You are on page 1of 25

Pabula:Ang

Sutil na
Palaka
Aralin 2.2
(Korea)
Panimula
Ang Korea tulad ng ilang bansa sa Asya ay
ilang beses ding sinakop ng mga dayuhan.
Nakikita sa kanilang pamumuhay ang
impluwensya ng China at Japan, ang ilan sa
mga bansang sumakop sa kanila.Sa likod
nito ay mahigpit pa rin nilang napanatili ang
pagpapahalaga sa kanilang kultura,
tradisyon, kasaysayan, edukasyon at pamilya.
Panimula
Ang araling ito ay naglalaman ng
pabula na pinamagatang “Ang
Sutill na Palaka”na mula sa
Korea at isinalin sa Filipino ni
Teresita F. Laxima
Layunin
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
Mabibigyang-puna ang pagiging mabisa ng
paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang
tao na nagsasalita at kumikilos.
Maisusulat muli ang isang pabula sa paraang
babaguhin ang karakter ng isa sa mga tauhan nito.
Mahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay
sa diyalogong napakinggan o nabasa.
Pagtuklas
Mula sa mga tauhan ng mga
pabulang nabasa mo gumuhit ng
isang hayop na sumisimbolo sa
iyong pagkatao. Ipaliwanag kung
bakit ito ang napili mong hayop.
Pagtuklas

Pabula
Pabula
Nagmula sa salitang Griyego
“muzos” na ang ibig sabihin ay
mito o myth.
Ang pabula ay nagsimula sa
tradisyong pasalita at nagpasalin-
salin sa iba’t ibang henerasyon.
Pabula
Ang pabula ay isang uri ng piksyunal
na panitikan na ang mga tauhan ay mga
hayop, halaman, mga bagay o mga
puwersa ng kalikasan.
Ang mga pabula ay lumaganap rin sa
iba’t ibang bansa kabilang na ang ating
bansa.
Pabula
Naging laganap ito bago pa dumating
ang mga mananakop.
Nagamit din ng ating mga ninuno ang
mga kuwento at aral na taglay ng mga
pabula sa pagtuturo ng kagandahang-
asal at mabuting pamumuhay sa mga
tao.
Pabula
Sa mga tauhang hayop,
masasalamin ang mga katangiang
taglay ng mga tao tulad ng
pagiging malupit, makasarili,
mayabang, madaya, at iba pa.
Pabula
Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga
katangian o pag-uugali ng tao.
Halimbawa;

1. ahas – isang taong taksil


2. pagong – makupad
3. kalabaw – matiyaga
4. palaka – mayabang
5. unggoy o matsing – isang tuso
6. aso – matapat
Pabula
o Marami pang hayop ang may ibang
pagpapakahulugan.
o Sa mga bagay naman, ang rosas ay
kumakatawan sa babae at sa pag-ibig.
o Ang bubuyog sa isang mapaglarong
manliligaw.
Pabula
Itinuturo din ng mga pabula ang tama,
mabuti, makatarungan, at makataong
pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
Lumaganap ang mga pabula dahil sa
mga magagandang-aral sa buhay na
dala nito.
Pabula
Isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig.
Noong ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo,
may itinuring ng pabula ang mga taga-India.
Ang karaniwang paksa ng pabula ay tungkol
sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng
mga sinaunang Hindu, si Kasyapa.Laging
napatanyag ang mga ganitong kuwento sa
Gresya.
Pabula
Aesop

-Ama ng mga sinaunang pabula dahil sa


napabantog niyang aklat, ang Aesop’s
Fables.
Nakalikha ng mahigit 200 na pabula.
Pabula
Marie de France
12th Century

-Isinalin niya ang mga gawa ni Aesop


mula sa Ingles patungo sa wikang Anglo-
Norman French
Jean de la Fontaine

-Pinakatanyang na pabulistang Pranses.


