You are on page 1of 28

FILIPINO

BAITANG

11

Mga Angkop na Salitang

Ginagamit sa Paghahambing

MODYUL 4

Department of Education • Republic of the Philippines

Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA Region
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Materyal para sa Bridging- FILIPINO

Bahagi ng Pananalita

Modyul 4
Baitang 11
Hunyo 22-26, 2020

Isinulat at binuo nina

MARLENE G. SUMAGINSING
MARICEL G. CORDERO
LODIJANE N. CORDERO
JOANNA M. ELEFANE
MARJOY M. CELEBRADO
RELITA E. VICENCIO
MARICEL G. CORDERO
IRYN M. ILAGAN
ANNIE JOY PATRICIO-VALLEJO
CYNTHIA M. FELIX

Department of Education • Republic of the Philippines

Panimulang Mensahe
Para sa mga Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay para sa Ikaapat na Linggo ng bridging na magsisilbing

alternatibong kagamitan sa mga kasanayan at magkokonek sa nagdaang taong
panuruan at sa paparating na pasukan. Ang gurong tagapagdaloy ng modyul na ito
ay kinakailangang maging handa sa pagpapaliwanag sa kanyang mga mag-aaral ng
mga tiyak na layunin, gawain, at inaasahang awtput upang matiyak ang pagkatuto
ng mga mag-aaral. Makatutulong din ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o mga tagagabay tungkol sa kahalagahan ng pagsasakatuparan ng
mga gawain sa loob ng modyul na ito.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng

Palawan kaya’t pinapayuhan ang mga tagapagdaloy na magtagubilin sa gagamit nito
na ingatan ang modyul. Iwasang tupiin o pilasin ang mga pahina, dumihan, basain,
o alinmang kauri nito na makapipinsala sa kagamitan. Tiyaking masasagutan ng
mga mag-aaral ang bawat palatuntunan ng modyul kagaya ng mga pagsusulit,
gawain, at mga pagsulat.

Para sa mga Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay para sa Ikaapat na Linggo ng iyong pag-aaral sa
bridging. Ang lahat ng iyong kasanayan sa pagbasa ng mga tekstong akademiko ay
inaasahang natamo mo na sa yugtong ito ng iyong pag-aaral. Inaasahan sa iyo na
ikaw ay muling magkokonek sa ilang piling kasanayan para sa paghahanda ng iyong
pagpasok sa Senior High School.

Nawa ay maging kapaki-pakinabang sa iyo ang pagbasa at pagsagot sa mga

piling pagsasanay para isang linggong pagtalakay ng mga aralin.

Narito pa ang ilan sa mga dapat mong tandaan at gawin:

PAALALA AT TAGUBILIN
Ang pagkatuto mo sa modyul na ito ay nakasalalay sa pag-unawa at
pagsunod mo sa mga panuntunan sa bawat gawain upang matamo ang
mataas na pagkatuto na kinakailangan. Narito ang ilan sa mga dapat mong
isaalang-alang sa paggamit ng modyul na ito.
1. Ingatan at pahalagahan mo ang modyul na ito.
2. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.
3. Sagutin nang buong katapatan ang mga gawain at pagsusulit sa modyul na ito.
4. Hanggat maaari, huwag lalaktawan ang mga pahina na sasagutan.
5. Sikapin mong mapaunlad ang iyong pagkatuto sa mga gawaing inihanda ko
katulad ng
pagsisikap kong matulungan kang matuto.
6. Sakaling may mahirap na gawain na hindi mo maunawaan maaari kang
sumangguni sa
iyong mga kasama sa bahay o di kaya maaari mo akong tawagan sa numerong
ito __

3 | Modyul 4, Baitang 11
Linggo Mga Angkop na Salitang
4 Ginagamit sa Paghahambing

Alamin

Kumusta ka na mahal kong Mag-aaral,

Kumusta ang iyong naging bakasyon sa mapaghamong banta at pananalanta ng
COVID-19? Naging panatag ka rin ba at sumusunod sa mga ipinagbabawal at payo ng World
Health Organization? Ngayong nasa panahon pa rin tayo ng pangamba at pag-aalinlangan,
hayaan mong balikan natin ang ilang mahahalagang mga paksa at kasanayan sa Filipino na
tiyak kong malilibang ka sapagkat ito’y sadyang inihanda para sa iyo. Ito’ y isinaayos at pinili
upang iyong maikokonek ang iyong sarili sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Inaasahan na
sa paggamit mo nito ay magiging aktibo ka at handang ipahayag nang wasto, maayos at may
lalim ang iyong mga ideya, karanasan at kaalaman kaugnay ng pinag-aaralan. Eksayted ka
na rin ba para rito at para sa susunod na yugto ng iyong buhay, ang pag-aaral ng senyor high?
Kung gayon, kumuha ka ng luma mong kuwaderno at gamitin ang mga ekstrang pahina
na walang sulat upang itala o isulat ang ilang mahahalagang pagkatuto na maaaral mo rito.
Bilang pagtalima sa kautusang huwag munang magkita-kita o magsama-sama nang
maramihan kaya maaari mo itong iuwi at pag-aralan sa tulong ng iba pang miyembro ng iyong
pamilya.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang

mga sumusunod na mahahalagang kasanayang pampagkatuto:
1. Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa:
-Sarili
-Pamilya
-Panlipunan
-Pandaigdig 10PS-IIId-c-81

2. Nagagamit ang mga angkop na mga salitang naghahambing. F10WG-IVg-h-81

 Nauunawaan ang angkop na mga salitang ginagamit sa paghahambing ng

iba’t ibang uri ng paghahambing.

