You are on page 1of 4

Mala-masusing Banghay-Aralin

sa Filipino

I. Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nabibigyang-kahulugan ang Tekstong Impormatibo;


b. naibabahagi ang mga uri ng Tekstong Impormatibo;
c. nailalahad ang mga layunin at kahalagahan ng Tekstong Impormatibo; at
d. nakakagawa ng sariling Tekstong Impormatibo sa iba’t ibang paraan.

II. Paksang-Aralin
Tekstong Impormatibo

Mga Sanggunian:
 Pabasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Vasil A. Victoria, mp. 2-7.
 Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store, mp. 78-80.
 GMA Public Affairs
 ABS-CBN News
 Rappler
 BBC News
 Lahi.ph
 Slideshare.net

Kagamitang Panturo:
 Laptop, projector, at speaker
 Worksheets
 Bond paper at marker

Kagandahang-Asal at Pagpapahalaga:
 Katapatan sa pagbigay ng tamang sagot
 Respeto sa pakikinig sa mga nagsasalita
 Pagiging responsabeng mamamayan
 Kasipagan sa paggawa ng rekisito

Integratibong Kakayahan sa ika-21 siglo


 Kakayahang makipagtalatasan
 Kakayahang umunawa ng mga impormasyong biswal
 Kritikal na pag-aanalisa sa mga tanong

III. Mga Karanasan sa Pagkatuto (4A’s)


Preiminaryong Gawain
- Paghahanda
 Pagbati at panalangin
 Paglilinis at pag-aayos ng silid-aralan
 Pagtsek ng atendans
A. Gawain/Pagganyak

1
 Concept Map
 Magbibigay ang mga mag-aaral ng iba’t ibang idea/kaalaman/salita na may
kaugnayan sa salitang TEKSTO at ipapaliwanag ang kanilang sagot.

TEKSTO

 Tatalakayin ang mga naging sagot at magbibigay ng kahulugan ng TEKSTO.


 Ilalahad ang iba’t ibang uri ng Teksto.
 Aalamin ang mga layunin tungkol sa pagtalakay ng paksang Tekstong
Impormatibo.

B. Pag-aanalisa
 Aktibiti/ Worksheets
- Papangkatin ang mga mag-aaral ayon sa iba’t ibang paraan ng
paglalahad ng impormasyon.

Pangkat 1- Balita/ News Article


Pangkat 2- Infomercial
.
- Pangkat 3- Grap Bibigyan ang mga mag-
aaral ng worksheet.
- Pangkat 4- Infographic Sasagutan ng mag-
Pangkat 5- Simbolo aaral ang mga
inihandang tanong sa
bawat worksheet.
- Mag-uulat ang bawat pangkat sa naging gawain.
- Tatalakayin ang natutuhan mula sa mga pag-uulat ng bawat pangkat.

PAMANTAYAN PUNTOS
Nasagot nang maayos ang mga tanong 10
Naging interaktibo ang pag-uulat 5
Nakuha ang atensiyon ng tagapakinig 5
TOTAL 20

C. Abstraksiyon
 Pagbibigay-kahulugan ng Tekstong Impormatibo.
 Nailalahad ang mga paraan sa epektibong pagsusulat ng Tekstong
Impormatibo at ang mga uri nito ayon sa nilalaman.
 Natutukoy at naibabahagi sa klase ang layunin at kahalagahan ng Tekstong
Impormatibo.
D. Paggamit
 Sa dating pangkat, magsusulat ng sariling Tekstong Impormatibo para sa
iba’t ibang paksa gamit ang nakatalagang uri.

2
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 10
(Kompleto, komprehensibo at wasto)
Organisasyon 7
(Malinaw, tamang pagkakasunod-sunod)
Gamit ng gramatika at bantas 7
Presentasyon 7
(Maging malikhain, may malakas at malinaw na
tinig)
Kolaborasyon 4
(Lahat ng miyembro ay tumulong)
TOTAL 35

IV. Pagtataya
 Magbibigay ang guro ng maikling pagsusulit bilang pagtataya ng kanilang
natutuhan sa talakayan. (1/2 na papel-pahiga)

A. Pagtukoy
Panuto: Tukuyin ang idea o konseptong inilalarawan sa bawat pahayag. Sagot lamang
ang isulat sa papel.

1. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon.


2. Ito ay naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari sa pagitan ng bakit nangyari ang
pangyayari at kung ano ang naging resulta nito.
3. Ito ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto.
4. Ito ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng mga bagay,
konsepto, at maging pangyayari.
5. Ito ay paghati-hati ng malawak na paksa sa iba’t-ibang kategorya upang magkaroon
ng sistema ang talakayan.

B. Sanaysay
Panuto: Sagutin sa loob ng dalawa hanggang limang pangungusap lamang ang
sumusunod na pahayag sa bawat bilang.

6-7. Ipaliwanag ang layunin at kahalagahan ng Tekstong Impormatibo.


8-10. Bilang isang mag-aaral, paano nakakatulong sa iyo ang pagbabasa ng Tekstong
Impormatibo?

V. Takdang-Aralin
A. Gumawa ng isang uri ng Tekstong Impormatibo tungkol paksang may kaugnayan sa
Bicol/Bicolano/Bicolana, ipasa sa Biyernes (Hunyo 5, 2020).

3
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman at Pagkaayon sa Paksa 15
(Kompleto, komprehensibo, wasto,
impormatibong teksto)
Organisasyon 10
(Malinaw, tamang pagkakasunod-sunod)
Gamit ng gramatika at bantas 10
Malikhain 10
(Kalinisan, pagiging maparaan)
Pagpasa sa tamang oras 5

TOTAL 50

Inihanda ni:

Bb. Louise I. Furio

You might also like