You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

11 Z P
estZ
for P
rogress
eal of artnership

Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 6:
Kakayahang Pragmatiko

Name of Learner:
Grade & Section:
Name of School:
Filipino – Ikalabin-isang Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 6: Kakayahang Pragmatiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elsa G. Omamalin


Editor: Sheila Mae M. Magale
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin / Balikan

Magandang araw ginigiliw kong mga mag-aaral. Ako’y nagagalak sa


panahong binabasa mo ang modyul na ito. Ibig sabihin, nalampasan mong pag-
aralin ang iyong mga naunang aralin at gawain. Binabati kitang muli.
Batid kong walang sawa kang gampanan muli ang lahat na gawaing
naghihintay sa iyo sa unahan. Huwag kang mabahala sapagkat mas lalong pang
mahahasa ng iyong kakayahan at kalinangan dito at madagdagan pa ang iyong
mga imbak na kaalaman. Huwag mong kaligtaang kasama mo ako sa pagtahak
patungo sa landasin ng mga gawain hanggang sa katapusan ng modyul na ito.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral na tulad
mo ay inaasahang:
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa
paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.
(F11WG – IIf – 88)
Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa
iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.
(F11EP – IIf – 34)

Sa pagtatapos din ng araling ito, inaasahang maisasagawa mo rin ang mga


sumusunod:
 Naipaliliwang ang kahulugan ng kakayahang pragmatiko.
 Natutukoy ang kahulugan ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos
ng taong kausap;
 Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa paraan ng paggamit ng wika.
 Nauunawaan ang kagawiang pangkomunikasyon ng mga
Pilipino; at
Batid mo bang ang pakikipag-usap sa kapuwa ay naging bahagi na rin sa
ating pang-araw-araw na kalinangan? Naging tulay at instrumento ang wika sa
ating pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan, nagkakaugnayan, at nagkakatuwaan ang mga tao. Naipahayag
ng tao ang kanyang iniisip, naibahagi ang kanyang karanasan, at
naipadama ang kanyang nararamdaman. Higit sa lahat, kasangkapan ang
wika sa paghihinuha natin sa layunin at ipinahiwatig ng kausap batay sa wika
na kanyang ginagamit sa usapan. Kaya handa ka na ba? Ngunit bago pa iyan,
mayroon akong inihandang mga katanungan sa iyo.
 Naransan mo na bang magtampo sa iyong kaibigan? Paano mo
ito ipinabatid sa kanya?
 Sa pamamagitan ba ng tahasang pagsasabi sa kanya o sa iyong mga
aksiyon lamang? Ang mga tanong na ito at marami pang iba ay iilan

1
lamang ito sa mga dapat mong alamin at isaalang-alang sa paglinang
ng mga aralin sa modyul na ito.
Nasa ibaba ang panimula mong gawain na alam kong makatulong ito nang
malaki sa iyong kahandaan. Basahin at ayusin mo ang mga sumusunod na
pangungusap upang makabuo ka ng mga pahayag na nagtataglay
ng pagkamagalang. Isulat lamang sa kuwaderno ang iyong mga sagot.
Panimulang Gawain

1. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na ang programa.

2. Pahingi ng donasyon para sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya.

3. Isarado mo ang pinto.


4. Gusto kong malaman ang opinyon mo sa isyung ito.

5. Kunin mo ang aking relo.


6. Ayos lang ba na ikaw ang mamuno sa panalangin?

7. Pwede ng kumain
8. Tumayo na kayo para sa pag-awit ng “Lupang Hinirang”

9. Papasok ako sa bahay mo.


10. Sana positibo ang tugon mo sa aking kahilingan.

Gawain A. Paano mo Sasabihin?

