You are on page 1of 20

8

Unang Markahan – Modyul 3


Panitikan sa Panahon ng Katutubo
“Tuwaang” Epiko ng mga Bagobo

0
Panimula

Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung bakit


napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa
kasalukuyan. Nakatutulong din ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan
sa malinaw na paglalarawan ng kilos ng bawat tauhan upang maging malinaw
ang daloy ng mga pangyayari sa epiko.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin nang wasto ang modyul na ito. Ingatang di-masira o mapunit ang
anumang pahina nito.
2. Magtanong sa guro o sa mga magulang kung may hindi naunawaan
tungkol
dito.
3. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
4. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
5. Maging tapat sa pagsagot sa mga gawain at huwag ipasagot sa ibang
tao.
6. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
7. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheet) sa modyul na ito sa iyong
guro. Huwag kalimutang lagyan ng pangalan, pangkat (section) at
pamagat ng modyul.

MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

F8PN-lg-h-22-Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa


pamamagitan ng:
-paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
-dating kaalaman kaugnay sa binasa
F8PS-lg-h-22-Nagagamit ang iba’t-ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
-paghahawig o pagtutulad
-pagbibigay depinisyon
-pagsusuri

1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan/ pahayag. Bilugan ang titik
ng pinakatamang sagot.

1. Ano ang isang mahabang salaysayin na patula tungkol sa kabayanihan


ng pangunahing tauhan at naglalaman ng mga pangyayaring hindi
kapani-paniwala?
A. Tula C. Salaysay
B. Epiko D. Alamat
2. Ang epiko ay nanggaling sa salitang griyego na epos na may kahulugang

A. Salawikain o Awit C. Tula
B. Salaysay D. Alamat

3. Ano ang isang elemento ng epiko na may kinalaman sa tauhan ng epiko?


A. Tauhan C. Tagpuan
B. Banghay D. Elemento
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan mula blg.4-8
4. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga.
A. Bato C. Candy
B. Betel buto o hitso D. tinapay
5. Nagbigay siya ng gintong gitara at gintong bansi bilang regalo sa kasal.
A. Gintong plato C. Gintong plawta
B. Gintong singsing D. Gintong hikaw
6. Nakaupo ang binata sa gintong salumpuwit.
A. Kama C. Lapag
B. Mesa D. Upuan
7. Ibinato niya ang kanyang patung upang patayin ang kanyang kalaban.
A. Pana C. Palakol
B. Ispada D. Bangkaw
8. Ginamit niya ang sinaunang gong upang tawagin ang mga tao.
A. Tambol C. Gitara
B. Batingaw D. Mikropono

2
Panuto: Punan ng mga angkop na pang-abay na pamaraan ang mga
patlang ayon sa iminumungkahi ng larawan.

9 10
9. ________ na _______ si Lam-ang nang makita ang pugot na ulo ng
kanyang ama.

10. Ang aso at tandang ang dahilan ng _________ na pagkabuwal at muling


pagbangon ng bahay.

sabik na sabik galit na galit


matiyagang kagila-gilalas

Tuwaang: Epiko ng Bagobo


ARALIN 1.1.3 a

Alamin

Layunin:

A. Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/matalinghagang


pahayag na ginamit sa teksto;

B. Nasusuri ang epiko batay sa mga katangian nito;

C. Nakasusulat ng isang biopoem tungkol sa kabayanihan na ipinakita ng isang


Pilipino sa kasalukuyang panahon.

3
Balikan/Pangganyak
Gaano ba kayaman ang panitikang Pilipino sa panahon ng
Katutubo? Naipapakita ba sa naunang paksang natalakay ang yamang taglay
ng ating panitikan?

Ano –ano ang mga katangiang masasabi nating taglay ng mga


Pilipino na masasabi nating maipagmamalaki nating mga Pilipino?

Malalaman natin ang kasagutan nito sa susunod na mga gawain.

Tuklasin

Ang paksang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa Epiko ng mga


Bagobo na pinamagatang “Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit.”
Bago ang lahat pansinin at kilalanin ang mga nasa larawan at sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa ibaba.

4
1. Ano ang iyong pagpapakilala sa kanila bilang mga tauhan?

2. Ano ang mga katangian nila na di makikita sa karaniwang tao?

3. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit?

Suriin/Talakayin

Bago mo basahin ang Epiko ng Bagobo ay bigyang pansin muna ang


paglinang ng talasalitaan upang lubos mong maunawaan ang teksto.

