You are on page 1of 7

GOV. ALFONSO D.

TAN COLLEGE
Maloro, Tangub City

INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN SA BAITANG 9

I. IMPORMASYON
Paksa: Rama At Sita
Baitang: 9 Nakalaang Oras: Isang oras
Guro: Ryan Jay M. Talisic
Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman: pampanitikan ng Kanlurang Asya.
Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa
Pagganap: napiling akdang pampanitikang Asyano.

Kasanayang Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa pangyayaring napakinggan.


Pampapagkatuto:
Layunin: a. Makapagbabalangkas ng sariling buod sa epikong nabasa;
b. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan at aral tungkol sa akdang nabasa; at
c. Nakagaganap ng sariling interpretasyon sa kwento sa paraang pagsasadula.
Sanggunian: Panitikang Asyano, pahina 184-185
Kagamitan: Cartolina, Speaker, Bulaklak
Kasanayan: Pakikinig, Pagbabasa, Pagsusulat
Kakayahan: Pagkamalikhain
Pamamaraan: Pagsasakwento

II. KARANASANG PAMPAGKATUTO


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Paghahanda

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


(Panalangin)
Magandang araw klas!
Magandang araw din po sir.
Kumusta kayo sa araw na ito?
Maayos naman po sir.
Mabuti naman kung ganon!

Bago kayo umupo, pakihanay nang maayos ang


inyong upuan at pulutin ang mga basurang
nakakalat sa sahig.
(Ginawa ng mga mag-aaral)
a. Paggganyak

Sa umagang ito klas ay maglalakbay tayo sa ibang


bansa. Ating gagalugarin ang kagandahan ng
kultura at pamumuhay ng bansang India.
Ano-ano ang mga napapansin ninyo sa larawan
klas?
Makukulay po ang kanilang damit.

Tama! Mapapansin natin ang mga makukulay na


damit ng mga taga-India. Ano pa?
Marami din po silang mga alahas na kanilang
sinusuot sa kanilang mga katawan.

Magaling! Mayroon ding mga alahas na sinusuot


ang mga taga-India.

Base sa inyong mga sagot klas, makikita natin ang


kagandahan at karangyaan ng bansang India. Ang
bansang ito ay hindi lamang mayaman sa kultura
ngunit, pati na rin sa panitikan.

B. Paglalahad

Sa umagang ito klas, tayo ay maglalakbay


patungong India at sabay-sabay nating tuklasin ang
tungkol sa epikong,

Basahin sa lahat…

“Rama at Sita”

a. Paglalahad ng Nilalayon

Sa katapusan ng ating talakayan, kayo ay


inaasahan kong makamtan ang mga sumusunod,

Basahin sa lahat…

a Makapagbabalangkas ng sariling buod sa


epikong nabasa;
b. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan at aral
tungkol sa akdang nabasa; at
c. Nakagaganap ng sariling interpretasyon sa
kwento sa paraang pagsasadula.

C. Paghawan ng Sagabal

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang


sagot ng sinalungguhitang salita sa mga
sumusunod na pangungusap.
a. Agaw-buhay
b. Paratang
c. Bitag
d. Kinuha
e. Hiniwa

1. Si Mang Kanor ay gumawa ng isang patibong


1. C
para sa makamandag na ahas.
2. E
2. Ang kahoy sa kagubatan ay tinagpas ng mga
3. D
mangunguling.
4. B
3. Si Janessa ay naging bihag ng mga taga Lireo.
5. A
4. Si Marites ay napagbintangang nagkakalat ng
chismis sa kanilang barangay.
5. Ang mga estudyante ay naghihingalong
tumakbo palabas ng eskwelahan.

D. Gabay na Tanong

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Ano ang pakay ni Surpanaka sa bahay nina
Rama at Sita?
3. Ano ang ginawa ni Rama para makuha si Sita
kay Ravana?
4. Ano ang aral na makukuha sa epiko?

E. Pagbasa sa Kwento

Sa puntong ito klas, atin ng lalakbayin ang mundo


nina Rama at Sita.

Handa na ba ang lahat?

Mabuti naman kung ganon.

(Unang Pagbasa)
Sa puntong ito ay sabay-sabay nating basahin ang
epikong Rama at Sita.
Opo Sir! Handa na po.
(Ikalawang Pagbasa)
Upang lubos ninyong maunawaan ang kwento,
ating panonoorin epikong Rama at Sita.
(Ginagawa ng mag-aaral)
F. Pagsagot sa Gabay na Tanong

Dahil natapos na nating basahin at panoorin ang


epikong, Rama at Sita. Ating nang sasagutan ang
mga katanungan na ibinigay ko kanina at upang ma
sanay din ninyo ang inyong kaalaman ukol sa epiko.
(Nanonood ang mag-aaral)
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
Ang mga tauhan sa kwento ay sina Rama, Sita,
Lakshamanan, Surpanaka, Ravana at Maritsa.

Tama! Sa epikong, Rama at Sita klas, ang mga


nagbigay buhay doon sa kwento ay sina, Rama,
Sita, Lakshamanan, Surpanaka, Ravana, Maritsa at
ang hari ng mga unggoy.

2. Ano ang pakay ni Surpanaka sa bahay nina


Rama at Sita?
Ang pakay ni Surpanaka sa bahay ng mag-asawa
ay upang maging asawa niya si Rama.

Tumpak! Ang naging pakay ni Surpanaka sa bahay


nina Rama at Sita ay upang hilingin na maging
asawa ni Surpanaka si Rama.

