You are on page 1of 20

Modyul sa Filipino 8

Mga Karunungang Bayan


Bugtong, Salawikain,
Sawikain, Kasabihan
at Palaisipan

Jay Ann T. Dalig


Shella D. Garduque
Mga May-akda

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 1


Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 2
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata Pahina
I. PANIMULA
Mensahe . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .04
Sa gagamit . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .05
Layunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 06
Panuto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .06
II. PANLINANG NA GAWAIN
Panimulang Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 07
Pagtatalakay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 09
Paghahambing . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13
Paglalahat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14
Pagpapahalaga . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .15
III. PANGWAKAS NA GAWAIN
Pangwakas na Pagtataya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .16
IV. SAGOT SA PAGWAWASTO . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19
V. BIBLIYOGRAPIYA . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 3


I. PANIMULA

Mensahe

Ang modyul na ito ang magsisilbing tanglaw ng

mga mag-aaral ng Baitang 8. Ito ay naglalaman

ng mga mungkahing gawain para sa panitikan ng

katutubong panahon na mga uri ng karunungang

bayan at pagpapahalaga sa mga ito. Ang bawat

gawain ay nakabatay sa aralin.Inaasahan na

ang gabay na ito ay makatutulong sa mga mag

aaral upang magpagyaman ang kanilang

kaalaman.

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 4


Sa Gagamit

Magandang buhay!
Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Mahilig ka bang
bumigkas ng mga bugtong o palaisipan? O magbasa ng mga sawikain,
salawikain at kasabaihan? Alam mo ba ang kahulugan ng mga ito? O kung ano
ang naitutulong at naibabahagi nito sa buhay?
Kung oo, mabuti kung ganoon sapagkat madali mo na lamang sagutin
ang mga pagsasanay na nakapaloob sa modyul na ito. Kung hindi naman, huwag
mabahala sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito upang unawain ang mga araling
nakapaloob dito.
Ang moduyl na ito ay nakalaan para sa iyo. Unawain ang aralin at sagutin ang
mga nakatakdang aralin upang mapagtibay ang inyong nalalaman at magkaroon pa
ng mga karagdagang kaalaman. Handa ka na ba? Maaari ka ng magpatuloy-
tumuklas, umalam at gumalugad!

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 5


Layunin at Panuto

Sa modyul na ito ay inyong mapapag-aralan ang tungkol sa mga bugtong,


salawikain, sawikain, kasabihan at palaisipan. Bukod dito, naglalaman din ito ng mga
pagsasanay na tiyak na hahasa sa iyong kakayahan at pang-unawa. Kaya’t pagkatapos ng
aralin, ikaw ay inaasahang:
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
karunungang bayan upang sa tulong ng pagpapakahulugang semantika upang
maisabuhay ang mga aral at mahahalagang kaisipang nakapaloob dito.

Pamantayang Pagganap
Naihahambing ng may kaangkupan ng mag-aaral ang iba’t ibang uri ng
karunungang bayan at nakabubuo o nakasusulat ng ilang halimbawa nito batay sa
sariling obserbasyon o karanasan.

Pamantayang Pampagkatuto
a. Nauunawaan ang nilalaman at pagkakaiba-iba ng mga karunungang bayan
b. Nakasusulat o nakabubuo ng sariling halimbawa ng mga karunungang
bayan batay sa tunay na pangyayari, obserbasyon at karanasan
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga karunungang bayan bilang isang
akdang pampanitikan

Panuto
Basahing mabuti ang kahulugan at mga halimbawang nailahad ukol sa
karunungang bayan. Pagkatapos itong basahin, sagutin ang mga nakalaang
gawain upang mas lalong mapagtibay ang kaalaman.

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 6


II. PANLINANG NA GAWAIN
Panimulang Pagtataya

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot


1. Ang idyoma o sawikain ay isang uri ng karunungag bayan. Alin sa mga sumusunod
ang tumutukoy dito?
a. may kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na pang-unawa
b. isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino.
c. may taglay na mga bagay na pangkultura: malarawan, mapagbiro, mapagpatawa,
pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan.
d. lahat ng mga nabanggit sa itaas.

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salawikain?


a. isang uri ng paghahambing na palarawan
b. isang uri ng idyoma
c. patalinghagang pahayag na nangangaral
d. birong may katotohanan

3. Alin sa mga ito ang idyoma?


a. nagbabatak ng buto
b. nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa.
c. ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot.
d. pag di ukol ay di bubukol.

4. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na kasabihan?


a. nagsaulian ng kandila
b. may krus ang dila
c. mabulaklak ang dila
d. daig ng maagap ang masipag

5. Piliin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng bugtong


a. ginagawang isang laro kung saan kailangang mahulaan ang inilalarawan
b. ang mga ito ay naglalahad ng mga suliranin na kailangang masolusyonan
c. ito ay matatalinghaga at puno ng pilosopiya sa buhay na nagsisilbing gabay ng tao
d. ito ay may taglay ding mensahe na naglalarawan sa ating buhay

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 7


6. Bakit maituturing na mahalaga ang mga bugtong, salawikain, kasabihan at palaisipan?
a. nakakaagaw ang mga ito ng atensyon lalo na sa mga kabataan
b. ang mga ito ang nagpapakita at nagpapakilala sa ugali’t tradisyon ng mga Pilipino
a. nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa o narinig
b. nakaaaliw at nakaaakit ang mga ito

7. Ano ang palaisipan?


a. ang mga ito ay naglalarawan ng mga pangyayari sa ating lipunan
b. ang mga ito ay naglalahad ng mga suliranin na kailangang masolusyonan
c. ito ay kakayahang mag-isip ng mag-isip
d. ito ay nagsasaad ng anyong tula na may mensaheng mapupulot

8. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo. Alin sa mga sumusunod ang maaring sagot sa
bugtong na ito?
a. pako
b. anino
c. bahaghari
d. buwan

9. May bus driver na papunta ng paaralan. Hindi siya huminto sa may “stop sign,” lumiko kung
saan may nakasulat na “no left turn” at sumalubong sa daanang “one way.” Sa may kaliwa niya,
may nadaanan siyang pulis pero hindi siya hinuli dahil wala naman siyang nilabag
na batas.Bakit?

a. dahil kakilala ng bus driver ang pulis


b. hindi nakilala ng pulis ang bus diver
c. hindi nagmamaneho ang bus driver dahil naglalakad lamang siya.
d. dahil dinaanan lamang ng bus driver ang pulis.

10. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao. Ano ang sagot?
a. atis
b. patis
c. kamatis
d. mais

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 8


Pagtatalakay

Ang mga Karunungang Bayan


 Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain,
sawikain, kasabihan at palaisipan. Karamihan sa mga ito’y nanggaling sa mga
Tagalog at hinugot sa mga mahahabang tula.

a. Ang Bugtong
 Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito’y
binibigkas nang patula at may lima hanggang labing dalawang pantig.
 Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
Mga Halimbawa:

Baboy ko sa pulo, May binti walang hita,


Balahibo’y pako. May tuktuk walang mukha.
(Langka) (Kasoy)
Narito na si Ingkong, Nagdaan si Negro,
Bubulong-bulong. Nabuwal na lahat ang tao.
(Bubuyog) (Gabi)
Nagtago si Piro, Balong malalim,
Nakalitaw ang ulo. Punong-puno ng patalim.
(Pako) (Bibig)

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 9


b. Ang Salawikain
 Ang salawikain ay isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng
mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang
mga kabataan sa mabuting asal. Ito rin ay patulang binibigkas na
may sukat at tugma.
Mga Halimbawa:

Ang lumalakad ng matulin Ang hindi lumingon sa


Kung matinik ay malalim. pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.
Pag may sinuksok
May madudukot. Kung anong taas ng paglipad
Siyang lakas ng pagbagsak.
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin. Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.
Kapag may itinanim
May aanihin. Ang araw bago sumikat
Nakikita ang banaag.
Ang Sawikain
 Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na
hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang
makasakit ng loob upang at mapaganda ang paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:
Abot-tanaw
Parang natuka ng ahas (naaabot ng tingin)
(natulala)
Agaw-dilim
Itaga mo sa bato (malapit ng gumabi)
(pakatandaan)
Malayo sa bituka
Mahaba ang kamay (hindi malubha)
(magnanakaw)
Anak-dalita
(mahirap)

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 10


d. Mga Kasabihan/Panunudyo
 Ang kasabihan o panunudyo ay patulang panunukso at kinsasalaminan
ng kilos, ugali, at gawi ng isang tao o pagpuna sa isang gawi o kilos ng
isang tao.
 Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit
ng mga talinghaga. Payak lamang ang kahulugan nito.

