You are on page 1of 7

MGA KAALAMANG-

BAYAN
Maituturing na isa sa
pinakamatandang sining ang
tula sa kulturang Pilipino.
Batay sa kasaysayan, ang
mga unang Pilipino ay may
likas na kakayahang
magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng
mga salitang naiayos sa isang
maanyong paraan.
Katunayan, ang mga
salawikain at kawikaan ay
kaakibat sa tuwina ng mga
pahayag ng mga Pilipino
noong unang panahon.
1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang
patula na, kadalasan, ang
layunin ay manlibak,
manukso, o mang-uyam. Ito
ay kalimitang may himig
nagbibiro kaya ito ay kilala
rin sa tawag na
Pagbibirong Patula.
Hal.
Si Maria kong Dende,
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.
2. Tugmang de-Gulong
Ito ay mga paalala o
babalang kalimitang
makikita sa mga
pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay
malayang naipaparating ang
mensaheng may kinalaman
sa pagbibiyahe o paglalakbay
ng mga pasahero. Maaring
ito ay nasa anyong
salawikain, kasabihan, o
maikling tula.
Hal.
a. Ang di magbayad mula
sa kanyang
pinanggalingan ay di
makabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasoline
kung jeep ko ay sira na.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa
pamamagitan ng
paglalarawan. Binibigkas ito
nang patula at kalimitang
maiksi lamang. Noon,
karaniwan itong nilalaro sa
lamay upang magbigay-aliw
sa mga namatayan ngunit
nang lumaon ay kinagiliwan
na ring laruin kapag may
mga handaan o pista.
Hal.
a. Gumugapang pa ang ina,
Umuupo na ang anak.
(Sagot: kalabasa)
b. Maliit pa si Totoy,
Marunong nang
lumangoy. (Sagot: isda)
4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa
anyong tuluyan. Layunin nito
ang pukawin at pasiglahin
ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang
lugar. Ang ganitong uri ng
panitikan ay laganap pa rin
hanggang sa kasalukuyang
panahon sapagkat ito’y
talaga naming
nakapagpapatalas sa isipan.
Hal.
a. Sa isang kulungan may
limang baboy si Mang
Juan. Lumundang ang isa.
Ilana ng natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi
lumundag lang naman ang
baboy at hindi umalis)

You might also like