You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon VIII (Eastern Visayas)
Division ng Leyte
Palompon National High School
Oval East, Central II
Palompon, Leyte

DAILY LESSON PLAN


S.Y. 2022-2023
BAITANG AT SEKSYON:
GURO: CHRISTY JEAN I. RUIZ Grade XI- MOROCCO, RWANDA,
SENEGAL, TUNISIA, SEYCHELLES, &
MAURITIUS
ASIGNATURA: Pagbasa at Pagsusuri
PETSA NG PAGTUTURO:
ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
IKA-13-15 NG PEBRERO 2023
Pananaliksik
ORAS NG PAGTUTURO:
Grade XI:
Morocco (M,W 7:30-9:30), Rwanda (M,W 9:45-11:45) MARKAHAN: Ikatlong Markahan
Senegal (M 1:00–3:00, TH 1:00-3:00), Tunisia (T,F 7:30-
9:30), Seychelles (T,F 1:00-3:00),
Mauritius (W 1:00-3:00, F 9:45-11:45)
I. LAYUNIN
A. Pamantayan Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
g kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
Pangnilalam daigdig
an

B. Pamantayan Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang


sa teksto
Pagganap
C. Kasanayang Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
Pampagkatu binasa (F11PB – IIIa – 98)
to
II. NILALAMAN
NG Mga Uri ng Teksto
PAGKATUTO
III. KAGAMITAN
SA
PAGKATUTO
A. Batayan
a. Pahina ng
TG
b. Pahina ng
LM
c. Pahina ng  Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
aklat Teksto Tungo sa Pananaliksik (Phoenix) ni Alma M. Dayag
at Mary Grace G. del Rosario, mga pahina 1-5.
d. Karagdaga  Curriculum Guide
ng Batayan
e. Kagamitan  chalk, blackboard, libro, television, netbook, PPT
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pangkatang Gawain (6-12 na
nakaraang grupo) na pinamagatang Share It!
aralin at/ o Panuto: Bubunot ang bawat grupo ng isang uri ng tekstong
pagsisimula ipapahayag at ipapaliwanag sa harap ng klase.
ng bagong
aralin Ano-ano ang inyong nalalaman tungkol sa mga uri ng
teksto? Ipahayag at ipaliwanag sa harapan.
Uri ng Teksto: Impormatibo, Deskriptibo, Naratibo,
Prosidyural, Persuweysib, Argumentatibo
Rubriks sa pag-uulat:
Puntos Deskripsiyon
5 Kompleto at higit sa inaasahan ang sagot
4 Sapat at tugma ang sagot batay sa hinihingi
3 Nakapaglahad ng mga ideya subalit hindi sapat
2 Hindi gaanong naibigay ang hinihingi at kailangan pang
paunlarin
1 Hindi tugma ang sagot pero may taglay na ideya

Mga Tanong:
1. Base sa gawain, masasabi niyo bang malawak na ang inyong
kaalaman ukol sa iba’t ibang uri ng teksto?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga uri ng tekstong?
B. Paghahabi Layunin ng pag-aaral na ito ngayon ay:
ng layunin Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
sa aralin (F11PB – IIIa – 98)
C. Pag-uugnay Pangkatang Gawain: Hanapin Mo Ako!
ng mga Panuto: Alamin kung ano-anong mga uri ng teksto ang
halimbawa sumusunod na halimbawa:
sa bagong
aralin K to 12 Dapat Bang Ipagpatuloy?
Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
Patalastas ng Isang Sabon
Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
Ang Lindol o Pag-inog ng Mundo
Paglalarawan sa Tauhan
D. Pagtatalakay Hularawan! (Indibidwal na Gawain)
sa bagong Panuto: Hulaan kung ano ang tinutukoy ng larawan.
konsepto at
paglalahad
ng bagong
kasanayan
#1

Sagot: Teksto
Talakayin ang kahulugan ng teksto.
E. Pagtatalakay Ipagawa ang gawaing Para Kanino?
sa bagong Panuto: Suriin ang sumusunod na halimbawa at sabihin
konsepto at kung sa
paglalahad ano-anong mga uri ng teksto ito nagbibigay-kahulugan?
ng bagong
kasanayan Nagsasalaysay
#2 Naglalarawan
Nangangatwiran
Nangeengganyo
Nagbibigay impormasyon
Nagsasaad ng pagkasunod-sunod

Pahapyaw na talakayin ang tungkol sa mga uri ng teksto.