Department of Education • Republic of the Philippines

3. Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad
na akdang binasa. F10PU-IVg-h-88

Halina’t masigla nating lakbayin, galugarin at himay-himayin ang bawat pahina

ng modyul na ito. Maligayang paglalakbay mga mag-aaral!

Subukin

Subukin natin ngayon ang iyong imbak na kaalaman kaugnay sa ating aralin
para sa linggong ito. Sagutin mo ang kasunod na paunanang pagsusulit upag
masukat natin kung gaano na kalawak ang iyong nalalaman.

Panimulang Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. Gumamit ng bukod na papel sa pagsagot
sa gawaing ito.
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Kung ang panukala ni Simoun sa pag -aayos ng Ilog -Pasig ay paraan ng

pagbabagong bihis ng isang lugar. Ito ay kahalintulad sa _________________
A. Pag-unlad ng isang lugar. C. Pakasira ng isang lugar.
B. Pagmamalaki sa sarili D. Kawalan ng aksyong gumanap.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa sariling bayan?

A. Pagtuturo sa mga kabataan C. Pagtupad sa alituntunin
B. Pagkawanggawa D. Pagpapaunlad ng lugar

3. Saan maaaring ihalintulad ang kalagayan ng mga sakay sa Bapor Tabo na nasa
ilalim ng Kubyerta?
A. Aliping mahihirap C. di-maliparang-uwak
B. patay – gutom D. criminal

4. Ang sinumang ina ay tila nawawala sa sarili kung mapapahamak ang kanilang mga
anak. Tumutukoy sa Pilipinas ang ina, sino ang tinutukoy na anak?
A. mga Pilipino C. mga indiyo
B. pamahalaang Kastila D. mga prayle

5. Ang kastilang prayle ay tinik sa lalamunan ni Simoun sa kanyang mga hangarin.

Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. Pahambing na Magkatulad C. Pahambing na Palamang
B. Pahambing na Pasahol D. Pahambing na Di- magkatulad

Department of Education • Republic of the Philippines

6. _____________ na maginhawang maupo sa taas ng kubyerta kaysa sa ilalim ng
kubyerta na mayroong nagsisiksikan. Anong pananda ang aangkop sa
paghahambing sa pangungusap.
A. Di- hamak B. Di – gaano C. Di – totoo D. Di – gasino

II. Panuto: Tukuyin ang mga panandang ginamit sa paghahambing sa loob ng

pangungusap:
7.Parang isang buhay na bangkay si Basilio kung kaya’t si Simoun ay nahabag sa binata.
A. buhay B. kaya C. parang D. na

8. Ang mga pangunahing tauhan sa El Filibusterismo ay kapwa naglingkod sa bayan at

isinangkot sa himagkasan.
A. sa B. kapwa C. bayan D. at

9. Mapapansing higit ang pagbabago ng binata kaysa noon.

A. higit B. kaysa C. noon D. ang

10. Magkasing bagal ang Bapor Tabo at ang pagong sa pag-usad dahil sa kalumaan.
A. Magkasing B. dahil C. sa D. bagal

Balikan

Balik Tanaw!
Itala sa loob ng ulap ang mahalagang kaalamang natutuhan mula sa
nagdaang aralin ng El Filibusterismo pumili lamang ng isa sa mga
kabanatang 1, 2,3,7, 10, 11, 16, 32, 33, 35, 39)

__________________________________________

____________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

___________________________________________________________________

_____________________________________________________

_______________

Department of Education • Republic of the Philippines

Ilahad ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:

Sarili:______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pamilya:___________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Panlipunan:________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pandaigdig:________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Department of Education • Republic of the Philippines

Tuklasin

GAWAIN 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Tandaan ang mga

mahahalagang detalye ukol dito na magagamit mo sa susunod na bahagi ng
modyul.

