You are on page 1of 46

Department of Education Guagua National

Region III Colleges,Inc.


Division of Pampanga Guagua, Pampanga
FILIPINO IKA- 10
MODYUL BAITANG

Guagua National Colleges, Inc. - Montessori


Guagua, Pampanga

Taong Panuruan
(Academic Year)

2021-2022

1|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022


Guagua National Colleges, Inc.
Guagua , Pampanga
G.N.C. High School Montessori
(Taong Panuruan 2021 - 2022)

Filipino 10
Ikatlong
Markahan
2|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022
Filipino 10 Mga Usaping Panlipunan at
Modyul ng Pag-aaral Katarungan

Ano ang modyul na ito?


Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pag-aaral ng Modyul 2. Ngayon natitiyak ko na
magugustuhan mo ang susunod nating mga aralin sa Modyul 3. Nakatuon ang yunit na ito sa
pangangalaga sa kalikasan at sa pagtugon sa iba’t ibang isyung kaugnay nito. Matutunghayan sa
bahaging ito ang mga teskto ng mitolohiya, anekdota, tula, epiko, at maging sipi ng nobela.
Kasabay ring inilalatag ng bawat aralin ang mga usaping panlipunan na kinahaharap natin sa
kasalukuyan. Ilan sa mga usaping itinatampok nito ang genocide at iba pang kasamaan,
karapatan sa edukasyon ng mga Lumad at iba pang pangkat-etniko, mga napapanahong politikal
na memes sa social media, usapin sa Scarborough Shoal, at pagkilala sa karapatan ng mga bata
sa mundo.
Lakbayin ang Aprika at Persia sa pamamagitan ng mga tekstong Ahriman, mito mula sa
Persia; Isang Awit sa Takipsilim, tula ni Phillis Wheatley; Ang Hindi Matatawarang si Mullah
Nassreddin, mga anekdotang tinipon ni Manouchehr Saadat Noury; Si Sohrab at si Rustum,
epiko mula sa Persia; at sipi ng kabanata ng nobelang The Story of an African Farm ni Olive
Schreiner. Kasabay na tatalakayin ang mga palihang pangwika gaya ng ilang gabay sa
pagsasaling-wika, kasanayan sa akademikong pagsulat, iba't ibang paraan ng pagpapahayag,
paggamit ng tuwiran at pahayag, at ilang gabay sa pagsulat ng panunuring pampelikula.
Hamunin ang sarili at hayaang maglakbay sa yunit na ito upang lalong mapaunlad ang kaalaman
at kasanayang pangwika at pampanitikan!
Matutunan mo sa modyul na ito ay tungkol sa “Mga Usaping Panlipunan at
Katarungan” sa mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Pamanyatan sa Pagsasaling-Wika
Aralin 2: Tula: Katangian, Kariktan at Kahingian
Aralin 3: Pagpapakahulugan ng Iba’t ibang Damdamin
Aralin 4: Batayang Katangian ng Anekdota
Aralin 5: Teoryang Pampanitikan
Aralin 6: Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Panunuring Pampelikula

Ano ang inaasahang matututunan sa modyul


na ito?
Sa pagdaan mo sa kabanatang ito, magagawa mong:
 Magamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
 Anekdota:Mahinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
 Masuri ang binasang anekdota batay sa: paksa- tauhan tagpuan motibo ng awtor paraan
ng pagsula at iba pa.
 Mabigyang -kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.

3|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022


 Tula:Masuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.
 Mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula
 Maiantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
 Maipahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:
- sarili
- panlipunan pandaigdig
 Masuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang social
media.
 Mabigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda
 Maipaliwanag ang mga likhang sanaysay batay sa napakinggan
 Maihambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda

Paano matututo sa modyul na ito?


Narito ang simpleng gabay para sa iyo sa modyul na ito.
 Basahin ang nilalaman at sundin ang mga panuto.
 Bigyan ng halaga ang mga binigay na pagsasanay, upang malaman kung mayroon nga
bang alam o ideya sa magiging talakayan.
 Siguraduhing tama ang mga sagot upang makita ang kinalabasan ng iyong pakikinig.
( ang mga sagot ay makikita sa likod na bahagi ng modyul )
 Maging matapat at huwag lokohin ang sarili para makakuha lamang ng mataas na marka,
ito ang basehan ng iyong pagkatuto.
 Gumawa ng sariling repleksiyon pagkatapos ng mga talakayan upang malaman ang mga
tumatak sa iyong jsipan.
 Siguraduhing gawin lahat ang mga pagsasanay na iniatas sa bawat talakayan dahil ito’y
makatutulong sa iyong pagkatuto at pagtuklas.
 Gumawa o isulat ang mga katanungan na bumabagabag sa iyong isipan upang bigyan ng
kasagutan o ng kalinawan.

4|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022


Aralin 1: Pamanyatan sa Pagsasaling-Wika

Sukatin ang Kaalaman


A.Panuto: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles sa salin sa
Filipino. Titik lamang ang isulat.

_____1. Fall in line.


a. Mahulog ka sa linya c. Pumila nang maayos
b. Hulog sa linya d. Lahat ng nabanggit

_____2. Take a bath


a. Kumuha ng paliguan c. Maligo
b. Kuhain ang banyo d. Wala sa nabanggit

_____3. Sing softly


a. Umawit nang mahina c. Umawit nang malambot
b. Kumanta nang malambot d. Wala sa nabanggit

_____4. Sleep soundly


a. Matulog nang mahimbing c. Matulog nang maingay
b. Matulog nang matunog d. Lahat ng nabanggit nabanggit

_____5. Sleep tight


a. Matulog nang mabuti c. Matulog nang mahigpit
b. Matulog sa mahimbing d. Wala sa nabanggit

B.Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na salin sa tunay na kahulugan nito. Titik
lamang ng pinakawastong sagot ang isulat.

HANAY A HANAY B
______6. sariling pugad a. liar
______7. makuskos-balungos b. spoiled
______8. kabiyak ng dibdib c. dream
______9. di-mahulugang karayom d. twilight
______10. takipsilim e. stubborn
______11. sanga-sangang dila f. house/home
______12. mahaba ang buntot g. temporary included
______13. matigas ang ulo h. hard to please
______14. saling pusa i. wife husband
______15. bungang-tulog j. thick crowd
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
makikita sa Pahina 43
Ano ang iyong iskor? ______
5|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022
TUKLASIN ANG NILALAMAN

Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
Sa papel ng manunulat na si Genaro Gojo-Cruz (2011) na pinagamatang "llang Tala sa
Pagsasalin sa Wikang Filipino ng mga Kuwentong Pambata ng Bansang Iran," nakapaglista siya
ng ilang mungkahing pamantayan hinggil sa pagsasalin ng mga tekstong pampanitikan ng Iran sa
wikang Filipino. Namili siya ng tatlong kuwentong pambata at isinalin ang mga ito sa wikang
pambansa upang mas maintindihan ito ng mga mambabasang Pilipino. Bagama't nakatutok ang
kaniyang papel sa mga tekstong mula sa bansang nabanggit, maaari pa ring magamit bilang gabay
ang kaniyang mga inilista sa pagsasalin ng iba pang dayuhang teksto patungo sa ating sariling
wika.
1. Ang pagsasalin ay hindi lamang pagsasalin ng salita kundi pati ng kultura.
Bawat isa ay may kani-kaniyang kultura, gawi, at paniniwala. Makatutulong ang
pananaliksik sa kultura at gawi ng isang lugar bago simulan ang pagsasalin nito sa isa pang
wika. Sa mga pagkakataong walang direktang salin ang isang salita sa wikang Filipino,
maaaring bigyan ito ng katumbas na salin. Halimbawa, sa ginawang pagsasalin ni Gojo-Cruz,
dahil hindi karaniwan sa mga batang Pilipino ang mga hayop na giraffe, hedgehog, squirrel, at
fox, ginamit niya ang mga katumbas na pangalan nito sa wikang Espanyol. Isinalin niya
bilang jirapa ang giraffe, erizo ang hedgehog, ardilya para sa squirrel, at zorro ang fox. Sa
ganitong paraan, hindi nailalayo ng tagasalin ang kultura ng orihinal na pinagmulan ng akda
patungo sa isa pa. Sa ganito rin naipapakilala ang mga katawagan ng mga dayuhang hayop sa
mga batang mambabasa sa Pilipinas.

