You are on page 1of 6

FILIPINO Nov.

21 , 2019 Thursday

VI - Alexandrite 9:30 - 10:30

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalag sa
wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.

B.Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan.
Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram
sa aklatan, pagkukuwento , pagsulat ng tula at kuwento.

C. Mga Kasanayan sa pagkakatuto


Nabibigyang kahulugan ang kilos at pananalita ng mga tauhan sa napakinggang kwento
(F6PN-IIIf-19)
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon
F6PLOa-j-2

II.Nilalaman
Pagbibigay kahulugan sa kilos at pananalita ng mga tauhan sa napakinggang kwento
(F6PN-IIIf-19)
Paggamit ng wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon
F6PLOa-j-2
III.Mga Kagamitang Panturo.

SANGGUNIAN : LRDMS PORTAL MISOSA 5


PARABULA – “ ALIBUGHANG ANAK “
Youtube : https://www.youtube.com/watch?v=80Y040qkw0U
Youtube https://www.youtube.com/watch?v=LlMOSmRXtAQ
KAGAMITAN: Powerpoint ,tsart

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1.Pagsasanay
Panuto:Isenyas sa pamamagitran ng kamay ang logo ng MCDO kung nagpapakita ng magandang
pakikitungo sa kapwa at logo ng PIZZA HUT kung hindi.

1.”E ano kung anak ka ng aming kasambahay,basta ikaw ang bestfriend ko”.
2.”Nakakahiyang katabi si Lara.Lumang-luma ang suot.Baka isipin ng iba kaibigan ko siya.”
3.”Hoy,tumabi ka nga! Daraan ako.”
4.”Dito ka sa tabi ko.Share tayo sa aklat ko.”
5.” Sori, natapakan kita.Hindi ko sinasadya.”
2. Balik-aral
Panuto: Itaas ang puting kamay kung Opinyon at kayumangging kamay kung Katotohanan
ang mga pahayag sa ibaba.
1. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula,puti at dilaw.
2. Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
3. Karapatan ng bawat mamamayang Pilipino ang makapag-aral.
4. Ang Bulkang Mayon ay may halos perpektong kono.
5. Ang asignaturang Matematika ay mahirap maintindihan.

B.Paglinang ng Aralin
1.Pagganyak
a. Panonood ng video clip

Paano nga ba naipapakita ang pagmamahal ng magulang sa kanyang anak?


Bilang anak,ano ang ginagawa mo upang maipakita ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang?

2.Paghawan ng balakid

alibugha – mapaglustay o walang pakundangan sa paggasta.


suwail - hindi masunurin ,matigas ang ulo
walang habas - walang pakundangan, malabis
marangya - magarbo
nagwaldas – nag-ubos

3.Paglalahad
PARABULA “ ALIBUGHANG ANAK “

Isang mayamang ama ang may dalawang anak. Ang bunsong anak ay nagsabi sa
ama ng ganito, “Ama ibigay mo na sa akin ang aking mana”.
Hinati ng ama ang kanyang kabuhayan at ibinigay ang 50 porsiyento ng kanyang kayamanan sa
busong anak. Wala siyang magawa sa matigas na loob ng anak.

Tanong: Ano ang gustong mangyari ng bunsong anak?


Paano hinati ng ama ang kanyang ari-arian?
Paano mo bibigyang kahulugan ang ginawa ng anak?
Bakit kaya ibinigay ng ama ang hinihingi ng bunsong anak?
Nang makuha ng busong anak ang kanyang mana, naglayas siya ,buhat sa Silangan ay
naglakbay siya ng malayo patungo sa Timog na bahagi ng lugar. Doon ay ginasta nang walang habas
sa rangya at luho ang kanyang mana nang maubos ang kanyang minana, nagkaroon ng taghirap sa
pinuntahang lugar.Lumipat siya sa bahaging Kanluran ngunit sadyang mailap ang kapalaran.Wala na ni
isang kusing na natira sa kanyang mana. Ang bunsong anak ay namasukan bilang tagapagpakain ng
mga baboy. at

Nakaranas ng hirap. Kung minsan ang mga tirang pagkain ng baboy ang kanyang kinakain.
Para siyang pulubi. Gusgusin ang mga damit at walang sapin sa paa.

Naalala niyang sa bahay ng kanyang ama ay napakasarap ang kanyang kinakain pati na rin ang mga
alipin.

Nagpasya siyang bumalik. Humingi siya ng tawad, ‘ Ako’y ‘di karapat dapat bilang iyong anak. Ama,
gawin mo na lang akong alipin”.

Subalit inutusan ng ama ang kanyang mga tagapamahala, “Kumuha ng magandang damit at bihisan
ang aking anak. Lagyan ng singsing ang kanyang daliri. Katayin ang pinakamalusog na baka.
Ipagdiwang natin ang kanyang pagdating”.

Tanong :Batay sa ginawang pagbalik ng anak,ano ang nais nitong ipahiwatig?


Paano ipinakita ng ama ang kanyang kasiyahan sa pagbalik ng bunsong anak?
Ano ang kahulugan ng kanyang ginawa?

