You are on page 1of 40

Aralin 3

MGA PAHAYAG SA PAGHIHINUHA NG


PANGYAYARI
• Likas na sa atin ang magbigay ng komento sa
mga nakikita. Ito ay bahagi na ng ating kultura na
pumuna
Mga Tanong

• 1. Kung ikaw ay may magandang boses, ano ang


kadalasang sasabihin sa iyo?
• 2. Sinabi ban a magiging singer ka pagdating ng
panahon?
• 3. Totoo bang kadalasang sinasabi na nagmana sa
ina o ama?
GAWAIN 1

• Basahin ang pag-uusap ng mga mag-aaral sa


loob ng silid-aralan.
• Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
• 1. Tungkol saan ang usapan?
• 2. sa iyong palagay, tama ba ang kanilang iniisip na maramin nga
ang maaaring magbago sa kanila matapos mabasa o matalakay
ang sanaysay na Ang Ningning at Ang Liwanag?
• 3. Ikaw, ano sa palagy mo ang mababago o nabago matapos
mong mabasa ang sanaysay?
• (basahin ang sanaysay upang masahgot ang tanong 2 at 3)


ANG NINGNING AT ANG LIWANAG
ni Emilio Jacinto
• Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin.
Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
• Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng
araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya.
• Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa
ningning. Sa katunayan ng masamang nakaugalian:
Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila
ng kabayong matulin.
• Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao
ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay isang
magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang
ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay
ay natatago ang isang pusong sukaban.
• Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap
sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at isasaloob: Saan
kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita
sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang
tunay.
• Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit
ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag.
• Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang
tao at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis at
dalita.
• Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na
inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit
na lumitaw na maningning, lalong-lalo na ang mga hari
at mga pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa
ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi
ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng
kapangyarihang ito.
• Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating
pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga
ugat ay magbalatkayo ng maningning.
• Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng
puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal
at matapat na loob, ang kahit sino ay walang
mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang
mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na landas ng katwiran.
• Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap
ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga
matang tumatanghal ang kanilang kapangitan;
ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubad, mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa
paningin.
• Mapalad ang araw ng liwanag!
• Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matuto
kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa
pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
• Ang hinuha ay mga pahayag ng mga inaakalang
mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon. Ito ay
tinatawag ding Inferening.
• Ito ay tumutukoy sa kakayahang tukuyin ang isang
bagay na hindi pa alam batay sa ilang klus. May mga
tiyak na salitang ginagamit sa pagbibigay ng hinuha.
Ilan sa mga ito ang sumusunod.
• Ang tingin ko ay… • baka….
• Di kaipala… • di malayo….
• Marahil… • sa palagay ko…
• Siguro… • tila….
• yata….
GAWAIN 2

• Pagbibigay Hinuha
• Panuto: Bigyang-kahulugan ang pariralang nakasulat sa
bilohaba, pagkatapos ay magbigay ng hinuha sa kung
ano ang posibleng positibong mangyayari sa taong
nagtataglay nito. Ang unang bilang ay ginawa na para
sa iyo.
GAWAIN 3
• Panuto: Bilugan ang sa palagay mo ay angkop sa
motibo o pajhayag ng may-akda sa mga pahayag na
nakatala.
• Magbigay ng paliwanag kung bakit ito ang napili mong
sagot.
• 1. Ang ningning ay madaya.
• a. Hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tunay at totoo.
• b. Marami ang nahuhumaling sa mga bagay na
nagniningning.
• c. Madalas madadaya ang tao ng mga bagay na
kumikinang..
• Paliwanag:________________________________________
_________________________________________________
• 2. Ating hanapin ang liwanag. Tayo’y huwag mabighani sa
ningning.
• a. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga
bagay na panlabas, sa halip an gating pahalagahan ay
ang kadalisayang hangarin ng isang tao.
• b. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang pagkakahumaling
sa kinang ng sanlibutanay mapagtagumpayan.
• c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga
gawa ng kasinungalingan atkapalaluan.
• Paliwanag:_____________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________
• 2. Ating hanapin ang liwanag. Tayo’y huwag mabighani
sa ningning.
• a. Huwag magpadala sa mga kinang at ganda ng mga
bagay na panlabas, sa halip an gating pahalagahan ay
ang kadalisayang hangarin ng isang tao.
• b. Mamuhay tayo sa liwanag upang ang
pagkakahumaling sa kinang ng sanlibutan ay
mapagtagumpayan.