Panuto: Pagtapat- tapatin ang kasingkahulugan ng mga salita mula sa Hanay A


sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. patung A. instrumentong pangmusika
2. sinaunang gong B. tropikal na halaman
3. gintong salumpuwit C. inukit na batong imahe ng isang tao
4. nganga D. gintong plawta
5. gintong bansi E. upuang ginto

Ngayon, basahin at unawain ang epiko sa ibaba.

Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang.


Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng
nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na
may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy,
isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya
nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga
kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si
Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si
Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang
kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang
kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad.
5
Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Sila’y
nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang
nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang
buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang
isa’t isa.
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago
mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot
ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang
alok.
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga
saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng
dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang
Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa
kaharian ni Batooy.
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga
sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga
sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang
mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito
ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy.
Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at
namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay
na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan
sakay ng kidlat.
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si
Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na
sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila
sa paglalakbay.
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng
Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang
Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at
kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang
mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman
siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak
ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na
pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng
babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran.
Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang
bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang
gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong
plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang
dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos
niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang.
6
Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng
bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata
hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na
kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng
Sakadna.

Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at


nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa
mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan
nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata,
at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng
binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni
Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari
habambuhay.
Gawin ito:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bakit hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalalakbay ni Tuwaang?


2. Ilarawan ang dalaga ng Buhong na langit. Bakit siya tumakas at
naghahanap ng pagtataguan?
3. Bukod sa katapangang ipinakita ni Tuwaang, anu-ano pang katangiang
Pilipino ang makikita sa epikong binasa?
4. Sa ano-anong aspekto,ng iyong pagkatao maaaring magamit ang mga
gintong aral na iyong natutunan sa araling ito?
5. Ang katapangan ni Tuwaang na ipinakita sa epiko ay makikita mo pa ba
sa mga kababaihan ngayon? Sa anong paraan? Patunayan

Isaisip

Huwag nating kalimutan na ang mga epiko kahit ito’y mga likhang isip
lang ay sumasalamin sa mga matatapang nating mga ninuno noon na isa
sa ipinagmamalaki nating mga Pilipino hanggang ngayon.

7
Isagawa
A. Panuto: Suriin ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at
pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ng character Profile tungkol sa
pangunahing tauhan.
(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging isagawa sa Tayahin at
lagyan ng pangalan, baitang, section, at ng module number sa iyong papel.)

Pangalan : ___________________________
Katangian : ___________________________
___________________________
Kakayahan : ___________________________
___________________________
Misyon : ___________________________

A. Panuto: Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkaroon nito ng


mga pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga
kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko.

TUWAANG

Mga Kababalaghan

B. Panuto: Basahin at unawain ang tanong.

“Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula sa Panahon ng


Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Makatutulong sa iyong pagsagot
ang paggamit ng mga salitang nasa kahon upang maging malinaw ang
kaisipan na nais ipabatid.
8
kultura at tradisyon kababalaghan
kabayanihan pagpapahalaga
paraan ng pamumuhay lahing Pilipino

Pagyamanin / Karagdagang Gawain


Panuto: Bumuo ng biopoem o isang simpleng tula tungkol sa
kabayanihan na ipinakita ng isang Pilipinong frontliner sa panahon ng
pandemya.(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa
Tayahin at lagyan ng pangalan, baitang, section, at ng module number sa iyong
papel.)

Aralain 1.1.3 b Epiko : Mga Dapat


Tandaan

Alamin

Layunin:
1. Naipaliliwanag ang katuturan ng epiko
2. Naiisa-isa ang mga katangian at mahahalagang kaisipang isinasaad ng
akda.

Balikan/ Pangganyak

1. Ano –ano ang mga katangiang ipinapakita ni Tuwaang sa epikong


nabasa?
2. Ano ang inilarawan ni Tuwaang sa epiko at paano niya isinasagisag
ang mga kababaihan ng kanilang lugar?
3. Ano ngayon ang inyong naintindihan hinggil sa akdang epiko?

9
Tuklasin

Sa nabasang epiko, makikita natin ang kakaibang


kapangyarihan,katangian ng pangunahing tauhan at mga natatanging kilos ng
pangunahing tauhan. Mahalagang malinang at mapaunlad ang inyong
kaalaman tungkol sa kahulugan,katangian at kahalagahan ng epiko bilang
akdang pampanitikan.Tuklasin mo rin kung bakit napabilang ang epiko sa
matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan.

