You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT

KULTURANG PILIPINO
Petsa:

Pamantayang Pangnilalaman:

Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at


kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng
paggamit ng wika dito.
Pamantayan sa Pagganap:

Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang


Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit


ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. F11EP-IIf-34

I. Layunin:
1. Naipahahayag ang saloobin hinggil sa makabagong paraan ng komunikasyon.
2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang diskorsal at natutukoy ang
kahalagahan nito sa pakikiagkomunikasyon.
II. Paksang Aralin: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
- Kakayahang Diskorsal

Kagamitan:
Laptop, projector, speaker, cue cards
Sanggunian:
Dayag, Alma M. at del Rosario G. Mary Grace 2016. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House,
Inc. Quezon City.

III. Hakbang sa Pagkatuto


Motibasyon:
https://www.google.com.ph/search?q=telegrama&biw=1366&bih=667&source=lnms&tbm=isch&sa=X&v
ed=0ahUKEwjntMKY5uvPAhVkjFQKHVFPDzsQ_AUIBigB#tbm=isch&q=telegram&imgrc=1gNqQTS3wiBL1M %3A

Tanong:
1. Paano kaya nakatulong ang telegrama sa mga Pilipino noong hindi pa nauuso ang
text?
2. Kung ito kaya ang paraan ng pakikipagkomunikasyon hanggang ngayon,
tatangkilikin pa rin kaya ito?
A. Aktibiti
Pangkatang Gawain
Pangkat I
Ipakita ang epekto sa kausap kung walang ugnayang mga salita o pangungusap ang
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Pangkat II
Ipakita naman ang magandang dulot sa isang tao, organisasyon o lipunan kung ang
bawat isa ay may wastong paggamit ng mga salita o pangungusap sa pakikipag-
ugnayan
Pangkat III
Paano mas nalilinang at lumalago ang kakayahang pangkomunikatibo ng isang tao?
Ilahad ang inyong sagot sa tulong ng concept map.
B. Analisis 1

1. Sa iyong palagay, bakit sinasabing magkakaugnay ang bawat salik


ng kakayahang pangkomunikatibo at hindi masusukat kung hiwa-hiwalay?
2. Alin sa mga salik ang kailangan mo pang linangin upang mas maging epektibo
kang komunikeytor?
Pagbibigay ng Input ng Guro

Sinasabing mas nalilinang at lumalago ang kakayahang


pangkomunikatibo kapag ito ay madalas na ginagamit at nararanasan sa iba’t ibang
konteksto. Sa kakayahang diskorsal, saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng
mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang
isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng
wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag
upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
Analisis 2

1. Paano mas nalilinang at lumalago ang kakayahang pangkomunikatibo ng isang tao?


2. Ano-ano ang kayang gawin ng isang taong may kakayahang diskorsal?
C. Abstraksyon

Ikaw, bilang miyembro ng bagong henerasyon, ano ang maaari mong itulong sa kapwa mo
upang maging maingat sila sa pagpapahayag ng saloobin sa social media at nang hindi
makasakit o makasira sa iba? Isulat ito sa speech balloon

D. Aplikasyon

Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman 10
Watong paggamit ng salita/pagkakaugnay-ugnay 10
Kabuuan 20 puntos

E. Ebalwasyon
Panuto: Isulat sa patlang ang wastong pamantayan na tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang


pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
2. Ang pamantayang ito ang nagpapakita na kung ang isang tao ay may
kakayahang pangkomunikatibo naiaangkop niya ang kanyang wika sa

sitwasyon, sa lugar na pinangyayarikahan ng pag-uusap o sa taong kausap.


3. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong
mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao.
4. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin
ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
______ 5. Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang paguusap.

Inihanda ni: Checked By:


Emelito T. Colentum Gloria P. Lanutan
Subject Teacher Principal 1

You might also like