You are on page 1of 6

Learning Area Filipino 9 WEEK 1 (MARCH 2021)

Learning Delivery Modality Modular Distance Learning

Paaralan LIPA CITY NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang SIYAM (9)

Guro ARNEL M. SAMPAGA Asignatura FILIPINO

Petsa/ LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES


Markahan IKATLO
Oras
TALA SA
PAGTUTURO MARCH
22-26,2021

Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


(a) mapatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasaluluyan
I. LAYUNIN (b) mabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa parabula
(c) magagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng
damdamin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya.

Ang mga masining na nakapgtatanghal ng kulturang Asyano na


B. Pamantayang
masasalamin sa napiling akdang pampanitikan ng Asyano
Pagganap

(MELC 61- ) Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang


C. Pinakamahalagang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasaluluyan
Kasanayan sa (MELC 62)- Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag sa
Pagkatuto parabula
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang (MELC 63)- Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi
kasanayan sapagkatuto o ng damdamin
MELC)

D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang WALA
pagpapaganang kasanayan)

II. NILALAMAN ARALIN 1: PAG-UNAWA SA PARABULA


III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa
Gabay ng Guro MELC FILIPINO G9Q3, PIVOT BOW R4QUBE, CURRICULUM GUIDE
b. Mga Pahina sa
Kagamitang PIVOT 4A Learner’s Material pahina 1-3
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Learning Resource Portal sa https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo • Powerpoint Presentaton,
para sa mga Gawain • kagamitang pampagkatuto at
sa Pagpapaunlad at • google meet access
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMAMARAAN
A. Panimula
Panuto :Basahing mabuti ang akda. Sagutan ang mga pagsasanay sa
ibaba.

Parabula ng Alibughang Anak


May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki. Ang wika
ng bunso, “Ama , ibigay na po ninyo sa akin ang mamamnahin ko, “. At
ibinahagi ng ama sa kanila ang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw,
i[inagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong
lupain, taglay ang buo niyang kayamanan,at doo’y nilustay na lahat sa
di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang
kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at
nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing
yaon. Siya ay pinapunta sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana
niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy na
ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang
mapag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang
sarili, “ Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at
lumalabis pa, samantalang ako’y namamatay na sa gutom dito. Babalik
ako sa kanya at sasabihin ko , “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa
inyo. Hindi na po ninyo ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak ;
ibilang na lamang ninyo ako sa inyong mga alila.” At tumindig siya at
pumaroon sa kanyang ama. Malayo pa ay natanawan na siya ng ama at
ito’y labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang sinalubong,
niyakap at hinagkan.Sinabi ng anak, “Ama,nagkasala po ako sa Diyos
at sa inyo. Hindi na po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak.”
Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, “ Madali! Dalhin ninyo
rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya Suotan siya ng
singsing at panyapak. Kunin ang pinakamatabang guya at patayin;
kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito,
ngunit muling nabuhay; Nawala, ngunit nasumpungan. “ At sila ay
nagsaya. Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at
malapit na sa bahayay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag
niya ang isa sa mga alila at tinanong. “ Bakit? May ano sa atin?” “
Dumating po ang inyong kapatid!” tugon ng alila. “ Ipinapatay ng
inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhat at
walang sakit,” Nagalit ang panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay.
Kaya’t lumabas ang ama at inamu-amo siya. Ngunit sinabi nya,
pinaglingkuran ko po kayo sa loob nang maraming taon, at kalian ma’y
hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsan ay hindi ninyo ako binigyan
ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga
kaibigan. Subalit nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong
kabuhayan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang
guya!’ Sumagot ang ama, “Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-
arian ko ay sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay, nawala ngunit
muling nasumpungan.”
(mula sa Pinagyamang Pluma 9, pahina 292-293, Ang Bagong Tipan
Lukas 15:11-32) Gr 9 Worktext – FILIPINO Quarter 3 ARALIN 2
Gawain 1

Pamprosesong tanong:

1. Ilarawan ang ama sa akdang binasa.

2. Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha kaagad ng kanyang


mana? Bakit? Pangatwiranan.

3. Ipaliwanag ang naging bunga ng ginawa ng anak na pagtatakwil sa


magulang. Sumulat ng katulad na pangyayari na iyong napanood o
nasaksihan.

4. Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa muling


pagbabalik ng kanyang anak? Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama,
ganoon din ba ang gagawin mo? Pangatwiranan.

Parabula

Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan


ng diin ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan
at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.

Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na


kahulugan; ang binibigyan ng dim ay aral sa kuwento.

Gawain 2

Panuto:Sipiin sa sagutang papel ang mga pangungusap. Lagyan ng


tsek ang bilang ng mga pangyayaring maaring mangyari sa tunay na
buhay. Magtala ng kaparehong pangyayari na maaring naganap o
nagaganap sa tunay na buhay na nasaksihan, nabalitaan, nabasa o
napanood.
B. Pagpapaunlad
___1. Hiningi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa ang
magulang niya.
______________________________________________________________________
___2. Nilustay ng anak ang kanyang minana sa hindi wastong
pamumuhay.
______________________________________________________________________
___3. Nang mahirapan ang anak ay namauskan ito bilang alila .
______________________________________________________________________
___4. Dahil sa paghihirap, nagsisi ang anak sa kanyang ginawa at
naalala ang magulang.
______________________________________________________________________
___5. Bumalik ang anak at humingi ng tawad sa magulang . Pinatawad
ang anak at pinatuloy na muli sa kanyang tahanan.
____________________________________________________________________

C. Pakikipagpalihan Gawain 3
Panuto: Basahing mabuti ang mga piling matalinghagang pahayag ng
tauhan sa parabula. Ipaliwanag sa pamamagitan ng dalawa o tatlong
pangungusap ang nais ipahiwatig ng nagsasalita.
1. “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako
karapat-dapat na tawagin ninyong anak.”
______________________________________________________________
2. “Dapat tayong magsaya at magalak sapagkat namatay na ang
kaptid mo ngunit muling nabuhay, Nawala ngunit
nasumpungan”
_______________________________________________________________
3. “Madali! Dalhin ninyo ang pinakamahusay na damit at isuot sa
kanya. Suotan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang
pinakamatabang guya at patayin. Kumain tayo at magsaya.”
________________________________________________________________
D. Paglalapat
Gawain 4
Panuto: Basahin ang sumusunod na dayalogo ng mga tauhan sa
parabula. Sumulat ng angkop na tugon sa bawat dayalogo. Pagkatapos
ay piliin ang pang-uri na angkop sa sidhi ng damdaming ipinahahayag
ng naunang pahayag.Isulat sa sagutang papel.(mula sa Pinagyamang
Pluma 9)

1.

Ang mga alila ng aking ama


ay may sapat na pagkain at Pagkagalit
Paghihinayang
lumalabis pa, samantalang
Pagkabagot
ako’y namamatay sa gutom pagkahabag __________________

2.

Pagkainsulto Hindi na po ako karapat-


Pagpapakumbaba dapat na tawagin ninyong
Pagmamalaki anak, ibilang na lamang
pagkahiya
ninyo ako bilang isang alila
__________________

3.
Madali! dalhin ninyo ang
pinakamahusay na damit at isuot sa
kanya.Suotan siya ng singsing at
panyapak. Kunin ang
pinakamatabang guya at patayin.
Kumain tayo at magsaya.
Pagkagutom
Panlulumo
Pagsasaya
pasakit

4.

Pinaglingkuran ko po kayo sa loob


pagkainggit
ng maraming taon , at kailan man
pagkapagod
ay hindi ko kayo sinuway . Ngunit
pagkalito _________________
kalian man ay hindi ninyo ako
panghihinayang
binigyan ng kahit isang bisirong
kambing para magkatuwaan kami
ng aking mga kaibigan.

5.

Pagkalito
Pagkasabik
Anak, lagi kitang kapiling. Ang
Pagkagalit
lahat na ari-arian ko ay sa iyo .
pagsasaya
Ngunit dapat tayong magsaya at
_________________
magalak sapagkat nagbalik ang
iyong kapatid

V. PAGNINILAY Panuto: Ibahagi ang iyong natutunan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Inihanda ni:

ARNEL M. SAMPAGA
Guro I

Binigyang-pansin ni:

ADELIA P. MALITAO

Ulongguro I

Pinagtibay ni:

JOE I.TITULAR

Punongguro IV

You might also like