You are on page 1of 14

A AN

LI
AL I
IB
8
A H

GBPA
M

I NG
NA
G-
AAR
IPI
P A
DI
I N
H
Filipino
Unang Markahan –Modyul 4
Paggamit ng Paghahambing
Maritess G. Adriatico

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)


A Joint Project of
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY
and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikawalong Baitang
Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)
Unang Markahan – Modyul 4: Aralin 1: Paggamit ng Paghahambing
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maritess G. Adriatico


Editor: Zenaida M. Sebumpan
Tagasuri: Riela Angela C. Josol – EPS - Filipino
Tagaguhit :
Tagalapat : Kevien Ian I. Albon
Tagapamahala : Virgilio P. Batan, Jr. - Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief Education Supervisor, SGOD
Ronillo S. Yarag, - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo, PDO II- Project Development Officer II, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division


Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang mag-aaral ng pag- Nabubuo ang isang makatotohang


unawa sa mga akdang pampanitikan sa proyektong panturismo
Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at
Hapon

Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)

1. Uri ng Paghahambing

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos pag-aralan ang modyul


na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Week 1)

1. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,


sawikain o kasabihan (eupimistikong pahayag)
F8WG-Ia-c-17

Inaasahang din na ikaw ay:


a. nailalahad sa katangian ng hambingang magkatulad at di - magkatulad.
b. nakikilala ang mga panlapi / susing salita sa hambingang magkatulad at di-
magkatulad.
c. naitatala ang kaibahan ng bawat karunungang-bayan gamit ang
paghahambing.

Subukin

PANIMULANG GAWAIN A: PAGTATAYA


Panuto: Unawain ang mga tanong sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

1
_____1. Alin sa mga pares ng panlapi/ susing salita ang ginagamit sa pagpapalawak
ng hambingang magkatulad?
A. Sing-, pareho C. Magsin-, lalo
B. Higit, kapwa D. Magsing-, di gaano
_____2. Ano itong paraan ng paglalahad na tumutulong upang mabigyang-linaw ang
isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba?
A. Paghahalimbawa C. Pagsasaulo
B. Paghahambing D. Pag-iisa-isa
_____3. Alin sa hambingang di-magkatulad ginagamit ang susing salita na higit,
lalo, mas at di-hamak?
A. Palamang C. Pasahol
B. Magkatulad D. Pasahol at palamang
_____4. Alin sa hambingang di-magkatulad ang nagsasabing kulang sa katangian
ang isa sa dalawang pinaghahambing?
A. Palamang C. Magkatulad
B. Pasahol D. Palamang at pasahol
_____5. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa paghahambing? Upang____
A. Madaling maintindihan ang kausap
B. Madaling matukoy ang hinahanap
C. Mapag-aralan ang katangian
D. Mapakilala nang husto ang bagay

GAWAIN B.
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na panlapi / susing salita
sa paghahambing upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Sa sagutang
papel isulat ang sagot.

Sing-, kapwa, ga-, pareho/ng, kawangis,


Gaya Higit, lalo, mas, di- gaano, di masyado

6. ________ nakaaaliw ang bugtong sa palaisipan.

7. ________ na malalim ang kahulugan ng sawikain kaysa salawikain.

8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _______ saya ng paglalaro.

9. ________ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain kaysa kasabihan.

10. Ang sawikain ay _________ ng pag-ibig, nakatago ang tunay na kahulugan.


GAWAIN C.
Panuto: Ipakilala kung hambingang magkatulad o di magkatulad ba ang mga
pangungusap sa ibaba.

11. Lahat ng mga tao ngayon ay parehong butas ang bulsa dahil sa pandemya.
12. Mahirap maging tanga, higit kung pinagmumukha ka talagang tanga.
13. Ginagamit ito ng tao araw-araw at tumitingkad kapag gabi pareho ng mga bituin.
14. Mas hawak sa leeg si Anita ngayon ang kanyang ikalawang nobyo.
15. Magsinglinaw sila ng tubig at may iba’t ibang hugis na kinagigiliwan ng mga
babae.

