You are on page 1of 10

Mga Uri ng Teksto

1. Tekstong Impormatibo o Nagbibigay ng Impormasyon – isa itong uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay
magbibigay ng mga datos at impormasyon sa mga mambabasa para sa karagdagang kaalaman. Madalas itong makikita
sa mga teksto gaya ng pananaliksik, teksbuk at iba pang aklat gaya ng diksyunaryo, encyclopedia, balita anunsyo o
maging sa lecture notes.
Mga Halimbawa:

A. Balita B. Lecture Notes

I. Paraan ng Pagsasalin sa ibang henerasyon

A. Pasalin dila
1. Epiko
2. Awiting- bayan
3. Alamat
4. Kasabihan
5. Salawikain
6. Bugtong
7. Palaisipan

B. Pasulat.
II. Anyo

A. Tuluyan o Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan.

1. Nobela- isang mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na sa mahabang


saklaw ng panahon.

Uri ng Nobela

a. Nobela ng Pangyayari- binibigyang diin ay ang mga pangyayari.


b. Nobela ng Tuhan- binibigyang diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan.
c. Nobela ng Romansa- nakatuon sa pagiibigan.
d. Nobelang Pagbabago- ang diin ng akda ay ang paghahangad ng pagbabago sa lipunan at
pamahalaan.
e. Nobela ng kasaysayan- nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayn ng isang
bayan.
2. Maikling Kuwento- isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.

Uri ng Maikling Kwento


a. Pangkatauhan- ang nagbibigay diin ay ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan.
b. Makabanghay- ang binibigyang diin ay ang pagkakawing- kawing ng mga
pangyayari sa katha.
c. Pangkapaligiran- ang kuwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda.
d. Pangkatutubong- kulay- ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas
at kakanyahang pampook ng isang lugar o komunidad.
e. Pangkaisipan- ang binibigyang- diin sa akda ay ang kaisipan o makabuluhang
diwang taglay taglay nito.
f. Sikolohikal- ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag- iisip ng pangunahing
tauhan.
3. Dula- Isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.

Uri ng dula

a. Komedya- ang paksa ay katawa-tawa.


b. Trahedya- ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at nagtataos sa kanyang
kamatayan.
c. Melodrama- ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit magwawakas sa
kanilang tagumpay.

4. Alamat- mga salaysaying nauukol sa pinagmumulan ng mga bagay- bagay.

5. Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at magiging mga bagay na walang buhay
na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na tao.

6. Parabula- mga kwentong hinahango sa Banal na Kasulatan.

7. Anekdota- maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa.
8. Sanaysay- isang pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may akda sa isang suliranin o paksa.

Uri ng sanaysay

a. Pormal- ang paksa nito’y hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyagang pag-aaral o pananaliksik.
b. Impormal- ang paksa ay karaniwang lamang at hindi na nangangailangan ng pag-aaral o pananaliksik.

9. Talambuhay- kasaysayan ng isang tao

Uri ng talambuhay

a. Pansarili- ang may- akda ang sumusukat ng kanyang sariling talambuhay.


b. Paiba- talambuhay na isinulat ng ibang may- akda.

10. Balita- paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa
ibayong- dagat, maging sa industria, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.

11. Talumpati- isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.


B. Patula- nasusulat sa taludturan at saknungan.

1. Tulang Pasalaysay- kuwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma.

Uri ng Tulang Pasalaysay.

a. Epiko- tullang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang


pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala.

b. Awit at Kurido- mga patulang pasalaysay na paawit kung basahin. Kinapapalooban ito ng
romansa o pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan.

Awit- lalabindalawahing pantig

Korido- wawaluhing pantig

2. Tulang Pandamdamin o Liriko- mga tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaring


ng may akda o di kaya’y ibang tao.
Uri ng Tulang Pandamdamin

a. Awiting- Bayan maikling tulang binibigkas nang may himig at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa
pamamagitan ng bibig ng tao.
b. Soneto- tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid
ng aral sa mambabasa.
c. Elehiya- tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
d. Dalit- isang tulang awit bilang papuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
e. Pastoral- tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
f. Oda- isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.

3. Tulang Padula o Dramatiko- mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.
Mga Halimbawa:

a. Senakulo- ay isang dula patungkol sa Sakripisyo ng Panginoong Hesukristo: ang kaniyang paglilitis,
pagdurusa, at kamatayan.
b. Panunuluyan
c. Parsa
d. Saynete
4. Tulang Patnigan- mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga
namatayan.

Mga Halimbawa:

a. Karagatan
b. Duplo
c. Ensilada
d. Juego de Prenda
e. Balagtasan

2. Tekstong Deskriptibo o Naglalarawan- uri teksto na nakatuon sa pagbibigay ng pangkalahatan at mga tiyak
na detalye ng isang bagay, lugar, pangyayari, katangian,kaisipan, at pakiramdam na maaringkongkreto o
abstrakto. Ang isang mahusay na manunulat ng tekstong deskriptibo o palarawan ay nagagawang bigyan ang
kanyang mambabasa ng mental picture ng anumang bagay na kanyang inilalarawan.
Mga Gabay na Tanong

1. Tungkol saan ang binasang teksto?

2. Ano – ano ang inilalarawan sa tekstong binasa?

3. Paano nailarawan ng may-akda ang nagbabalat- kayong katahimikan?

4. Malinaw ba sa iyong isip ang pahambing na paglalarawan ng may- akda?


Ipaliwanag.

You might also like