You are on page 1of 13

NOLI ME

TANGERE
MGA LAYUNIN:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Sisa.
Naipasasalaysay sa mag-aaral ang ilang
pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad
sa naging buhay ng tauhan.
Natatalakay ng maayos ang mga pangyayari ng
akda.
Napapahalagahan ang mensahe sa akda sa
pamamagitan ng pagtukoy nito.
getfvid_1981439965484486__114-.mp4
Ang Mahahalagang Pangyayari Sa Buhay ng
Tauhan (Sisa)
Sa araling ito makikilala si Sisa bilang ulirang
ina at asawa. Hangga’t may mga ina at
asawang patuloy na nagmamahal sa kanilang
pamilya nang walang hinihinging kapalit,
walang kondisyon, mananatiling may Sisa sa
modernong panahon. Mababatid din dito ang
mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni
Sisa.
Mga kabanatang may kaugnayan sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni
Sisa.
Kabanata 15 : Ang Mga Sakristan
Kabanata 16 : Si Sisa
Kabanata 17 : Si Basilio
Kabanata 18 : Nagdurusang mga Kaluluwa
Kabanata 21 : Kasaysayan ng Isang Ina
Kabanata 39 : Doňa Consolacion
Kabanata 47 : Ang Dalawang Senyora
Kabanata 63 : Noche Buena
Kabanata 15 : Ang Mga Sakristan
“ Malaking pagkukulang o kasalanan ang
pagsasamantala sa kamusmusan at
kawalang-malay ng mga bata.”
GABAY NA TANONG:
Magbigay ng mga sitwasyong nagaganap sa
kasalukuyan na katulad ng sitwasyong
tinalakay sa aralin.
Kabanata 16 : Si Sisa
“ Malaki ang pagkakaiba ng isang
martir na asawa sa pagiging dakilang
ina.”
GABAY NA TANONG:
Bakit sinisimbolo ni Sisa ang bansang
Pilipinas?
Kabanata 17 : Si Basilio
“ Natututong mag-isip tungkol sa kabuhayan
ang isang bata kapag ito’y nahaharap sa
panganib.”
GABAY NA TANONG:
Sa bahagi ng panaginip ni Basilio, paano
ipinakita ng sakristan mayor at ng kura ang
kapangyarihang taglay laban sa mahina?
Kabanata 18: Nagdurusang mga
Kaluluwa
“ Ilihim man o itago ang kasalanan,
subalit ang pag-uusig ng budhi’y di ka
titigilan.”
GABAY NA TANONG:
Bakit matamlay ang kura? Ano sa
palagay ninyo ang kanyang suliranin?
Kabanata 18: Kasaysayan ng Isang
Ina
“ May simula subalit walang wakas ang
pag-ibig ng ina sa kanyang mga anak.”
GABAY NA TANONG:
Bangitin ang mga palatandaang malapit
na siyang makalimot.
Kabanata 39: Doňa Consolacion
“ Ang taong hindi marunong magmahal
sa kanyang bayan at kapwa ay mahigit pa
sa pinakahamak at pinakaabang nilalang.”
GABAY NA TANONG:
Bakit napagbuntungan ng galit ni Donya
Consolacion si Sisa?
KABANATA 47: Ang Dalawang Senyora

Hindi magkakaroon ng katiwasayan sa


buhay ang tao kapag inggit at
kapalaluan ang namayani sa puso.
GABAY NA TANONG:
Patunayang walang mabubuting
naidudulot ang pagbabalatkayo.
Kabanata 63: Noche Buena
“Hindi hadlang ang kahirapan upang
makatulong sa iyong kapuwa.”
GABAY NA TANONG:
Kung ikaw si Rizal, ano ang gagawin mo sa
muling pagkikita ng mag-inang Sisa at
Basilio?

You might also like