ANG ASO AT ANG LEON

(The Dog and the Lion)
Salin ni Nina S. Magalong

Isang araw, isang matandang aso ang naligaw habang hinhabol ang isang
kuneho. Sa hindi kalayuan, napansin niya ang Leong may tinging nagugutom ang
tumakbo patungo sa kaniya. Sa ganoong pagkakataon, napansin niya ang ilang
butong nakakalat na malapit sa kinaroroonan. Dali-daling umayos siya sa pagkakaupo
nang nakatalikod sa paparating na leon at animo’y kakainin niya ang natirang buto.
Bago pa siya madamba ng leon, sumigaw siya ng ganito, “Ang sarap nitong Leon!
Mayroon pa kayang ganito sa paligid?”
Nang marinig ito ng Leon, dali-dali siyang tumalilis at nagtago sa isang puno.
Ibinulong niya sa kaniyang sarili. “Ang bagsik naman ng aso. Siguro marami na siyang
napatay.”
Lumabas sa kaniyang kinaroroonan ang ardilya (squirrel) na kanina pa
nanonood sa mga nangyayari at alam ang panlilinlang ng aso sa leon. “Kailangang
iligtas ko ang aking sarili,” ang bulong niya kaya isiniwalat niya sa leon ang totoo.
Dugtong pa niya, “Baka pinagtatawanan ka na noon.
Nagalit ang leon kaya kaagad niyang niyaya ang ardilya na sumakay sa
kaniyang likod at pinuntahan na ang aso. Natunugan ito ng matandang aso kaya
naghanda siya. Hindi siya tumakbo. Naupo siya at nagkunwaring hindi pa niya nakikita
ang dalawa, sabay sabing, “Nasaan na kaya ang ardilyang iyon? Isang oras na ang
lumipas wala pa siya. Sinabi ko nang dalhan pa niya ako ng isa pang leon.
Natakot ang leon, sabay baling sa ardilya, “Bakit ka ganiyan? Akala ko
magkakampi tayo. Ipakakain mop ala ako sa asong iyan! Pagkatapos, kumaripas na
ng takbo ang leon. Hindi niya naisip na higit siyang Malaki at sa laki niyang iyon,
kayang-kaya niyang lapain ang aso.
Hinarap ng matandang aso ang ardilya. Wika niya, “Matanda na ako at
maraming karanasan kaya hindi mo ako maiisahan. Alam kong gusto mo akong
mapatay sa tulong ng leong iyon.
Kaagad humingi ng tawad ang ardilya at umalis ng nakayuko.

Department of Education • Republic of the Philippines

Suriin

Gawain 1. Sipat-Hambing!
Sipating mabuti ang dalawang larawan at paghambingin:

Mga larawan guhit ni: Ralph G. Graspela

Paghahambing:
______________________________________________________________

Mula sa nabuong paghahambing, magtala ng mga salita/katagang ginamit sa

paghamhambing:
1.
2.
3.
4.
5.

Department of Education • Republic of the Philippines

Gawain 1: Piliin ang angkop na salitag naghahambing sa panaklong upang mabuo
ang diwa ng talata. Salungguhitan ang tamang sagot.

Si Basilio at Simoun sa nobelang El Filibusterismo ay 1. (kapwa, tulad, hawig)

dumanas ng kaapihan mula sa kamay ng mga prayle. Sila’y sumasalim sa mga
Pilipinong pinagkaitan ng karapatan ngunit patuloy na nakipaglaban. 2.(Pareho, gaya,
hawig) man ng naging karanasan subalit magkaiba ang kanilang prisipyo at
paninindigan. 3.(Higit, lalo, di-gaano) na malalim ang pagkamuhing nadama ni
Simoun kumpara sa pusong mapagpatawad ni Basilio. 4.(Di-gaanong, di-totoog,
labis) dinadamdam ni Basilio ang kabiguan sa buhay. Bagkus ginawa niya itong
inspirasyon upang mas lalo pang magsumikap at magpakatatag. Gayon pa man, 5.
(kapwa, paris, tulad) sila’y kahanga-hangang tauhan na binigyang buhay ni Rizal sa
nobelang gumising sa diwang makabansa ng mga Pilipino.

Pagsasanay 1: Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay nagtataglay ng magkatulad

at di-magkatulad na uri ng paghahambing.

______________1. Sintalas na ng pag-iisip ni Simoun ang murang isipan ni Basilio.

______________2. Di hamak na mas matayog ang pangarap ni Isagani kumpara
kay Juanito Pelaez.
______________3. Parehong mapagsamantala si Padre Camorra at ang Heneral.
______________4. Higit na matatag si Maria Clara kay Huli.
______________5. Kapwa walang saysay ang pinagtatalak ni Donya Victorina
kumpara sa mga pinagsasabi ni Hermana Penchang.

Magaling! Unti-unti mo nang napalalawak ang iyong

kaalaman at kasanayan! Magpatuloy sa paglalakbay
para sa ganap na pagtamo sa ating mga layunin.

Gawain 2

Panuto: Suriin mo ang bawat pangungusap/pahayag.Punan ang tsart mula sa

sinuring pangungusap.

1. Sinabi ni Don Custudio na mas mainam ang panukala niya kaysa sa mungkahi ng
mang-aalahas na si Simoun.
2. Amg mga pasahero sa itaas ng kubyerta ay di-hamak na may mga kaya at
makapangyarihan sa mga pasahero ng bapor sa ilalim ng kubyerta.
3. Sina Simoun at Basilio ay kapwa nagnanais ng katarungan para sa mga
kaapihang dinanas ng bayan.

Department of Education • Republic of the Philippines

4. Nang napag-usapan ang tungkol sa isang Navarra o Ibarra na napatay sa lawa si
Simoun ay mistulang isinasaw sa suka, siya ay namutla at nawalan ng kibo.
5. “Batid kong ikaw ay naghirap at nagtiyagang tulad ko. Katulad ko’y may pautang
ka ring dapat singilin sa lipunan.”, wika ni Simoun kay Basilio.

Salitang Inihahambing Pinaghahambingan

Naghahambing

Pagsasanay 2

Panuto: Mag-isip ng katangian ng tauhang si Simoun at ihambing ito sa mga bagay

na nabanggit sa nobela. Tiyaking makagamit ng angkop na salita sa paghahambing.

rebolber
S
I alahas

M
salapi
O
U doktor

N
lampara

___________________________________________________________________________

Gawain 3

Panuto: Naalala mo pa ba si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere? Maaari

mo bang gunitain ang kanyang karakter sa nobela na sinulat din ni Dr. Jose
Rizal?
Ngayon ay pangatwiranan mo ang pagkakatulad at di-pagkakatulad na
karakter ni Crisostomo Ibarra at ni Simoun sa El Filibusterismo sa tulong ng
mga salitang nagpapahayag ng paghahambing sa pamamagitan ng pagbuo
ng talata.

Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagsagawa nito. Ang akdang

bubuuin ay dapat makasunod sa pamantayan na ibinigay.

Mga Pamantayan Puntos

Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 5
pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng paghahambing sa dalawang karakter. 5
Nagagamit ang angkop na mga salitang paghahambing. 5
Malinis, maayos ang pagkakasulat at wasto ang gamit ng wika at 5
mga bantas.
Kabuoang Puntos 20
5 - Napakahusay 2 - Di-mahusay
4 - Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Talata:

_____________________________________________________________________________

Pagsasanay 3

Panuto: Bumuo ng isang saknong ng tula tungkol sa katangian ng tauhang si

Simoun. Ihambing ito sa iyong katangian bilang mag-aaral.

_____________________________________________________________

_____________

Gawain 3.2: SAGOT MO, ILAHAD MO!

Batid kong naunawaan mo na ang mga nagdaang aralin sa tulong ng mga

natapos mong gawain sa araling ito. Sige nga’t patunayan mong muli ang mga
natutunan mo sa gramatika na iyong natamo sa aralin!

Panuto: Punan lamang ng wastong salitang naghahambing ang patlang sa

pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Isulat sa sagutang-papel.

1. Makikitang _______________ na mas maganda ang kalagayan ng mga

pasahero sa itaas ng kubyerta kaysa sa ilalim nito.
2. ___________________ mabilis ang takbo ng bapor kaysa sa dating takbo nito.
3. Ang mga pasaherong Intsik ay nakahigang _______________ mga bangkay,
nahihilo at naririndi sa ingay ng makina.
4. _____________________ na kilala si Basilio sa kahusayan kaysa sa makatang
si Isagani.
5. Ikaw ay ____________________ ng batong naiwan sa kaparangan,
hindi nagamit sa pagtatayo ng isang gusali.

Magaling! Lumalalim na nga ang iyong

kaalaman hindi lamang sa akdang iyong binasa
maging ang kaalaman mo sa gramatika. Hindi ba’t
mainam na gumamit ng mga salitang naglalahad ng
paghahambing upang mas lalong mailarawan ang
mga nais nating ipabatid? Kaya naman mas lalo pa
nating palalimin ang iyong kaalaman sa tulong ng
mga susunod na gawain! Handa ka na ba?

Department of Education • Republic of the Philippines

Pagyamanin

Gawain 1: Piliin ang angkop na salitang naghahambing sa panaklong upang mabuo

ang diwa ng talata. Salungguhitan ang tamang sagot.

Si Basilio at Simoun sa nobelang El Filibusterismo ay 1. (kapwa, tulad, hawig)

dumanas ng kaapihan mula sa kamay ng mga prayle. Sila’y sumasalim sa mga
Pilipinong pinagkaitan ng karapatan ngunit patuloy na nakipaglaban. 2.(Pareho, gaya,
hawig) man ng naging karanasan subalit magkaiba ang kanilang prisipyo at
paninindigan. 3.(Higit, lalo, di-gaano) na malalim ang pagkamuhing nadama ni
Simoun kumpara sa pusong mapagpatawad ni Basilio. 4.(Di-gaanong, di-totoog,
labis) dinadamdam ni Basilio ang kabiguan sa buhay. Bagkus ginawa niya itong
inspirasyon upang mas lalo pang magsumikap at magpakatatag. Gayon pa man, 5.
(kapwa, paris, tulad) sila’y kahanga-hangang tauhan na binigyang buhay ni Rizal sa
nobelang gumising sa diwang makabansa ng mga Pilipino.

Pagsasanay 1: Tukuyin ang mga pahayag kung ito ay nagtataglay ng magkatulad

at di-magkatulad na uri ng paghahambing.

______________1. Sintalas na ng pag-iisip ni Simoun ang murang isipan ni Basilio.

______________2. Di hamak na mas matayog ang pangarap ni Isagani kumpara
kay Juanito Pelaez.
______________3. Parehong mapagsamantala si Padre Camorra at ang Heneral.
______________4. Higit na matatag si Maria Clara kay Huli.
______________5. Kapwa walang saysay ang pinagtatalak ni Donya Victorina
kumpara sa mga pinagsasabi ni Hermana Penchang.

Magaling! Unti-unti mo nang napalalawak ang iyong

kaalaman at kasanayan! Magpatuloy sa paglalakbay
para sa ganap na pagtamo sa ating mga layunin.

Gawain 2

Panuto: Suriin mo ang bawat pangungusap/pahayag.Punan ang tsart mula sa

sinuring pangungusap.

