You are on page 1of 9

Pangalan:

Baitang: Pangkat: Petsa:

Sa Dako ng Aking Imahinasyon


Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula,
balagtasan, alamat/maikling kuwento, epiko ayon sa: kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan.
(F8PB-Ia-c-22)

Alamin Natin!
Makatutulong ang pag-aaral ng sawikain at eupemistikong pagpapahayag sa
pamamagitan ng paggamit ng mahuhusay na ekspresyon sa pagpapaliwanang
ng sariling kuro-kuro at kaisipan upang maiiwasan ang hindi
pagkakaunawaan. Sa bahaging ito ng aralin, bibigyang –kahulugan natin ang
mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula,
balagtasan, alamat/maikling kuwento, epiko ayon sa kasingkahulugan at
kasalungat nito.

Subukin Natin!
Magandang araw. Kumusta ka na? Handang – handa ka na ba sa
iba pang gawain? Subukan mo ito.
Gumuhit ng tuwid na linya upang itambal ang mga sumusunod na idyoma
sa kahulugan nito.

1. basang sisiw a. payat na payat


2. huling hantungan b. malaking katuwaan
3. buto’t balat c. api
4. bala’t sibuyas d. maghirap
5. ikapitong langit e. pasensyoso
6. magdildil ng asin f. bigo
7. mahaba ang pisi g. hindin totoo
8. laylay ang balikat h. libingan
9. pabalat – bunga i. maramdamin
10. magbilang ng poste j. walang trabaho

Madali mo bang naiuugnay ang mga salita sa kabilang hanay?


Mahusay kung ganoon!
Tunghayan mo ang sagot sa huling bahagi ng modyul na ito.

Aralin Natin!
Kabilang sa pinakaunang anyo ng tula ang mga karunungang – bayan kung
kaya kabilang sa pangunahing elemento nito ang paggamit ng talinghaga. Dahil
dito, nagiging iba o malalim ang kahulugan ng mga ipinahahayag – higit pa sa literal na
kahulugan nito. Ang pagiging matalinghaga ng isang salita ay isang paraan din ng
karunungang-bayan upang mapalawak ang bokabularyo ng isang mag-aaral na tulad
mo.
Para malaman ang tunay na kahulugan nito kailangang suriin nang mabuti ang
isang talinghaga. Madalas ay hindi kaagad naiintindihan ang mga ito dahil hindi lantad
ang ibig sabihin nito. Makatutulong na alamin muna ang konteksto ng isang pahayag o
pangungusap na nagtataglay ng talinghaga upang mabigyan ito ng kongkretong
kahulugan.
Ang isang talinghaga ay maaring makilala sa pamamagitan ng:

Malalim na paglatag ng kaisipan nito.


Talinghaga
Kalahok sa mga akdang pampanitikan,
anyong patula man o tuluyan.

Nagbibigay din ito ng kakintalan sa


mga mambabasa

Madalas na naririnig ang mga salawikain sa pagbibigay-aral. Ang mga pahayag na


ito ay gumagamit ng talinghaga kaya nararapat suriing mabuti ang nilalaman nito at
unawaain.
Halimbawa:
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita
Sa pahayag na ito, ang talinghaga ng mga salita ay ang tungkol sa mabilis na
pagkalat ng balita na madalas maiiba ang bersiyon habang kumakalat ito sa mga tao.
Hindi literal na may tainga ang lupa at may pakpak ang balita. Nangangahulugan
lamang na ang isang balita ay maaaring madaling kumalat o mabunyag dahil sa likas
na hilig ng mga taong makasagap at mamahagi ng balita o kahit usap-usapan. Hindi
puwedeng literal ang kahulugan kaya’t ang lalim ng paglatag ng kaisipan ay angkin ng
halimbawa. Maaaring ang pahayag ay maging bahagi ng isang akdang pampanitikan na
maikling kuwento at mag-iwan sa mambabasa ng isang aral na kailangang mag-ingat sa
lahat ng sasabihin dahil ang balita ay mabilis kumalat.
Sa kabilang banda, ang eupemismo ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang
pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o bastos na tuwirang
nakapananakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig. Halimbawa nito ang
paggamit ng "sumakabilang-buhay" sa halip na sabihing natigok, natepok, o natodas.
Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa pagpapalit ng
katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.

Sagutin ang gabay na tanong.