2
Tuklasin
Sa bahaging ito, punan mo ng karugtong na pahayag ang mga sumusunod
na
senaryo sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Kapag napansin kong hindi nababagay ang damit ng aking kaibigan sa aming
pupuntahang okasyon subalit hindi ko direktang mabanggit sa kaniya dahil
baka masaktan ang kaniyang damdamin, ang sasabihin ko na lang ay,

Kapag mababa ang nakuha kong grado sa pagsusulit sa Matematika at nais


kong ipaalam sa aking mga magulang nang hindi magrersulta ng
biglaang galit, sisimulan ko ito sa pamamagitan ng
pagsasabi ng, “_

Gawain B. KAYA MO ‘TO!

Basahin ang sumusunod na pahayag sa bilang 1 hanggang bilang 5.


Pagkatapos, iyong pag-aralan ang bawat pahayag upang maunawaan mo ang
usapan ng mga tauhan. Mahihinuha mo ba ang ibig ipakahulugan ng mga ito?

1. “ Naku, Nicole! Kanina ka pa namin hinihintay,” bungad ni Gale at hinatak sa


isang katabing upuan si Nicole.
2. Binuko siya ni Gale. “Kasama rin si Jason. Diyos ko, ang guwapo ni
Jason
talaga!”
3. Si Mang Nilo, gaya ng kinaugalian, ay nakaupo sa paborito nitong silya at hawak
ang panulat nito. Mataas, moreno at may mabuting puwesto sa isang
kompanya ng segurado.
4. “Tama na, Nicole” galit na sagot ni Mang Nilo. “ Tandaan mo, Nicole, pag-aaral
ang iyong asikasuhin at hindi ang pakikipag-boyfriend. Kung paglalakwatsa
lang ang gusto mo, mabuti pang tumigil ka na sa pag-aaral.
5. “Noon kaming kabataan, sa tama at mali ang aming magulang, hindi
kami kumikibo,” ani Aling Nila. “Pero kayong mga millenials

3
ngayon hindi makatanggap ng pangaral kapag laban sa inyong kalooban.
Hesumaryosep! Maghunos-dili ka, Nicole!”

4
Para sa unang pahayag, ano kaya ang mahihinuha mo tungkol sa dalawa
batay sa pananalita ni Gale kay Nicole?
Hinuha:

 Sa ikalawang pahayag, ano ang mahihinuha mo ni Gale nang sinabi


nitong kasama si Jason at ipinakita ang paghanga nito?
Hinuha:

 Ano naman ang nais ipakahulugan kay Mang Nilo sa ikatlong


pahayag?
Hinuha:

 Mula sa ikaapat na pahayag, sang-ayon ka ba sa isinasagot ni Mang


Nilo kay Nicole? Ano ang mahihinuha mo sa pagbanggit ni Mang Nilo
kay Nicole tungkol sa paglalakwatsa ba o pag-aaral?
Hinuha:

 Ano naman ang mahihinuha o masasabi mo sa pananalita ni Aling


Nila sa ikalimang pahayag?
Hinuha:

Aralin Kakayahang Pragmatiko: Pahiwatig


at Pag-unawa sa mga Salita at Kilos
6

Binanggit ko na sa unang bahagi ng modyul na ito ang pag-usisa


kung narasan mo na bang magtampo sa iyong kaibigan. At kung naranasan mo na,
paano mo ito ipinabatid sa kaniya ang pagtatampo mo. Sinabihan mo ba
siya o sa pamamagitan ba ng iyong mga ikinikilos o aksiyon lamang?
Bukod sa mga katanungang ito, nakakasakay ka ba sa mga biruan? Paano
mo nalalamang biro lamang ng sinabi ng iyong kausap? Higit sa lahat, ikaw ba’y
nakiusap na sa iyong guro sa anomang pagkakataon sa iyong buhay-mag-aaral?
Paano mo ito ginawa?
Alam mo ba hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbubuo ng mga
pangungusap batay sa itinatakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang mag-
aaral ng wika. Mahalaga ring matutuhan ang kasanayan sa pagtukoy sa
mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa
mga biro, at pagpapadaloy ng usapan. Samakatuwid, kailangang matukoy ng isang
tao ang maraming kahulugan na maaaring dalhin ng isang pahayag batay sa iba’t
ibang sitwasyon (Lightbown at Spada 2006). Halimbawa, ang tanong na, “ Sa iyo ba
ang bag na iyan?” ay maaaring mangahulugan ng: (1) pagtitiyak sa kung
sino ang nagmamay-ari ng bag; (2) papuri o pagkutya sa estilo ng bag; o (3)
pagkainis sa nakakalat na bag at marami pang iba.

