You are on page 1of 5

KAGAWIANG

PANGKOMUNIKASYON

ULAT NI:
REYSHELLE ANN D. PEREZ
MEd-Filipino
Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig
(Maggay 2002):

 Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama


o pagpupuntirya:

pahaging
isang mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.

padaplis
isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya ang
kinauukulan nito.
 Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi ang
mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:

parinig
malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa kaharap na
kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.

pasaring
mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba pang mensaheng
nakasasakit sa mga
 Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:

paramdam
isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga
ekspresyong nararamdaman gays ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan,
malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa.

papansin
isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na kadalasang naipahahayag
sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkabali-dosa sa pananamit at pagkilos, sobra-
sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.
 Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay napa-
tatamaan siya:

sagasaan
pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap
na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may
masaktan: “Dahan-dahan at
baka makasagasa ka.”
paandaran
mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa
na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may
pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag
mo akong paandaran.”

You might also like