2. Isaalang-alang ang mambabasa.


Sa kaso ng ginawang pagsasalin ni Gojo-Cruz, tiyak na target ng kaniyang proyekto ang
mga bata kaya naman marapat na angkop lamang ang mga salitang gagamitin sa salin batay sa
pagkaintindi at interes ng isang bata. Halimbawa sa ginawang salin ni Gojo Cruz,
 A frog was sitting calmly on a leaf in the water and was chattering to Aunty Tortoise
 Payapa namang nakaupo sa isang dahong nasa tubig ang isang palaka at
nakikipagkuwentuhan siya kay Tiyang Pagong.

Pansinin na ang mga salitang ginamit sa salin ay pawang magaan at pamilya nitong mga
batang mambabasa.

3. Isaalang-alang ang porma ng isinasaling teksto.


Bawat tekstong pampanitikan ay may taglay na katangian at pamantayan. Marapat itong
isaalang-alang din sa pagsasalin. Halimbawa, kung ang isasaling teksto ay tula at sumusunod
sa isang partikular na tugmaan at sukat, marapat pa ring makita ang ganitong porma sa bagong
salin teksto. Hindi dapat nababago ang porma nito bagama't naisalin na ito sa iba. Ganito rin
ang marapat na isaalang-alang kahit pa sa ibang porma ng panitikan gaya ng maikling
kuwento, dula, at sanaysay.

4. Mensahe ang isinasalin, hindi lamang salita.

6|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022


Isinasagawa ang pagsasalin upang maunawaan ng mambabasa ang mga tekstong orihinal
na isinulat sa dayuhang wika. Nagiging epektibo ang salin kung naitutulay nito ang
mambabasa sa tumpak na tema ng orihinal na teksto. Magagawa lamang ito kung inaaral nang
maigi ng tagasalin ang orihinal na teksto at ang layunin nito at tema na nais iparating sa mga
mambabasa.

5. Magkaroon ng tiyak na layunin sa pagsasalin.


Gaya ng anumang proyekto, ang pagsasalin ay marapat na pinaplano at binibigyang-
layon. Nagkakaroon ng pagsasalin dahil may nais makamit ang sinumang gumagawa nito.
Marapat na idiin na ang pagsasalin ay isang disiplina at akademikong gawain kaya naman
maiging makapaglatag muna ng tiyak na mga layunin upang masigurong magiging awtentiko
ang isasaling akda o anupamang proyekto.

Paraan ng pagsasalin
1. Pagsasaling Salita sa salita (one on one Translation)
- Tinatawag din itong literal na salin na may isa sa isang pagtutumbsan ng salita sa salita,
parirala sa parirala , sugnay sa sugnay, o pangungusap sa pangungusap. Ipinapalagay na
kapag humahaba ang yunit ay mas hindi angkop ang paraang ito.
Hal :
Ingles : A beautiful garden
Filipino: Isang magandang hardin
2. Naturalisasyon (naturalisation)
- Ito ay may pagkakahawig sa transference ngunit dito ay inaadap muna ang normal na
morpolohiya sa target na wika.
Hal:
Coup d’etat – kudeta
Television – telebisyon
3. Leksikal na kasingkahulugan ( lexical synonymy)
- Ibinibigay ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng
pinagmulang wika.
Hal:
Old house – lumang bahay
Old man – matandang lalaki
4. Kultural na katumbas (cultural Equivalent)
- Itinuturing itong malapit o halos wastong salin, na kung saan ang isang cultural na salita sa
SW ay isinasalin sa katimbang ding kultura na salita sa TW.
Hal:
English - coffee break
Filipino – Meriyenda

May mga katanungan? Isulat mo rito!


____________________________________
Tandaan mo … ____________________________________
____________________________________
-  Isalin ng may konsistensi ang salita o ____________________________________
mahigit na salita na inyong makikita sa ilang ____________________________________
7 | pahina
J H S ngLsalin.
earning Module F I L I____________________________________
PINO 10 2021-2022
____________________________________
Aralin 2: Tula: Katangian, Kariktan, at kahingian

Sukatin ang Kaalaman


Suriin ang tula sa ibaba, ibigay ang sukat, at ibigay ang kahulugan nito.

Pamilya
ni Julyhet Roque
Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya,
Si ama’t ina’y responsable sa tuwina
Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina.

Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos,


Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod
Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos.

Edukasyon ng anak ay itinaguyod


Kahit na mangapal ang palad sa pagod
Basta sa pamilya ay may maitustos.

Di nag-aaway sa harap ng supling,


Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin
At pagmamahalan ang laging inaangkin.

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 43
Ano ang iyong iskor? ______

8|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022


TUKLASIN ANG NILALAMAN
Tula: Katangian, Kariktan, at kahingian
Sa papel ni J. Neil Garcia para sa serye ng lektura sa panitikan ng Institute of Creative
Writing ng Unibersidad ng Pilipinas (2017), binanggit niya na ang tula ay likhang-sining, isang
ibig sabihin, ito ay pangyayari sa wika. Para kay Garcia, ang tula ay lumilikha ng karanasan
mula sa nangangahulugang "paglikha." Kaya naman, ang isang makata ay hindi maituturing na
manlikne lamang ng akda kundi ng isang pangyayari.
Ngunit kagaya rin ni Garcia, maraming manunulat ang nagsasabing napakahirap bigyang-
kahulugan ang tula bilang porma ng panitikan. Ang malinaw lamang, ang tula, para sa maraming
kilalang manunulat, ay hindi natatapos sa simpleng tugmaan at paglulubid ng salita. Nagtataglay
ito ng mga elementong pinagsasanib upang makalikha ng sining gamit ang mga salita upang lalo
pang maipahayag ng tao ang kaniyang saloobin.
Upang makamit ang tiyak na kariktan ng isang tula, marapat na magtaglay ito ng mga
sumusunod na elemento:
1. Subject o Tema. Dahil ang tula ay isang lehitimong porma ng panitikan, marapat na
naglalaman ito ng isang partikular na pangyayari at/o ang pagmumuni ng may-akda sa
karanasang ito. Mula sa pagtukoy ng isang pangyayari, nailalatag ng may-akda ang iba-
ibang imahen hinggil dito at nabubuo ang temang tinataglay ng isang tula batay sa kung
ano ang nilalayon.

2. Audience. Ang tula ay marapat lamang mabasa o marinig ng iba pa bukod sa may-
akda.Sa ganito nagiging buo ang isang tula sa pamamagitan ng paglalatag nito ng
mensahe sa sinumang nakarinig o nakabasa nito.

3. May-akda at Persona. Ang may-akda ang siyang arkitekto at manlilikha ng tula. Sa


pamamagitan ng paglika niya ng persona at/o karanasan ng/sa isang akda, nagagawa
niyang igiya ang pag-unawa ng sinumang mambabasa. Ang persona ang siyang
nagsasalita sa tula. Ibig sabihin nito, sadyang pinag-iisipanng mabuti at pinaplanong
maigi ang pagsulat ng isang tula.