Kaligirang Pangkasaysayan ng
Pabula sa Korea
 Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa
kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong
ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea
mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang
mitolohiya at kuwentong bayan .
 Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay
may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba
sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng
kalangitan) ay humiling ang isang tigre at oso na maging
isang tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang
dalawa sa loob ng 100 araw.
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Pabula sa Korea
 Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa
ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad
ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso.
Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang
lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at
kinausap muli si Hwanin.
 Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay
magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang
anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa
babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay
naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng
simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea. 
Pabula
“Ang Sutil na Palaka”,
pabulang Koreano, salin
ni Teresita F. Laxima
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
 Panuto: Suriin ang mga pahayag na hinango sa pabulang binasa.
Piliin ang salitang tutukoy sa damdamin ng nagsasalita.
1. “Huwag kang lalayo, narinig ko sa usapang may parating na ahas.
Baka mapahamak ka.”
2. “Sa gilid ng batis mo ako ilibing.”
3. “Gusto ninyo bang mamasyal at magsaya? Tayo na at manghuli ng
ahas.”
4. “Inay, huwag po kayong magsalita ng ganiyan.Inay, huwag ninyo po
akong iwan.”
5. “Wala na si Inay, kung naging masunurin lamang ako ay hindi sana
mangyayari ang lahat ng ito.”

A. pag-aalalaB. pagbibilin C.paghanga


D. pagkalungkot E. pagsisisi F. panghihikayat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:Sa Antas ng Iyong
Pang-unawa
 Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang pabula.
1. Ano ang problemang pinalutang sa kuwento na tunay na nararanasan
ng tao?
2. Batay sa binasa, ano ang mga katangian ng mga tauhan sa pabula?
(Inang Palaka at Berdeng Palaka)
3. Magbanggit ng isang pangyayari o karanasan (sa iyo man o sa iba)
na muli mong naaalala tuwing may isang bagay na nagaganap, gaya ng
pag-iyak o pagtangis ng berdeng palaka tuwing umuulan.
4. Sa palagay mo, mabisa ba ang paggamit ng hayop na tila nagsasalita
at kumikilos na kagaya ng tao upang maipaabot ang mensahe?
Ipaliwanag.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:Sa Antas ng Iyong
Pang-unawa
5. Bilang isang anak, paano mo pahahalagahan ang
iyong mga magulang?
6. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at
kaugalian ng mga taga-Korea? Patunayan.
7. Anong mahalagang aral ang napulot mo sa
binasang pabula?
8. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?
Pagtataya
o Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Basahin at suriing mabuti ang karakter ni Paniki sa


pabulang “Ibon Man o Hayop.” Pagkatapos, muling
isulat ang pabula na may pagbabago sa katangian,
papel o aksiyon ni Paniki.
Pagtataya
Pamantayan 5/10 3/5 1/3
(Ganap na naisagawa) (Bahagyang naisagawa) (Hindi naisagawa)
   

1. Nilalaman (10) Mabisang naipahayag ang Hindi gaanong naipahayag nang Hindi naipahayag
saloobin hinggil sa paksa. mabisa ang mensahe ng akda. nang mabisa ang
nilalaman ng akda.

2. Pagkakabuo (5) Angkop at wasto ang mga May ilang salitang ginamit na Walang kaugnayan at
salitang ginamit. hindi angkop at wasto hindi wasto ang mga
salitang ginamit.

3. Anyo (5) Mahusay na nagamit at Hindi gaanong nagamit at Hindi nagamit at


naipakita ang pagbabago sa naipakita ang pagbabago sa naipakita ang
katangian, papel o aksiyon katangian, papel o aksiyon ng pagbabago sa
ng karakter. karakter. katangian, papel o
aksiyon ng karakter.

   
Kabuoan: 20  
Maraming Salamat!
Nawa ay maisabuhay ninyo ang
inyong natutuhan sa aralin…
- Ma’am Yen

You might also like