5
Ang ganitong kakayahang komunikatibo ang nais nating itampok sa araling
ito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kakayahang pragmatiko.
Ano ang kakayahang Pragmatiko?
Ayon kina Lightbown at Spada(2006), ang pragmatiko ay tumutukoy sa pag-
aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa
paraang diretsahan o may paggalang. Ibig sabihin, ang isang taong may
kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit niya ang yaman ng
wika upang makapagpapahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon
sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng
sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap.
Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act.
Para sa pilosopo sa wika na si J.L. Austin (1962); sipi kay Hoff 2001), ang
pakikipag- usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng
isang karanasan kundi “paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita” o speech act.
Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangko, at iba pa.
May tatlong sangkap ang speech act: (1) ang sadya o intensiyonal na papel
nito o illocutionary force; (2) ang anyong lingguwistiko o locution; (3) ang epekto nito
sa tagapakinig o perlocution.

Sangkap Kahulugan Halimbawa

sadya o intensiyon na
illocutionary force pakiusap, utos, pangako
papel

locution anyong lingguwistiko patanong, pasalaysay

pagtugon sa hiling,
perlocution epekto sa tagapakinig
pagbibigay-atensiyon

Tingnan natin ang isang senaryo. isang kostumer sa restoran ang


nagpahayag sa weyter ng ganito: “ Mayroon ba kayong tubig na walang
yelo?” Sa nasabing halimbawa, ang illocutionary force ng kostumer ay ang
paghiling na madalhan siya ng inuming tubig na walang kasamang yelo.
Ipinadaloy niya ito sa locution na patanong. Ang epekto nito, o perlocution, ay
ang pagsunod ng weyter sa kaniyang kahilingan.
Sa kaso ng pagkatuto ng ikalawang wika, tinatawag na interlanguage
pragmatics (Bardovi-Harling 1999; sipi kay Lightbown at Spada 2006) ang pag-aaral
sa kung paano ang mga hindi taal na tagapagsalita ng partikular na wika
at nagsimulang matuto nito ay umuunlad ang kakayahan sa pagpapahayag
ng kanilang intensiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang speech act.
Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon
Sa paglinang ng kakayahang pragmatiko, mahalagang isaisip ang pag-iral ng
dalawang uri ng komunikasyon – ang berbal at di-berbal na komunikasyon.
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyong gumagamit ng
salita sa anyong pasalita at /o pasulat man. Nagagawa ang paraang oral sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, at

6
kakilala, pakikipagtalakayan sa klase, at paglahok sa mga usapan sa
kumperensiya at

7
seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga sulatin sa klase, paglikha ng
blogpost, pagbuo ng manifesto at bukas na liham, at iba pa.
Isa pang uri ng komunikasyon ang di-berbal na komunikasyon. Ayon sa mga
pag-aaral, lubhang napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap sa mga
taong napapaloob sa sariling kultura. Sa katunayan, tinatayang 70 porsiyento ng
isang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na elemento
(Maggay
2002). Ang iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon ay ang sumusunod:
1. Kinesika (kinesics) - tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas
ng mga kamay, at tindig ng katawan.
2. Proksemika (Proxemics) - tumutukoy sa oras at distansiya sa
pakikipag-usap. Ang oras ay maaaring pormal gaya ng isinasaad ng
relo, o impormal na karaniwang nakadikit sa kultura gaya ng
mga teminong “ ngayon na,” sa lalong madaling panahon.” at mamaya
na.” Ang distansiya naman ay nagbabago rin depende sa natamong
ugnayan sa kausap. Kapansin-pansing ang mga bagong magkakilala
ay may mas malaking distansiya kumpara sa mga taong matalik na
magkakaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics) - itinuturing na isa sa mga
pinakaunang anyo ng komunikasyon. Kadalasang nagsasaad ito
ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang
karanasan. Halimbawa nito ay pagtapik sa balikat o pagyakap sa
kausap.
4. Paralanguage - tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng
pagsasalita.
5. Katahimikan o kawalang –kibo - lubhang makahulugan na
karaniwang ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o
dili kaya ay magparating ng tampo o sama ng loob.
6. Kapaligiran - tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-
usap at ng kaayusan nito. Mahihinuha ang intensiyon ng kausap
batay sa kung saang lugar niya nais makipag-usap.
Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Nakapaloob sa kakayahang pragmatiko ang pagkilala sa kagawiang


