You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN GURO GRADO

HERNAN B. ESTALOZA 9
POSISYON SUBJECT
TEACHER I FILIPINO
PAARALAN UNION NATIONAL HIGH KWARTER
3RD QUARTER
SCHOOL
PETSA/ORAS NG NAKALAANG
PAGTUTURO NOBYEMBRE 26-27, 2019 ORAS 2 meeting

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
at pagpapahalaga sa pabula gamit ang teknolohiya at modal upang lubos
A. Pamantayang pangnilalaman na maunawaan at mapahalagahan ang katangian ng mga tao sa bansang
pinagmulan nito.

Nakapagsasagawa ng sistematikong pagsusuri upang pasubalian o


. B. Pamantayan sa Pagganap pagtibayin na ang mga hayop na ginagamit sa pabula ay sumasalamin sa
katangian ng mga tao ng bansang pinagmulan nito.

Matapos ang aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang mga


sumusunod:

1. Naipadarama ang pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan batay sa


C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto diyalogong napakinggan;
2. Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng mga tauhan na
parang mga taong nagsasalita at kumikilos
3. Naibabahagi ang ang katangian ng mga hayop na ginamit na tauhan
sa mga pabula ng Korea
D. LC Code
E. NILALAMAN PANITIKAN: Pabula – Korea : Ang Hatol ng Kuneho
II. KAGAMITAN SA PAGTUTURO
A. Sanggunian sa Pagtuturo PANITIKANG ASYANO 9
1. Mga Pahina sa gabay ng guro pp. 46-49
2. Learner’s Materials pages pp. 102-108
3. Mga pahina sa teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa portal
ng learning resource
B. Kagamitang Panturo pisara, ballpen at papel, chalk
III. PAMAMARAAN
A. GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
1. Panalangin Isang mag-aaral ang mangunguna sa panalangin

2. Pagbati Magandang umaga. Kumusta kayong lahat?


3. Pagtatala Itatala ng guro kung sino ang mga pumasok sa araw na ito.

B. PANLINANG NA GAWAIN (4A’s)


1. Balik aral

Anong leksyon ang ating tinalakay noong Sir, tungkol po sa ponemang suprasegmental.
nakaraang araw?

Tama! Ano ba ang ponemang suprasegmantal. Sir, ang ponemang suprasegmental ay makabuluhang tunog. Matutukoy
po natin sa pakikipagtalastasan ang kahulugan, layunin o intension ng
Mahusay! Bukod pa riyan, sa paggamit ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono, o intonasyon, at
suprasegemental, malinaw na naipapahayag ang antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag
ng nagsasalita.

May katanungan tungkol sa ponemang Wala na po, Sir.


suprasegmantal?

Kung gayon ay maari na tayong pumunta sa


ating panibagong leksyon.

2. Pagganyak

Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Bawat


pangkat ay iisip ng tunog ng isang hayop at (Bubuo ang klase ng tatlong pangkat)
kanila itong gagayahin. (hal. Aw-aw-ASO,
meow- PUSA, MANOK atbp)

Magsasalita ang guro gamit ang ilang pahayag at


ang hayop na napili ng pangkat. Kinakailangan
na banggitin ng buong pangkat ang tunog ng
hayop kapag narinig ang kanilang napiling
hayop.
Ang susi nakatago,
Kung saan ‘di ko piho
Kung sakaling na sa ‘yo
Akin na gagamitin ko…
Na sa iyo ba aso? (tugon ng pangkat aso: aw- Unang grupo: “AW-AW”
aw),

Baka naman na kay pusa (meow-meow) Ikalawang grupo: “MEOW-MEOW”

Ah na sa’yo pala manok. (kokok-kokok) Ikatlong grupo: “Kokok-Kokok”

3. Paglalahad

Nag-enjoy ba kayo sa ating munting laro? Opo, Sir.

Mabuti naman. Kung gayon ay may ideya na Opo, Sir. Tungkol po sa mga hayop.
kayo kung tungkol saan ang ating leksyon.

Tama. Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol


sa mga kwento ng hayop na tinatawag na
pabula.

Handa na ba kayo klas alamin kung ano ang Opo, Sir.


pabula?

Mabuti. Babasahin ko sa inyong harapan ang


isang kwento mula sa bansang Korea na may
(Makikinig ang buong klase)
pamagat na “Ang Hatol ng Kuneho”. At tatlo sa
inyong kaklase ang magpapatuloy ng
pagababasa sa kwento. (Magbabasa)

GAWAIN 1.

A. GAWAIN
Pangkatang Gawain.
Isulat ninyo ang mga kaisipang may
kaugnayan sa salitang pabula batay sa
pabulang inyong napakinggan. Gayahin
PABULA
niyo ang ganitong pormat.

B. ANALISIS
Matapos naming kong basahin ang Ang Hatol ng
Kuneho, kasama ng inyong kaklase, batid niyo
(Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling paliwanag
na ba ang kung ano ang pabula.?
tungkol sa pabula.)

Mahusay!
Kung gayun ay tatalakayin natin kung ano ang
pabula at kaligirang pangkasaysayan nito.

C. ABSTRAKSYON

1. PAGLINANG NG ARALIN
(KASANAYANG PAMPANITIKAN)
Ang pabula o tinatawag ding kathang
isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang
anyo ng panitikan. Ito ay karaniwang
isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang
mapalawak o mapamulat sa kanila ang
magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang
pabula ay likha lamang ng guniguni ng isang
manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi
maaring mangyari. Piniling mga tauhan ang mga
hayop dahil dito mas lalong maiintindihan o
maisasalarawan ang aral na nais maipabatid sa
mga bata. Giliw sila at interesado sa mga hayop
kaya ito ang mga pangunahing ginagamit na
tauhan. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas
sa isang mabuting aral o salawikain.

(Kaligirang Pangkasaysayan ng
Pabula sa Korea)

Sa tingin ninyo mga bata, bakit hayop ang


ginamit na tauhan sa kwento?
Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng sarili nilang paliwanag kung bakit
may kanya-kanyang likas na katangian na ang hayop ang ginamit na tauhan sa kwento )
madaling isalarawan upang mas maging
malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga
katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa),
mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso
(alamid) at marami pang iba.

Ayon sa kanilang paniniwala, noong


unang panahon daw ay may isang tigre at oso na
nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang
kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng
kalangitan) ay humiling ang isang tigre at oso na
maging isang tao. Ang sabi ni Hwanin ay
magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng
100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang
maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang
dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay
agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa
loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100
araw ay may isang napakagandang babae ang
lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa
kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin .
Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling
na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa
lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung
( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa
babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang
Dangun. Si Dangun ay naging hari.
Pinaniniwalaang dito nagsimula ang
pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t
ibang dynasty sa Korea.

D. APLIKASYON
Hahatiin sa anim na pangkat ang klase.
Magsasagawa ang bawat grupo ng isang (Bawat pangkat ay maghahanda at magpi-presenta ng kanilang role-
“role-play” tungkol sa pabulang play.)
pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho” mula
sa Korea na isinalin sa Filipino ni Vilma C.
Ambat . Bibigyan lamang ang bawat
pangkat ng sampung minuto (10) sa
paghahanda.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Tama baa ng nagging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki?
Bakit?
A. Maikling Pagsusulit 2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

V. PAGPAPAYAMAN
A. Kasunduan Basahin ang pabulang mula sa ating bansa na may pamagat na “Nagkamali ng
Utos”
VI. REMARKS

Inihanda ni:

HERNAN B. ESTALOZA
Teacher I

You might also like