You are on page 1of 5

/9999655555555.

..
22222222222555555555555555555555555555555555\=

3333633
333333333333666*6
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Pansangay
Lungsod ng Quezon
NORTH FAIRVIEW HIGH SCHOOL
Senior High School

Mala-masusing Banghay -Aralin para sa Filipino 11

I. MGA LAYUNIN

Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)


a. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
pananaliksik (F11PB – IVab – 100)
b. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal,
balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.) (F11PT – IVcd – 89)

Detalyadong Kasanayan sa Pampagkatuto


a. Naiisa-isa ang mga bahagi ng kabanata 4 ng pananaliksik; presentasyon at interpretasyon
b. Nakikilala ang ibat-ibang paraan ng pagprepresenta ng mga datos
c. Naibibigyang interpresyon ang mga datos na ipinresenta
d. Nakabubuo ng presentasyon batay sa mga binigay na datos

II. NILALAMAN

a. Paksang-aralin: “Interpretasyon at Presentasyon ng mga Datos”


b. Kagamitang Pampagtuturo: Power point Presentation, Laptop, LCD Projector, kagamitang biswal, graphic
organizer, sipi ng akda, fish bowl o kahon, autentikong kagamitan, makukulay na papel, yeso at pisara
c. Sanggunian:
 Del Rosario, Mary Grace G. et al.2016. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House: Quezon
City,
 K to 12 Curriculum Guide for Filipino 11 (Pagbasa at Pagsususri ng Ibat-ibang Uri ng Teksto Tungo
sa Pananaliksik)
d. Dulog : Sudent-centered approach
Metodolohiya: 4 A’s

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

i. Panalangin
ii. Pagtsek ng Atendans
iii. Pagtsek ng Takdang-Aralin
iv. Pagbabalik-aral (Paksa: Mga Uri ng Datos)

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng datos ang mga sumusunod (kalidad o kailanan)

NANCY JANE SERRANI- FADOL


Teacher III, Filipino Yunit
Senior High School
North Fairview High School |1
v. Paglalahad ng Mga Layunin
vi. Paglalahad ng Paksa
vii. Pagganyak

Panuto: Ano ang inyong nalalaman hinggil sa kabanata 4?

KABANATA 4

viii. Pagtalakay (Interaktibong Pagtalakay)

MGA PAKSA:

a. Mga bahagi ng
kabanata 4
b. Mga paraan ng
presentasyon
c. Mga uri ng grapikal
na presentasyon

ix. Paglinang sa Kasanayan “PANGKATANG GAWAIN (Tanong mo! Samot mo!)” (Activity)
Pangkalahatang Panuto:
1. Bawat pangkat ay pipili ng mga envelope na naglalaman ng ibat-ibang datos batay sa ibat-
ibang paksa.
2. May dalawang gawain ang bawat pangkat, una, ay bigyan ng interpretasyon ang mga
halimbawang presentasyon na mapupunta sa pangkat. Pangalawa ay gawan ng
presentasyon at interpretasyon ang mga datos na matatagpuan sa bawat envelope.

NANCY JANE SERRANI- FADOL


Teacher III, Filipino Yunit
Senior High School
North Fairview High School |2
PAALALA: Bibigyan lamang ng sampung minute ang bawat pangkat para tapusin ang nasabing
gawain at 2-3 minuto para sa presentasyon.

x. Pagsusuri (Analysis)
Panuto: Isigaw ang PAK! kung ang mga sumusunod na kaisipan ay tabular at BOOM! Naman kung
ito ay grapikal.

NANCY JANE SERRANI- FADOL


Teacher III, Filipino Yunit
Senior High School
North Fairview High School |3
xi. Paglalapat (Application)

Mahalagang Tanong:
 Ano sa tingin ninyo ang kahalagahan ng ating pinag-aralang paksa?
 Paano ninyo magagamit sa hinaharap ang mga kaalamang natutunan sa araw na ito?
“Ano sa tingin ninyo ang kahalagan ng mga pinag-aralan natin ngayon? Magiging
kapakipakinabang ba ito sa inyong pang-araw-araw na gawain?”

xii. Paghahalaw/Pagbubuod (Abstraction)

Panuto: bigyan ng pagbubuod ang tinalakay na paksa sa pamamagitan ng venn diagram.

presentasyon interpretasyon

IV. Pagtataya

PANUTO: Pagbatayan ang ilustrasyon at sagutin kung ang pahayag hinggil sa ilustrasyon ay tama o mali.
Isulat ang TAMA o MALI.

BILANG NG MGA MAG-AARAL SA


BAWAT STRAND
Com.Prog 11A
Com.Prog. 11B
BNP 11A
35;7; 4% HUMSS 11A
47;
21% GAS 11A
35; 29%
21%40;
24%

1. Ang ilustrasyon ay tungkol sa bilang ng mga mag-aaral sa bawat strand.


2. Ito ay isang uri ng presentasyong tabular
3. Ipinapakita nito ang paghahati-hati ng bilang ng mga magaaral sa bwat strand
4. Ang pinakamalaking bahgi ng populasyon ay mula sa HUMSS.
5. Ito ang bahaging interpretasyon ng kabanata 4 ng pananaliksik.

Mga Susing Sagot:

1. TAMA 2. MALI
NANCY JANE SERRANI- FADOL
Teacher III, Filipino Yunit
Senior High School
North Fairview High School |4
3. TAMA 5. MALI
4. MALI

V. Takdang-Aralin

1. Maghanap ng kapareha at magtala ng mga datos hinggil sa partikular na paksa at ipa.interpreta ito sa
kapareha gamit ang 3 paraan ng grapikal na presentasyon.
2. Magsaliksik hinggil sa Kabanata 5 ng pananaliksik.

Inihanda ni:

GNG. NANCY JANE SERRANO-FADOL


Teacher III, Filipino Yunit

..

NANCY JANE SERRANI- FADOL


Teacher III, Filipino Yunit
Senior High School
North Fairview High School |5

You might also like