• c. Sikaping mamuhay sa liwanag at ilantad ang mga gawa
ng kasinungalingan at kapalaluan.
• Paliwanag:________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
• 3. Tayo’y mapagsampalataya sa ningning: huwag nating
pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating ugat ay
magbalatkayo na maningninbg.
• a. Ang pagiging madaling mabighani ng mga Pilipino sa
mga bagay na kumikinang na kadalasan ay bunga ng
pagbabalatkayo ay nananalaytay na sa dugong dumadaloy
sa ating ugat.
• b. Huwag tayong magtakang darating ang araw na ang
mga taong nais sumakop sa ating bansa ay
nagbabalatkayong mabuting mga kaibigan lalo pa’y
nakikita nila tayong mga Pilipino ay madaling humanga
sa galling ng mga dayuhan.
• c. Ang mga Pilipino ay madaling maniwala sa mga bagay na
panlabas kaya di malayong mangyari na ang mga taong
nais magsamantala ay magpapanggap na dalisay ang
kanilang hangarin.
• Paliwanag:________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
• 4. Kung an gating dinudukugan at hinahainan ng puspos
na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at
matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning
pagkat di natin pahahalagahan.
• a. Kung ang bawat tao ay hindi magpapadaya sa kinang
nahatid ng ningning ngkasikatan at kapangyarihan, tiyak
na ang bawat isa ay mamumuhay ng kaliwanagan.
• b. Kung ang higit na pinahahalagahan at ipinamumuhay
ng bawat tao ay ang katotohanan, kagandahang-loob at
katapatan, tiyak na maglalaho sa lipunan ang
p[agbabalatkayo at kapalaluan.
• c. Marapat lamang na ating igalang at pahalagahan ang
mga taong namumuhay sa kaliwanagan at puspos ng
kagandahang-asal at katapatan.
• Paliwanag:_______________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
• 5. Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng
ningning upang huwag mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan, ngunit ang
kagalingan at ang pag-ibigna dalisay ay hubad, mahinhin
at maliwanag na mapapatanaw Sa paningin.
• a. Laging kaakibat ng kapalaluan at kasamaan ang
pagbabalatkayo upang hindi mapansin ng mga tao ang
kasamaang kanilang ginagawa, samantalang ang mga
taong namumuhay nang matuwid ay tunay na puspos ng
pag-ibig.
• b. Madaling mahalata ang taong masama at palalo dahil
siya ay laging nagkakanlong sa kinang ng kanilang
mabubuting gawa, ngunit ang mga taong namumuhay
nang matuwid ay nahihiyang lumantad sa liwanag.
• c. Kalimitan natatakpan o nababalutan ng kinang ng
kasikatan at pagbabalatkayo ang mga taong
namumuhay nang matuwid at puspos ng pag-ibig ay ay
walang itinatago o piangtatakpan.
• Paliwanag:_____________________________________
______________________________________________
______________________________________________
TANDAAN
• Ang pagbibigay ng hinuha o haka-haka ay maaaring
maging positibo o negatibo. Kaya’t kailangang maging
maingat sa pagpapahayag upang hindi makasakit ng
damdamin ng kapwa.
GAWAIN 4

• Panuto: Isulat sa patlang kung nagpapakita ng ningning


o liwanag ang mga sumusunod na sitwasyon.
• ____________________1. Mahilig bumili at magsuot ng
magagandang damit si Jackilou upang mapahanga niya
ang mga kaibigan.
• ____________________2. Nag-aaral at nagsikap si John
upang maging isang doctor ng kanilang bayan sa
Mabalacat.
• ____________________3. Nakita ni Rolan na
tama ang naging pasiya ng kanyang kaibigang si
Aldwin na humanap ng trabaho sa malayong lugar
upang makatulong sa kanyang pamilya, kahit
mabigat man sa kalooban ay tinanggap niya ito ng
buong puso.
• ____________________4. Si Aling Dolores ay
nagdarasal sa loob ng simbahan ngunit nang may
nanghingi ng limos paglabas niya ay galit na galit
niya itong itinaboy.
• ____________________5. Si Ferdie ay isang
politikong magaling magsalita at mangako sa
mamamayan, ngunit inuuna naman ang sariling
kapakanan kaysa sa nasasakupan.

You might also like