You are on page 1of 26

PANITIKAN

PANITIKAN

• Ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao.


• Ito ay ginagamit ng mga tao upang
magpahayag ng kanilang mga nararamdaman
Mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan
Ng pagsulat
PANITIKAN
• Ang salitang ito ay tinatawag ding literature.
Ito ay nagmula sa salitang latin na
“ literature” na nangangahulugang “ titik”

• Ang salitang tagalog naman na “ panitikan” ayon kay Dr.


Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa salitang ugat na
“TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “ pang-at-an”.
Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN.
PANITIKAN
Sa pagtagal ng panahon, ang
Konseptong ito ay nabago. Kung noon
Ay ang mga nasusulat lamang na gawa
ng tao ang maituturing na literature, ngayon,
Kabilang na din ditto and nabibigkas na mga akda
( oral literature)
DALAWANG
URI NG PANITIKAN
1. PROSA O TULUYAN

Ito ay uri ng panitikan na naglalaman ng mga pangungusap at mga talata.


Sa anyong prosa, ang daloy ng pagkakasulat ng mga ideya ay mas natural at tuloy-tuloy.
Wala itong sinusunod na bilang ng bigkas at walang sinusunod na tugmaan sa dulo
ng mga salita. Dito, mayroong kalayaan ang mga manunulat sa kung ano ang nais nilang
Isulat.

Nakadepende ang kagandahan at kaayusan nito sa paraan ng manunulat kung paano niya
Bubuuin ang pagkasunod- sunod ng mga detalye.
Mga Akdang Prosa o Tuluyan
1. Maikling kwento
Isang maikling akda na naglalaman ng kakaunting tauhan kompara
sa nobela. Ito ay may iisa lamang na banghay. Ang pagbasa nito ay
Kayang tapusing sa isang upuan lamang.

2. Nobela
Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang
pagbabasa nito ay inaabot ng ilang basahan para matapos ang
buong istorya. Ito ay naglalaman ng madaming maganap ang mga
pangyayari sa iba’t- ibang tagpuan. Ang nobela ay maaring
maging piksyon o di- piksyon.
3. Dula
Ito ay akdang itinatanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang yugto at
ang bawat yugto naman ay nahahati sa ilang tagpo. Tinatawag na mandudula
o dramaturgo ang mga dalubhasa na sumusulat ng iskrip ng isang dula.

4. Alamat
Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.

5. Pabula
Ito ay isang uri ng panitikan na kung saan hayop ang gumaganap bilang tauhan. Ito
ay nagbibigay ng magandang aral lalo na sa mga bata.
6. Anekdota
Ito ay isang maikling akda na naglalaman ng nakawiwiling pangyayari
sa buhay ng tao. Ang layunin nito ay magbibigay ng aral sa mga
mambabasa batay sa karanasa ng tauhan sa kwento.
7. Balita
Ito ay tala ng mga kaganapan na nagaganap sa lipunan at kapaligiran
8. Talambuhay(Biography)
Ito ay isang Sulatin na tumatalakay sa buhay ng isang tao.
9. Sanaysay
Sanaysay ay isang maikling sulatin na nagpapahayag ng opimyon
ng manunulat tungkol sa isang paksa.
10. Mito
Ito ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban,
kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento
ng tao at ng mahiwaganglinikha.

11. Parabula
ito ay isang maikling kuwento may aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya. Taliwas sa pabula/ ang parabola ay walang inilalahok
na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawing
kumikilos at nag sasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging
isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong
katulad ng isang bagay ang iba pang bagay.
2. PATULA
Ito ay uri ng panitikan na may masining na
pagpapahayag. Sa paggawa ng akdang nasa anyong
patula, dapat may isinaalang-alang na sukat, bilang
ng bigkas at mga taludtod, at may malikhaing
paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa mambabasa
Mga Akdang Patula
1. Tulang pasalaysay
Nagpapahayag ng mahalagang pangyayari sa buhay ng tao.
Ito ay maaaring makatotohanan o kathang-isip lamang.

a. Epiko – ang epiko ay tungkol sa kabayanihan. Ito ay nagpapakilala


ng ugnayan ng tao at mga diyos.
b. Balad – Sa lahat ng tulang pasalaysay, ito ang at pinakamaikli.
Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang
inaawit.
2. Tulang Liriko
Ito ay uri ng tula na ginawa upang awitin. Sa kabila nito, itinuturing na
ding tulang liriko ang isang tula kapag ito ay nagpapahayag ng
nararamdaman at nagpapakita ng emosyon ng isang makata.
a. Awiting bayan
Ito ay maikling tula na ginawa upang awitin. Ang tema nito ay
karaniwang umiikot sa pagmamahal, desperasyon, kalungkutan,
kasiyahan at pag-asa
b. Soneto
Ito ay tula na binubuo ng labing- apat na taludtod.
c. Elehiya
Tulang inaalay sa isang yumaong mahal sa buhay.
d. Oda(Ode)
Tulang nagpapaaral sa dakilang gawain ng isang tao.