2
Aralin
Uri ng Paghahambing
1

Sa nakaraang aralin, natutunan natin ang mga karunungang-bayan o


tinatawang ding kaalamang – bayan. Nasalamin natin doon kung paano namuhay
at nakibagay sa payak na pamumuhay ang ating mga ninuno. Nakita din natin
kung paano nila pinaunlad ang sariling kamalayan at ang paraan ng pakikitungo
sa iba. Sinasabing ang katas ng ngayon ay ang punla nila noon.
Bugtong at palaisipan ang naging libangan o pampagising sa isipan ng
ating mga ninuno upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin, patunay
lamang na sanay mag-isip ang mga sinaunang tao na ipinamana sa henerasyon
ngayon at ang nauna naman ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Binusog naman tayo sa salawikain ng magandang asal at pangaral upang akayin
sa kabutihang –asal, nagsilbi din itong tuntunin ng kagandahang –asal. Ang
sawikain naman ay nagtataglay talinghaga o hiwaga dahil nakatago ang
kahulugan nito. Ibig sabihin ng nakatago ay hindi mo agad makikita sa unang
sulyap ang nais niyang sabihin o ipahiwatig. Tinatawag din itong idyoma.
Makikita rin sa kasabihan ang pagpapalabas ng damdamin na mas kilala sa
bagong panahon na #hugotlines. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna
sa kilos ng isang tao.

Balikan

Gawain A: Ipakilala mo na Ako! Kilalanin ang mga karunungang-bayan


sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang letra na nagpapahiwatig ng tamang sagot.

1. Bigla na lamang lomobo ang katawan


ni Nena dulot ng ilang buwang quarantine. A. Bugtong

2. Madaling sabihin pero mahirap gawin. B. Salawikain

3
3. Mabenta ito tuwing pasko, kulay pula C. Sawikain
at kinakain ng tao.
4. Aanhin pa ang damo, kung patay na D. Palaisipan
ang kabayo

5. May limang krayola si Isko sa mesa nang E. Kasabihan


biglang hawakan ni Ana ang isa, ilan ang
natira? F. Kawikain

Tuklasin

Gawain B: Sino Ang Pipiliin Ko!


Panuto: Pumili sa kung alin sa dalawa ang gusto mo at maglaan ng rason.
Isulat sa sagutang papel ang sariling sagot.

1. Lechon baboy o adobo


2. Shirt o pants
3. Kathniel o Lizque
4. Matulog o mangapitbahay
5. Pia Wurtzback o Catriona Gray

Suriin

Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na
ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong
kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahalagang pag-
unawa kung ano ang paghahambing at ang dalawang uri nito. Pahayaw rin na
malalaman ang ukol sa pang-uri . Halika at umpisahan na ang masayang
pagbabasa at pang-unawa sa paksa.

PAGHAHAMBING

Sinasabing ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw –araw na


buhay. Sang –ayon ka ba? Bakit Oo at bakit hindi?
Sa paggising pa lang sa umaga ay namimili na tayo kung tatayo na ba sa
higaan o matutulog pa ulit kahit gising na. Maliligo kaya o huwag na. Mag-aalmusal

4
pa ba o di na dahil baka mahuli sa klase. Magnonobyo na ba o susundin muna si
nanay na saka na lang. Si Piolo na ba o si Coco Martin? Ang mga ito ay kadalasang
maisasagawa kung mayroon tayong paghahambingan.
Sa paglalahad na ito ay may isang mahalagang sangkap at ito ang hambingan
ng pang-uri.
Ano ng paghahambing?
Ano ang pang-uri?

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa


pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita ng naglalarawan sa katangian ng
pangngalan. Halimbawa ng pang-uri ay ang sumusunod: tangkad, ganda, talino,
sipag ,kapal, itim, mahabang buhok,lapad, at bigat.

Sa madaling salita, ihahambing natin ang katangian ng dalawang tao,


bagay , pook at maging pangyayari.

May dalawang uri ng Paghahambing:


1. Pahambing na Magkatulad – patas ang katangian ng dalawang pinaghahambing.
Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-
, sim-, sin-, magsing-, magsim-, magsin, ga-, at mga salita na pareho, kapwa,
kawangis, pares, pawing at tulad.
Halimbawa:

1. Magsingputi sina Bea at Anne.


Panlapi pang-uri o katangian na pareho sina Bea at Anne
2. Ang mga labahin ni inay ay gabundok na talaga.

Panlapi at ang katangian ng bundok ang itinulad sa labahin ni inay

3. Ang bugtong at palaisipan ay kapwa nakaaliw.


Pang-uri
Salita/ susing salita sa hambingang magkatulad
at nagpapahiwatig na pareho lamang ang bugtong at palaisipan na nakaaaliw.
2. Pahambing na Di Magkatulad – ang dalawang pinaghambing ay di magkatulad
a. Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing.
- Ginagamitan ng salitang higit, lalo, mas, at di-hamak

5
Halimbawa:
1. Di –hamak na gwapo at matalino ang nobyo ko sa nobyo niya.
Pang-uri/ katangian na lamang o mas mataas
Salita/ susing salita sa di magkatulad at palamang
2. Makapal lalo ang ginamit na kumot sa ikalawang araw ng camping.
Salita/ susing salita sa di magkatulad at nasa palamang
Pang-uri / katangian na lamang o mas mataas
3. Mas malalim ang kahulugan ng sawikain kompara sa kasabihan

Pang-uri/ katangian na lamang o mas mataas


Salita/ susing salita sa di magkatulad at nasa palamang
b. Pasahol – kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing.
- Ginagamitan ito ng mga salita/ susing salita na di gaano, di
gasino, at di masyado.