Basahin at unawain.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong “epos” na


nangangahulugang salawikain o awit.Isa itong mahabang salaysay na anyong
patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon
tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan.

Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng


nakapaloob na mga paniniwala,kaugalian at mithiin ng mga tauhan.May mga
nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur,isang lalaki na
kinuhang manunulat ng mga Espanyol sa kanilang kapanahunan dahil sa
kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino.Lahat ng kaniyang isinulat ay
tinawag niyang epikus,na di kalaunan ay tinawag ng mga Espanyol na Epiko
na ang ibig sabihin ay “dakilang likha”

10
Suriin/Talakayin
Alam mo ba na…..

Epiko

Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas


ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito
tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan laban sa mga kaaway.
Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di
kapanipaniwala.

Mga Anda o Pananda ng Epiko:


1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani.

Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa at tema, ang


pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng
karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng epiko ang kultura
ng isang pangkat ng tao.

11
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema

katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani


mga supernatural na gawa ng bayani
pag-ibig at romansa
panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay
kamatayan at pagkabuhay
pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
mga ritwal at kaugalian

Ang Lalaking Bayani

Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang


bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa
sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang
intelektwal at moral na katangian.

Ang Pangunahing Babaeng Karakter

Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig


ng bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina.
Ilang Epiko sa Pilipinas
Biag ni Lam-ang- Ilokos
Maragtas- Bisaya
Bantugan- Mindanao
Hudhud - Ifugao
Darangan – Muslim
12
Isaisip
Makikita sa aralin na iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay
nailalarawan sa pamamagitan ng epiko ng kani-kanilang lugar at ito’y
naging bahagi ng kasaysayan. Ipinapakita ng akdang epiko ang
katangian ng mga Pilipino sa katauhan ng mga bayaning ipinamamalas
sa bawat akda.Gayundin ang kultura ng bawat lugar,ang tradisyon at
katangian ng mga taong naninirahan dito.

Isagawa

Magsaliksik o basahin ang sarili nating epiko ang “Maragtas”.Maari


kayong manghiram ng aklat sa nakatatandang kapatid o maghanap sa
internet.Kung walang net,maari kayong magpakuwento sa kaklase o kaibigan
na may kaalaman na tungkol sa epiko. Batay sa kaalamang nakalap sagutin
ang katanungang ito.

Ano-ano ang katangian ng pangunahing tauhan sa Maragtas na


sumasalamin o nakikita mo sa katangian ng mga Cebuano? Patunayan ang
sagot.

(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan ng
pangalan, baitang, section, at ng module number sa iyong papel.)

Karagdagang Gawain
Bumuo ng isang talata na nagbibigay buod sa inyong kaalaman hinggil
sa epiko.Ilahad din kung paano nakatutulong sa mga Pilipino at sa mga lugar
na kinabibilangan nila sa Pilipinas ang Epiko.Isulat ito sa bond paper.

(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan ng
pangalan, baitang, section, at ng module number sa iyong papel.)
13
Pang-abay na Pamaraan
Aralin 1.1.3 b

Alamin

Layunin:

A. Nakikilala ang pang-abay na pamaraan na naglalarawan kung paano


ginawa, ginagawa at gagawin ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa;
B. Nagagamit ang angkop na mga pang-abay na pamaraan sa pagbuo ng mga
pahayag na ginamit sa usapan.

Balikan / Pangganyak
Napansin mo ba ang mga salitang; agad-agad, napakalakas, bumalik
agad, at unti-unti mula sa epikong nabasa? Nakatulong ang paggamit ng mga
ito sa malinaw na paglalarawan ng kilos ng bawat tauhan upang maging
malinaw ang daloy ng mga pangyayari sa epiko.

Tuklasin
Panuto: Pansinin mo ang mga salitang sinalungguhitan sa loob ng
pangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos?
Naglalarawan ba ito o nag-uugnay?

14
1. Agad-agad na naghanda si Ang kaugnayan ng mga
Tuwaang. salitang sinalungguhitan sa
pandiwa ay _____________
2. Naghanda nang mabilis para sa
kanyang paglalakbay. ________________________
________________________
3. Binato nang napakalakas ni
________________________
Tuwaang ang Binata.
________________________
4. Ang binata ay unti-unting namatay. _______________________.

Sa bahaging ito, nakilala mo ang pang-abay na pamaraan sa pamamagitan ng


relasyon nito sa kasamang pandiwa.

Suriin / Talakayin
Alam mo ba na…..

ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN

Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap,


nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.

Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan:

-ang panandang “nang”

-ang panandang “na”/”ng”


Halimbawa:
1. Kinamayan niya ako nang mahigpit.
2. Natulog siya nang patagilid.
3. Bakit siya umalis na umiiyak?
4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata.
5. Naluluha siya nang nagpasalamat.

15
Isaisip

Dapat nating tandaan na sa pagbuo ng mga pahayag dapat


nating isaalang-alang ang mga salitang ating gagamitin.Mahalaga ang
kaalaman natin sa mga salitang pang-abay gaya ng pang-abay na
naglalahad sa paraan ng kilos na binibigyang turing nito upang lalong
mapabisa ang pakikipagtalastasan.

Isagawa
Panuto: Punan mo ng angkop na salita ang patlang sa parirala na naa-
ayon sa iminumungkahi ng larawan .

(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan ng
pangalan, baitang, section, at ng module number sa iyong papel.)

a. Sila ay_________ na sumakay b. Sila’y __________ na nakarating


sa sinalimba at pumunta sa sa tahanan ni Batooy.
kautusan.

16
c.____tinanggap ni Gungutan ang d. ______ na nakipaglaban si
alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang.

A. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang


upang mabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
Jewill: Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo
uwian?
Emil: Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ___________ nang
naglalabasan ang aking mga kamag-aral.
Jewill: Ganoon ba? Akala ko nagcutting classes ka dahil nakita kitang
______ na lumalabas mula sa iyong silid-aralan.

Emill: Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John.

Jewill: Bakit?
Emill: Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsasaliksik tungkol sa
epiko. ________ nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya
nais naming ipakita ang aming pananabik sa kaniyang leksiyon.
Jewill: Naku…______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase
kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng takdang-aralin.
Kaya, husayan ninyo.
Emill: Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming
Salamat. O, paano? _______ na kaming aalis. Paalam.

sabay – sabay isa – isa pagalit


dahan – dahan ganadong -ganado
17
Pagyamanin / Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ka ng isang karanasan (maaaring pansarili o sa iba ) na


nagpapakita ng kabayanihan. Sikaping maging malinaw ang mga pangyayari
sa tulong ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan. (Isulat sa bond paper).
(Note: Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang, pangkat at bilang ng
modyul).

(Note: Isabay ang pag sumite sa mga gawain sa bahaging ito sa Tayahin at lagyan ng
pangalan, baitang, section, at ng module number sa iyong papel.)

Tayahin

Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng


pinakatamang sagot. (Isulat sa buong papel ang mga kasagutan). (Note:
Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang, pangkat at bilang ng modyul).

1. Sino ang kapatid ni Tuwaang?


A. Batooy C. Binata ng Pangunanon
B. Bai D. Binata ng Sakadna

2. Siya ay nagtago dahil ayaw niyang pakasalan ang Binata ng Pangunanon.


A. Dalaga ng Buhong na Impiyerno
B. Dalaga ng Buhong na Langit
C. Dalaga sa Nayon
D. Dalagang Bukid

3. Saang kaharian nakatira si Tuwaang?


A. Kaharian ng Panayangan
B. Kaharian ng Sakadna
C. Kaharian ng Kauman
D. Kaharian ng Datos

18
4. Ilang tagasunod mayroon ang Binata ng Sakadna?
A. 100 C. 500
B. 200 D. 900

5. Ano ang kahinaan ng Binata ng Sakadna?


A. gintong plawta C. tubig
B. halimaw D. ipis

6. Dahil sa paglaganap ng sakit na COVID 19 sa ating bansa ay __________


na nagpulong ang mga kasapi ng IATF at si pangulong Duterte.
A. biglang B. agad-agad C. unti-unti D. sabay-sabay

7. __________ ang pagtubo sa bilang ng mga tinamaan ng sakit na ito.


A. Unti-unti B. Biglang C. Mabilis D. Mahina

8. __________natigil lahat ang ikot ng mundo at ipinasara lahat ang mga


establisyemento.
A. Agad-agad B. Biglang C. Sabay-sabay D. Unti-unti

9. __________na nagdarasal ang buong pamilya sa loob ng kanilang tahanan.


A. Sabay-sabay B. Mabilis C. Agad-agad D. Unti-unti
10.Hiling ng bawat isa na sana’y ________ nang maibalik sa dati ang ating
pamumuhay.

A. mabilis B. bigla C. agad-agad D. unti-unti

Sanggunian: Panitikang Pambansa Aklat at Module


para sa mga pampublikong mag-aaral
ng Baitang 8.

19

You might also like