You are on page 1of 19

1. Ano ang parabula?

2. Sa anong paraan ipinahahayag


ang mensahe sa parabola?
3. Ano ang nililinang sa atin ng
mga mensaheng iyon?
Kung ikaw ay papipiliin sa
a.) mabatong lupa, b.)
matinik na halaman, at
k.) matabang lupa, alin ka
rito at bakit?
1. Nailalahad ang aral o mensaheng
nakapaloob sa pinanood na talinghaga
2. Naibibigay ang literal, simboliko, at
ispiritwal na kahulugan ng matatalinhagang
pahayag na ginamit sa parabula o talinghaga
3. Nagagamit ang kaalaman at kasanayan sa
ICT sa pangkatang gawain
Aralin 3.2
B.Gramatika/Retorika:
Pagpapakahulugang
Metaporikal
Lunsaran: Ang Talinghaga Tungkol
sa Manghahasik
(Mateo 13:1-9, 18-23)
Ang Talinghaga Tungkol
sa Manghahasik
(Mateo 13: 1-9, 18-23)
Mga gabay na tanong:
1. Sino ang nagsasalita sa talinghaga? Sino ang
kanyang mga kausap?
2. Sino ang bida sa talinghaga? Ano ang ginawa
niya?
3. Aling binhi ang sumibol at namunga ng
marami? Alin ang namatay at nasayang
lamang?
4. Sa kabuuan ng parabola, sino ang sinisimbolo
ng mabatong lupa, matinik na halaman, at
matabang lupa? Pangatwiranan ang iyong
sagot.
Para sa Pagsasanib ng
Gramatika/Retorika
Bigyang-pansin kung paano ginamit ang
mga sumusunod na salita:
a. binhi
b. manghahasik
c. mabatong lupa
d. matinik na halaman, at
e. matabang lupa
Pansinin ang pagbabago sa ipinapakahulugan ng
mga salitang may salungguhit sa loob ng bawat
pangungusap.
a. Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
b. Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
Pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa
literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay
kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
 DENOTASYON at KONOTASYON
Denotasyon – tumutukoy sa likas o literal na
kahulugan ng salita
Konotasyon – malalim pagpapakahulugan sa
isang salita batay sa pagkakagamit dito sa isang
pahayag o sitwasyon
a. Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.
(denotasyon)
b. Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.
(konotasyon)
Iba pang kahulugan:
1. Punasin mo ang pawis mo sa likod para
hindi ka mapasma.
2. Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad
ko sa tuition fee mo.
3 paraan sa pagbibigay ng
pagpapakahulugang metaporikal sa
parabula:
1. Literal – likas na kahulugan ng salita
(denotasyon)
2. Simboliko – ideyang sinasagisag o
kinakatawan ng salita batay sa
pagkakagamit dito
3. Ispiritwal – pagbibigay ng interpretasyon
sa salita ayon sa sariling paniniwala,
karanasan, pagpapahalaga, at
pananampalataya
Panuto: Batay sa pagkakagamit ng
mga sumusunod na salita sa
talinghaga, ibigay ang literal,
simboliko, at ispiritwal na
kahulugan nito.
a. manghahasik
b. binhi
1.Maituturing bang mahalaga sa
ating buhay ang pagkakaroon ng
pananampalataya? Bakit?
2.Bilang isang kabataang
Kristiyano, paano mo isasabuhay
ang katangian ng matabang lupa
batay sa talinghaga? Ipaliwanag.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang
parabola?
2. Ano ang pagpapakahulugang
metaporikal?
3. Paano nakatutulong ang kaalaman
tungkol sa 3 paraan ng
pagpapakahulugang metaporikal sa
pag-aaral ng parabula?
Panuto: Ibigay ang literal,
simboliko, at ispiritwal na
kahulugan ng mga sumusunod na
pahayag na ginamit sa talinghaga.
Pagkatapos, ibahagi ang naging
kasagutan ng inyong pangkat gamit
ang powerpoint presentation.
Pangkatang Gawain
Panuto: Ibigay ang literal, simboliko, at ispiritwal
na kahulugan ng mga sumusunod na pahayag
mula sa talinghaga. Pagkatapos, ibahagi ang
naging kasagutan ng inyong pangkat gamit ang
powerpoint presentation.
Pahayag mula sa Literal na Simbolikong Ispiritwal na
talinghaga kahulugan kahulugan kahulugan
(pangkat 1) (pangkat 2-3) (pangkat 4-5)
1. Mabatong lupa

2. Matinik na
halaman
3. Matabang lupa
RUBRIC o PAMANTAYAN sa PAGMAMARKA:
PUNTOS 4 3 2 1
a. Kawastuan Tama ang Dalawa Isa lamang
ng sagot lahat ng lamang ang ang tamang
kahulugan na tamang kahulugan na
ibinigay kahulugan na ibinigay
ibinigay
b. Pagsunod Natapos sa Natapos nang Natapos nang
sa itinakdang takdang oras lampas sa 1-3 lampas sa 4 o
oras minuto batay higit pang
sa itinakdang minuto batay
oras sa itinakdang
oras
c. Kaalaman/ Alam na alam May May Nangangaila-
kasanayan sa ang lahat ng kaalaman kaalaman ngan pa ng
paggamit ng wastong keys ngunit may ngunit may 3 kaalaman at
o application
ICT 1-2 na keys o 4 na keys kasanayan sa
na dapat
gamitin sa ang maling ang maling paggamit ng
pagsulat ng ginamit ginamit ICT sapagkat
kasagutan may 5 o higit
gamit ang pang keys
powerpoint ang maling
TAKDANG ARALIN:
Sumulat ng sariling
parabola na kapupulutan
ng aral ng mga mag-aaral
tungkol sa pag-aaksaya ng
papel.
Maraming
salamat…

You might also like