You are on page 1of 3

ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC.

Formerly Holy Cross Academy


Sta. Cruz, Davao del Sur
Tel. Fax No. (082) 272-0607

LEARNING PLAN

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri Markahan: 4TH Petsa: Pebrero 18-20, 2019

Paksang Yunit: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Yunit #: 2

Pamantayang Pagganap:
Sa pagtatapos ng yunit, ang mga mag-aaral sa kanilang sarili ay makapagbubuo ng sariling
pananaliksik batay sa layunin at batayang etika ng isang mananaliksik tungo sa pagkakaunawaan at
pagbubuklod ng bawat isa at pagpapakita ng mga gawain tungo sa paniniwala ng Maylikha sa sanlibutan.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagsulat ng pananaliksik sa pamamagitan ng
pagpili, pagtala, pagbuo at pagsulat na may pagmamahal sa sariling akda katulad ng pagmamahal ng
Diyos sa atin.

Kakailanganing Pag-unawa:
 Layunin nito upang magbigay ng paliwanag hinggil sa mga pinagtatalunang isyu o magpanukala ng
solusyon sa isang suliranin.
Mahahalagang Tanong:
 Bakit mahalaga ang paghahanap ng mga datos o materyal na susuporta sa isang pahayag?
 Ano ang layunin ng pangangalap ng datos o impormasyon?

I. Panimulang Gawain

Balik-aral:
 Bakit mahalaga ang paghahanap ng mga datos o materyal na susuporta sa isang pahayag?
 Ano ang layunin ng pangangalap ng datos o impormasyon?

Pokus: Paghahanda ng Tentatibong Bibliograpiya

Pagganyak: Itatanong ng guro ang mga sumusunod:


 Nakapasok na bayo ng isang silid-aklatan?
 Ano ang napapansin ninyo sa loob nito?
 Sa paghahanap ng datos, saan kayo unang pupunta?

APK:
Mga Gabay na Tanong:
 Ano-anong mga koleksiyon ang nakikita ko sa mga aklatang madalas kong pinupuntahan?
 Ano ang ginagamit nitong sistema ng pagkakatalogo?
 Gaano kalaki ang maitutulong ng mga koleksiyon sa aklatang ito sa pagbuo ng aking papel
pampananaliksik?

II. Pagpapaunlad ng Aralin

A. Presentasyon ng Konsepto
Layunin:

- Nakapag-oorganisa ng mahahalagang impormasyon na gagamitin sa pananaliksik.


- Nakapagpapakita ng kakayahang suriin ang kredibilidad ng mga pinaghanguan ng impormasyon.
- Nasisipi ang mga bibliograpiya.
Gawain ng Guro:
 Paglalahad at pagpapaliwanag ng konsepto

Gawain ng nga Mag-aaral:


 Pangkatang Gawain
 Malayang Talakayan
 Student-centered

B. Pagpapalawig ng Konsepto

Pangkatang Gawain:

Gawain 1: Pagtatalakay sa Paksa


Gawain 2: Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi. Basahin sa Internet ang sumusunod:
1. “How to use online library databases” sa www.allpurposeguru.com
2. “EBSCOhost for Student Research” sa www.ebscohost.com
3. “Top 10 Online Databases for General Research” sa fmuonline.wordpress.com

Gawain 3: Bumuo ng isang listahan ng mga alituntunin sa paggamit ng online database. Iulat ang mga
nabuong alituntunin sa klase.

C. Integrasyon
 Ignacian Core/Related Values : Faith/ Justice
 Social Orientation
-Makatotohanang impormasyon para sa pagpapaunlad ng sarili, propesyon at komunidad.
 Lesson Across Discipline : AP at CLVE
 Jeepgy : Justice and Peace

 Biblical Reflection: Respect 1: Peter 3:16/ Wisdom

III. Ebalwasyon/Pagtataya
Panuto: Itala ang mga nakuhang sanggunian sa sumusunod na tsart. Pagkatapos, bumuo ng
pansamantalang bibliyograpiya sa paksang iyong naiisip na linangin sa iyong pananaliksik.

MGA SANGGUNIAN MULA SA AKLATAN MGA SANGGUNIAN MULA SA INTERNET


IV. Paglalahat
 Tapusin ang sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng pagpuno sa mga patlang.

Ang pinakamahirap na bahagi ng Pagbuo ng Tentatibong Bibliograpiya


ay__________________________________________________________________________________
________________________________________________________. Ang mga suliranin na hinarap ko
sa pagbuo ng tentatibong bibliograpiya
ay__________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.
Nalagpasan ko ang mga balakid na ito sa pamamagitan
ng__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________.

V. Takdang-aralin

 Pag-aralan ng maaga ang Pagsulat ng Tentatibong Balangkas.


 Alamin ang mga dapat isaalang-alang nito, at ipaliwanag ang bawat isa.

Sanggunian/Kagamitan:

- Taylan, Dolores R. et. Al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Rex Book Store. 2016
- Batayang aklat, graphic organizers, yeso, eraser, visual-aid, mga larawan, laptop, atbp.

Inihanda ni:
Sinuri ni: Pinagtibay ni:
MARISSA D. AMPONG
Guro __________________________ S. MARYVIC D. CASAS, RVM
Punong- Guro
Petsa: __________________ Petsa: ____________________
Petsa: _____________________

You might also like