You are on page 1of 9

Tekstong

Argumentatibo

PAGBASA AT PAGSUSURI
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng
teksto na nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya
mula sa personal na karanasan, kaugnay na
maga literatura at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Mga Elemento ng
Pangangatuwiran 

1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan


o pag-usapan.

2)Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at


ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri
sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.
Katangian at nilalaman ng Mahusay na
Tekstong Argumentatibo

1) Mahalaga at napapanahong paksa


2) Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis
sa unang talata ng teksto.
3) Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teksto.
4) Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
5) May matibay na ebidensiya para sa argumento.
Tekstong Prosidyural

 Ito ay iang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay


ng impormasyon at instruksiyon kung paanong
isasagawa ang isang tiyak na bagay.
  layunin ng tekstong ito na makapagbigay ng sunod-
sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang
tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas at
angkop na paraan.
Mga Elemento ng
Pangangatuwiran 

1) Proposisyon- ang pahayag na inilalahad upang


pagtalunan o pag-usapan.

2)Argumento- ito ang paglalatag ng mga dahilan at


ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na
argumento.
Nilalaman ng Ang
Tekstong Prosidyural

1) Layunin o target awtput 


 nilalaman ng bahaging ito kung ano ang
kalalabasan o kahihinatnan ng proyekto  ng
prosidyur. Maaaring ilarawan ang tiyak na
katangian ng isang bagay o kaya ay katangian ng
isang uri ng trabaho o ugaling inaaasahan sa
isang mag-aaral kung susundin ang gabay.
2) Kagamitan - Nakapaloob dito ang
mga kasangkapan at kagamitang
kakailanganin  upang makompleto ang
isasagawang proyekto.
3) Metodo- serye ng mga hakbang na
isasagawa upang mabuo ang proyekto.
4) Ebalwasyon- naglalaman ng mga
pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
Katangian ng
Wikang Madalas Gamitin
1) Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
2) Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa hindi sa
iisang tao lamang
3) Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang
pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga
panghalip
4) Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa
instruksiyon.
5) Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay upang ipakita
ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng teksto
6)Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon.

You might also like