You are on page 1of 2

KAKAYAHANG PRAGMATIKO

-Tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang particular na konteksto upang mapahayag


sa paraang dretsahan o may paggalang

Speech Act.
Pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi
“paggawa ng mga bagayb gamit ang mga salita” o speech act.
Hal.

 Pangangako
 Pagpapaumanhin
 Pagpapatawad
 Pagtanggi

Sangkap ng Speech Act.


 Illocutionary Force- sadya o intensyonal. Hal. Pakiusap, Utos, at pangako
 Locution- Anyong lingguwistiko. Hal. Pasalaysay at patanong
 Perlocution- Epekto sa tagapakinig. Hal. Pagbibigay atensyon

Interlanguage pragmatics
-Pag-aaral sa kung paano ang mga hindi talaga na tagapagsalita ng particular na wika at nagsisimulang
matuto nito ay na papabuti ang paraan ng pagpapahayag ng kanilang intensyon sa pamamagitan ng iba’t
ibang speech act.

Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon


Berbal na komunikasyon, ay uri ng pakikipag usap sa paraan na pasulat o pasalita.
Ang Di-Berbal na komunikasyon naman ay isang sistema ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita
kundi sa paraan ng kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.

May iba’t ibang halimbawa ang Di-Berbal na komunikasyon ito ay ang:


 Kinesika(Kinetics)- tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Hal. Ekspresyon ng mukha, galaw ng
mukha, etc.
 Proksemika(Proxemics)- tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap. Hal. “Mamaya na”,
“ngayon na”.
 Pandama o Paghawak(Haptics)- isa sa pinakaunang pinakaunang anyo ng komunikasyon.
Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan. Hal. Pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap.
 Paralanguage- tumutukoy sa tono ng tinig, kalidad at bilis ng pagsasalita.
 Katahimikan o Kawalang-Kibo- karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang
sasabihin sa kausap o hindi kaya para maipakita ang tampo o sama ng loob.
 Kapaligiran- kung saan ginaganap ang pakikipag-usap. Malalaman ang intensyon ng kausap kung
saan niya gustong makipag-usap.

Mga salitang di-tuwirang pagtukoy na pagpapatama


 Pahaging- isang mensahing sinasadyang Makita at pinarinig lamang sa paligid.
 Padaplis- isang mensaheng sadyang lihis sa intesyong matamaan nang bahagya ang kinauukulan
nito.

Mga salitang ang pinapatamaan ng mensahe ay hindi angf kausap kundi ang mga
taong nasa paligid at nakakarinig ng usapan
 Parinig- malawakang ginagamit upang maiparating ang saloobin, hindi sa kaharap ng kausap kundi
sa taong nasa paligid na nakakarinig o nakikinig sa paligid.
 Pasaring- mga berbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang at iba pang mensaheng
nakakasakit sa mga nakakarinig na kunwari a6y labas sa usapan.

Mga salitang kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng pandama


 Paramdam- isang mensaheng ipinapaabot ng tao o maging ng espiritu, sa pamamagitan ng mga
ekspresyong nagpaparamdam gaya ng pagdabog, pagbabagsak ng bagay, malakas na pagsara ng
pinto, at iba pa.
 Papansin- layuning humingi ng atensyon na madalas naipapahayag sa paraan ng pagtatampo,
sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kadalasang kumukuha ng pansin.

Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay


napapatamaan siya
 Sagasaan- pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na tinututulan ng nakikinig
bilang isang paalala na may maaaring masaktan: “Dahan-dahan baka may mabundol ka”
 Paandaran- mekanismo ng pahiwatig na kadalasang naka pokus at umiikot sa isang paksa na hindi
tuwirang masabi subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon na isa sa kadalasang
kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran” o wag mo akong inisin.

You might also like