pangkomunikasyon ng mga tagapagsalita ng wikang pinag-aaralan.
Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-aaral ng wika kung ang
kaniyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o napapalooban ng
tamang pagkilala at paggalang sa kausap.

Sa pag-aaral sa kultura at komunikasyon na isinagawa ni Maggay


(2002), kaniyang binigyang-diin ang pagiging high context ng kulturang Pilipino.
Ibig sabihin, mataas ang ating pagbabahaginan ng mga kahulugan kahit sa
pamamagitan ng pahiwatig. Mapapansin ito sa kung paano natin itinuturing
ang katahimikan o kawalang –kibo bilang malalim na pag-iisip at kung gayon ay
lubhang makahulugan.

8
Dagdag pa niya, ang pahiwatig ang maituturing na pinakamalaganap
at pinakabuod ng kulturang pangkomunikasyon. Ito ay “isang
katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaaabot ngunit
nababatid at

9
nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakikiramdam at matunog na
pagbabasa ng mga himaton; o ng mga verbal na palatandaang kaakibat nito.”(p.25).
Maaaring ang pagpapahiwatig ay berbal, di-berbal, o kombinasyon nito. Kadalasang
ginagawa ito bilang pagsasaalang-alang sa damdamin at dangal ng isang tao.

Narito ang ilang mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002):

1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o palihis na pagpapatama o


pagpupuntirya:

 pahaging – isang mensaheng sinadyang magmintis at


pinaalingawngaw lamang sa paligid.
 padaplis – isang mensaheng sadyang lihis sa layunin matamaan nang
bahagya ang kinauukulan nito.

2. Mga salitang ang pinatatamaan ng mensahe ay hindi ang kausap kundi


ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan:

 parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob,


hindi sa kaharap na kausap kundi sa sinomang nakikinig sa paligid.
 pasaring – mga berbal at di-berbal na pagpaparinig ng puna,
paratang, at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na
kunwri ay labas sa usapan.

3. Mga salitang kumukuha ng atensiyon sa pamamagitan ng pandama:

 paramdam – isang mensaheng ipinaaabot ng tao, o maging ng


espiritu, sa pamamagitn ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng
pagdadabog, pagbabagsak ng mg kasangkapan, malakas na
pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa.
 papansin – isang mensaheng may layuning humingi ng atensiyon na
kadalasang naipahahayag sa pamamagitan ng pagtatampo,
pagkabalidosa sa pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit,
at iba pang kalabisang kumukuha ng pansin.

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay


napatatamaan siya:
 sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap
na karaniwang tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na
maaaring may masaktan: “ Dahan-dahan at baka makasagasa ka.”
 paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at
umiikoy sa isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-
ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasan kinaiinisan
ng nakikinig sa pagsasabing, “Huwag mo akong paandaran.”

