You are on page 1of 4

PAARALAN JUPI NATIONAL HIGH ANTAS 9

BANGHAY-
SCHOOL
ARALIN
GURO SHEILA MAY E. EREÑO ASIGNATURA FILIPINO
SA
ARAW AT Nobyembre 17-18, 21, 2022 IKALAWANG F9Q2
FILIPINO
ORAS (3:00 – 4:00 pm) MARKAHAN
I. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO  Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng
hayop bilang mga tauhan na parang taong
nagsasalita at kumikilos. F9PB-IIc-46
 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa
diyalogong napakinggan. F9PN-IIc-46
 Naipakikita ang transpormasyong nagaganap sa
tauhan batay sa pagbabagong pisikal emosyonal
intelektuwal. F9PD-IIc-46
II. PAKSA Ang Hatol ng Kuneho
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
III. KAGAMITAN
A. SANGGUNIAN
 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
 Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa FILIPINO 9, Unang Edisyon 2014, Muling Limbag
2016, 2017
 Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode, Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Hatol ng Kuneho, Unang Edisyon, 2020

B. IBA PANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


Laptop, Telebisyon, Aklat at Modyul

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng liban
 Paglatag ng mga alituntunin
 Makilahok sa talakayan
 Makinig nang mabuti

B. BALIK-ARAL
Mula sa ating huling tinalakay, sinasabing ang ponemang suprasegmental ay nahahati sa tatlo. Ano ang
tatlong ito at bakit mahalagang pag-aralan ang ponemang suprasegmental?

C. PAGGANYAK
Sa loob ng isang minuto ay gawin ang hinihingi.
3 – Magbigay ng tatlong bagay na naiisip mo kapag naririnig ang bansang Korea.
2 – Magbigay ng dalawang bagay o lugar na nais mong makita sa bansang Korea kung ikaw ay
mabibigyan ng pagkakataong makapupunta roon.
1 – Magbigay ng isang tanong tungkol sa bansang ito na nais mong hanaan ng sagot.
Magtatawag ang guro ng ilang mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot sa klase.
D. PAGLALAHAD
Guro Mga Mag-aaral
Mahusay! Ang inyong mga sagot ay pawang mga
tama. Ang ating babasahing panitikan ay nagmula
sa bansang Korea. Mula sa panitikang ito ay mas
makikilala pa natin ang kultura ng bansang Korea
at ang mga pagkakapareho ng bansang ito at ng
ating bansa.

Ngunit bago natin basahin ang panitikang ito ay


atin munang alamin ang Kaligirang
Pangkasaysayan ng Pabula. Sino ang Ang pabula po ay isang uri ng akdang
makapaglalahad kung ano ang pabula? pampanitikan na kung saan ang mga
karakter/tauhan sa kwento ay pawang mga hayop.
Mahusay! Atin pang mas unawain ang kasaysayan
ng Pabula.

E. PAGTALAKAY
Guro Mga Mag-aaral
Paano nga ba nagsimula ang Pabula?
Pamilyar ba kayo sa Pabula? Opo
Sino ang makapagbibigay ng ilang mga halimbawa ng mga pabula? Si Langgam at Tipaklong, Si
Kuneho at Pagong, Si Pagong
at Matsing at Ang Daga at
Mahusay! Lahat ng inyong binigay na halimbawa ay tama. ang Leon.
Maliban sa mga hayop ang karakter, ano pang katangian ng pabula
ang kinagigiliwan ng mga kabataan? Ito po ay nagtataglay ng mga
magagandang aral.
Mahusay! Atin pang mas kilalanin ang pinagmulan ng Pabula.

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang Kaligirang Pangkasaysayan Babasahin ng mga mag-aaral


ng Pabula na makikita sa kanilang mga aklat mula sa pahina ang kasaysayan ng Pabula.
105-106.

Gabay na tanong:
1. Batay sa kaligirang pangkasaysayan ng pabula, paano Ibabahagi ng ilang mga mag-
nagsimula at kumalat ang pabula? aaral ang kanilang ideya sa
2. Bakit kaya’t hanggang ngayon ay laganap pa rin ang pabula? klase.
Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral.

Mahusay! Higit ninyong mas naunawaan ang pinagmulan ng Pabula


kung kaya’t hanggang ngayon ay mas laganap pa rin ito hanggang sa
kasalukuyan.

Ngayong nalaman na natin ang kasaysayan ng Pabula, atin naming Sasagutan ng mga mag-aaral
linangin ang inyong talasalitaan. ang Gawain.
1. nakahiga
2. sinasaka
3. dahan-dahan
4. nakatingin
5. pagmamakaawa

Mahusay, handing-handa na kayo para basahin ang akda. Atin nang Babasahin ng mga mag-aaral
simulan ang pagbabasa ng pabulang nagmula sa Korea na may ang pabula.
pamagat na “Ang Hatol ng Kuneho”.
Ibabahagi ng ilang mga mag-
Ipapabasa ng guro ang pabula na “Ang Hatol ng Kuneho” aaral ang kanilang ideya sa
mula sa kanilang aklat mula sa pahina 103-105. klase.

Gabay na tanong:
1. Tama ba ang nagging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at
ng lalaki? Bakit?
2. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang
ginawa ng kuneho? Bakit?
3. Mula sa binasang akda, bakit naging epektibo ang paggamit
ng mga hayop bilang karakter/tauhan imbes na gumamit ng
tao?
4. Anong aral ang iyong napulot mula sa akdang binasa?

Mahusay! Higit niyo ngang naunawaan ang akdang ating binasa.

F. PAGPAPAYAMAN
Pagbibigay-Hinuha
Bilang pagsusuri sa inyong natutunan mula sa akdang binasa ay ating bibigyang hinuha ang damdaming
nais ipahiwatig ng mga tauhan batay sa kanilang mga diyalogo.

Panuto: Magbigay ng hinuha sa damdaming ipinahihiwatig ng mga tauhan batay sa kanilang mga
diyalogo.

1. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas ditto, pagmamakaawa ng tigre.” “Kung tutulungan mo


ako, hindi kita makakalimutan habambuhay.”
Ano ang nadarama ng tigre sa mga oras na iyon?
2. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay isilang ay naglilingkod na kami sa mga
tao. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami’y tumanda na … pinapatay kami at ginagawang
pagkain!”
3. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin yan”, pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako
hindi kita sasaktan.”
4. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako”. “Sige”, ang wika ng tigre. “Pero
pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita.”
5. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit ang mga
dahoon at sanga naming ang kinukuha ninyo upang mapaint ang iyong mga tahanan at maluto ang
inyong pagkain? Mga taon ang binibilang naming upang lumaki. Kapag kami’y Malaki na pinuputol
ninyo kami!”
G. PAGLALAHAT
Mula sa ating tinalakay, sa paanong paraan makatutulong ang pagbabasa ng mga pabula hindi lamang
para sa mga bata kundi gayundin sa mga nakatatanda?
H. PAGLALAPAT
Kung may nagawang kabutihan ang ibang tao sa iyo, paano mo ito tutumbasan?
I. PAGTATAYA

Character Mapping
Ang mga tauhan ng pabula ay may iba-ibang karakter o katangian. Kung isusulat mo uli ang pabula, ano ang
nais mong baguhin sa karakter nila at bakit?

Inihanda ni:

SHEILA MAY E. EREÑO


Guro sa Filipino

Pinatnubayan ni:

ELEONORA F. POLO
Punongguro

You might also like