Department of Education • Republic of the Philippines

1. Sinabi ni Don Custudio na mas mainam ang panukala niya kaysa sa mungkahi ng
mang-aalahas na si Simoun.
2. Amg mga pasahero sa itaas ng kubyerta ay di-hamak na may mga kaya at
makapangyarihan sa mga pasahero ng bapor sa ilalim ng kubyerta.
3. Sina Simoun at Basilio ay kapwa nagnanais ng katarungan para sa mga
kaapihang dinanas ng bayan.
4. Nang napag-usapan ang tungkol sa isang Navarra o Ibarra na napatay sa lawa si
Simoun ay mistulang isinasaw sa suka, siya ay namutla at nawalan ng kibo.
5. “Batid kong ikaw ay naghirap at nagtiyagang tulad ko. Katulad ko’y may pautang
ka ring dapat singilin sa lipunan.”, wika ni Simoun kay Basilio.

Salitang Inihahambing Pinaghahambingan

Naghahambing

Gawain 3

Panuto: Naalala mo pa ba si Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere? Maaari mo bang

gunitain ang kanyang karakter sa nobela na sinulat din ni Dr. Jose Rizal?
Ngayon ay pangatwiranan mo ang pagkakatulad at di-pagkakatulad na karakter
ni Crisostomo Ibarra at ni Simoun sa El Filibusterismo sa tulong ng mga salitang
nagpapahayag ng paghahambing sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagsagawa nito. Ang akdang bubuuin ay

dapat makasunod sa pamantayan na ibinigay.

Department of Education • Republic of the Philippines

Mga Pamantayan Puntos
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 5
pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng paghahambing sa dalawang karakter. 5
Nagagamit ang angkop na mga salitang paghahambing. 5
Malinis, maayos ang pagkakasulat at wasto ang gamit ng wika at 5
mga bantas.
Kabuoang Puntos 20
5 - Napakahusay 2 - Di-mahusay
4 - Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Gawain 3.2: SAGOT MO, ILAHAD MO!

Batid kong naunawaan mo na ang mga nagdaang aralin sa tulong ng mga

natapos mong gawain sa araling ito. Sige nga’t patunayan mong muli ang mga
natutunan mo sa gramatika na iyong natamo sa aralin!

Panuto: Punan lamang ng wastong salitang naghahambing ang patlang sa

pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Isulat sa sagutang-papel.

6. Makikitang _______________ na mas maganda ang kalagayan ng mga

pasahero sa itaas ng kubyerta kaysa sa ilalim nito.
7. ___________________ mabilis ang takbo ng bapor kaysa sa dating takbo nito.
8. Ang mga pasaherong Intsik ay nakahigang _______________ mga bangkay,
nahihilo at naririndi sa ingay ng makina.
9. _____________________ na kilala si Basilio sa kahusayan kaysa sa makatang
si Isagani.
10. Ikaw ay ____________________ ng batong naiwan sa kaparangan, hindi
nagamit sa pagtatayo ng isang gusali.

Magaling! Lumalalim na nga ang iyong

kaalaman hindi lamang sa akdang iyong binasa
maging ang kaalaman mo sa gramatika. Hindi ba’t
mainam na gumamit ng mga salitang naglalahad ng
paghahambing upang mas lalong mailarawan ang
mga nais nating ipabatid? Kaya naman mas lalo pa
nating palalimin ang iyong kaalaman sa tulong ng
mga susunod na gawain! Handa ka na ba?

Department of Education • Republic of the Philippines

Isaisip

Batid kong naunawaan mo na ang mga nagdaang aralin sa tulong ng mga natapos
mong gawain sa araling ito. Kaya’t laging tandaan na ang Paghahambing o Komparatibo
ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay,
ideya, pangyayari at iba pa.

Isagawa

SHARE IT!

Basahin mong muli ang iyong gawa, ano anong mga lutang na
kaisipan sa binuo mong akda mula sa larawan na may kapareho sa mga kabanata
sa El Filibusterismo na iyong binasa? Isulat ang iyong sagot sa apat na ispasyo sa
loob ng bilohaba. Gayahin ang pormat.

Mga Pamantayan Puntos

Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap. 5

Ito ay nagpapahayag ng paghahambing sa dalawang karakter. 5

Nagagamit ang angkop na mga salitang paghahambing. 5
Malinis, maayos ang pagkakasulat at wasto ang gamit ng wika at mga bantas. 5

Kabuuang Puntos 20

Department of Education • Republic of the Philippines

5 - Napakahusay 2 - Di-mahusay
4 - Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman
May pagkakahawig ba ang mga kaisipang nakalutang sa iyong akda at sa
mga kabanatang iyong binasa sa El Filibusterismo? Kung mayroon, nagtagumpay ka
at nakuha mo ang kaisipang nais ipabatid ng larawan! Ang gawaing ito ay
makatutulong sa mga susunod na gawaing nakalaan sa bahaging ito. Maaari mo
munang itabi ang mga natapos mong gawain.

ILAHAD ANG NATUTUNAN!

Ngayong napatunayan mong ang mga pangayayari sa nakalipas ay

masasalamin pa rin sa kasalukuyan, ano ang gagawin mo kung sakaling sa iyong
buhay ay umiral din ang kawalang katarungan at pagbabalak na paghihiganti dahil sa
pagkakaiba ng kalagayan sa buhay?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________

Batay sa ginawa mong paghahambing ng pangyayari sa akda at mga

pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyang panahon, ano sa iyong palagay ang
kahalagahan ng pag-aaral ng El FILIBUSTERISMO?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Matapos mong mapag-aralan ang iba’t ibang uri ng paghahambing, Paano

nakatutulong ang paggamit nito sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw mo na
buhay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Department of Education • Republic of the Philippines

Tayahin

Karakter mo, Ibida mo!