[Pinagmulan ng Teksto: Taylan, Petras, Geronimo, Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino, Rex Book Store (2016), 112-116]

10
Suriin

 Gawain A: Isaisip-kilos ko
Tukuyin ang kahulugang ipinahihiwatig ng mga kilos at ekspresyong makikita sa
mga ilustrasyon sa ibaba. Matapos nito, bumuo ng isa hanggang dalawang
pangungusap na diyalogo na posibleng sinasabi ng tauhang isinasagawa ang mga
kilos at ekspresyon.

Sagot:

Sagot:

Sagot:

Sagot:

Gawain B. Mahiwati gan Mo kaya?

Iyang Pagsakay ng Bus


(bahagi) Lilia F.
Antonio

Minsan, dumadalaw ako sa aking Tiyang na nakatira sa General Trias,


Cavite. Papauwi, sakay ng isang ordinaryong bus, nakatabi ko ang isang
may-edad na lalaking nakasuot ng isang puting polong nakatuck-in sa
kanyang pantaloon. Magalang ang kanyang anyo at hindi naman amoy-alak. Pero,
pawisang-pawisan siya at paulit-ulit na pinupunasan ang mukha at buong ulo.
Hawak niya ang isang panyong parang maliit na bola sa pagkakabilot at mapipiga
sa pagkabasa.

11
Nagkataon, bago ko ito napansin ay nakabili ako ng mga bilugang
puting basahan sa isang tinderong umakyat sa bus. Unang bumili ang
konduktor at nakigaya na rin ako sa kanya. Kaya, naglabas ako ng isang
basahan at walang kibong iniabot sa lalaki. Walang imik din niya itong
tinanggap at marahang pinunasang muli ang kanyang mukha at batok. Maya-
maya, bigla niyang dinukwang ang basurahang plastik tabi ng driver at sumuka
dito. Lumalaganap ang maasim- asim na amoy sa loob ng bus. Mabilis na
umaarangkada ang aming sinasakyan na noong una’y pahintu-hinto pa sa pagpulot
ng mga pasahero.
Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na kilos:
a. paulit-ulit na pagpupunas ng mukha at buong ulo ng lalaki;

b. paglabas ng basahan ng mananaysay at walang kibong pag-


abot nito sa lalaki;

c. pagpapaarangkada ng drayber sa bus?

Pagyamanin

Gawain A: Pagtukoy sa Layunin ng Usapan.

“ Ito’y atin-atin lamang. Huwag na


sanang makarating pa ito sa iba.
Ikaw lamang ang tanging
napagsabihan ko ng bagay na ito. “Ku, paanong hindi
Psst...bulong...bulong...alam magkakagayon ay
mo...nataasan na pala ng sahod si malakas siyang
Kristine.” magbigay. Naku! Hindi
ko magagawa ang
gayon. Hindi na baling
hindi ako
maumentuhan.”
Ang napagbalitaan ay nagbalita naman
sa kanyang kaibigan at naulit ang pakiusap na
huwag sasabihin sa iba ang balita.
Bagamat pinipigil ay nagpatuloy sa paggapang ang
balita hanggang sa ito’y makarating sa kinauukulan at dito na magsisimula ang
pag-aaway. Ano kaya ang layunin sa mga usapan sa itaas? Piliin sa tatlong
pagpipilian sa ibaba ang ankop na layunin at ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Marami ang mahilig sa bulung-bulungan.


2. Mas malakas ang bulong kaysa sigaw.

12
3. Ang mapaghatid ng balita ay nakakatuwaan.

Sagot:
Paliwanag:

Gawain B.
Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang ipinahihiwatig
ng sumusunod: Isulat ang titik ng tamang sagot. A.Haptics, B. Katahimikan,
C. Kinesika, D. Paralanguage, E. Proksemika, F. Pandama o Paghawak, at
G. Kapaligiran
1. paghimas ng ina sa ulo ng sanggol
2. pasigaw na pananalita
3. hindi pagtugon sa ipinadalang text message
4. galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin.
5. pagtabi sa kaibigan
6. pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa
7. naghihingalong tinig
8. pag-iwas sa mga nag-iinuman
9. pagpisik sa mukha
10. pagtungo sa madilim na sulok ng silid

Isaisip
Gawain A: Pagsusuri sa Speech Act.