3. Ano ang ginawa ni Rama para makuha si Sita


kay Ravana?
Ang ginawa ni Rama para makuha si Sita kay
Ravana ay humingi siya ng tulong sa hari ng
ungoy.

Tama! Si Rama ay humingi ng tulong sa hari ng


mga unggoy upang makuha si Sita kay Ravana. Ito
ang kanyang paraan upang makasamang muli ang
minamahal.

4. Ano ang aral na makukuha sa epiko?


Ang aral na nakuha ko po sa epiko ay ang
paglaban sa minamahal na kahit ano mang
pagsubok ang dadaan handa ka para rito.

Tumpak! Isa sa mga aral na ating makukuha sa


epiko ay ang pagmamahal ng lubos sa ating mga
kapareh. Ang pagiging tapat sa kahit anong aspeto
at ang pagmamahal sa pamilya na siyang ginawa ni
Lakshamanan kay Rama at Ravana para kay
Surpanaka.

G. Karagdagang Talakayan

Sa puntong ito klas, upang lubos ninyong


maunawaan ang ating binasa. Ating bigyang
pagpapakahulugan ang Epiko.

Epiko
- tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan
ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
Ano ba ang ibig sabihin nito klas? Ang ibig sabihin po ng epiko ay ang kabayanihan
ng isang tauhan na kung saan mayroon itong higit
na kakayahan sa iba.

Mahusay! Ang epiko ay ang pagpapakita ng


kabayanihan ng pangunahing tauhan. Sa epikong,
Rama at Sita, sin oba sa mga tauhan ang
nagpapakita ng kabayanihan? Sa kwento po sir, ang nagpapakita ng
kabayanihan ay si Rama.

Tama! Si Rama ay isa sa nagpapakita ng


kabayanihan sa epiko. Ito ay dahil inilgtas niya ang
kanyang mahal sa pagkaka-bihag nito sa kamay ng
mga higante. Bukod pa riyan klas, si Lakshamanan
din ay nagpapakitang kabayanihan sa pinakita
niyang tapang upang sundan ang kapatid sa gubat.

Sinasabing ang epiko ay nagsasaad ng mga higit


na kalakasan at minsan ay naaayon sa mga Diyos
at Diyosa.

Sa kwento klas, sino-sino sa mga tauhan ang


magpapakita ng kalakasan na di- pambihira at mala
diyos at diyosa? Sa epiko po sir, ang nagpapapkita ng kalakasan
ay si Ravana dahil isa siyang higante na kung
saan iba ang kanyang lakas kmpara sa ibang
mga tauhan sa epiko. Bukod pa riyan sir, siya din
ay tinuturing Diyos, dahil isa siyang hari ng mga
higante.

Tama! Si Ravana ay mayroong kakaibang lakas


kumpara sa ibang mga tauhan sa epiko. Alam
nating sya ay isang higante na hari ng mga
demonyo na siyang nagpapakita ng kalakasan at
kadakilaan na maihahantulad natin sa isang diyos.

H. Pagpapahalaga

Kung kayo ang nasa lugar ni Rama klas, gagawin


niyo din ba ang ginawa niyang pagsalba sa
kanyang minamahal kahit alam niyang sobrang
lakas at hurap ng kanyang mga makakalaban?
Para sa akin po sir, oo po. Gagawin ko din po ang
ginawa ni Rama para sa kanyang mahal. Dahil,
para sa akin kapag mahal mo ang isang tao.
Handa mo itong ipaglaban.

Magaling! sa buhay natin klas, mayroong mga


higanteng problema ang darating. Minsan naiisip
natin kung kaya paba nating ipaglaban ang ating
Sita, ang ating mga minamahal o ang ating mga
pngarap. Naiisip natin na ang laking problema nito.
Minsan nga naduduwag tayo sa pasulong. Ngunit,
kung mahal natin ang isang tao o mahal natin ang
ating ginagawa, ito ay dapat nating ipaglaban.

Para sa inyo klas, ano ba ang sukatan ng pag-ibig?


Para sa akin sir, ang sukatan ng pag-ibig ay di
makikita sa mga material ngunit sa kaloob-looban
natin.

Mahusay! Sa buhay natin klas, may mga bagay na


di nabibili o nasusukat ng mga mamahaling gamit
para sa pagtantya ng pagmamahal. Pagiging tapat
sa iyong mimahal ay ang dapat ipa-iral. Bigyang
pansin kung ano ang mas kailangan ng isat-isa sa
puso at di lamang sa kung ano ang gusto ngunit, sa
kung ano ang dapat.

I. Paglalapat

Sa oras na ito klas ay hahatiin ko ang klase sa


dalawang pangkat.

Panuto: Gumanap sa sariling interpretasyon ng


epikong, Rama at Sita sa pamamagitan ng
pagsasadula.

Pamatayan sa Pagsasadula

Nilalaman – 10
Kasanayan sa skrip – 10
Pagkamalikhain – 10
Kagalingan sap ag-arte – 10
Lakas ng boses – 5
Kasoutan at Kagamitan - 5

Kabuuan: 50 puntos

III. EBALWASYON
Panuto: Batay sa nabasang epiko, Rama at Sita. Gumawa ng sariling buod ng kwento at ilagay sa isang
buong bondpaper.

Inihanda ni:

RYAN JAY M. TALISIC


Pre-Service Teacher

Approved for class utilization:

KENT CLLOYD B. PONDOC


Cooperating Teacher

You might also like