You are on page 1of 15

Aralin 1-

Karunungang
Bayan

FILIPINO 7
ANALISIS
1. Ibigay ang kahulugan ng
karunungang bayan bilang
akdang pampanitikan.
2. Isa-isahin ang mga
karunungang bayan na
napanood at ibigay
ang pagkakaiba ng bawat
isa.
3. Alin sa mga karunungang
bayan ang iyong kinawiwilihang
pakinggan? Bakit?
4. Bakit mahalagang pag-aralan
at muling buhayin ang mga
ganitong uri ng panitikan?
5. Paano mapapaunlad ang mga
karunungang bayan sa
kasalukuyan?
ANG MGA KARUNUNGANG
BAYAN
pang mga akdang patula tulad ng mga
sumusunod:
Tula/ Awiting Panudyo– Ito ay isang uri ng
akdang patula na kadalasan ang layunin ay
manlibak, manukso o mang-uyam. Ito ay
kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay
kilala rin sa tawag na pagbibirong patula.
*Batang makulit *Ako ay isang lalaking matapang
Palaging sumisitsit
Huni ng tuko ay kinatatakutan Sa kamay
mapipitpit Nang ayaw maligo,
kinuskos ng gugo
Tugmang de Gulong- Ito ay mga paalala o babala
na kalimitang
makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay
malayang naipararating ang mensaheng may
kinalaman sa
pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.
Maaaring ito ay nasa
anyong salawikain, kasabihan o maikling tula.
*Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa
tabi, tayo’y
hihinto. *God knows Hudas not pay. *Ang di magbayad
Bugtong– Ito ay isang pahulaan sa
pamamagitan ng paglalarawan.
Binibigkas ito nang patula at
kalimitang maiksi lamang. *Maliit pa si
Totoy, marunong nang lumangoy.
(isda) *Gumagapang pa ang ina,
umuupo na ang anak. (kalabasa)
*Nagtago si Pilo, nakalitaw ang ulo.
(pako) *Sa umaga ay bumbong, sa gabi
ay dahon. (banig)
Palaisipan– Ang palaisipan ay nasa anyong
tuluyan. Layunin nito ang pukawin at
pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar. *May
isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng
sombrero. Paano nakuha ang bola nang di
man lamang nagalaw ang sombrero? (Butas
ang tuktok ng sombrero.) *Sa isang kulungan
ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa, ilan ang natira? (Lima pa
rin kasi lumundag lang naman ang baboy at
hindi umalis)

You might also like