4.Talinghaga. Ito ang isa sa lalo pang nagbibigay-lalim sa isang tula, kung hindi man
ang kaluluwa ng tula. Sa pamamagitan ng iba-ibang uri ng tayutay, nakaaalpas ang tula at
ang mambabasa sa literal na kahulugan ng mga salita at ng akda mismo. Mula rin sa
inihahayag na talinghaga ng isang tula, nabubuo ang kabuluhan at katuturan nito.

5. Estilo. Karaniwan nang nahahati ang tula sa tatlong estilo: liriko, naratibo, at
dramatiko. Ang tulang liriko ay naglalarawan at nagmumuni; ang naratibo ay
nagsasalaysay ng kuwento; ang dramatiko naman ay yaong may bitbit na emosyon ng
persona.

6. Prosody. Ito ang tawag sa pag-aaral ng tunog at ritmo sa tula. Isa sa


pinakamahahalagang elemento ng tula ay ang taglay nitong tunog at ritmo. Ang tunog

9|JHS Learning Module FILIPINO 10 2021-2022


ng isang tula ay nagmumula sa mga hinabing salita sa bawat bahagi nito, samantalang
ang ritmo ay nabubuo naman ng serye ng mga tunog na inilalatag ng isang tula. Kaya
naman, ang isang tula kapag binibigkas ay tila musika sa pandinig.

7. Saknong at Prosa. Saknong ang nabubuo ng pinagsanib na mga taludtod ng isang


tula. Maaaring ito ay nasa porma ng may tiyak na tugma at sukat, o maaari din namang
nasa porma ng prosa o tuluyan, depende sa kung ano ang nilalayon ng may-akda upang
mas mabisang maipahatid ang mensahe ng kaniyang isinulat.

Isang disiplina ang pagsusulat. Kaya naman, sinumang nais maging manunulat ay
marapat na mag-aral at lalo pang ilubog ang sarili sa maraming mga akda. Sa ganito, epektibong
mapagsasanib ang salita at talinghaga sa isang tula o anumang akdang pampanitikan. Sa ganito
rin awtentikong maisasapraktika ang sining at kabuluhan ng panitikan bilang salamin ng
karanasan ng tao.

May mga katanungan? Isulat mo rito!


____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Tandaan mo … ____________________________________
Ang tula ay isang paglikha. Mula sa ____________________________________
salitang Griyego na poiesis (poem) na ____________________________________
nangangahulugang “paglikha o paggawa” ____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

10 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Aralin 3: Pagpapakahulugan ng Iba’t ibang Damdamin

Sukatin ang Kaalaman


Magbigay ng isang pangungusap batay sa emosyon na nakasulat sa ibaba.

Masaya: __________________________________________________________________

Malungkot: __________________________________________________________________

Naghihinayang:_________________________________________________________________

Galit: __________________________________________________________________

Nababahala: __________________________________________________________________

Nagpapahayag ng paghanga/Pagpuri:
______________________________________________________________________________

Pagpapahayag ng pagsang-ayon at/o pagsalungat:


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 43
Ano ang iyong iskor? ______

11 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
TUKLASIN ANG NILALAMAN
Pagpapakahulugan ng Iba't Ibang Damdamin
Sa madaling pagpapakahulugan, anekdota ang tawag sa mga tekstong mag-isang
tumatalakay ng isang kakaibang pangyayari ng isang indibidwal-kilala man o hindi. Dahil isa
itong tekstong nagsasalaysay ng/sa tiyak na tao, naglalaman ito ng iba-ibang damdamin na
magdidiin sa karanasan ng sinumang pinatutungkulan nito. Bilang isang estudyante, marapat na
nalalaman mo ang pahiwatig at pagpapakahulugan ng iba't ibang damdamin sa isang teksto.

Narito ang ilang halimbawa ng pagpapahayag ng damdamin/emosyon:


1. Pagpapahayag ng paghanga/pagpuri. Bahagi ng kultura ng bansa ang pagpapahayag
ng paghanga sa tao o pangyayari. Ang ganitong mga pagpapahayag ng damdamin ay
naglalahad ng isang positibong pagtanaw sa isang indibidwal o kaganapan. Karaniwan
din itong ginagamitan ng iba't ibang antas ng pang-uri.
Halimbawa:
 Hinahangaan ko ang Mayor namin dahil napatigil niya ang paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar sa amin.
 Sadyang napakahusay ng pamamalakad sa barangay ng bago naming kapitan.

2. Mga pangungusap na padamdam. Ito ang mga pahayag na sadyang naglalaman ng


masidhing damdamin. Maaaring ang pahayag ay hinggil sa lantay na kasiyahan,
kalungkutan, o iba pa batay sa tagapagpahayag. Kaya naman isa sa mga batayang
katangian nito ang paggamit ng tandang pandamdam sa pagtatapos ng pangungusap.
Halimbawa:
 Kahanga-hanga ang mga opisyal ng gobyernong ginagawa ang kanilang
tungkulin sa bayan! (kasiyahan)
 Hindi na katanggap-tanggap ang lingo-linggong pagtaas ng presyo ng
petrolyo! (pagkadismaya)

3. Maikling sambitla. Kaugnay ito ng mga pangungusap na padamdam ngunit naiiba


dahil nagtataglay lamang ng isa o iilang salita. Kagaya ng ikalawang halimbawa, kaakibat
din nito ang masidhing damdamin ng tagapagpahayag.
Halimbawa:
 Aray! Sinabi nang masakit ang ulo ko kaya ayoko nang nasasanggi.
 Wow! Pagbati sa iyong natanggap na medalya.

4. Hindi direktang pagpapahayag. Ito naman ang mga pahayag na gumagamit ng mga
idyoma at/o tayutay upang magpaabot ng mensahe. Subalit, bagama't hindi direkta ang
ganitong pagpapahayag, mahihiwatigan pa rin ng tagatanggap ng mensahe ang emosyong
bitbit ng nagpapahayag nito.
Halimbawa:
 Hulog ka ng langit sa buhay ko! (Gumagamit ito ng tayutay at mahihinuhang
nagpapahayag ng positibong pananaw.)

12 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
 Pupulutin ka sa kangkungan kapag hindi mo pinag-igihan ang pag-aaral mo.
(Gumagamit ng matalinghangang pahayag at mahihinuhang may negatibong
komentaryo sa tagatanggap ng mensahe.)

6. Pagpapahayag ng pagsang-ayon at/o pagsalungat. Kaiba sa hindi direktang pagpapahayag,


ang ganitong mga pahayag ay kakikitaan ng tiyak ng emosyon ng tagapagsalita. Madali ritong
matutukoy ang pagsang-ayon o pagsalungat ng tagapagpahayag sa isang usapin o pangyayari.
Halimbawa:
 Tama lamang na ipatupad ang RH Bill sa bansa. (Pagsang-ayon)
 Hindi ako susuporta sa diborsyo dahil naniniwala akong pinakamaaapektuhan nito
ang mga anak. (Pagsalungat)

May mga katanungan? Isulat mo rito!


_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Tandaan mo … _____________________________________
_____________________________________
- …ang pagpapasidhi ng damdamin
_____________________________________
ay isang uri ng pagpapahayag ng saloobin
_____________________________________
o emosyon sa paraang papataas na antas
_____________________________________
nito
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

13 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Aralin 4: Batayang Katangian ng Anekdota

Sukatin ang Kaalaman


Narito ang ilang larawan ng mga pangyayari sa anekdota ni Ramon Magsaysay na mababasa mo.
Pagsunud-sunurin mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bilang sa dakong sagutan
upang mabuo mo ang kuwento. Iwasan mo sanang mabasa ang kuwento nang hindi mo pa
napagsusunud-sunod ang mga larawan.