Ibahagi mo ang iyong paboritong karakter mula sa nabasa o napanood sa telebisyon
na nakaramdam ng kaapihan o katarungan gaya ng telenobela o sa pelikula.
Ihambing mo sa iyong sarili o sa isang kakilala gamit ang iba’t ibang uri ng
Paghahambing.

Itala kung bakit naging paborito ang karakter na

ito.
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Ihambing mo sa iyong sarili o sa isang kakilala.

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Dama Kita!
Ang lahat ng pag – uusap, iniisip at saloobin ng mga tauhan sa mga kabanatang
binasa ay mahalaga. Isinisiwalat dito ang buong diwa, kaisipan, damdamin at
mithiin ng may-akda para sa bayan.

1. Suriin mo sa loob ng “speech balloon” ang damdamin at saloobin ng

tauhang nabanggit sa kabanata.
2. Ihambing ang damdamin ni Simoun sa iyong sarili bilang isang kabataan
sa iyong lipunang ginagalawan.

“Kapwa tayo humihingi

ng katarungan, kaya sa
halip maging
magkatunggali,
kailangan tayong
magtulungan”

Larawan mula sa: www.google.com

Department of Education • Republic of the Philippines

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Binabati kita sa mga tamang sagot na iyong ibinahagi!

Sa pagbabasa ng mga akda, lumulutang ang kaisipan na
siyang nagsisilbing bisa sa isip at damdamin ng mambabasa.
Sa pagtukoy sa mga kaisipang ito, natutuhan mo bilang
mambabasa na mag-isip upang magamit itong gabay sa buhay.
Sa gayon, nagiging makabuluhan ang akdang binasa.
Ipagpatuloy mo ang iyong sigla sa pagsagot! Sukatin
naman natin ang iyong pananaw hinggil sa nilalaman ng
akdang iyong nabasa.

Gabay na tanong:

Paano nararapat harapin ng tao ang mga kabiguang

nararanasan niya sa buhay?
_____________________________________________________________________

_________________

Department of Education • Republic of the Philippines

Napakahusay! Malugod na pagbati sa iyong
matagumpay na paglalakbay sa kabuuan ng modyul.
Kamangha-mangha ang kagalingang ipinamalas sa pagtuklas
ng mga bagong kaalaman at pagsagupa sa iba’t ibang gawain
na nagpayabong sa iyong pag-unawa at pagkatuto sa kabuuan
ng aralin!

Maari mo na ngayong sagutan ang pangwakas na

pagtataya sa aralin. Ipagpatuloy lang ang sipag sa pagdukal ng
karunungan. Maraming salamat sa iyo.

Karagdagang
Gawain
KALOOK A LIKE!

Napatunayan mo sa bahaging ito ang kaalaman mo sa tamang paggamit ng

mga salitang naghahambing! Halos mabatid mo na ang mga kasanayang nakalaan
sa araling ito, upang higit na malinang ang iyong kaalaman, narito ang karagdagang
na gawain.

PANUTO: Bago ka magpatuloy ay balikan mo ang akdang iyong binuo sa

unang gawain sa bahaing isagawa at muli mo itong basahin. Pagkatapos ay isulat sa
kahon ang hinihinging pangyayari sa akda at tukuyin ang kahawig na pangyayari sa
binuong mong akda. Gumamit ng sagutang papel at gayahin ang pormat.

Pangyayari sa Akda Kahawig na Pangyayari sa

Binuong Akda
Karanasan ng tauhan

Kalagayang Panlipunan

Pandaigdig na Pananaw sa Akda

Department of Education • Republic of the Philippines

Mahusay! Mabilis mong natukoy ang pagkakahawig ng mga pangyayari sa
dalawang akda. Handa ka bang patunayan pa ang iyong mga natutunan? Halina’t
gawin ang susunod na gawain!

Batid ko na ang iyong kaalaman sa aralin ay lumalim na sa tulong ng mga

gawaing hindi mo sinukuang maisakatuparan. Kaya’t sa pagkakataong ito, upang
ganap na mataya ang iyong kaalaman sa aralin, muli mong balikan ang akdang iyong
binuo sa unang gawain, sumulat ng talataan na nagpapahayag ng paghahambing sa
binuong akda at sa akdang binasa. Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ng
paghahambing na ginamit sa mga talata.

Ang talataang bubuuin ay dapat makasunod sa rubric na ito:

Mga Pamantayan Puntos

Ang talataan ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 5

pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng paghahambing sa akdang binuo at sa 5
akdang binasa.
Nagpapakita ng simula, gitna at wakas sa kabuoan. 5
Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting talata 5
Kabuoang Puntos 20
5 - Napakahusay 2 - Di-mahusay
4 - Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Pangwakas na Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

1. Kung ang panukala ni Simoun sa pag -aayos ng Ilog -Pasig ay paraan ng

pagbabagong bihis ng isang lugar. Ito ay kahalintulad sa
_________________.
A. Pag-unlad ng isang lugar. C. Pakasira ng isang lugar.
B. Pagmamalaki sa sarili D.Kawalan ng aksyong gumanap.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa sariling

bayan?
A. Pagtuturo sa mga kabataan C. Pagtupad sa alituntunin
B. Pagkawanggawa D. Pagpapaunlad ng lugar