Halimbawa:
Kasama sa gayak,
Tiririt ng maya
‘Di kasama sa lakad.
Tiririt ng ibon
Ibig mag-asawa
Utos na sa pusa,
Walang ipalamon.
Utos pa sa daga.
Si Maria kong dende
Isa, dalawa, tatlo
Nagtinda ng gabi
Ang tatay mong kalbo
Nang hindi mabili
Isa, dalawa, tatlo, apat
Umupo sa isang tabi.
Ang tatay mong payat.

Putak, putak Daig ng maagap


Batang duwag Ang taong masipag.
Matapang ka’t
Nasa puagad. Ngayon kakahigin
Ngayon tutukain.
Tulak ng bibig ,
Kabig ng dibdib. Taong walang kibo
Nasa loob ang kulo.

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 11


e. Palaisipan
 Ang palaisipan ay humahasa at gumigising sa isipan ng tao upang bumuo
ng isang kalutasan sa isang suliranin.

Halimbawa:
May isang prinsesa sa tore ay nakatira. Balita sa kaharian, pambihirang ganda
Bawal tumingala upang siya'y Makita, Ano ang gagawin ng binatang
sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa'y mapatingala at makita ang prinsesa

Nakakita ang isang mangangaso ng isang puno ng bayabas sa kagubatan sa


kaniyang paglalakad. Ito'y hitik na hitik sa bunga. Gusto niyang kumuha ng
bunga nito ngunit binabantayan ang puno ng mababangis na matsing. Paano
nakakuha ang mangangaso ng bayabas nang hindi siya nasaktan ng mga
matsing?

Sagot: Ang mga matsing ay pinagalitan niya at dahil walang maibalibag sa


kanya, ang mga ito'y nagsipitas ng mga bayabas at pinagabbato siya. Siya
nama'y salo nang salo sa bawat bayabas at sa huli’y naging kaniya lahat
ang bunga ng punong iyon.

Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang kanyang ama ay isang Amerikano, at


ang kanyang ina ay intsik. Bininyagan siya sa bansang France. Nang siya ay
lumaki na, nakapag - asawa siya ng Hapones at doon sila nanirahan sa
Hongkong. Sa oras ng kamatayan siya ay inabot sa Saudi Arabia. Ano ang tawag
kay pedro?
Sagot: Bangkay

May isang tulay na walng sinumang makadaan sapagkat may nagbabantay na


mahiwagang tinig, at sinumang makarinig niyon ay tiyak na mamamatay,
subalit may isang binatang nakadaan ng ligtas. Bakit hindi namatay ang binata?
a

Sagot: Bingi ang binata

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 12


Paghahambing
Punan ang kahon ayon sa hinihingi nito:
Pagkakaiba-iba ng iba’t ibang uri ng karunungang bayan

Pagkakatulad ng mga karunungang bayan

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 13


Paglalahat

Taong
Daig ng maagap walang kibo
Ang taong Nasa loob
masipag. ang kulo.
Kapag may
Mahaba ang
itinanim kamay
Kasabihan - kasasalaminan
May aanihin. ng kilos, ugali, at gawi ng (magnanakaw)
isang tao

Salawikain Sawikain –
- isang ito ay isang
patalinghag Karunungang paraan ng
ang pagsasalita
pahayag na Bayan -binubuo ng mga bug- na
naglalayan tong, salawikain, sawikain, kasabi- hindi
g mangaral gumagamit
at magturo han at palaisipan na ang karami- ng
ng magan- mararahas
han ay hinugot sa mga mahaha-
dang asal. na salita.
bang tula.

Pag may sinuk- Anak-dalita


sok, May
Palaisipan - ay Bugtong – ito ay pahu-
(mahirap)
humahasa at gumigising laan sa pamamagitan
madudukot. sa isipan ng tao ng paglalarawan.

(Masyadong Baboy ko sa pulo, Nagtago si Piro,


(Masyadong
mahaba, tingnan Balahibo’y pako. Nakalitaw ang ulo.
mahaba, tingnan
ang talakayan) (Pako)
ang talakayan) (Langka)

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 14


Pagpapahalaga

Sa iyong pananaw, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga


sa mga karunungang bayan bilang isang akdang
pampanitikan? ipaliwanag.