Manood ka ng isang pelikulang Pilipino na itatakda ng guro. Mula sa


pelikula, pumili ng sampung linya o pahayag at suriin ito ayon sa mga sangkap ng
speech act. Gawing gabay ang talaan sa ibaba sa pagsagot.

Speech Act
Nagpahayag
Blg Linya / Pahayag Illocutionary
na Karakter Locution Perlocution
force

1.
2.
3.
4.
5.

Gawain B. Matapos ang pagtatala, bumuo ng isa hanggang dalawang talatang


pagsusuri sa bisa ng mga diyalogo sa pelikula. Gawing gabay
ang sumusunod na katanungan. A. Naangkop ba sa karakter ang mga
binitiwan niyang pananalita sa pelikula? B. Epektibo bang napararating ng

13
mga linya ang nais tahaking daloy ng kuwento sa pelikula? C. Kung
may linya/mga linya na nais mong baguhin, ano /ano-ano ito? Ipaliwanag.

14
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang


tamang titik na tumutukoy sa kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang galaw ng katawan, mata,


ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay nabibilang?
a. kinesika c. paralanguange
b. proksemika d. pandamam o paghawak
2. Tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan ng lugar,
ano ito?
a. katahimikan c. proksemika
b. kapaligiran d. paralanguage
3. “Mayroon ba kayong orange juice na malamig”? Sa pahayag na ito, anong
anyong lingguwistiko o locution ito?
a. pasalaysay c. pangako
b. patanong d. pakiusap
4. Sa halimbawag pahayag sa itaas, binigyan ng weyter ang kustomer
ng napakalamig na orange juice? Sa anong sangkap ito ng speech act?
a. illocutionary force c. perlocution
b. locution d. anyong lingguwistiko
5. Anong pahiwatig na uri ng komunikasyon na ang pinagtutuunan ng
mensahe ay hindi ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at
nakaririnig ng usapan?
a. paramdam c. pasaring
b. pahaging d. paandaran
6. Isang kakayahan na tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang
partikular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may
paggalang?
a. pragmatiko c. sosyolingguwistiko

15
b. speech act d. diskorsal
7. Uri ng di-berbal na komunikasyon na tumutukoy sa tono ng tinig at
kalidad, at bilis ng pagsasalita?
a. kinesika c. kapaligiran
b. paralanguage d. pandama
8. Isang mekanismo ng pahiwatig na kadalasan nakapokus at umiikot sa isang
paksa na hindi tuwitang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit
tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig.
a. sagasaan c. papansin
b. parinig d. paandaran
9. “Sa iyo ba ang bag na iyan?” Alin sa mga sumusunod ang maaaring angkop
na pahiwatig o kahulugan sa pahayag na patanong?
a. pagtiyak sa nagmamay- c. pagkainis sa nakakalat
ari ng bag na bag
b. pagpuri sa estilo ng bag d. pagkutya sa estilo ng
bag
10. Ang napagbalitaan sa ibinulong na balita ay nagbalita naman sa kaibigan
at naulit ang pakiusap na huwag sasabihin sa iba ang balita.
Bagamat pinipigil ay nagpatuloy sa paggapang ang balita
hanggang sa ito’y makarating sa kinauukulan. Alin ang angkop na
kahulugan o pahiwatig
bilang layunin sa sitwasyon?
a. may pakpak ang balita c. marami ang mahilig
b. may malakas ang bulong sa bulung-bulungan
kaysa sigaw d. ang mapaghatid ng
balita ay
nakakatuwaan
11. “Mayroon na bang pagkain?” “Kanina pa kami naghihintay, sumasakit
na ang aming ulo!” Ano ang ipinahiwatig sa pahayag?
a. nagugutom na sila sa c. naiinis sila sa
kahihintay serbisyo ng restoran
b. nagagalit sila sa weyter d. napagod na sila sa
kahihintay
12. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang
hintuturo ay ipapasok sa mga butas ng kanyang tainga. Anong anyo ng di-
berbal na komunikasyo ang sitwasyong ito?
a. Proksemika c. kinesika
b. Haptics d. paralangguage
13. “ Natural lang na mahalin mo ang asawa’t anak mo,” sabi kong nakadarama
ng pagkainis. Ano ang kaisipang napapaloob sa pamamagitan ng
paghihinuha?
a. pakikiramay c. pagtanaw ng utang na loob
b. pag-aalala d. pakikisama