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 43
Ano ang iyong iskor? ______

TUKLASIN ANG NILALAMAN

Batayang katangian ng Anekdota


Ang anekdota ay pangyayaring maikli, kawili-wili at nakalilibang. Ito’y bahagi ng
talambuhay at bilang isang akdang pampanitikan, ito’y mayaman sa guni-guini. Ito’y maaaring
totoo o kaya’y bunga ng isip na nagwawakas sa isang katawa-tawang pangyayari. Ito’y
nagbibigay-buhay sa matamlay na usapan ng mga tauhan ng kuwento.

Elemento ng anekdota

14 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
May mga elemento ang anekdota na kailangan mong malaman. Ang anekdota ay
binubuo ng mga sumusunod na elemento:

1. Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang kilalang tao. Siya’y
maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang gawain na nagbigay
-pangalan sa kanya.

2. Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang tagpuan sa anekdota.

3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng suliranin sa kuwento.


Bago magwakas ang isang akda ay kinakailangang nalutas na ang suliranin.

4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang pinakasentro
sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa o
tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota.

5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban sa kanyang sarili, sa


kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa banghay.

6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang kasukdulan. Kadalasan, sa


bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga mambabasa ang magiging wakas ng kuwento.
Ito’y nakapaloob din sa banghay.

7. Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa problema ng pangunahing tauhan.


Katulad ng pabula, may aral sa anekdota na sa wakas lamang ng kuwento nailalantad.

Ang Kariton ni Ramon


(Anekdota ni Ramon Magsaysay)

Noong Panahon ng Hapon, ang isa sa mga kinilalang matapang na Pilipino ay ang dating
pangulo ng Pilipinas, si Ramon Magsaysay. Dahil dito, naglaan ng gantimpalang salapi ang
pamahalaang Hapon upang mapadali ang pagkakadakip sa kanya.

Isang umaga, sumakay si Ramon sa kariton na hila ng kalabaw patungo sa kutang kanilang
pinagtataguan ng mga gerilya. Tatlong kawal ang kanyang isinama upang maging tagabantay
niya. Palibhasa’y masaya, maingay, at umaawit ng makabagong awitin, hindi nila namalayan na
sa kanilang likuran ay mayroon palang dumarating na trak na ang nakasakay ay mga kawal
Hapones.

15 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Nabigla sila. Madaling nag-utos si Ramon sa kanyang mga kasama. “Lumukso kayo at
magtago sa malagong damuhan,” utos ni Ramon. Sinunod ng tatlong kawal ang ipinag-utos ni
Ramon. Lumukso sila at nagtago sa malagong damuhan. Nagtaka ang tatlong kawal kung bakit
nagpaiwan si Ramon.

Humiga sa kariton si Ramon at tinakpan ang mukha ng sambalilong buli. Sinundot niya ang
puwit ng kalabaw. Ito’y nagtatakbo nang buong bilis. Hinabol ng trak ang kariton at ito’y
naabutan ng mga kawal Hapones.

“Carabao afraid, takot sa your trak,” sabi ni Ramon. Nagtawanan ang mga kawal Hapon. “Sige,
sige. Beat carabao. Go,” utos ng pinuno ng mga kawal Hapones. Huminga nang malalim si
Ramon. Pinatakbo niya ang kariton at lumiko sa pinagkurusan ng daan.

Lumabas ang tatlong kawal na kasama ni Ramon. Ang hindi alam ng mga kawal Hapon ay nasa
ilalim ng mga dayami ang walong riple na dadalhin nila sa pinagtataguan ng mga gerilya. Mula
noon, hindi nag-ingay o umawit sina Ramon kapag sila’y nasa isang maselang misyon

May mga katanungan? Isulat mo rito!


____________________________________
Tandaan mo … ____________________________________
____________________________________
- Ang pagsasalaysay ay karaniwang maikli
____________________________________
at ang mga pangyayari ay maaaring totoong
____________________________________
nangyari sa buhay ng nasabing tao o maaari
____________________________________
ding mga likhang-isip lamang subalit
____________________________________
nahahawig sa katotohanan.
Aralin 5: Teoryang Pampanitikan
____________________________________

Sukatin ang Kaalaman


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

____________1. Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan: Ipinamamalas nito
ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.

____________2. Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan: Isinasaad ng teoryang
ito na higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

16 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
____________3. Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan:Layunin ng teorya na
ito na ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.

____________4. Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan: Ipinakikita ng


teoryang ito ang tunggalian o labanan ng dalawang magkasalungat na puwersa.

____________5. Tukuyin ang uri ng teoryang pampanitikan batay sa halimbawa: Gaano man kahirap ay
buong tapang na ipinagtanggol ng mga sundalo ang bayan ng Maguindanao laban sa mga teroristang
nais manggulo sa lalawigang iyon.

____________6. Tukuyin ang uri ng teoryang pampanitikan batay sa halimbawa: Dahil sa labis na
kahirapan, hindi na niya nagawa pang palayain ang sarili mula sa pagkakabilanggo dahil idiniin na siya
bilang salarin sa pagnanakaw sa isang kilalang pamilya na may mataas na estado sa lipunan.

____________7. Tukuyin ang uri ng teoryang pampanitikan batay sa halimbawa: Isinulat ni Maya
Angelou ang tulang Ang Ibong Nakahawla upang maisalamin ang kalagayan niya at ng mga gaya
niyang African-American na itinuturing na alipin ng mga Amerikano.

____________8. Tukuyin ang uri ng teoryang pampanitikan batay sa halimbawa: Inilarawan ng may-
akda ang Maynila bilang isang magulo, madumi, maingay, at pinakaabalang siyudad sa buong Pilipinas.

____________9. Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan: Ipakita na ang tao ang
sentro ng mundo.

____________10. Tukuyin ang uri ng Teoryang Pampanitikan batay sa kahulugan: Iparating sa


mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

17 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
TUKLASIN ANG NILALAMAN
Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga
paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Katotohanan kaysa
kagandahan ang mababakas Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
sa teoryang ito. Kahit sino, makikita sa Pahina 43
ano mang bagay at lipunan ay Ano ang iyong iskor? ______
dapat makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad.
Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng kayamanan. Natanggap
ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay
nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa
tao.

1. Teoryang Klasismo/Klasisismo
- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2. Teoryang Humanismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

3. Teoryang Imahismo
- Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan
ng pahayag sa loob ng panitikan.

4. Teoryang Realismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sinulat.

5. Teoryang Feminismo
- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

6. Teoryang Formalismo/Formalistiko
- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang

18 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalim ang pagsusuri’t pang-unawa.

7. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig
(factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa
isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

8. Teoryang Eksistensyalismo
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

9. Teoryang Romantisismo
- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang
ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

10. Teoryang Markismo/Marxismo


- Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

11. Teoryang Sosyolohikal


- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa
mga katulad na suliranin.

12. Teoryang Moralistiko


- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito.

13. Teoryang Bayograpikal


- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may- akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na
inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

19 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
May mga katanungan? Isulat mo rito!
____________________________________
Tandaan mo … ____________________________________
____________________________________
- Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang
ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat
____________________________________
20 |makatotohanan
J H S L ang e apaglalarawan
r n i n g oM F I L I____________________________________
o d u Nagpapahayag
paglalahad. le PINO 10 2021-2022
din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad.
____________________________________
____________________________________
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Aralin 6:
Panunuring Pampelikula

Sukatin ang Kaalaman

Suriing mabuti ang mga linyang sumikat sa pelikulang One More Chance
(2007).

