You are on page 1of 3

ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC.

Formerly Holy Cross Academy


Sta. Cruz, Davao del Sur
Tel. Fax No. (082) 272-0607

LEARNING PLAN

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri Markahan: 4TH Petsa: Pebrero 4-6, 2019

Paksang Yunit: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Yunit #: 5

Pamantayang Pagganap:
Sa pagtatapos ng yunit, ang mga mag-aaral sa kanilang sarili ay makapagbubuo ng sariling
pananaliksik batay sa layunin at batayang etika ng isang mananaliksik tungo sa pagkakaunawaan at
pagbubuklod ng bawat isa at pagpapakita ng mga gawain tungo sa paniniwala ng Maylikha sa sanlibutan.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsulat ng pananaliksik sa pamamagitan ng
pagpili, pagtala, pagbuo at pagsulat na may pagmamahal sa sariling akda katulad ng pagmamahal ng
Diyos sa atin.

Kakailanganing Pag-unawa:
 Layunin nito upang magbigay ng paliwanag hinggil sa mga pinagtatalunang isyu o magpanukala
ng solusyon sa isang suliranin.
Mahahalagang Tanong:
 Bakit mahalaga ang paghahanap ng mga datos o materyal na susuporta sa isang pahayag?
 Ano ang layunin ng pangangalap ng datos o impormasyon?

I. Panimulang Gawain

Balik-aral: Bakit kailangang nating bumuo ng isang konseptong papel sa pananaliksik?

Pokus: Pagbuo ng Tesis na pahayag at pangangalap ng Datos

Pagganyak:
 Ang guro ay magpapanood ng isang bidyo na ang nilalaman nito ay patungkol sa Pagkabaliw ng
mga Bata sa larong Mobile Legend.

APK:
 Ano ang nauunawaan ninyo sa bidyong napanood.
 Sino-sino ang makapaglalahad ng sariling impormasyon batay sa naintindihan sa bidyo?

II. Pagpapaunlad ng Aralin

A. Presentasyon ng Konsepto
Layunin:

- Nakabubuo ng wastong tesis na pahayag.


- Nakapagmamapa ng konsepto gamit ang binuong tesis na pahayag.
- Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos at nakapipili ng angkop na
pamamaraan para sa gagawing pananaliksik.
- Nagagamit ang mga kasanayan sa paggamit ng silid-aklatan sa pangangalap ng datos.
- Nakakalap ng mahahalagang materyal na magagamit sa pananaliksik.

Gawain ng Guro:
 Paglalahad at pagpapaliwanag ng konsepto

Gawain ng nga Mag-aaral:


 Pangkatang Gawain
 Malayang Talakayan
 Student-centered

B. Pagpapalawig ng Konsepto

Pangkatang Gawain:

Gawain 1: Pagtatalakay sa Paksa


Gawain 2: Muling pag-aralan ang mga binuong katanungang sasaliksikin sa konseptong papel. Maaari
ding balikan ang ilang sanggunian upang muling maalala ang mahahalagang impormasyong ginamit sa
pagbuo ng konseptong papel. Mula sa mga ito, bumuo ng isang makabuluhang tesis na pahayag.
Gawain 3: Balikan ang binuong konseptong papel at tesis na pahayag. Batay sa mga ito, gumawa ng
mapa ng konsepto bilang gabay sa gagawing pangangalap ng datos. Sundi ang sumusunod bilang gabay
sa pagmamapa ng konsepto.

 Ilagay sa sentro ang iyong paksa, at punan ng mga sanga ng impormasyon tungkol sa
pananaliksik na gagawain. Ibatay ito sa nabuong paksa sa mga naunang modyul.
 Tukuyin ang nakapag-iisa at di-nakapag-iisang elemento ng gagawing pananaliksik.
 Ano-ano ang kaisipan o ideya na nagbibigay ng suhestiyon sa maaaring paghanguan ng mga
datos?

C. Integrasyon
 Ignacian Core/Related Values : Faith/ Justice
 Social Orientation
-Makatotohanang impormasyon para sa pagpapaunlad ng sarili, propesyon at komunidad.
 Lesson Across Discipline : AP at CLVE
 Jeepgy : Justice and Peace

 Biblical Reflection: Respect 1: Peter 3:16/ Wisdom

III. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Piliin ang pinakamainam na tesis na pahayag para sa bawat paksa. Lagyan ng tsek (/) ang kahon
ng sago.

1. Ang epekto ng patalastas ng alcohol sa kabataan

Nakasasama ang mga patalastas ng alcohol sa kabataan at ito ay dapat ipagbawal


Ang mga patalastas ng alcohol ay nakahihimok sa kabataan na uminom ng alcohol dahil naiuugnay
ang pag-inom ng alcohol sa pakikisalamuha, pagmumukhang may-edad, at mataas na antas sa lipunan
batay sa kung paano ito ipinapakita sa media.
Ang alcohol ay nakapagdudulot ng masasamang epekto tulad ng adiksiyon at pagkawala ng control
sa sarili kaya ito ay hindi dapat.

2. Sanhi ng kahirapan sa Pilipinas

Kakulangan ng maayos na edukasyon, pangungurakot sa pamahalaan, at malaking agwat ng


kalagayan sa buhay ng mayaman at mahirap ang mga pangunahing dahilan ng kahirapan sa Pilipinas.
Bilang solusyon sa kahirapan sa Pilipinas, ipinatupad ng pamahalaan sa ilalim ng
Administrasyong Aquino ang Conditional Cash Transfer Program.
Ayon sa pakikinayam sa 100 negosyante sa Pilipinas, ang lihim sap ag-angat mula sa kahirapan ay
sikap at tiyaga.
IV. Paglalahat
 Tapusin ang sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng pagpuno sa mga patlang.

Ang pinakamahirap na bahagi ng pagbuo ng Tesis na pahayag at pangangalap ng Datos


ay__________________________________________________________________________________
________________________________________________________. Ang mga suliranin na hinarap ko
sa pagbuo ng tesis na pahayag at pangangalap ng datos
ay__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.
Nalagpasan ko ang mga balakid na ito sa pamamagitan
ng__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________.

V. Takdang-aralin

 Pag-aralan ng maaga ang Pagtatala sa Notecard


 Alamin ang mga dapat isaalang-alang nito, at ipaliwanag ang bawat isa.

Sanggunian/Kagamitan:

- Taylan, Dolores R. et. Al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Rex Book Store. 2016
- Batayang aklat, graphic organizers, yeso, eraser, visual-aid, mga larawan, laptop, atbp.

Inihanda ni:
Sinuri ni: Pinagtibay ni:
MARISSA D. AMPONG
Guro __________________________ S. MARYVIC D. CASAS, RVM
Punong- Guro
Petsa: __________________ Petsa: ____________________
Petsa: _____________________

You might also like