e. Dalit
Isang kanta na nagpapakita ng pagpupuri sa panginoon.

f. Awit at Korido
Ang awit at korido ay akdang pampanitikan na nasa anyong patula.
Ito ay binabasa nang paawit.
3. Tulang Pandulaan
Ito ay uri ng tula na ginawa upang itanghal.

a. Komedya
Isang dula kung saan ang mga nagsisiganapan ay nagsasaad ng kasiyahan
o lihitimong pagpapatawa sa bawat salitang namunutawi sa
Kanyang bibig.
b. Melodrama
Ito ay isang dulang labis na nakakaapekto sa emosyon ng manonood.
Ito ay isang pamamaraan upang mas maging kaakit-akit ang mga karakter.
Karaniwan din nitong inilalarawan ang mabuti at masamang aspekto
ng mga karakter.
c. Trahedya
Ang trahedya ay isa sa pinakamatandang uri ng dula. Ang tema
ng isa trahedya ay karaniwang tungkol sa pagkasira ng isang dinastiya,
pagbagsak ng tao, pagtataksil, at pagkamatay.
d. Parsa o Saynete (Farce)
Ang parsa ay isang kategorya ng komedya na gumagamit ng mga
nakakatawang sitwasyon na ang layon lamang ay makapagpatawa
ng madla.
TASK KO!

• Magsaliksik ng akdang pampanitikan na itinuturo sa


elementarya. Organisahin ang mga ito ayon sa uri ng
panitikan. Gumawa ng portfolio sa mga panitikang
Itinuro sa elementarya at organisahin ito sa mga bawat
kwarter. Maari kayong maggalugad o ,magsadya sa
Curriculum guide ng. elementarya para magabayan kayo.
Ipagpatuloy hanggang kwarter 4.
UNANG KWARTER
Uri ng Panitikan
Tuluyan
Maikling kuwento Sanaysay
Mga hal. ng maikling kuwento Hal. ng sanaysay

A. Si Baste at ang Aso niyang si Pancho


A. Akoy Pilipino
B. Ang “ Aswang” Sa baryo dekada
B. Ang kalagahan ng edukasyon
Sitenta
C.Pagkakaisa sa likod ng
C. Si Julio at ang sapatero sa kanto
Pagkaka-iba.
D. Ang lumang tren sa purok
D. Para sa mga nais huminto sa
mahinahon
pag-inom ng alak
Tula
a. Alay ng mga bayani
b. Bayani ng kahapon
c. Ang bagyo
d. Ang pamilya

Haiku
a. Ang kalikasan
b. Tapat dapat
c. sanggol
d. Balat kayo
IKALAWANG KWARTER
Anaduta Epiko
a. Wika sa panahon ng pandemya a. Biag ni lam-ang
b. Buhay ni Dr. Jose Rizal b. maragtas
c. Ang tsinelas ni Jose Rizal c. Iballon
d. Sa isang kisapmata d. Tulalang
Dula
a. Ang pulubi
b. Ang pasko
c. Walang sagot
d. Plop! Click! Balad / Balada
a. sarimanok
b. Awit ng puso ng ina
c. Urehained Melody
d. Kundiman sa gitna ng karimlan
IKATLONG KWARTER
PARABULA
TALUMPATI

A. Ang pera at tao


B. pasasalamat
AWIT AT KORIDO
C. Muling maging dakila
D. Pag-ibig sa tinubuabg lupa A. Sulyap
B. Ibong adarna
C. Florante at laura
D. Ang haring patay
NOBELA
A. Ang mestiso
B. Luha ng buwaya
C. Banag at sikat
D. Sa mga kukong liwanag PASTORAL
A. Bayani ng bukid
B. Bayan ko
C. Tinig ng ligaw na gansa
D. Pinoy ako
IKA-APAT NA KWARTER
TALAMBUHAY
A. Isang Ina
B. Di karaniwan
C. Ang aking sarili
D. Ang pamilya SAWIKAIN
A.BALAT SIBUYAS
B. Bukas na aklat
C. Anak pawis
D. Basang sisiw
ALAMAT
A. Alamat ng mangga
B. Alamat ng sampalok
C. Alamat ng langka
D. Alamat ng pinya TANAGA
A. Uling
B. Kalikaran
C. Pag- ibig
D.Kultura
MY PORTFOLIO
IN
SPEC104(PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA
II SA PANITIKAN NG PILIPINAS)

Ipinasa ni:
April Rose B. Meral
Ipapasa kay:
Ms Christylen Bucol

You might also like