at
kondisyon.
a. Pilay b.kawalang malay
c. Pagkalason sa pagkain d. paso
e. Pulikat f. pagkatanggal ng
buto sa kinalalagyan
o puwesto

__1. Masahiin ang namamanhid na kalamnan.


__2. itaas ang napinsalang bahagi sa maayos at
komportableng posisyon at lagyan ng malamig
na pantapal (cold compress)
Tukuyin ang mga pangunahing lunas sa mga pinsala at
kondisyon.
a. Pilay b.kawalang malay
c. Pagkalason sa pagkain d. paso
e. Pulikat f. pagkatanggal ng
buto sa kinalalagyan
o puwesto

__3. Huwag paputukin ang paltos.


__4. paupuin ang ga karamdaman sa isang silya
at ibaba ang ulo sa pagitan ng mga tuhod.
__5. uminom nang maraming fluid gaya ng
tubig, sabaw, o juice.
MAE ROSE DAGA FRANCISCO
MANGGAHAN ELEMENTARY SCHOOL

You might also like