You are on page 1of 4

FILIPINO 9

Ikatlong Markahan – Panitikang Asyano


Modyul 1: Ang Talinghaga
Tungkol sa May-ari ng Ubasan

Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, natutuhan mo ang mga sumusunod na


kasanayan:
1. napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na
buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50); at
2. nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag (F9WG-IIIa-53).

Ano ang Parabula?


Ang parabula ay isa ring anyo ng panitikan gaya ng maikling kuwento, pabula at iba pa. Ito ay
makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal
na Aklat.
Ang mga pangunahing tauhan sa parabula ay mga tao. Ang mga aral na mapupulot dito ay
magsisilbing patnubay sa marangal nilang pamumuhay. Ang mga mensahe ng parabula ay
isinusulat sa matatalinghagang pahayag. Ang parabula ay maaaring iugnay sa karanasan at
pangyayari sa buhay ng tao o sa paligid.
Mga Halimbawa ng Parabula
1. Parabula ng Alibughang Anak (Lukas 15:11-32)
2. Parabula ng Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37)
3. Parabula ng Mayaman at si Lazaro (Lukas 16:19-31)

Halina’t iyong basahin at unawaing mabuti ang parabula upang higit na maunawaan ang
pagkakaiba nito sa iba pang uri ng akdang pampanitikan at ang kahalagahan nito upang
mapatunayang ang mga pangyayari dito ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan


(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga
upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa
upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa
kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng
iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at
magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga
sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng
hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima nang hapon, siya’y lumabas muli
at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayu-tayo
lang kayo rito sa buong maghapon?” Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot
nila. Kaya’t sinabi niya,” Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mo na
ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.”
Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak.
Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit
ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho
sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, "Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating,
samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit
naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa
kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?
Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli
nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang
aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?”
Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli”.

Mahusay! Ang parabulang iyong binasa ay naglalaman ng mga matatalinghagang salita at


pahayag.
Ano ang Matalinghagang Pahayag?
Ang matalinghagang pahayag ay isang mahalagang sangkap ng panitikang Pilipino. Ito ay
anyo ng wikang may malalim na mga kahulugan o ‘di kaya’y halos walang tiyak o
kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamitan ng
mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simile at iba pang uri ng mabubulaklak at
nakalilitong mga salita.
Alamin mo naman kung ano ang tawag sa pagpapakahulugan ng matatalinghagang salita?
Ang pagpapakahulugang metaporikal ay pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa
literal na kahulugan nito. Ito ay nakabatay kung paano ginamit ang salita sa pangungusap.
Ito ay mas malalim na pagpapakahulugan.
Mga Halimbawa:
1. a. bola - bagay na ginagamit sa basketbol (literal)
Pangungusap: Dalian mo, ipasa mo na ang bola kay Jeron.

b. bola - pagbibiro (metaporikal)


Pangungusap: Tigilan mo nga ako, puro ka naman bola.

2. a. pawis - lumalabas na tubig sa katawan (literal)


Pangungusap: Punasan mo ang pawis mo sa likod para
hindi ka mapasma.

b. pawis - pinaghirapang gawin (metaporikal)


Pangungusap: Alalahanin mo na pawis ko ang ipinambayad
ko sa tuition fee mo.

OUTPUT #1
Panuto: Bumuo ng sariling kaisipan kung paano maisasabuhay ang mga
aral/mahahalagang mensaheng nakapaloob sa parabula. Ipakita ito sa pamamagitan ng
poster o pagguhit ng larawan at ipaliwanag ito gamit ang matatalinghagang salita. Gawin ito
sa long size bond paper.
LEARNING ACTIVITY SHEET FILIPINO 9
Pangalan: _________________________________ Taon at Seksyon: ___________________
Asignatura: Filipino 9 Bilang ng Modyul: 1(IKATLONG MARKAHAN)
Pamagat: Panitikang Asyano – Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Parabula)

Kasanayang Pampagkatuto:
1. napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na
buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50); at
2. nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag (F9WG-IIIa-53).

Gawain 1 7. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na maagang-maaga upang humanap ng manggagawa
tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod
1. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng ang magbibigay-patunay na ang pahayag na ito ay
Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang nangyayari sa totoong buhay?
bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
magkaroon ng buhay na walang hanggan.” – Juan
3:16. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa
pahayag na bugtong na anak? kapwa
A. maalalahanin C. mapagmahal D. may mayayamang humahanap lamang ng
trabahador upang pahirapan
B. mabuti D. nag-iisa
8. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang,
2. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso.
“Gayondin naman, ayaw ng iyong Amang nasa
Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang may
Langit na mawala isa man sa maliliit na ito” –
salungguhit?
Mateo 18:14?
A. maalalahanin C. masayahin
A. maliit man, may bilang din sa Panginoon
B. mabuti D. mayaman
B. mahalaga sa Panginoon ang kaniyang mga anak
3. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo C. lahat ay pantay-pantay sa paningin ng
mawawala sa mundo? Ano ang nais ipakahulugan Panginoon
ng pahayag? D. lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin
A. kaguluhan C. kasiyahan ng Panginoon
B. kapighatian D. katapusan
9. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga
4. Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor huling dumating, samantalang maghapon kaming
dahil siya ay masyadong mahangin. Ano ang nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng
kahulugan ng salitang mahangin? araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang
aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay
A. mabait C. mayabang ang maihahalintulad sa pahayag na ito?
B. malakas ang hangin D. sinungaling A. maganda ang performance sa opisina na
nabibigyan ng pagkilala
5. Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa
buhay. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang may B. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina
salungguhit? ngunit sakto pa rin ang kita
A. pananaw C. sinusulatan C. mga trabahador na maagang pumasok na
ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho
B. posisyon sa buhay D. sinusunod
D. mga manggagawa sa isang opisinang
6. Ano ang akdang pampanitikang nagsasaad ng nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo
mga pangyayaring maaaring maganap sa totoong
buhay? 10. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito,
“Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay
A. anekdota C. parabula
mahuhuli?”
B. pabula D. talambuhay
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang
unang aalis.
Gawain 2: #Kahuluga’y Ibibigay
Panuto: Ibigay ang metaporikal na kahulugan ng mga matalinghagang salitang hango sa
parabula at gamitin ito nang wasto sa pangungusap.

I certify that I have truthfully answered all the activities/exercises in this activity sheet. This
output is entirely my own work. ( Or can be translated in Filipino/MTB as needed)

_______________________
Name and Signature of Learner

Date Submitted: _______________________

Inihanda ni: G. JOHN RULF L. OMAYAN

You might also like