Popoy Gonzales: Eh ano ba kasi ang problema?


Basha Eugenio: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako yung problema!
Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kayak o
ng tiisin yung sa akin na nararamdaman ko, kasi ako namili nito diba? Ako
yung may gusto. Sana kaya kong sabihin sa iyo na Masaya ako para sa iyo,
para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko, pero hindi eh. Ang samasama kong
tao. Kasi ang totoo, umaasa parin ako sa piling mo. Sana ako parin. Ako
nalang. Ako na lang ulit.
Popoy Gonzales: Mahal ko si Trisha.
Basha Eugenio: Alam ko.
Popoy Gonzales: She had me at my worst. You had me at my best. Pero
binalewala mo lang lahat yun.
Basha Eugenio: Popoy, ganun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice?
Popoy Gonzales: And you chose to break my heart.

KATANUNGAN:

1. Sa mga sinabi ni Basha kay Popoy, ano ang nais na mangyari ng dalaga?

2. Nakamit ba ni Basha ang kanyang gustong mangyari? Bakit?

3. Kung ikaw si Basha, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

21 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
4. Kung ikaw naman si Popoy, ano kaya ang dapat na sinabi ni Bashan na
makakapangumbinsi sa iyo upang pumayag ka sa nais nitong mangyari?

5. Sa iyong palagay, ano ang ginampanang papel ng wika sa eksenang ito, sa dalawang
taong parehong nagmahal at nasaktan?

B. Gaano kalawak ang iyong kaalaman sa larangan ng sining? Kilala mo ba ang mga
taong sumikat sa iba’t ibang larangan ng sining?

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy ng nasa Hanay A. Letra lamang ang isulat.

Hanay A Hanay B

1. Marilou Diaz – Abaya a. Mang-aawit

2. Jaguar b. Director
3. Nonoy Zuñiga c. Pamagat ng Pelikula

4. Gloria Romero d. Artista

5. Parokya ni Edgar e. Banda

22 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
makikita sa Pahina 43
Ano ang iyong iskor? ______

TUKLASIN ANG NILALAMAN

PANUNURING PAMPELIKULA

Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang Habang Nanonood ng Pelikula

Kuwento/Banghay (Story/Plot)
Ang pelikula ay isang kuwento – may simula, gitna, at wakas. Isulat sa rebyu ang sa
tingin mong pinakamahalagang eksena sa iyo. Maaari ring ibuod ang buong kwento.
Huwag lamang ibibigay ang kapana-panabik na mga eksena lalo na ang wakas ng
kuwento.

Karakter (Bida/Kontrabida)
Magkomento kung naging epektibo ba ang karakter ng aktor/artista sa pelikula. Ihambing
din ang dating pinagbidahang pelikula ng bida/artista. Naging mas maayos ba ang
pagganap? Banggitin din ang ibang natatanging pagganap ng ibang karakter/artista sa
pelikula.

Lunan at Panahon (Setting)


Bigyang pansin din ang lugar na pinagdausan ng pelikula. Angkop ba sa kuwento?
Naging matipid ba o magastos sa produksyon? Naging makatotohanan ba ang depiksyon
sa panahon?

Sinematograpiya
Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na isinasaalang-alang
ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. Ang magagandang lokasyon o
ang mga angkop na lugar para sa mga eksena ang siya ring nagpapatingkad sa
imortalidad ng pelikula. Subukang magkomento tungkol sa sinematograpiya ng pelikula.
Anu-anong eksena ang tumatak sa isip mo dahil sa mahusay na paggamit ng kamera, ilaw
at lokasyon?

Iskoring ng Musika
Ang iskoring ang nilalapat na musika, instrumental man o may liriko sa pelikula.
Instrumental kung walang liriko o titik ng awitin, ginagamit ang gitara, piano o isang
buong orkestra. Samantala, uso naman ngayon ang paggamit ng mga sikat na awitin
bilang musika rin ng pelikula. Kadalasan ito na rin ang titulo ng pelikula o ang mang-
aawit ang siya ring bida sa pelikula, tulad ni Sarah Geronimo

Editing

23 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Nangyayari ito kapag tapos na ang syuting o aktuwal na rekording ng pelikula. Ang
editor ang nagtatahi ng pagkakasunod-sunod ng eksena, kuwento at kabuuan ng pelikula.
Kapag ginagawa kasi ang pelikula hindi batay sa pagkakasunod-sunod sa iskrip kundi sa
maraming aspekto – badyet ng pelikula, oras ng nagsisiganap, mahihirap- madadaling
eksena, at marami pang iba.

Kabuuang Direksyon / Kahusayan ng Direktor


Hinuhusgahan ang kabuuan ng pelikula dahil sa husay ng direktor. Siya ang kapitan sa
produksyon ng pelikula, ang utos at kumpas niya ang nasusunod sa syuting at maski sa
usapin ng teknikal, iskoring, sinematograpiya at editing. Ngunit hindi niya pag-aari ang
buong pelikula. Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng naratibo at ang prodyuser ang
nagmamay-ari ng buong produksyon at komersyal na aspekto ng pelikula. Ang direktor
ang dakilang interpreter ng script at artistikong tagapamahala ng prodyuser.

Tema
Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto nito sa
manonood. Halimbawa kung ang tema ng pelikula ay tungkol sa karahasan sa
kababaihan, layunin nito na pukawin ang atensyon ng madla tungkol sa isyung ito at
magsilbing tulay upang makapagnilay o kumilos ang manonood

Rekomendasyon
Sa kahuli-hulihan, banggitin ng tagasuri kung papasa ba ito sa panlasa ng nakararami.
Irerekomenda ba itong panoorin ng lahat? Kung hindi lahat, sino kaya ang
magkakainteres sa pelikulang ito? Banggitin din ang pinakamalakas na puntos ng
pelikula at ang kahinaan nito. Ano ngayon ang magiging rating mo sa pelikula?

Repleksyon
Ilahad dito ang naging epekto sa iyo ng pelikula. Paano makakatulong sa iyo ang
pelikula? Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo habang pinapanood ang pelikula. Ano
ang iniwang marka o mensahe sa iyo ng pelikula? Anong aral sa buhay ang iyong nakita
sa pelikula? Ilahad pa ang iyong personal na opinyon hinggil sa pelikula.

May mga katanungan? Isulat mo rito!


____________________________________
Tandaan mo … ____________________________________
____________________________________
- Ang pelikula, na kilala din bilang sine at ____________________________________
pinilakang tabing, ay isang larangan na ____________________________________
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan ____________________________________
bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ____________________________________
____________________________________
24 | ng
J Hindustriya
S L e a rngn gumagalaw
i n g M o dnau larawan
le Fang
ILIPINO 10 2021-2022
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang ____________________________________
tinutukoy ang larangang ito ng akademya ____________________________________
bilang ang pag-aaral ng pelikula. ____________________________________
Mga
Pagsasanay

25 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Aralin 1: Pamanyatan sa Pagsasaling-Wika

LUTASIN ANG HAMON 1.1


Panuto: Isalin ang isang tula na nakasulat sa wikang Ingles. Isalin ang piling bahagi nito sa
wikang Filipino alinsunod sa ibinigay na pamantayan sa Palihang Wika. Isulat sa nakalaang
espasyo.

Ingles Filipino

Trees

I think that I shall never see


A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest


Against the sweet earth’s flowing breast;

A tree that looks at God all day,


And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in summer wear


A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;


Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,


But only God can make a tree.