Department of Education • Republic of the Philippines

3. Ayon kay Simoun “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin”, ito
ay ______________.
A. lumaban C. umiwas sa gul O
B. huwag sumunod D. huwag magpaloko

4. Saan maaaring ihalintulad ang kalagayan ng mga sakay sa Bapor Tabo na

nasa ilalim ng Kubyerta?
A. Aliping mahihirap C. di-maunlad na isang lugar
B. patay – gutom D. criminal

5. Magkaparehong galit at poot ang nararamdaman nina Simoun at Basilio.

Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. Pahambing na Magkatulad C. Pahambing na Palamang
B. Pahambing na Pasahol D. Pahambing na Di- magkatulad

6. Labis ang pagkatakot ng mga tao sa mga gwardiya sibil. Anong pahambing
na di -magkatulad ang ginamit sa pangungusap?
A. Pahambing na Pasahol C. Pahambing na Palamang
B. Pahambing na Pananda D. Pahambing na Pabawas

7. Ang sinumang ina ay tila nawawala sa sarili kung mapapahamak ang

kanilang mga anak. Tumutukoy sa Pilipinas ang ina, sino ang tinutukoy na
anak?
A. mga Pilipino C. mga indiyo
B. pamahalaang Kastila D. mga prayle

8. Ang kastilang prayle ay tila tinik sa lalamunan ni Simoun sa kanyang mga

hangarin. Anong uri ng paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. Pahambing na Magkatulad C. Pahambing na Palamang
B. Pahambing na Pasahol D. Pahambing na Di- magkatulad

9. Ang kanyang buhay ay__________________ isang bukas na aklat. Anong

pananda ang aangkop sa paghahambing sa pangungusap.
A. labis B. di – gaano C. tulad D. magkasing

10. ________________ na maginhawang maupo sa taas ng kubyerta kaysa sa

ilalim ng kubyerta na mayroong nagsisiksikan. Anong pananda ang aangkop
sa paghahambing sa pangungusap.
A. Di- hamak B. Di – gaano C. Di – totoo D. Di – gasino

II. Panuto: Tukuyin ang mga panandang ginamit sa paghahambing sa

loob ng pangungusap:

11. Parang isang buhay na bangkay si Basilio kung kaya’t si Simoun ay

nahabag sa binata.
A. buhay B. kaya C. parang D. na

Department of Education • Republic of the Philippines

12. Ang mga pangunahing tauhan sa El Filibusterismo ay kapwa naglingkod
sa bayan at isinangkot sa himagkasan.
A. sa B. kapwa C. bayan D. at

13. Mapapansing higit ang pagbabago ng binata kaysa noon.

A. higit B. kaysa C. noon D. ang

14. Ang galit ni Simoun ay gaya ng lamparang bigla nalang sasabog balang
- araw.
A. bigla B. galit C. araw D. gaya

15. Magkasing bagal ang Bapor Tabo at ang pagong sa pag-usad dahil sa
kalumaan.
A. Magkasing B. dahil C. sa D. bagal

Binabati kita sapagkat nagawa mo ang

mga gawain na hinihingi ng modyul na ito.
Inaasahan ko na ipagpapatuloy ang pag-
aaral ng kasunod na modyul.

Karagdagang
Gawain
Panuto: Tukuyin kung ang teksto ay PIKSYON O DI PIKSYON. Isulat ang sagot sa patlang.

Ang Palawan ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Timog

Katagalugan. Ang Lungsod ng Puerto Princesa ang kapital nito at ang pinakamalaking
lalawigan sang-ayon sa laki ng lupain. Bumabagtas ang mga pulo ng Palawan mula sa
Mindoro hanggang Borneo patungong timog-kanluran. Matatagpuan ito sa pagitan ng Dagat
Timog Tsina sa hilangang-kanluran at Dagat Sulu sa timog-silangan.

1. ________________________________

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain,

isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat
ng magagandang katangian na kinuha niya sa mga kapwa niya gulay ay ibinigay sa kanya.
aking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang
kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo. Ang balat niya
ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng
kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang
panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito. Mula noon, naging madilim na luntian ang kulay ni
Ampalaya. Ngayon, kahit naging masustansiyang gulay na si Ampalaya ay marami ang hindi
nagkakagusto sa kanya.

Department of Education • Republic of the Philippines

2. ________________________________

Si Doctor Jose P. Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya rin ang may-ari ng
dalawang nobelang pumukas sa damdamin ng mga Pilipino. Ang dalawang nobelang ito ay
Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ay nakapag-aral at nakapagtapos ng iba’t ibang
kurso sa loob at labas ng ibang bansa.

