You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Third Quarter Examination Pointers

Ang Pagbasa: Katuturan, Kahalagahan at Kaugnayan Bilang Isang Konsepto

Ayon kay Badayos (1999), ang tagumpay o kabiguan ng mga mag-aaral sa pagbasa
ay repleksyon ng kanilang mga estratehiya na kung saan ang mga estratehiyang ito ay
repleksyon naman ng kanilang ganap na pag-unawa kung ano ang pagbasa.
Para kay Goodman (1967), binanggit ni Badayos (1999), ang pagbasa ay isang
“psycholinguistic guessing game” kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng
isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binasa

ESTRATEHIYA SA PAGBASA
Ang sumusunod ay ang itinuturing na mga estratehiya sa pagbasa ayon sa ilang
paham (dalubhasa) sa pagbasa at linggwistika.
Iskiming
Ito ay isang paraan ng mabisang pagtuon ng mahahalagang ideya sa binasang
teksto. Ginagawa nang may mabilis na tatlo o apat na ulit kaysa normal na pagbabasa.
Ito ay mabisa sa pagsipat sa mga pangalan, petsa, lugar, gayundin sa pagtugon sa tsart,
mapa at talaan.

Iskaning
Ito ay mabilis na paghanap sa tiyak na impormasyon para sa katumbas na sagot
at pagtugon sa pagtala ng detalye (note taking).
Ito ay ginagamit kung naghahanap ng sanggunian upang matukoy ang mga
kasagutan sa mga katanungan.
Masusing Pagbasa (Intensive Reading)
Ito ay estratehiya, kung saan ay kinakailangan ang atensyon at malalim na
konsentrasyon at pagbasa ng mga detalye at nangangailangan ng masusing pag-unawa
sa teksto.
Malawakang Pagbasa (Extensive Reading)
Ito ay komprehensibong pagbabasa ng mahabang teksto o libro para sa layuning
pangkalahatang kahulugan. Ito ay pagbabasang malikhain at kritikal, kung saan ay
pinagagana ang imahinasyon.
TEKSTONG IMPORMATIBO
May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estruktura ng paglalahad nito.
Sanhi at Bunga- Ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga
naunang pangyayari.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Third Quarter Examination Pointers

Paghahambing- Ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang


nagpapakita ng mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,
https://bit.ly/3H0fIoC

konsepto, o pangyayari.
Pagbibigay- depinisyon- Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita,
termino, o konsepto.
Paglilista ng Klasipikasyon- Ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng
isang malaking paks ao ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng
sistema ang pagtalakay.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Uri ng Paglalarawan
Karaniwang Paglalarawan (Obhetibo)
Literal at pangkaraniwang gumagamit ng paglalarawan. Obhetibo ang paglalahad ng
mga impormasyon sapagkat tiyak ang ginagawang paglalarawan.
Payak o simple lamang ang paggamit ng mga salita upang maibigay ang kaalaman sa
nakita, narinig, nalasahan, naamoy, at naramdaman sa paglalarawan.
Masining na Paglalarawan (Subhetibo)
Di-literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matatalinhagang o idyomatikong
pagpapahayag. Malayang nagagmit ang malikhaing imahinasyon upang mabigyan ng
buhay ang isang imahen o larawan.
Taglay nito ang kasiningan ng pagpapahayag ng damdamin at pananaw ng sumulat.

TEKSTONG NARATIBO
Diyalogo- sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-uusap ng mga
tauhan upang isalaysay ang nangyayari.
Foreshadowing- Nagbibigay ito ng mga pahiwatig o hint ukol sa kung ano ang mga
maaaring maganap sa daloy ng naratibo.In Medias Res- nagsisimula ang narasyon sa
kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinapakilala ang mga karakter, lunan, at tension sa
pamamagitan ng mga flashback.
Plot Twist- Paglalahad ng hindi inaasahang pangyayaring maaaring makapagpabago sa
kabuuan ng kuwento.
Ellipis- omisyon o pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento kung saan hinahayaan ang
mambabasa na magpuno sa naratibong antala. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of
Omission ni Ernest Hemingway.
Comic Book Death- isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang karakter
ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa kuwento.
Reverse Chronology- nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula.
Deus ex machina (God from the machine)- isang plot device na ipinaliwanag ni
Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang-resolusyon ang tunggalian sa
pamamagitan ng awtomatikong interbensyon ng isang absolutong kamay.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Third Quarter Examination Pointers

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Sa mga salita ni Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan” ang
“proposisyon” ay mga pahayag na pagtatalunan habang ang argumento ay
ang paglalahad ng mga lohikal na impormasyong nakalap upang ipaglaban
ang posisyong napiling tindigan.

TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay may apat na nilalaman: layunin o target na


awtput, mga kagamitan, metodo, at ebalwasyon.
1. Layunin o target na awtput- nilalaman ng bahaging ito kung ano ang
kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyural.
2. Kagamitan- nakapaloob dito ang kasangkapan at kagamitang
kakailanganin upang makompleto ang isasagawang proyekto.
3. Metodo- serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang
proyekto.
4. Ebalwasyon- naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat
ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa. Maaaring sa pamamgitan ng
ito ng mahusay na paggan ng isang bagay, kagamitan, o makina o di
kaya ay mga pagtatasa kung nakamit ang kaayusan na layunin ng
prosidyur

You might also like