26 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay makikita sa
Pahina 43
Ano ang iyong iskor? ______

LUTASIN
ANG HAMON 1.2
Panuto: Isalin sa salitang tagalog ang mga sumusunod na salitang Ingles at gamitin ito sa
sariling pangungusap.

English Tagalog Pangungusap

1. Fence

2. Wounded

3. Fry

4. Fright

5. Forty

6. Four

7. Fourteen

8. Fourth

9. Fable

10. Forehead

27 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
makikita sa Pahina 44
Ano ang iyong iskor? ______
Aralin 2: Tula: Katangian, Kariktan, at kahingian

LUTASIN ANG HAMON 2.1


Panuto: Sumulat ng isang tula tungkol sa mga pandemya. Ito dapat ay may tatlong saknong na
may tig-apat na taludtud, may sukat na 12 at merong tugma.

28 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
makikita sa Pahina 44
Ano ang iyong iskor? ______

LUTASIN ANG HAMON 2.2

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Pantay na ang paa ng aking alaga. _____________________________

2. Mababait ang mga kasambahay. _____________________________

3. Maanghang ang dila ng aking kaibigan. _____________________________

4. Hindi makati ang aking paa. _____________________________

5. May mga tao talagang maitim ang dugo. _____________________________

29 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
makikita sa Pahina 44
Ano ang iyong iskor? ______
Aralin 3: Pagpapakahulugan ng Iba’t ibang Damdamin

LUTASIN ANG HAMON 3.1

Panuto: Tukuyin ang pamamaraang ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang A kung
ito at paghanga/pagpuri, B-Mga pangungusap na padamdam, C-Maikling sambitla, D-Hindi
direktang pagpapahayag at E- Pagpapahayag ng pagsang-ayon /pagsalungat.

_____1. Kumukulo ang dugo ko sa taong iyan!


_____2. Sa wakas, makapupunta na rin ako sa Palawan!
_____3. Hindi makatarungan ang pagpapatupad ng death penalty.
_____4. Grabe! Binutas na naman ang kalsada sa amin kaya napabagal na naman ng takbo ng
trapiko.
_____5. Hindi dapat kinakatay ang mga hayop.
_____6. Bakit ba ipinipilit ang same-sex marriage? Ang lalaki ay para lamang sa babae!
_____7. Inilista na lang niya sa tubig ang kaniyang mga ipinangako noong nakaraang taon.
_____8. Sang-ayon ako sa implementasyon ng curfew sa kabataang edad 12 pababa. Para ito sa
kanilang kaligtasan.
_____9. Naku! Mapapagalitan tayo ni Binibining Santos sa huli nating pagpapasa ng proyekto.
_____10. Para kang anghel na bumaba sa lupa! Salamat at dumating ka sa buhay ko.

30 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay
makikita sa Pahina 44
Ano ang iyong iskor? ______
LUTASIN ANG HAMON 3.2

Panuto: Magbigay ng tig dalawang pangungusap batay sa pagpapakahulugan ng Iba’t ibang


damdamin. Isulat sa nakalaan na espasyo.

Pagpapahayag ng paghanga/pagpuri.
 __________________________________________________________________
 __________________________________________________________________

Mga pangungusap na padamdam


 __________________________________________________________________
 __________________________________________________________________

Maikling sambitla
 __________________________________________________________________
 __________________________________________________________________

Hindi direktang pagpapahayag


 __________________________________________________________________
 __________________________________________________________________

Pagpapahayag ng pagsang-ayon at/o pagsalungat


 __________________________________________________________________
 __________________________________________________________________

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 44
Ano ang iyong iskor? ______

31 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Aralin 4: Batayang Katangian ng Anekdota

LUTASIN ANG HAMON 4.1


Panuto: Basahin ang sumusunod at suriin kung taglay nito ang mga batayang katangian ng
anekdota. Lagyan ng / o x ang ikalawang hanay sa talahanayan sa ibaba kung tugma ito sa
talakayan. Magdagdag din ng pagpapatunay sa ikatlong hanay batay sa bawat katangiang
nabanggit.

Pauwi ang batang Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na lulan ng isang lantsa. Bata pa
siya noon. Naglalaro siya sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang kaniyang kabiyak
na tsinelas. Maliksing inihulog ni Jose ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa
kinahulugan noong una.

"Bakit mo ginawa iyon?" ang tanong ng isang lalaking katabi niya.


"Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay matagpuan ng isang maralitang
mangingisda na may anak na kasinlaki ko. Iyo'y hindi niya pakikinabangan ang isa pang
kabiyak" ang tugon ni Rizal.

Katangian Tugma ba o Hindi sa talakay? Pagpapatunay

Maiksi at Payak ang wika

May tinututukang ganap, at


kongkreto ang paglalahad

May tiyak na layunin

Simple ang tunggalian

Halaw sa katotohanan

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 44-45
Ano ang iyong iskor? ______

32 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
LUTASIN ANG HAMON 4.2
Panuto: Suriin ang Anekdota ni Ramon Magsaysay. Punan ang hinihinging element ng
anekdota.

Panimula

Suliranin

Tunggalian

Katawa-tawang bahagi

Aral at Wakas

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 45
Ano ang iyong iskor? ______

33 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Aralin 5: Teoryang Pampanitikan

LUTASIN ANG HAMON 5.1


Panuto: Isulat sa patlang ang akmang pagdulog o batayang teorya na dapat gamitin sa bawat
sitwasyon.

________________1. Binubuo ang tula ng tatlong saknong, at bawat saknong ay naglalaman ng


limang taludtod.
________________2. Hindi maikakailang naging malaki ang impluwensiya ng pamahalaang
Hitler sa akdang ito.
________________3. Sinasalamin lamang ng teksto ang natural na pagnanais ng tao na
maresolba ang kaniyang problema sa pinakamakataong pamamaraan.
________________4. Naipapakita ng akdang ito na hanggang sa kasalukuyan ay namamayani
pa rin ang patriyarkal na sistema sa ating lipunan.
________________5. Repleksiyon ang karakter sa hindi pantay na pagtrato sa mga mahihirap
at mayayaman.
________________6. Ang pangunahing karakter ng akda na isang empleado ng pribadong
kompanya ay salamin ng sistemang nagpapahirap sa mga sahurang
manggagawa.
________________7. Hindi tumutugma ang tono ng akda sa pinili nitong estilo ng paglalahad
ng kuwento.
________________8. Mahalaga ang paglalangkap ng lunan ng kuwento upang maidiin na ito ay
nangyayari sa panahon ng kolonyalismong Hapon.
________________9. Ni hindi binigyang diyalogo ang iilang babaeng karakter sa kuwentong
ito!
________________10. Bakit ba ipinilit ng tauhan na isalba ang sarili sa gitna ng kagutuman?
Hindi ba't ito rin ang palagian nating ginagawa sa araw-araw?

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 45
Ano ang iyong iskor? ______

34 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
LUTASIN ANG HAMON 5.2
Panuto: Mag-isip/gumawa ng sariling Teorya/Pagdulog na maaaring magamit sa pagsusuri ng
isang akda. Ibatay ito sa sariling pag-uugali, gawi, kilos, kinalakihang tradisyon. Isulat sa
nakalaang espasyo sa ibaba.