3. _______________________________

Nagtanim ng saging ang magkaibigang Matsing at Pagong. Kinuha ni Matsing ang

bahaging pinagbubungahan samantalang ibinigay niya kay Pagong ang bahaging may ugat sa
pag-aakalang sa kanya ay mabubuhay dahil doon ang bunga, subalit namatay ang kanya at
ang kay Pagong ay nabuhay. Nang lumaki at mamunga ang puno ng saging ni Pagong, sinabi
ni Matsing na siya na ang pipitas ng bunga at maghintay nalang sa baba si Pagong. Subalit sa
halip na bigyan ng bunga ay itinapon ni Matsing ang mga balat ng saging kay Pagong. Dahil
dito ay nagalit si Pagong at tahimik na nilagyan ng tinik ang puno ng saging. Sa pagbaba ni
Matsing, ito ay napuno ng tinik.
4. _______________________________

Ang COVID-19 ay isang virus na nakamamatay dahil sa kakaibang katangian

nakapagdudulot ng karamdaman sa bahaging baga ng isang tao. Ang virus na ito ay hindi
lamang tinawag na epidemya kundi naging pandemic virus dahil buong mundo ang apektado
sa mabilis nitong pagkalat. Ang bansang Pilipinas ay dumanas ng mahigpit na pagpapatupad
na hindi paglabas ng mga tao sa kanilang tahanan mula pa noong Marso 16 hanggang sa
kasalukuyan. Nagpatupad ng ECQo enhance community quarantine at GCQ o General
Commnuty Quarantine upang mapigil ang paglipat lipat ng virus sa tao at hindi na
makapanalanta na higit na marami pa.

5. ______________________________

Panuto: Magbasa ka pa ng ibang halimbawa ng kathang-isip/piksiyon o di-

kathang-isip/di-piksiyon upang lubos mo pang maunawaan.

Department of Education • Republic of the Philippines

Susing Sagot

SUSI SA PAGWAWASTO

Panimulang Pagtataya Pangwakas na Pagtataya

I. II. I. II.
1. a 7. c 1. b 11. c
2. a 8. b 2. c 12. b
3. a 9. a 3. a 13. a
4. a 10. a 4. a 14. d
5. a 5. a 15. a
6. a 6. c
7. a
8. a
9. c
10. a

Sanggunian

Aklat
El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
Gabay Pangkurikulum Filipino Baitang 10
Gabay ng Guro Filipino Baitang 10

Bucu, Amelia V., et al. Kalinangan 10: Workteks sa Filipino (Wika at

Panitikan) para sa Hayskul. Rex Book Store, Quezon City, 2015

Internet

Department of Education • Republic of the Philippines

https://www.google.com.ph/search?sa=G&hl=en_GB&tbs=simg:CAQSnwIJODXCiUYtfzYakwILELCMp
wgaYApeCAMSJpUIVpcIiAOJCNcJVJgIoAr1EtEnwyfSJ8InjSnTJ7o1xiGOKb40GjDUrutSXmKdtMzoDBkf8
yJkpGUt_1vw8gS_1bB_1NpSi-

https://www.google.com.ph/search?sa=G&hl=en_GB&tbs=simg:CAQSrwIJR0VDQyr_1KloaowILELCM
pwgaYgpgCAMSKJsDmgPHCMgInQP6CYIUnAPsE8MIsDSvNMU0tD3zN4k4rTTDJ5YkrycaMOmyv1090y
6ukEkE80mUZ8Zdqr9pHlDI3vvskM_1a-65WKAdBPaZF3aBsnfNQJ8nV-iAEDAsQjq7-

https://www.google.com.ph/search?sa=G&hl=en-
PH&tbs=simg:CAQSnwIJdRGlAAoXipcakwILELCMpwgaYgpgCAMSKNASsRSZCqAKogf4EsUU-
wPWBqIUpzSoNKo0lD6TPp80vDa5Np40pTQaMCMUOmufk6bk8yFG78YdeomVZn3m3c9aK4iz0iWtA5
eCaFaCx7Y3ULV3ZsJSS4uORCAEDAsQjq7-
CBoKCggIARIEI_1OEBwwLEJ3twQkaiwEKGwoIY2xpcCBhcnTapYj2AwsKCS9tLzAzZzA5dAoZCgdjYXJ0b2
9u2qWI9gMKCggvbS8wMjE1bgofCgxpbGx1c3RyYXRpb27apYj2AwsKCS9tLzAxa3I4ZgoXCgRnb2xk2qW
I9gMLCgkvbS8wMWw4NDkKFwoFbWV0YWzapYj2AwoKCC9tLzA0dDdsDA&sxsrf=ALeKk020yCY6JFw
mXyej-

https://www.google.com.ph/search?sa=G&hl=en_GB&tbs=simg:CAQSsgIJqsHkH3971XgapgILELCMp
wgaYgpgCAMSKJsG-
hKcBqAGtgeaBpkGgALjAbcHzCSPJIUtyyCiNIwswiDJIKE0pi0aMIxErZ32w8NyUuwwFXROzdIpkjug6G0b
YF_1MoqBXql-687bLzYZjYEpqqbCRJP2LECAEDAsQjq7-CBoKCggIARIEORy-

https://www.google.com.ph/search?sa=G&hl=en_GB&tbs=simg:CAQSqgIJP0YM5GPQPikangILELC
MpwgaYgpgCAMSKKURlhGkEbMclxGmHKsc6hbvFqcRvyzHLIY6wCyEJMgs6CP_1I7gsviwaMIo5gVl5F
7u_1oIOLazMaG4k1ONPZD2jt4HIo_11BJf_1iZdiUrbO_1Kq_19R_1pI8M5JLxyAEDAsQjq7-

27

Department of Education • Republic of the Philippines

Sanggunian

26 | Modyul 4, Baitang 11

You might also like