You are on page 1of 12

• Ang pagkatalo ng Persya ang naghudyat ng pamamayani ng Athens sa

Gresya, kanilang itinatag ang Delian League bilang alyansa laban sa


mga Persyano.
• Sa Pamumuno ni Pericles nakamit ng mga Athenians ang rurok ng
katanyagan ang panahon ito ay tinawag na “Gintuang Panahon ng
Athens” o ang panahon ni Pericles.
• Ngunit hindi kabilang ang Sparta sa Delian League, bagkus nagtatag
ang Sparta ng isa pang alyansa na tinatawag na Peloponnesian
League.
• Nangangamba ang mga Spartans sa lubusang paglakas ng Athens.
Karagdagan rito, ang mga Athenians at Spartans ay lubos na hindi
nagkakasundo sa mga polisiya ukol sa Persia.
• Para sa mga Spartans ang tanging paraan upang iligtas ang mga
Griyego sa Asia Minor ay pabalikin sila sa Gresya.
• Samantala, ang mga Athenians naman ay naniniwala na dapat
ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Persyano upang
pangalagaan ang mga Griyego sa Asia Minor.
• Ang pagkakaibang ito ay nagresulta sa pagsisimula ng “Great
Peloponnesian War”.
• Sino si Pericles?
• Si Pericles o Perikles - ay isang tanyag at
maimpluwensyang politiko. Isa rin siyang orador,
at heneral ng Atenas.
• Namuhay siya sa pagitan ng mga digmaang
Persya (Persian) at Peloponesyano. Ninuno niya,
sa pamamagitan ng kanyang ina, ang pamilyang
Alcmaeonidae.
• Malaki ang impluwensiya ni Pericles sa lipunang Atenyano. Inilarawan
siya ni Thucydides, na kanyang kasabayan, bilang "ang unang
mamamayan ng Atenas".
• Ginawa ni Pericles ang Ligang Deliano upang maging isang imperyo
Atenyano at pinamunuan ang kanyang mga kamamamayan noong
unang dalawang mga taon ng Digmaang Pelopensiyano.
• Ang kapanahunang kung kailan pinamunuan niya ang Atenas,
humigit-kumulang magmula 461 BCE hanggang 429 BCE, ay
tinatawag kung minsan bilang ang "Panahon ni Pericles," bagaman
ang kapanahunan ay maaaring magsama ng panahon mas maaga
katulad ng Mga Digmaang Persa ''(Persian)'', o mas huli katulad ng
kasunod na daantaon.
• Magkaiba ang naging estratehiya ng
Athens at Sparta sa digmaan at ninais
nilang gamitin ang kanilang kalamangan
sa bawat isa.
• Ang mga Athenians ay may malakas na
Naval forces samantalang ang Sparta ay
may malakas na infantry.
• Naniniwala si Pericles na malabo nilang matalo ang mga Spartans sa
isang labanan sa lupa. Kung kaya’t pinili ng mga Athenians na
magtago sa kanilang walled city at kumuha lamang ng mga suplay
mula sa kanilang mga kolonya gamit ang kanilang navy.
• Pinalibutan ng mga Spartans ang Athens sa pag-asang lalabas ang
mga ito upang salubungin sila sa isang labanan sa lupa.
• Sa ikalawang taon ng digmaan, isang epidemya ang lumaganap sa
siyudad ng Athens kung saan ⅔ ng populasyon ang nasawi kabilang
si Pericles.
• Ang huling dagok sa mga Athenians ay
ang kanilang pagkatalo sa digmaan sa
Aegospotami o “Battle of Aegospotami”
noong 405 BCE.
• Ito ang nagwakas ng kanilang “naval
superiority” laban sa mga Spartans
• Nagwakas ang Peloponnesian War sa pagsuko ng Athens,
gaynpaman, lubos na humina ang buong Gresya dahil sa mga
labanan.
• Dahil dito madali silang masasakop ng bansa sa hilaga,
• ang Macedonia sa pamumuno ni
• Alexander The Great.
PAGTATAYA

• Sagutin ang mga sumusunod.


• 1. Paano nagsimula ang Peloponnesian War?
• 2. Sino si Pericles?
• 3. Magsaliksik tungkol sa talambuhay ni Alexander the Great

You might also like