You are on page 1of 8

Modyul 2 -BATAYANG KAALAMAN SA PANITIKAN

1. Introduksyon
Mahalagang matutunan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa ating
sariling panitikan. Sa pamamagitan nito ay malalaman, mararamdaman at
masusumpungan mo kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.
Ito ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid mo ang kaugnayan ng
kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap mo ang darating ng may
lakas at talino. Sa pag-aaral mo ng ating panitikan ay mababatid mo ang mga
Pilipinong pumanday ng iyong matatayog at mararangal na simulain na naging
puhunan sa pagbuo ng isang lipunan (Mula sa aklat na Salamin ng Lahi).

2. Mga Inaasahang Bunga ng Pagkatuto


1. Maipapaliwanag mo ang kahulugan ng panitikan;

2. Mabibigyan mo ng masusing pansin ang kahalagahan ng pag-aaral ng


panitikan

3. Matutukoy mo ang iba’t ibang uri ng panitikan.

4. Maipaliliwanag mo ang iba’t ibang teoryang pampanitikan;

5. Matutukoy mo ang iba’t ibang pagdulog na ginagamit sa pagsusuring


pampanitikan;

6. Makasusulat ka ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang


panlipunan ng isang akdang pampanitikan.

3. Pagtalakay sa Paksa
Leksyon 1- Kahulugan, Kahalagahan at Uri ng Panitikan

1. Ano ang Panitikan?

Tunghayan mo ang iba’t ibang pakahulugan ng mga manunulat tungkol


sa panitikan:

§ Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa


pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha (Bro. Azarias).
§ Aumang bagay na naisatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin
ng tao, maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaaring
tawaging panitikan (Webster).

§ Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag


ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kaniyang pang-araw-
araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran at
gayun din sa kaniyang pagsusumikap na makita ang Maykapal (Atienza et al.).

§ Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Sa panitikan


nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, at
guniguni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda,
makulay, makahulugan, matalinghaga,at masining na mga pahayag ( Maria
Ramos).

§ Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-


iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa
(Santiago et al.).

3.1. Kahalagahan
2. Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?

Alamin mo naman ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan:

1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang
ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo’y may dakila
at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng
ibang kulturang nakarating sa ating bansa.

3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan


at makapagsanay na ito’y maituwid at mabago.

4. Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at


magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.

5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay


kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
3.2. Uri ng Panitikan
Pangkalahatang Uri ng Panitikan

2.1. Tuluyan – ito ay mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap.

2.2 Patula – ito mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma,
taludtod, at saknong.

3.3. Pantanghalan
C. Tulang Dula o Pantanghalan

a. Komedya – ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may


layong pukawin ang kawilihang manood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang
tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
siyang nakapagpapasaya ng damdamin ng manonood.

b. Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal,


kasama na nag opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan s atrahedya tulad
ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit
nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.

c. Trahedya – angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang


nagwawakas sapagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.

d. Parsa – ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-


kawing ng mga pangyayaring nakakatawa.

e. Saynete – ang paksa ay tungkol sa karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

D. Tulang Patnigan

a. Karagatan – batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya


sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap.Hinamon
niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at
ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito.isang kunwa’y matanda ang
tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o
tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito sa
paghinto aay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinghaga.
b. Duplo – ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas
at pangangatwiran nang patula. Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya,
sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga
namatayan.

c. Balagtasan – ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng


panginay na si Francisco”Balagtas” Baltazar. Tagisan ito ng talino sa pagbigkas
ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.

3.4. Tuluyan
Ano-ano ang mga akdang tuluyan?

a. Nobela – isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata, hango


sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang
panahon at ginagalawan ng maraming tauhan.

b. Dula – itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan, nahahati sa ilang


yugto at sa bawat yugto ay maraming tagpo.

c. Maikling Kuwento – salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang


pangyayari sa kakintalan.

d. Alamat – mga salaysaying hubad sa katotohanan, tungkol sa pinagmulan


ng bagay ang karaniwang paksa rito.

e. Talumpati – isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga


tagapakinig na may layuning humikayat, magbigay ng impormasyon,
mangatwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.

f. Pabula – mga salaysaying hubad sa kattotohanan na ang layuni’y gisingin


ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali
at pagkilos. Ang mga gumaganap dito ay mga hayop.

g. Sanaysay – pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa


isang suliranin o pangyayari.

h. Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling


salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga
mambabasa. Maaaring ito’y isang kuwento ng mga hayop o bata.
i. Talambuhay – tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaaring
pang-iba o pansarili.

j. Parabula – mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota.May


layunin din itong magbigay-aral sa mga mambabasa o tagapakinig.

k. Balita – isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa


lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang
paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat

3.5. Patula
2. Mga akdang patula

A. Tulang Pasalaysay –naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o


pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga
suliranin at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.

a. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapapaniwalaan


pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi sa isang alamat o
kasaysayan na naging matagumpay laban sa panagnib at kagipitan.

b. Awit at Kurido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa


pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna,
prinsepe’t prinsesa. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.. Ang awit ay
may sukat na labindalawang pantig (12) at inaawit nang mabagal sa saliw ng
gitara o bandurya, samantalang ang kurido’y may sukat na walong (8) pantig at
binibigkas sa kumopas na martsa.

c. Balad – may himig na awit dahialng ito ay inaawit habang may


nagsasayaw. Ito ay nalikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay
napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong
pantig.

B . Tula ng Damdamin o Liriko – nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili


ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping
guniguni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at
madaling maunawaan.
a. Awiting Bayan – ang karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.

b. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at


kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan,
ito’ynaghahatid ng aral sa mambabasa.

c. Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o


kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

d. Dalit – awit na pumupuri sa Diyos at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa


buhay.

e. Pastoral – may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

f. Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang masiglang


damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa
isang saknong.

3.6. Aralin 2
A. Teoryang Pampanitikan

Teorya – pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan


upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o
pagpapaliwanag ukol dito.

Teoryang Pampanitikan – isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng


pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng
may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.

B. Mga Pagdulog

1. Bayograpikal – ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o


kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinapaliwang dito ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka’ na inaasahang magsilbing katuwang
ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
2. Historikal – ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi
ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang
pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng
tao at ng mundo.

3. Klasismo – ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring


payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari ay matipid at piling-pili sa paggamit
ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

4. Humanismo – ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng


mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao
gaya ng talino, talento atbp.

5. Romantisismo – ang alyunin ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o


sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag—ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin ng isang nilalang ang
lahat upang maipaalam ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

6. Realismo – ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ito ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagka epektibo ng kanyang isinulat.

7. Pormalistiko – ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang


nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan., kung ano ang
sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais nais niyang
ipaabot sa mambabasa- walang labis walang kulang. Walang simbolismo at
hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

8. Eksistensyalismo – ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang


tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng
kanyang pananatili sa mundo.

9. Feminismo – ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at


kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin sa lipunan sa mga kababaihan.

10. Dekonstruksyon – ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto
na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga manunulat at
pilosopo na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat
kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.

11. Istrukturalismo – wika ang mahalaga dahil sa hinuhubog nito ang


kamalayang panlipunan-ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga
ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan.

You might also like