You are on page 1of 2

TEKSTO SA PAGBABASA

Ang Paglagay sa Tahimik


“Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa kung mapaso.” Mahalaga ang kahulugan ng
pahayag na ito. Pinag-iisipan at pinaghahandaan ang paglagay sa tahimik. Ito ay para sa panghabang
panahong pagsasama. Ang tagumpay nito ay nasa kahandaan ng mga nais mag-asawa.
Kaya na ba ng babae at lalaki ang magpamilya? Sila ba’y handa nang magsarili at tumayo sa sariling
paa? Mapagmahal, masikap, matiyaga, masipag, maunawain, at mapagpaumanhin ang ilang mga katangiang
dapat taglayin nila. Makapagtuturo sila ng kabutihan at huwaran sila ng kanilang magiging supling. Sila’y
handang tumanggap ng mga pananagutan at magsagawa ng kanilang tungkulin bilang mag-asawa.
Ang paglagay sa tahimik ay maselan. Hingin ang payo ng mga magulang at ng nakatatanda. Tandaan:
“Ang pag-aasawa’y madaling pasukan subalit mahirap labasan.”

1. Saan inihambing ang pag-aasawa?


a. magulang b. katahimikan c. kanin d. tagumpay
2. Ano ang hingin sa mga magulang at nakatatanda tungkol sa pag-aasawa?
a. pera b. pagmamahal c. kanin d. payo
3. Bakit kailangang paghandaan ang pag-aasawa?
a. Para tumagal sa habang panahon ang pagsasama
b. Para dumami ang anak at lumaki ang pamilya
c. Para pumayag ang mga magulang na mag-asawa na
d. Para tahimik lagi ang mag-asawa at mga anak
4. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa
kung mapaso’?
a. Kapag mag-aasawa na ay hindi dapat magsubo ng mainit na kanin.
b. Hindi maaayos ang pag-aasawa kung iluluwa ang mainit na kaning isusubo.
c. Huwag nang mag-asawa upang maiwasan ang mga problema.
d. Anumang problema sa pag-aasawa ay harapin at huwag itong iwasan.
5. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “handa nang tumayo sa sariling paa”?
a. Kakayanang mabuhay at matustusan ang mga pangangailangan
b. Makapagtayo nang mag-isa gamit ang mga sariling paa
c. Nasa sarili lang ang kahandaan kung paano tumayo gamit ang paa
d. Kakayahang maghanda at makatayo na paa lamang ang gagamitin
6. Alin ang angkop na paliwanag nang pangungusap na “Ang pag-aasawa’y madaling pasukan subalit
mahirap labasan.”?
a. Ang pag-aasawa ay may pasukan at labasan na magkasalungat.
b. Ang pag-aaasawa ay may katumbas na responsibilidad habang buhay.
c. Hindi na puwedeng lalabas sa pag-aasawa kapag siya ay nakapasok na.
d. Hindi na lang mag-asawa kung matakot na masaktan at mahirapan lang.
7. Bakit kailangang humingi ng payo sa mga nakatatanda ukol sa pag-aasawa?
a. Dahil sila ang pipili kung sino ang karapat-dapat na maging asawa.
b. Dahil sila ang may karapatang magbigay ng pahintulot sa pag-aasawa
c. Dahil higit silang nakakaalam sa mga dapat isaalang-alang sa pag-aasawa
d. Dahil paraan ito ng pagrespeto sa mga matatanda at maiwasan ang karma
8. Ano ang mensaheng hatid ng teksto sa mga mambabasa?
a. Kailangang maghanap ng asawa upang matahimik ang buhay
b. Tiyaking may sapat na paghahanda kapag mag-aasawa
c. Habang maaga pa ay kailangan nang mag-asawa
d. Kailangang iasa sa mga magulang ang pasyang gagawin
9. Anong isyung panlipunan ang mauugnay sa akda na gawi ng iilang mga kabataan sa kasalukuyan?
a. pagiging martir sa kanilang mga kasintahan
b. pagbubuntis na wala pang basbas sa kasal
c. pakipagrelasyon nang wala nang ligawan
d. pagkakaroon ng higit sa isang karelasyon
10. Paano mailalarawan ang tunay na paglagay sa tahimik?
a. Kapag namamayapa na ang isang tao
b. Kapag mahimbing na ang tulog ng mag-asawa sa gabi.
c. Kapag hindi mabunganga ang mapapangasawa
d. Kapag napaghandaan ang pag-aasawa nang maayos.

You might also like