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 45
Ano ang iyong iskor? ______

35 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Aralin 6:
Panunuring Pampelikula

LUTASIN ANG HAMON 6.1


Panuto: Humanap ng isang rebyung pampelikula mula sa lehitimong Internet site. Tiyaking ang
pagsusuri ay nakatuon sa mga isinapelikulang nobela (Hal. Dekada '70, Harry Potter, at iba pa) I-
print ang kopya nito at ilagay sa iyong kuwaderno. Makatutulong din ang pagsangguni sa
Internet o iba pang tulad nito upang mas makatugon sa kahingian ng aktibidad. Basahing maigi
ang nilalaman ng nakuhang rebyu at sumulat ng limang mahahalagang punto ng papel hinggil sa
pelikulang sinusuri nito.

Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Pamagat ng
Artikulo

Pelikulang Sinuri

May-akda/petsa
ng paglilimbag

Mahahalagang Punto

1.

2.

36 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
3.

4.

5.

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


37 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FIL I P I N sa
makikita O Pahina
1 0 45 2021-2022
Ano ang iyong iskor? ______
LUTASIN ANG HAMON 6.2

A. Panuto: Isulat ang letrang W kung wasto ang pahayag na isinasaad sa bawat bilang at M
kung mali.

_____1. Masasabing makatotohanan ang naging pagganap ng mga artista kung naipahayag nila
ang emosyon, kilos at pagsasalita ng tauhang kanilang ginagampanan.
_____2. Mabisa ang isang pelikula kung iba't ibang mensahe ang nakuha ng manonood sa
kanilang napanood.
_____3. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay nagpapatunay lamang na
maayos ang pagkakabuo nito
_____4. Mahalagang maging detalyado mula sa kalit-litang bagay ang lahat ng mga pangyayari
upang maunawaan ng mga manonood ang takbo ng istorya.
_____5. Sa pamagat pa lamang ay magkakaroon ka na ng ideya kung ano ang paksa ng pelikula.

B. Paghango ng mahahalagang impormasyon sa pelikulang binasa.


Mumbaki
Buong ningning na naipakita sa pelikula ang kagandahang taglay ng mga katutubong
ritwal ng mga Ifugao. Ang mga ritwal na kanilang isinasagawa upang makipag-usap sa
kanilang mga ninuno at anito ay animo mga buhay na larawang naikulong sa malaking
telon. Ang pelikula sa biglang tingin ay tila isang paglalahad ng paghihiganti subalit sa
isang masusing pagtingin ay makikita ang pusong may taglay na pakikipagkapatiran.
Bagamat nagawan ng kalapastanganan ay patuloy pa ring tinulungan ni Joseph ang
kanyang mga kalaban. Naipakita ito nang sunduin ng mga kaaway si Joseph upang
gamutin ang kanilang mga kababayang biktima ng isang epidemya. Naipakita rin ito nang
bigyan ni Joseph ng mga gamot ang kanyang kaibigang duktor upang gamutin sa
pagsugpo sa epidemiyang kumakalat sa tribung pumatay sa kanyang ama at kapatid.
Malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa. Ang tungkuling
sinumpaan ng isang tao, partikular ng isang duktor, ay di dapat matalo ng mga
pansariling kagustuhan. Mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula.
Magkagayon man, lutang na lutang ang kahusayan ni Joel Torre bilang isang duktor na
dumanas ng malaking kabiguan dala ng kawalan ng suporta ng pamahalaan. Bagamat
kakaunti lamang ang kanyang eksena, nagpakita rin ng kahusayan sa pagganap bilang
dalagang katutubo si Angel Aquino. Konsistent din ang ipinakitang pagganap ni Raymart
Santiago bilang isang duktor na nalito sa pagitan ng katapatan sa kanyang lahi at sa
kanyang propesyon. Magaling ang pagkakasulat ng iskrip. Lutang na lutang ang mga
pagpapatotoong may kinalaman sa matatandang kaugalian ng ating mga kapatid sa
kabundukan. Ang kasaysayang inilahad ng malalim na pananaliksik at pag-iisip.Buhay na
buhay ang pelikula. Wala ang mahahabang dayalog na animo'y nangangaral. Maraming
eksenang buhay na buhay na naipakita partikular yaong tagpo sa patay. Tunay na
nakatulong nang malaki ang lamyos ng musika upang maging madula ang bawat tagpo.
Ang kulay ay angkop na angkop sa kapaligirang kinunan ng kamera upang maipakita sa

38 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
telon bagama't hindi rin maiwasan ang pagkakaroon ng larawang kulang sa ilaw.Sa
kabuuan, ang pelikulang Mumbaki ay isang napakagandang pelikula. Sa pamamagitan ng
pelikulang ito ay lalo lamang nating hahangaan ang ating mga ninuno na may sariling
kakanyahan bilang isang lahi.

Hango sa "komposiyon...
Sumulat ka ni: Arturo S. Cabuhat

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ang paksa ng pelikulang Mumbaki ay


a katutubong ritwal ng mga Ifugao
b. pakikipag-usap sa mga ninuno at anito
c. kagandahang taglay ng mga Ifugao
d. paghihiganti sa kalabang tribu

2. "Bagama't nagawan ng kalapastanganan ay patuloy pa ring tinulungan ni Joseph ang


kanyang mga kalaban." Ang pahayag ay nagpapatunay na si Joseph ay
a. di-mapagtanim sa kapwa
b. walang kinatatakutan
c. maaasahan sa gawain
d. takot sa kalaban

3. Ang ikatlong talata ay nagsasaad ng


a. pagpaparangal sa mga artista
b. pagpuri sa mga artistang nagsiganap
c. paglalahad ng papel ng tauhan
d. paglalarawan sa mga artista

4. Ang ikalawang pangungusap sa ikalimang talata ay tungkol sa


a direksyon
b. sinematograpiya
c. editing
d. tunog

5. Ang huling pangungusap sa ikalimang talata ay tungkol sa


a. paglalagay ng tunog
b. paglalapat ng musika
c.desenyong pamproduksyon
d. sinematograpiya

Ang mga kasagutan ng pagsasanay ay


makikita sa Pahina 45
Ano ang iyong iskor? ______

39 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

I. Pagtapat-tapatin ang wikang Ingles sa salin nito sa Filipino. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
Hanay A Hanay B
______1. Good Morning! a. Ikinalulugod kong makita ka!
______2. Thank you very much. b.Magandang Umaga
______3. How are you? c. Hanggang sa muling pagkikita
______4. What is your name? d. Maraming salamat
______5. What can I do for you? e. Aalis na ako.
______6. Till we meet again. f. Kumusta kana?
______7. I am pleased to see you. g. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?
______8. I hope you remember me. h. Maganda ka.
______9.I’ll be going now. i. Sana ay maalala mo ako.
_____10. You are beautiful. j. Ano ang pangalan mo?

II. Kilalanin kung anong pamamaraan ang ginamit sa pagtutumbasan ng pares ng salita sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______________1. Cake – keyk
_______________2. Restroom – palikuran
_______________3. Hamburger – hamburger
_______________4. Transportation – transportasyon
_______________5. Plant a rice – magtanim ng palay
_______________6. Computer – Komputer
_______________7. Lawn – bakuran
_______________8. Tall tree – mataas na puno
_______________9. Tall boy – matangkad na bata
_______________10. Television – telebisyon

III. Gawan ang mga ito ng maikling tugon sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay.
Siguruhing hindi lalampas sa 5 pangungusap ang tugon sa bawat tanong.

