You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

Inihanda ni : Larry F. Awanin Jr.

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang


nabanggit sa nabasang kwento. (F9PS-IIe-f-50)
b. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento (F9PU-IIa-b-41)

II. Nilalaman:

a. Paksang Aralin: Ilog ng Telebeng (Maikling Kwento)


b. Sanggunian: Pintig ng Lahi 9 p. 215
c. Kagamitan: Prodyektor, Laptop at Pisara.
d. Pagpapahalaga: Nabibigyang linaw ang bawat detalye ng pangyayari sa
kwento at naibabahagi ang sariling karanasan na may pagkakatulad sa
kwento.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagsasaayos ng klase
d) Pagtala ng lumiban
e) Balik-Aral
1.Ano ang Maikling Kwento?
2.Ano ang Elemento ng Maikling Kwento?
3.Ano ang iba’t ibang uri ng Maikling Kwento?

B. Pagganyak
Ang laro na ating gagawin ay tatawagin nating “Larawan ko, Kilalanin
mo”. Magpapakita ng larawan ng mga iba’t ibang uri ng mga Nilalang sa Dilim.

C. Paglalahad at Pagtalakay sa Aralin


Ipaliliwanag ng Guro sa mga mag-aaral kung anong klase o uri ng
maikling kwento ang akdang babasahin at pagkatapos ay babasahin nang
buong klase ang akdang “Ang Ilog Telebeng”.

TALASALITAAN
1. libis – gilid ng bundok
2. baguntao – lalaking pumapasok sa yugto ng pagiging binata
3. mangadupikal – tunog ng kampana
4. agunyas – tugtog ng kampana pag may patay
5. plegarya – dasal
6. pinawiwili - inaaliw
7. itagubilin - ipautos

GABAY NA KATANUNGAN

1. Sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Saan naganap o nangyari ang kwento?
3. Tama ba ang sabi-sabi ng mga matatanda tungkol sa Ilog ng
Telebeng? Ipaliwanag.
4. Aling bahagi ng kwento ang hindi kapani-paniwala? Bakit?
5. Ano ang pangunahing layunin ng kwento?
D. Paglalapat
1. Mayroon din ba kayong karanasan na nangyari sa inyong buhay na
may kinalaman o pagkakatulad sa pangyayari sa ating tinalakay?
Ibahagi.
2. Sa panahon ng makabagong henerasyon, naniniwala pa ba kayo sa
mga nilalang ng dilim o mga hindi kadalasang nakikita ng dalawang
mata katulad ng aswang,manananggal at mga engkanto? Bakit o
Bakit hindi?.

E. Paglalahat
1. Sino ang tauhan sa kwento?
2. Saan naganap ang mga pangyayari sa akdang binasa?
3. Ano ang pangunahing layunin ng kwentong binasa?

IV. Pagtataya

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akdang “Ang Ilog


ng Telebeng”.

______ Nagkaroon ng maraming ginto si Umeng at ipinapatago niya ito


kay Tisya at ipinagpatuloy ang paliligo sa Ilog ng Telebeng tuwing
kabilugan ng buwan.

______ Hindi pinaniwalaan ni Umeng si Tisya na huwag maligo sa Ilog ng


Telebeng kung sasapit ang kabilugan ng buwan.

______ Isang araw, gumising si Tisya na nasasabik sa mga iuuwing ginto


at pagbabalik ni Umeng ngunit dumaan ang araw, buwan at taon ay
hindi na nakabalik si Umeng.

______ Pumayag na rin si Tisya sa kagustuhan ni Umeng na maligo ito sa


Ilog ng Telebeng ng walang pag-aalinlangan.

______ Ipinagkatiwala na ni Tisya sa Diyos at Mahal na Birhen ang hiling


na bumalik na si Umeng sa kaniyang piling.

______ Nang hindi na bumalik si Umeng ay dumami muling gusto siyang


ligawan ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi niya binigyang pansin dahil
hinihintay niya si Umeng.

______ Nagkapiling ulit ang magkasintahan na si Umeng at Tisya dala-


dala ang mga gintong kaniyang inipon na itinago niya sa ilalim ng puno
ng Sampalok.

______ Nagbalik si Umeng at isinalaysay ang lahat ng pangyayari sa


mundo ng mga engkanto na kung tawagin ay Bayan ng Telebeng.
Nagkaroon siya rito ng pamilya na anak ng Kapitan ng mga engkanto.

______ Umalis sila sa kanilang tirahan dahil lagi silang may naririnig na
tumatawag kay Umeng na siyang kaniyang pinakasalan na anak ng
Kapitan ng engkanto sa Bayan ng Telebeng.

______ Naging ubod ng yaman ang magkasintahan at din naglaon ay


nagpakasal ang daalwang nag-iibigan.
V. Takdang Aralin
Sa isang malinis na papel, isulat ang kakaibang karanasan na
kababalagahan sa inyong lugar o tirahan. Maglagay ng larawan sa itaas kung
anong klaseng nilalang ng dilim ang inyong nakita o naramdaman.

You might also like