F. Paglinang Pag-usapan Natin
ng 1. Ano-ano ang anim na uri ng teksto?
Kabihasnan 2. Ano ang tekstong impormatibo?
3. Ano ang tekstong deskriptibo?
4. Ano ang tekstong naratibo?
5. Ano ang tekstong persuweysib? Prosiduyral?
Argumentatibo?
G. Paglalapat
ng aralin sa
Sa anong pagkakataon sa inyong buhay magagamit ang
pang-araw-
mga kaalaman ukol sa iba’t ibang teksto?
araw na
buhay
H. Paglalahat Pagsulat sa Dyornal
ng Aralin Dyornal blg. 1: Sa paanong paraan nakapagpapalago ng
isipan ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng teksto?
I. Pagtataya Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
sa Aralin binasa (F11PB – IIIa – 98)
Pagsusulit bilang 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang sumusunod
at kung ano ang paksang tinatalakay sa iba’t ibang teksto. 2
pts. kung tama ang teksto at 3 pts. kung tama ang paksa.
1 . Ang Mag-aral o Manligaw: Dapat o Hindi Dapat
Ba?
 Panig ng mag-aaral: Ako ay isang mag-aaral na nasa
wastong gulang na may isip na tumutuklas at pusong
sumisinta. Pag-aaral? Panliligaw? Magsabay man ay di
problema.
 Panig ng isang ina: Bilang ilaw ng tahanan, kung ako ang
tatanungin pag-aaral muna ang siyang dapat atupagin.
Saka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayin.
2. Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo.
Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang
mga tuhod sa matinding gutom na naramdaman. Dalawang
araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang
nanunuyo niyang mga labi.
3. Ang cyberbullying ay isa sa hindi mabubuting bagay na
naidulot ng makabagong teknolohiya. Maaari itong
makaapekto sa sinuman, maging sa iyo, sa pamilya mo, at
sa iba pang tao sa iyong paligid.

4. May napulot akong papel. Nakasulat doon na may


matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko
raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin
dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

5. Pagluluto ng La Paz Batchoy ng Iloilo


“Una, igisa ang bawang, sibuyas, at luya. Isunod ang hiniwa-
hiwang karne at halu-haluin. Ikalawa, lagyan ng patis at
pamintang buo at saka isangkutsa nang isang minuto. Ikatlo,
maglagay ng gustong dami ng sabaw. Takpan at hayaang
kumulo upang lumambot ang karne. Sunod na ilagay ang
sayote at miswa. Haluin at saka timplahan ng asin sa
panlasa. ilagay ang hiniwa-hiwang atay ng baboy at
hayaang kumulo Huling ilagay ang sili. At siyempre kapag
luto na ay ihain habang mainit pa.”

6. Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi


ninyong tandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas
ay inyong bayan, at ang tanging bayan na ibinigay ng Diyos
sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa inyong sarili,
sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak,
hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan ninyong
mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay
para sa bayan.
V. TAKDANG-
Magdala ng isang halimbawa sa tekstong impromatibo.
ARALIN
VI. REMEDIATION
VII. MGA TALA
VIII. PAGNINILAY
CPL
Seksiyon MOROCCO RWANDA SENEGAL TUNISIA SEYCHELLES MAURITIUS AVERAGE

a. Bilang ng mga
Mag-aaral
b. Bilang ng
Aytem
c. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
60% sa
pagtataya
d. Bilang ng
mag-aaral na
magpatuloy sa
remediation
Inihanda ni: Sinuri ni:
CHRISTY JEAN I. RUIZ RENILDA T. AVELINO
Guro Puno sa Departamento ng Filipino

You might also like