Nang dumating ang panganay na anak mula sa bukid, nagtaka siya sa ginawa ng kanyang ama.
Sinabi niya sa kanyang ama, “ Ako ama ay hindi sumuway sa mga utos mo sa lahat ng pagkakataon,
pinagsilbihan kita. Ngayon, na dumating ang anak na naging suwail sa iyo,
nagwaldas ng iyong mga ipinama, ipinaghanda mo pa siya nang marangya!”.
Nagpaliwanag ang Ama, ipinagdiwang natin ang pagdating ng iyong kapatid dahil hindi namatay at
muli pang nabuhay! Nawala na siya ngunit ngayo’y muling nagbalik! Nararapat lang na tayo ay magsaya
at magdiwang!”.
Tanong:

Ano ang kahulugan ng sinabi at ikinilos ng panganay na anak sa ginawang pagsalubong ng ama
sa bunsong kapatid ?

-- Paano mo bibigyang kahulugan ang sinabi ng ama na ang iyong kapatid ay namatay at muling
nabuhay? Anong damdamin ang nakapaloob dito?

3.Pagtalakay sa aralin
1. Wasto ba na humingi ng tawad ang anak sa ama?
2.Anong kahalintulad na kasalanan ang nagawa mo sa iyong magulang?
.Ano ang ginawa ng magulang mo ?Bakit kaya niya ito ginawa?
3.Kung nakagawa ka ng kasalanan sa iyong kapwa?
Paano mo ipinapakita ang iyong pagsisisi

3. Batay sa napakinggang kuwento,ano ang kahulugan ng mga ikinilos ng mga tauhan?

CHARACTER CHART

AMA

BUNSONG
PANGANAY
ANAK
NA ANAK

, “Ama ibigay mo Ibinigay ang kalahati ng Hindi iniwan ang ama


na sa akin ang
kayamanan sa bunsong at patuloy na
aking mana”.
anak nagtrabaho sa bukid

Winaldas ang lahat ng Sinalubong ng yakap ang


pera sa luho at sugal. Ako ama ay hindi sumuway sa mga
busong anak nang siya’y
magbalik
utos mo, pinagsilbihan kita.
Ngayon, na dumating ang anak na
naging suwail sa iyo,
Ipinaghanda ng ipinaghanda mo pa siya nang
‘ Ako’y ‘di karapat dapat
marangya ang marangya!”.
bilang iyong anak. Ama,
pagbabalik ng anak
gawin mo na lang akong
alipin”.
Rubriks para sa Pangkatang Gawain
DULA-DULAAN
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1.May kaangkupan sa paksa

2. Malinaw ang bigkas. Napalutang nito ang


damdaming namamayani rito

3. Kahika-hikayat

Kabuuang Puntos

5 – Napakahusay 3 – Mahusay- husay 1- Sadyang Di- Mahusay


4- Mahusay 2. Di- mahusay

Rubriks sa Pagbibigay kahulugan sa kilos sa larawan.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1.Ang sitwasyon ay akma sa kilos o damdaming
nakapaloob sa larawan.

2. Maliwanag ang pagkakalarawan sa kahulugan ng kios.

3. Kahika-hikayat ang mga sitwasyong inilahad.

Kabuuang
Puntos

5 – Napakahusay 3 – Mahusay- husay 1- Sadyang Di- Mahusay


4- Mahusay 2. Di- mahusay

4. PANGKATANG GAWAIN
Pangkat I- Bigyang kahulugan ang kilos na isinasaad sa bawat bilang.Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Pangkat II – Gumawa ng maikling dula-dulaan .Ilarawan ang katangian ng bawat tauhan.
Pangkat III- Pagtukoy sa damdaming namamayani batay sa pangyayaring nakalahad.
Pangkat IV- Pagbibigay kahulugan sa kilos ng tauhan na nakasaad sa larawan.
5. Paglalahat
Paano malalaman ang kahulugan ng kilos at damdamin ng isang tauhan sa kuwento?

6.Paglalapat
Panonood ng video clip “PITAKA “

1.Sa unang yugto ng napanood,ano-ano ang ginawa ng kuya upang kumita ng pera?
2. Saan niya gugugulin ang kanyang kinita?
3.Paano mo bibigyang kahulugan ang kanyang mga kilos?
4.Tama lang ba ang isinukli ng nkababatang kapatid sa ginagawa sa kanya ng kanyang kuya?.Ano ang
masasabi mo sa kanyang ginawa?
4.Isang araw matapos makita ng kuya na naguwi ng nobya sa kanilang bahay
ang bunsong kapatid ano ang kanyang ginawa?.Paano mo ito bibigyang kahulugan?
5.Sa huling yugto,ng palabas,ano ang ginawa ng bunsong kapatid.Bakit kaya niya ito ginawa?
6.Nangyari ba ito sa iyong buhay.Sino ang gumagawa nito,at bakit kaya niya ginagawa?
7.Gaano ba kahalaga ang pagmamahal?

7.Pagpapahalagang Pangkatauhan

Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong magulang?

IV. Pagtataya

Ibigay ang kahulugan ng ikinikilos ng mga tauhan sa bawat sitwasyon. pumili ng tamang sagot sa
kahon.
nagagalit nag-aalala natutuwa
naiirita tumututol

1.”Owww ! Ang sakit sa tainga.Ano iyon?”


2. “ Huwag naman.”
3. “Natanggal ako sa trabaho. Paano na tayo? “
4. “Bwisit ! Lumayo ka nga sa akin.
5. “Salamat sa ibinigay mong regalo.”

IV. Takdang-aralin
Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa kung paano mo maipakikita ang pagmamahal sa
magulang.

You might also like