Halimbawa:
1. Di masyadong palaaral si Kapatid kopara kay Bunso.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing

Salita/ susing salita sa di magkatulad


2. Di gaano masarap magluto si Ate kaysa kay inay.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad
3. Di gasinong tamad si bunso ngayon kompara kay kuya.
Pang-uri / katangian na kulang sa isang inihambing
Salita/ susing salita sa di magkatulad

Maaaring ilagay sa gitna o sa unahan ng iyong pangungusap ang mga susing salita/
panlapi sa paghahambing depende sa gustong ayos ng pangungusap.
Alalahanin na sa paghahambing ay dapat may katangian kang inihahambing.
Maaring dalawang tao o higit pa ang kasangkot sa paghahambing.
Malinaw ba? May tanong pa ba? Alam kung lubos mong naunawaan ang ating
klase at binabati kita kasi ay hand aka na para susuungin ang susunod nating mga
gawain. Halika at samahan ako sa pagtuklas

6
Pagyamanin

Gawain A. Ako Ba Talaga Iyan?


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang panlapi/ susing salita na ginamit sa
pangungusap/pahayag sa ibaba at ipakilala kung hambingang magkatulad
o di magkatulad ba ang mga ito.

1. Di gaanong malaki at umiilaw ito, pero dito mo makikita ang mundo.


2. Masasabing kapwa napabayaan sa kusina ang mag-anak na iyan.
3. May limang kambing si Mang Kanor,uminom ng tubig ang isa at ang
dalawa ay parehong lumundag. Ilan ang natira?
4. Ang crush ay tulad ng math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo
na lang.
5. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay higit na di
makakarating sa paroroonan.

Gawain B. Bumuo ng isang halimbawa sa alin man sa mga karunungang-


bayan at palawakin ang paggamit ng paghahambing. Isulat ang pagha -
hambing na ginamit sa sagutang papel.
Halimbawa:
Bugtong
1. Malambot ito na pareho ng isang unan,dumidikit sa ngipin kapag iyong
tinikman.
Sagot: pareho- makatulad
Sawikain
2. Pawang matataas ang kanilang marka, palibhasa’y nagsusunog ng kilay
gabi-gabi.
Sagot: Pawang – magkatulad

7
Isaisip

Gawain A. Panuto: Ibigay ang katangian ng mga pahayag sa


ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano makikilala ang hambingang di magkatulad?


2. Ano ang palatandaan na pasahol ang ang ginamit na paraan sa
paghahambing?
3. Kailan masasabi na ang paghahambing ay nasa palamang?
4. Ano ang ibig sabihin ng paghahambing na di magkatulad?
5. Ano ang paghahambing?

Isagawa

Gawain 1- Naman! Ano-ano ang kahalahagahang naibigay ng paghahambing sa


araw araw na pakikipagsapalaran?

Sagot:
1.____________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________
3.___________________________________________________________________

Gawain 2. Mga Suki! Panuto: Gumawa ng maikling iskript ng patalastas. Maaring


ito’y paraang kanta, rap song o kahit anong paraan ng paglalahad na nanghihikayat.
Palawakin ang paggamit ng limang (5) paghahambing.

Halimbawa:
(Kanta ang paraan ng paglalahad)

Dito na kayo sa tindahan ko, mas malinis at walang mga ipis. Higit sa lahat ang
tindera ko’y laging nagbibigay-tawad. Di –hamak na masisiyahan kayo na animo’y
nanalo sa lotto. Tiyak babalik ka pa na parang paru-paru.

8
Tayahin:

Panuto: Unawain ang mga tanong sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa patlang
bago ang bilang. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

_____1. Alin sa mga pares ng panlapi/ susing salita ang ginagamit sa pagpapalawak
ng hambingang magkatulad?
A. Sing-, labis
B. Higit, kapwa
C. Magsin-, sing-
D. Sim-, di gaano

_____2. Ano itong paraan ng paglalahad na tumutulong upang mabigyang-linaw ang


isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba?
A. Paghahalimbawa
B. Paghahambing
C. Pagsasaulo
D. Pag-iisa-isa

_____3. Alin sa hambingang di-magkatulad ginagamit ang susing salita na higit,


lalo, mas at di-hamak?
A. Palamang
B. Magkatulad
C. Pasahol
D. Pasahol at palamang

_____4. Alin sa hambingang di-magkatulad ang nagsasabing kulang sa katangian


ang isa sa dalawang pinaghahambing?
A. Palamang
B. Pasahol
C. Magkatulad
D. Palamang at pasahol

_____5. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa paghahambing? Upang____


A. Madaling maintindihan ang kausap
B. Madaling matukoy ang hinahanap
C. Mapag-aralan ang katangian
D. Mapakilala nang husto ang bagay
GAWAIN B.
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na panlapi / susing salita
sa paghahambing upang mabuo ang diwa ng pangungusap . Sa sagutang
papel ilagay ang sagot.