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

__________________________________________________________.

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 15


III. PANGWAKAS NA GAWAIN

Pangwakas na Pagtataya
A. Hanapin sa Hanay B ang hinihiling na kasagutan ng bugtong sa Hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

____1.Ang alaga kong hugis bilog, a. bahaghari

barya-barya ang laman-loob.

____2. Ako ay may kaibigan, kasama b. bituin kahit saan.

____ 3. Palda ni Santa Maria, c.anino

Ang kulay ay iba-iba.

___4. Sa araw ay bungbong, d. banig

sa gabi ay dahon.

___5. Sa liwanag ay hindi mo makita, e. alkansya

Sa dilim ay maliwanag sila.

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 16


B. Pagtapat-tapatin. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salawikain at
sawikaing nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1.Akala ni Kapaho: ang pag-aasawa’y biro; a. Mahirap mag-asawa. kanin


bagang isusubo’t iluluwa kung mapaso. Marami itong kasamang
responsibilidad. Kapag ikaw
ay may asawa hindi mo na ito
matatalikuran.

2.Matalino man ang matsing b,Kahit saan ako makarating,


Napaglalamangan din. dapat ay lagi akong mag-iingat
dahil maraming taong
masama ang kalooban.

3. Saan mang gubat ay may ahas. c. Huwag kang manlalamang


sa kapwa mo dahil isang
araw ay babalik din sa
iyong lahat ang ginawa mo at
ikaw naman ang
malalamangan.

4. naumid ang dila d.nagkagalit ang


magkumpare/ magkumare; di
nagkasundo

5. magsaulian ng kandila e. hindi makapagsalita

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 17


C. Piliin ang tamang sagaot sa kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

Sawikain Palaisipan
Sawikain
Salawikain Palaisipan

Bugtong Karunungang bayan kasabihan/panunudyo

__________1. Umaalon ang dibdib


__________2. ito ay may taglay ding mensahe tulad ng salawikain,
ngunit ang sawikain ay mas tiyak sa kanyang mensahe.
__________3. ito ay matatalinghaga at puno ng pilosopiya sa buhay
na nagsisilbing gabay upang tayo ay mamuhay ng
maayos at matuto ng tamang asal.
__________4. ito ay isinasaad sa anyong tuluyan o kaya’y anyong
patula. Ang mga ito ay naglalahad ng mga suliranin na
kailangang masolusyonan.
__________5. ito ay ginagawang isang laro kung saan kailangang
mahulaan ang inilalarawan ng bugtong.
__________ 6. mga salitang may nakapaloob na kaisipan na dapat

nating maisalarawan o mabigyang kahulugan.

__________7. isang sangay ng panitikan kung saan nagigigng daan

upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa

bawat kultura ng isang tribo.

__________8. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

__________9. May sampung aso sa itaas ng building, may nakita silang pusa

sa ibaba, tumalon sila sa building.ilan ang natira?

_________ 10. Ang kasabihan o panunudyo ay patulang panunukso at

kinsasalaminan ng kilos, ugali, at gawi ng isang tao o pagpuna sa

isang gawi o kilos ng isang tao.

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 18


IV.SAGOT SA PAGWAWASTO

1. Panimulang Pagtataya

1. a 6. B
2. c 7. B
3. a 8. d
4. d 9. c
5. a 10. a
2. Pangwakas na pagtataya

A. B.

1. e 1. a
2. c 2. b
3. a 3. c
4. d 4. e
5. b 5. d
C.
1. Sawikain 6. Karunungang-bayan
2. Sawikain 7. Karunungang-bayan
3. Salawikain 8. Salawikain
4. Palaisipan 9. Bugtong
5. Bugtong 10. Kasabihan

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 19


V. BIBLIYOGRAPIYA

Module sa Filipino 8, pg 37-38

Panitikang Filipino, pp 23-38

https://brainly.ph/question/262854

https://pinoycollection.com/sawikain/

https://pinoycollection.com/mga-bugtong/

https://shiela0016.wordpress.com/2013/02/25/mgahalim
bawa-ng-salawikain-at-kahulugan-sa-tagalog/
https://brainly.ph/question/8849
https://www.scribd.com/doc/69119511/Mga-
KarununganBayan
https://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-
halimbawang-bugtong.html

Modul sa Filipino 8: Mga Karunungang Bayan | 20

You might also like