1. Sa paanong paraan sinasalamin ng mito ang paniniwala ng isang bayan?

40 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang panunuring pampelikula?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano ang teoryang pampanitikan? Sa paanong paraan ito makatutulong sa lalong pag-
unawa sa isang akda?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

41 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
PROYEKTONG PANGYUNIT
Ikaw at ang iyong mga kaeskuwela ay mga bagong tapos sa kolehiyo. Kayo ay bumubuo
sa production team na gumagawa ng mga poster. Nais ninyong sumali sa iba't ibang patimpalak
pampelikula sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ngayong taon ay target ninyong lumahok sa film
festival. Napagdesisyunan ng inyong grupo na gumawa ng isang poster batay sa inyong pelikula
na ilalabas. Pagkatapos ninyong nagawa ipapasa ito sa direktor para makita kung ito ay papatok
sa masa. Pagkatapos maari na itong ibahagi sa Social Media para makita ang mga pelikula na
ilalabas ngayong taon.

Pamantayan Indikator Puntos Natatamong


Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag 21-25
nangmaayos ang ugnayan ng
lahat ngkonsept sa paggawa ng
poster
Kaangkupan ng konsepto Maliwanag at angkop ang 16-20
mensahe sa paglalarawan
ngkonsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa 11-15
(Originality) ng poster
KabuuangPresentasyon Malinis at Maayos ang 6-10
kabuuang presentasyon
Pagkamalikhain(Creativity) Gumamit ng tamang 1-5
kombinasyn ng kulay upang
maipahayag ang nilalaman,
konsepto, at mensahe.

Kabuuan

42 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
MGA SUSI SA PAGSASANAY
Sukatin ang kaalaman

Aralin 1
A. 1. C B. 6. F 11. A
2. C 7. H 12. B
3. A 8. I 13. E
4. A 9. J 14. G
5. B 10. D 15. C
Aralin 2
Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
Aralin 3
Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
Aralin 4
1,3,2,5,7,4,6,8
Aralin 5
1. Bayograpikal
2. Realismo
3. Sosyolismo/Sosyolohikal
4. Marxixmo
5. Sosyolohikal
6. Marxismo
7. Bayograpikal
8. Realismo
9. Humanismo
10. Formalismo
Aralin 6
1. Nais niyang bumalik si popoy sa kaniyang piling at siya nalang ulit yung mahalin.
2. Hindi, dahil sobrang nasaktan si popoy sa nangyari kaya mas pinili nalang niya si Trisha.
3. Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
4. Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
5. Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
Mga Pagsasanay
Aralin 1
Lutasin ang Hamon 1.1
Ingles Filipino
Trees Punungkahoy
Sa aking palagay ay hindi na ako makakakita pa
I think that I shall never see
Ng tulang sindikit nitong punungkahoy na kaaya-aya
A poem lovely as a tree.
Bibig na dayukdok di ibig alisin sa pagkakadikit
A tree whose hungry mouth is prest
Sa dibdib ng lupang ang daloy ng buhay, walang kasingtamis
Against the sweet earth’s flowing breast;
Sa buong maghapon, sa mukha ng Diyos lamang nakatingin
A tree that looks at God all day,
Ang dahunang bisig ay nangakataas sa pananalangin
And lifts her leafy arms to pray;
Kung nagtatag-init, ang malagong buhok ay nahihiyasan
A tree that may in summer wear
Ng pugad ng ibong pugad din ng tuwa at kaligayahan
A nest of robins in her hair;
Sa kanyang kandungan, ang kabusilaka’y doon umiidlip
Upon whose bosom snow has lain;
Sa buhos ng ulan ay magkarayamang nakikipagtalik
Who intimately lives with rain.
Tula’y nagagawa ng mga gaya kong mulala at hangal,
Poems are made by fools like me,
Mga punungkahoy, ang nakagagawa’y tanging Diyos lamang.
But only God can make a tree.
Lutasin ang Hamon 1.2

43 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
11. Fence Bakuran Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
12. Wounded Sugatan Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
13. Fry Pirito Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
14. Fright Takot Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
15. Forty Apatnapu Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
16. Four Apat Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
17. Fourteen Labing apat Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
18. Fourth Pang-apat Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
19. Fable Pabula Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
20. Forehead Noo Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.

Aralin 2
Lutasin ang Hamon 2.1
Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
Lutasin ang Hamon 2.2
1. Patay na
2. Mapagbigay
3. Madaldal
4. Hindi mahilig gumala
5. Masama ang ugali

Aralin 3
Lutasin ang Hamon 3.1
1. D 6. E
2. C 7. D
3. E 8. E
4. B 9. C
5. E 10. A
Lutasin ang Hamon 3.2
Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.

Aralin 4
Lutasin ang Hamon 4.1

Katangian Tugma ba o Hindi sa talakay? Pagpapatunay

Maiksi at Payak ang wika / Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.

/ Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.


May tinututukang ganap, at kongkreto
ang paglalahad

/ Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.


May tiyak na layunin

x Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.


Simple ang tunggalian

x Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.


Halaw sa katotohanan

Lutasin ang Hamon 4.2


Noong Panahon ng Hapon, ang isa sa mga kinilalang matapang na Pilipino ay ang dating
pangulo ng Pilipinas, si Ramon Magsaysay. Dahil dito, naglaan ng gantimpalang salapi ang
pamahalaang Hapon upang mapadali ang pagkakadakip sa kanya.
Panimula

44 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
Isang umaga, sumakay si Ramon sa kariton na hila ng kalabaw patungo sa kutang kanilang
pinagtataguan ng mga gerilya. Tatlong kawal ang kanyang isinama upang maging
tagabantay niya. Palibhasa’y masaya, maingay, at umaawit ng makabagong awitin, hindi
nila namalayan na sa kanilang likuran ay mayroon palang dumarating na trak na ang
Suliranin
nakasakay ay mga kawal Hapones.

Nabigla sila. Madaling nag-utos si Ramon sa kanyang mga kasama. “Lumukso kayo at
Tunggalian magtago sa malagong damuhan,” utos ni Ramon.

Hinabol ng trak ang kariton at ito’y naabutan ng mga kawal Hapones. “Carabao afraid, takot
sa your trak,” sabi ni Ramon. Nagtawanan ang mga kawal Hapon. “Sige, sige. Beat carabao.
Katawa-tawang bahagi Go,” utos ng pinuno ng mga kawal Hapones.

Lumabas ang tatlong kawal na kasama ni Ramon. Ang hindi alam ng mga kawal Hapon ay
nasa ilalim ng mga dayami ang walong riple na dadalhin nila sa pinagtataguan ng mga
gerilya. Mula noon, hindi nag-ingay o umawit sina Ramon kapag sila’y nasa isang maselang
Aral at Wakas misyon

Aralin 5
Lutasin ang Hamon 5.1
1. Pormalistiko
2. Historikal
3. Humanismo
4. Markismo
5. Historikal
6. Humanismo
7. Pormalistiko
8. Historikal
9. Feminismo
10. Humanismo
Lutasin ang Hamon 5.2
Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.

Aralin 6
Lutasin ang Hamon 6.1
Maaaring iba-iba ang sagot ng bawat isa.
Lutasin ang Hamon 6.2
A. 1. W
2. M
3. W
4. M
5. W
B. 1. A
2. A
3. B
4. C
5. D

45 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022
SANGGUNIAN

MULA SA AKLAT
 Filipino ng Lahi 10, Diwa Textbooks, Mark Anthony S. Angeles, et. al. 2019. Makati
City, Philippine, Diwa learning Inc.

 Pinagyamang wika at Panitikan 10, Diwa Textbooks, Alvin C. Reyes et. al. 2016. Makati
City, Philippine, Diwa learning Inc.

MULA SA POOK-SAPOT/WEBSITE:
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003

https://philnews.ph/2020/01/30/anekdota-mga-halimbawa-ng-anekdota-anecdote/

https://takdangaralin.ph/tula-tungkol-sa-pamilya/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula

46 | J H S L e a r n i n g M o d u l e FILIPINO 10 2021-2022

You might also like