You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN

BAITANG 7

Petsa: Nobyembre 15, 2023

IKALAWANG MARKAHAN: IKALAWANG LINGGO

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang pagkakaiba ng pormal at di pormal na antas ng wika


2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng pormal at di
pormal na pahayag. F7PT-IVc-d-20
3. Nasusuri ang antas ng wika sa pagbuo ng isang sariling opinyon (balbal,
kolokyal, lalawiganin, pormal)
F7WG-IIa-b-7

II. NILALAMAN

PAKSA:
ANTAS NG WIKA

KAGAMITAN:
Laptop, Smart TV, Hdmi

SANGGUNIAN:
SLM sa Filipino 7 (Q2-W2)

III. PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN

1. Rutinang Pansilid-aralan
1.1 Pagdarasal
1.2 Pagbati
1.3 Pagsusuri ng paligid
1.4 Pag-uulat ng liban

A. Balik – Aral sa nakaraang aralin / pagsisimula ng bagong aralin

Mga tanong:
1. Sino ang mga tauhan sa kwentong “Labaw Donggon”?
2. Ibigay ang mga katangian ni Labaw Donggon.
3. Ano-ano ang mga kaugalian/kultura ang mayroon sa kwentong “Labaw
Donggon”?
4. Anong katangian ni Buyong saragnayan ang nais mong hangaan? Bakit?
5. Anong aral ang napulot mo sa epikong binasa?
B. Pagganyak

Tukuyin kung Pormal o Di-pormal ang mga sumusunod na pangungusap:


1. Maraming mga mag aaral sa paaralan ngayon. (Pormal)
2. Pinaghanda kami ng pagkain ng ermat ni juan. (Di-pormal)
3. Ang mga atab ay naglalaro ng masaya sa palaruan. (Di-pormal)
4. Malaya na ang ibon na hinuli ng mga bata. (Pormal)
5. Maraming labada ang kailangan matuyo agad. (Pormal)
6. Tom-guts na ang mga alagang hayop ni buboy. (Di-pormal)
7. Ang pangarap ni nunoy ay maging isang magaling ma lespu. (Di-pormal)
8. Dangal at tapang ang pinaka kailangan ng sundalo. (Pormal)
9. Si yorme boy na ang namamahala ng pamahalaan. (Di-pormal)
10. Malaking tulong sa mga bata ang makapag aral. (Pormal)

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

A. Mga Salitang Impormal o Di-Pormal


Ang mga salitang karaniwang ginagamit natin sa pakikipag-usap sa ating
mga
kakilala o kaibigan ay ang mga salitang impormal o di-pormal. Mayroon
itong tatlong
uri.

Balbal (Slang)
Balbal ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye
kaya’t madalas na tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito
ay hindi
karaniwang ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.
Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan
tulad ng sumusunod:
-Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng sa salitang
-Amerikano na naging “Kano”
Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging “astig”
-Paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad
ng “toxic” na binigyan ng kahulugang hindi maayos ang kalagayan o hindi
maayos na tao tulad ng “toxic na schedule” o “toxic na kasamahan”
-Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng Carmi
Martin na ang kahulugan ay “karma”
Mga halimbawa:
gurang – matanda
nakapuga – nakatakas
charing – biro
barat – kuripot
bagets – kabataan
nenok - nakaw
yosi – sigarilyo
rumesbak - gumanti

1. Kolokyal (Colloquial)
Ang kolokyal ay isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng
pagpapaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y
mapagsama
ang dalawang salita.
Mga halimbawa:
‘yun mula sa “iyon”
tena mula sa “tara na”
meron mula sa “mayroon”
p’re mula sa “pare”
pa’no mula sa “paano”
nasan mula sa “nasaan”
Bahagi rin nito ang pagsasama ng dalawang wika tulad ng Tagalog at
Ingles o
Tag-lish o Tagalog-Espanyol.
Mga halimbawa:
A-atend ka ba sa sa birthday ni Lina?
(Tag-lish)
Hindi, may gagawin kami sa eskuwelahan.
(Tag-Espanyol)

