You are on page 1of 18

Aralin 11

ANG DULA-
DULAAN
Saknong 224-231
LAYUNIN
a. nalalaman ang unang trahedya sa buhay ni
florante sa Atenas;
b. napapahalagahan ang pagkakaroon ng isang
mabuting kaibigan; at
c. naitatanghal sa pamamagitan ng isang dula-
dulaan ang mahalagang pangyayari sa araling
tinalakay.
Talasalitaan
• Ipinagsaysay • Hinandulong
- sinabi - mabilis na linusob
• Batalya • Nabulagta
- labanan - nabuwal
• Nanlisik • Nasalag
- pandidilat ng mata - nasangga
• Ditso
- diyalogo
Kasaysayan ito ng dalawang apo at ng tunay na ina. Si
Edipo ay tunay na anak nina Haring Layo at Reyna Yokasta.
Ayon sa isinasaad ng orakulo, ang sanggol na si Edipo paaglaki
ay siyang papatay sa kanyang ama kaya ang ginawa ng hari
pagkasilang nito ay ipinamigay sa isang pastol upang patayin.
Naawa ang pastol kaya isinabit na lamang ito nang patiwarik
sa isang punungkahoy sa bundok. Nakita ito ni Porbante na
pastol ng Haring Polinio ng Corinto, kaya kinuha ang sanggol
at ibinigay kay Reyna Menope na asawa ni Haring Polinio.
Dahil sa wala silang anak, pinalaki ito at inaring anak.
Nang lumaki si Edipo ay nagtungo sa Tebes. Dito niya
natagpuan at nakaaway hanggang mapatay si Haring
Layo na di niya nakilalang ama. Niligawan niya si
Reyna Yokasta na hindi nakilalang ina. Ang naging anak
nila ay sina Etyokles at Polinese na nangamatay rin
dahil sa pag-aagawan ng korona. Ang haring tumulong
kay Polinese sa paglaban kay Etyokles ay si Haring
Adrasto ng Argos.
224.
“Saka inilabas namin ang trahedya
ng dalawang apo ng tunay na ina,
at mga kapatid ng nag-iwing amang
anak at esposo ng Reyna Yokasta.
225.
“Papel ni Etyokles ang naging tungkol ko
at si Polinese nama’y kay Adolfo,
isang ka-esk’wela’y siyang nag-Adrasto
at ang nag-Yokasta’y bunying si Menandro.
226.
“Ano’t nang simulan ang unang batalya
ay ang aming papel ang magkakabaka,
nang dapat sabihin ako’y kumilala’t
siya’y kapatid kong kay Edipo bunga
227.
“Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay
ay hindi ang ditsong nasa-orihinal,
kundi ang winika’y Ikaw na umagaw
ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!
228.
“Hinandulong ako, sabay nitong wika
ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan, nakaiwas ako’t nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.
229.
“Ako’y napahiga sa inilag-ilag,
sinabayang bigla ng tagang malakas;
salamat sa iyo, o! Menandrong liyag,
kundi sa liksi mo buhay ko’y nautas!
230.
“Nasalag ang dagok na kamatayan ko
lumipad ang tangang kalis ni Adolfo,
siyang pagpapagitna ng aming maestro
at nawalang diwang kasama’t katoto.
231.
“Anupa’t natapos yaong katuwaan
sa pangingilabot at kapighatian,
si Adolfo’y di na naman nabukasan
noon di’y nahatid sa Albanyang bayan.
Pangkatang Gawain
0ne-Minute Show
Panuto:
1. Itatanghal ng bawat pangkat ang mahalagang tagpo
sa araling tinalakay sa loob ng isang minuto.
2. Matapos nila itong itanghal, ipaliliwanag nila ang
kahulugan at lalim ng tagpo na kanilang itinanghal.
3. Limang minuto lamang para sa pagpaplano ng bawat
pangkat.
Pamantayan sa Pagmamarka
Kahusayan sa pagganap 45%

Kaugnayan sa paksa 30%

Kooperasyon ng bawat miyembro 25%

KABUUAN 100%
I. PANUTO: Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat
tanong.
1. Ano ang papel na ginampanan ni Florante?
2. Ano ang papel na ginampanan ni Adolfo?
3. Ano ang papel na ginampanan ni
Menandro?
II. PANUTO. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga
malalalim na salitang ginamit sa aralin.
4. Nanlisik
5. Ditso
6. Batalya
7. Ipinagsaysay
8. Nasalag
9. Hinandulong
10. nabulagta
Karagdagang Gawain

1. Basahin ang Aralin 12, Ang Pangungulila ni


Florante (Saknong 232-245)
2. Ilista ang mga malalalim na salitang ginamit sa
akda at ibigay ang kasingkahulugan nito.

You might also like