16
14. Ito ay isang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kaisipang napapaloob
sa isang pangungusap. Ano nito?
a. pragmatiko c. paghihinuha
b. speech act d. layunin ng nagsasalita
15. Ano ang tawag sa pahiwatig na salita na sadyang magmintis
at ipinaalingawngaw lamang sa paligid ang pagpapatama?
a. padaplis c. parinig
b. pasaring d. pahaging

Karagdagang Gawain

Gawain A: Pagbuuo ng Sanaysay


Magsaliksik, o mag-interbyu sa mga kasamahan sa bahay o kamag-
anak tungkol sa kahalagahang sosyal at kultural ng pagsali ng mga Pilipina
sa iba’t ibang titulo ng timpalak-kagandahan. Bigyan rin ng pansin ang
imaheng dulot nito sa bansa. Mag-isip ng makabuluhang pamagat sa
sanaysay.
Pamagat ng Sanaysay

RUBRIK sa Pagsulat ng Sanaysay

Panukatan Deskripsiyon Puntos Iskor

Nilalaman Mapanuring pagsusuri sa aspektong kultural


40
at sosyal
Paraan ng Nagtataglay ng interesante, makabuluhan,
at 25
Pagtalakay
Kalidad ng malikhaing
May mayamang panimula, panggitna,
saliksik, batayan,at
atkongklusyon
kasanayan
25
Datos sa saliksik at panayam
Pormat Tumugon sa wastong mekaniks ng pagsulat 10
KABUUAN 100

17
Susi sa Pagwawasto
Alamin/Balikan-
Panimulang
Gawain Tuklasin
Basahin at suriin ng guro Gawain A at B.
kung anoman ang magiging Basahin at suriin ng guro kung anoman ang
sagot ng mga mag-aaral magiging sagot ng mga mag-aaral

Suriin Pagyamanin
Gawain A. Basahin at suriin ng guro kung anoman ang
Gawain B magiging sagot ng mga mag-aaral sa Gawain
A.
Basahin at suriin ng Gawain B.
guro kung anoman ang 1. A 6. C
magiging sagot ng mga 2. D 7. D
mag-aaral 3. B 8. E
4. C 9. F
5. E 10. G
Karagdagang
Gawin
Isaisip
Gawain A at B. Gawain A.
Basahin at suriin ng Gawain B.
guro kung anoman Basahin at suriin ng guro kung anoman
ang magiging sagot ng ang magiging sagot ng mga mag-aaral
mga mag-aaral

Pagtataya
1. A 6. A 11. A
2. B 7. B 12. C
3. B 8. D 13. B
4. C 9. A 14. C
5. C 10.B 15. D

Sangguniang Aklat
Aleta, Tepacia, Badayos. 2006. Ati-atihan, Yaman ng Diwa-Integratibong Aklat sa
Filipino. Vibal Publishing House, Inc.
Balazo, Badua, Dominguez. 2000. Wika at Panitikan. Batayang Aklat sa Filipino IV.JGM &
S Corporation.
Escolastico, Baylon, Silverio. 1991. Filipino IV. Batayang Aklat sa Filipino, Serye ng
SEDP. Capitol Publishing House, Inc.
Mabilin, Edwin.et.al. 2012. Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Mutya Publishing House, Inc.
Taylan, Petras, Geronimo. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

18
Pilipino, Rex Book Store.

19

You might also like