2. Lalawiganin (Provincialism)
Ang mga salitang ito ay karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o
probinsiya o
kaya’y sa partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
Kapansin-pansing
ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na
maaaring
magbigay na ibang kahulugan dito.
Mga halimbawa:
ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”
tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”
kaon mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “kain”

B. Mga Salitang Pormal


Ito ay ang mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan
ng mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa
paaralan, sa mga
panayam, seminar, gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o
sulating
pang-intelektwal.
Mga halimbawa:
salapi o yaman sa halip na “datung”
kabiyak sa halip na “asawa”
nasusuklam sa halip na “nagagalit”
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salita tulad ng mga tayutay
na
lalong nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.
Mga halimbawa:
Noong mga unang araw
Sang-ayon sa kasaysayan
Sa Berbanyang kaharian
Ay may haring hinahangaan
----------Mula sa “Ibong Adarna”--------------
Maaari mong gamitin ang antas ng wika upang suriin ang pormalidad ng
pagkakasulat ng isang awiting-bayan. Basahin mo ang halimbawa bilang
paghahanda
sa inaasahang awtput sa modyul na ito.
Sitsiritsit, Alibambang
Sitsiritsit, alibambang
Salaginto’t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang
tandang
Santo Nino sa Pandacan
Puto seko sa tindahan
Kung ayaw mong
magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, mamamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika
Ale, ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong
Ale, ale, namamayong
Pasukurin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong
Ipagpalit ng bagoong

Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng awiting-bayan. Kung susuriin mo


itong
mabuti, malalaman mong ito ay isinulat sa pormal na atas ng wika.
Ginamitan ito ng
mga salitang istandard tulad ng lansangan, tandang, namamangka, yari,
at
namamayong. Wala tayo ritong mababasang mga salitang karaniwang
ginagamit sa
mga kalye o lalawigan at hindi rin ito ginamitan ng mga pinaikling salita.
Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung mayroong
bahaging hindi mo lubos na naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka
sa iyong
guro. Maaari mo nang sagutin ang mga kasunod na gawain.

D.Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang bawat salita na nakapaloobsa bawat bilang. Piliin kung ito ay
Pambansa, Pampanitikan, Lalawiganin, Kolokyal, o Balbal.

1. Buhay - Pambansa
2. Todas - Balbal
3. Malakat - Lalawigan
4. Bokal - Balbal
5. Penge- Kolokyal
6. Nanghihilakbot - Pampanitikan
7. Meron - Kolokyal
8. Panibugho - Pampanitikan
9. Hinigugma - Lalawiganin
10. Musta - Kolokyal

E. Sintesis

Bumuo ng sariling opinion sa tanong na "Bakit mahalaga ang Wika" gamit ang
antas ng wika (balbal, pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal)

______________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

F. Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

A 1. Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o


kaya’y sa partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.

A. Lalawiganin
B. Kolokyal
C. Balbal
D. Pormal

C 2. Ito ay isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-


araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o
pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y
mapagsama.

A. Lalawiganin
B. Balbal
C. Kolokyal
D. Impormal

D 3. Ang mga salitang karaniwang ginagamit natin sa pakikipag-usap sa ating


mga kakilala o kaibigan ay ang mga salitang impormal o di-pormal. Mayroon
itong tatlong uri.

A. Pormal
B. Kolokyal
C. Pambansa
D. Impormal

B 4. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam,


seminar,gayundin sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o sulating pang-
intelektwal.
A. Impormal
B. Pormal
C. Pambansa
D. Lalawiganin

A 5. Ito ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya’t
madalas na tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ay hindi
karaniwang ginagamit sa mga pormal na pagtitipon o pagsulat.

A. Balbal
B. Kolokyal
C. Lalawiganin
D. Pambansa

IV. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN

Panuto: Magbigay ng (5) halimbawang mga salita ng mga sumusunod:

 PAMBANSA
 PAMPANITIKAN O PANRETORIKA
 LALAWIGANIN
 KOLOKYAL
 BALBAL

IPINASA NI: IPINASA KAY:

MA. CRISTEL B. FELIX ALFIE R. FLORENTINO


ALDREN PARICO
ANGELA TENERIFE

You might also like