Sing-, kapwa, ga-, pareho/ng, kawangis, gaya


Higit, lalo, mas, di- gaano, di hamak

9
6. ________ na nagpapalito ang bugtong kaysa sa palaisipan.

7. ________ mahirap unawain ang kahulugan ng salawikain at sawikain.

8. Ang pag-aaral ng karunungang –bayan ay _______ saya ng paglalaro.

9. ________ na nagbibigay kagandahang asal ang kasabihan kompara sa salawikain.

10. Ang sawikain ay _________ ng pag-ibig, nakatago ang tunay na kahulugan.

GAWAIN C
Panuto: Lagyan ng tsek √ ang kahon kung ang paghahambing ay magkatulad
ꓫ at ekis kung ang paghahambing ay di magkatulad.

11. Ang buhay ng mahirap at mayaman ay pareho lamang na nagsusumikap para


umangat.

12. Mahirap maging tanga, higit kung pinagmumukha ka talagang tanga.

13. Ginagamit ito ng tao araw-araw at tumitingkad kapag gabi pareho ng mga
bituin.

14. Lalong butas ang bulsa ng mga Pinoy dahil sa pandemya.

15. Magkatulad sa pinaggalingan at sa kaputian, isawsaw sa suka ay ang


namnam.

Karagdagang Gawain

Gawain 1- Ano Nga Kaya?: Sumulat ng sanaysay na binubuo ng tatlong bahagi


( simula, gitna at wakas). Ihambing ang panahon natin noon at ngayon bilang paksa.
Isulat sa sagutang papel ang sagot.

_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

10
RUBRIKS
Pamantayan 5 4 3 2
Organisasyon Malinaw at Di gaanong Di malinaw at Magulo ang
maayos ang malinaw at maayos ang ayos at ang
pagkakasunod maayos ang pagkakasunod pagkakasunod
-sunod ng pagkakasunod -sunod ng -sunod ng
kaisipan -sunod ng kaisipan kaisipan
kaisipan
Nilalaman Ginamitan ng Ginamitan ng Ginamitan ng Ginamitan ng
sampung walong anim na apat
paghahambin paghahambing paghahambing paghahambing
g
Kawastugang Wasto ang May mali sa Maraming mali
Halos lahat
Gramatikal paggamit ng paggamit ng sa paggamit ng
may mali sa
bantas, bantas, bantas,paggamit ng
baybay, maliit baybay, maliit baybay, maliit
bantas,
at malaking at malaking at malaking
baybay, maliit
titik titik titik at malaking
titik
Kakintalan Nag-iwan ng Di gaanong Nag-iwan ng Walang iniwan
impresyon sa nag-iwan ng impresyon sa na impresyon
mambabasa impresyon sa mambabasa sa mambabasa
upang mambabasa ngunit di upang
mahikayat upang mahikayat mahikayat
mahikayat
KABUUAN 20

Susi sa Pagwawasto

15. Magkatulad
14. Di Magkatulad 15. √
13. Magkatulad 14. ꓫ
12. Di magkatulad 13. √
11. Magkatulad 12. ꓫ
10. Gaya 11. √
9. Lalo,mas 10. Gaya-
8. Sing- 9. Di-gaano
7. Higit 8. Sing-
6. Mas 7. Pareho
6. Higit
5. B
5. B
4. B 4. B
3. A 3. A
2. B 2. B
1. A 1. C
Subukin Pagtataya
11
Sanggunian
1. Pluma 8, 2017 edition
2.https://www.google.com/search?q=To+remember+symbol+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjD0P
zevOPqAhUD1ZQKHYfzA2sQ2-
cCegQIABAC&oq=To+remember+symbol+clipart&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzoECAA
QEzoGCAAQBxAeOgYIABAFEB5Q3IIBWN2hAWDhqQFoAHAAeACAAfsCiAG9I5IBBzAuMS44LjeYAQCgA
QHAAQE&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=5I8ZX8POGYOq0wSH54_YBg

12

You might also like