1. Ano ang matalinghagang pahayag?
- Ang matatalinghagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
2. Ano-ano ang mga katangian ng talinghaga?
- Ang mga katangian ng talinghaga ay may malalim na paglatag ng kaisipan nito,
kalahok sa mga akdang pampanitikan, anyong patula man o tuluyan at nagbibigay
din ito ng kakintalan sa mga mambabasa
3. Paano naging masining ang paraan ng pagkakabuo ng mga karunungang-bayan?
- Nagiging masining ang pagkakabuo ng mga karunungang-bayan dahil sa mga
talinghaga.
4. Bakit mahirap maunawaan ang isang talinghaga?
- Mahirap maunawaan ang mga talinghaga sapagkat ito ay binubuo ng mga
lipon ng mga salitang may ibang kahulugan. Binubuo rin ito ng mga pahayag o
tanong na may nakatagong kahulugan
5. Paano nakatutulong ang talinghaga sa pagpapaunlad ng ating bokabularyo?
Nakatutulong nang Malaki ang mga talinghaga sa pagpapaunlad nbg ating
bokabolaryo. Dito nahuhubog ang ating intelektuwal na kaisipan. Nagkakaroon
din tayo ng mas malalalim na pang-unawa at pag-aaral sa mga salita na ang akala
natin ay simple lamang. Nahihimok din tayo na pagyabungin at mas palaganapin
ang wikang sariling atin

Gawin Natin!
Ano ang ibig sabihin ng mga matatalinghagang salita na nakahilig?
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kahit na katatangap pa lamang ni Haliya sa kaniyang sweldo ay nabutas na ang


bulsa nito dahil sa mga bayarin sa kuryente at tubig.
a. walang pera
b. natupi ang bulsa
c. natanggal sa trabaho
d. walang laman ang bulsa
2.  Umiiral nanaman ang taingang kawali ni Kenna nang tawagin siya ng kaniyang
lola para maghugas ng pinggan.
a. walang nakita
b. walang narinig
c. nagbingi-bingihan
d. walang pakiramdam
3.  Mahangin ang kanyang ulo kaya walang makipagkwentuhan sa kanya.
a. mayabang
b. matapobre
c. mapagmalaki
d. mapagmataas
4. Hindi siya nag-urong-sulong sa pagtulong sa mga mahihirap at kulang-palad.
a. nalito
b. nag-atubili
c. naguluhan
d. nag-alinlangan
5. Kumukulo ang tiyan ni Jayson nang pumasok sa paaralan kaya hindi siya
makaunawa sa klase.
a. nagugutom
b. busog na busog
c. naiinitan ang tiyan
d. sumasakit ang tiyan
Sanayin Natin!
Sagutin ang mga sumusunod na eupimistikong pahayag. Hanapin sa
crossword puzzle ang ibang kahulugan nito at bilugan ang iyong sagot.
Limang minuto para sa pagsasanay na ito.

Katanungan:
1. metikuloso, o maselan
2. tawag sa taong mahilig sa anumang uri ng sugal(gambling), o pagsusugal.
3.  katulong o kasambahay. 
4. hambong, mapagmataas, palalo, arogante, mahangin.
5. bahag ang buntot
6. mababa ang luha
7. di – maliparang uwak
8. hikahos sa buhay
9. balingkinitan
10. mabilis ang kamay

A M A A R T E O S L M I
M A O K L S G F U B A O
A Y H K N I G H G A H A
Y A I I L M N C A C I U
H B C A R A S T R O R O
I A V B N Y I L O O A P
O N Q W E R T Y L I P O
L G F D U W A G H A A S
I Y A K I N G I T K I L
W N A P A K A L A W A K
V C V O P A Y A T O T K
M A G N A N A K A W K L
Tapos na ba?
Tunghayan ang tamang sagot sa huling bahagi ng modyul na ito.

Tandaan Natin!
Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap ayon sa
pangkalahatang ideya ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba at isulat ito sa
Ang (1) _____________________ pagpapahayag ay ginagamit upang hindi (2)
_____________________ ng damdamin ng (3) ___________________ kausap o nakikinig. Ito
ay ipinapalit sa mga (4) _____________________ na salita. Nagbibigay (5) _________ din ito
sa mga salitang ginagamit o naririning natin araw-araw.

bulgar linaw
tao makasakit
epimistiko
Suriin Natin!
Basahin ang Alamat ng Durian. Sagutin ang sumusunod na katanungan
dito.

Alamat ng Durian

Larawan ng Durian

Sa isang malayong lugar sa Davao ay may isang batang may kaya at ubod ng
ganda. Mahal na mahal siya ng kanyang ina dahil siya na lamang ang naiiwang alaala
ng kanyang yumaong asawa. Halos lahat ng kanyang gusto ay ibinibigay ng kanyang
ina. Wala na sanang mahihiling pa si Aling Rosa para sa kanyang ana ,pero may ugali
ang anak na kinaiinisan ni Aling Rosa at ito ay pagiging tamad pagdating sa paglilinis at
pangangalaga sa sarili.
Daria ang pangalan ng kanyang anak.
Si Daria ay isang batang babae na palaging madumi . Tamad siyang maligo at kumain
ng masusustansiyang pagkain. Palagi siyang walang kalaro kasi palagi siyang tinutukso
ng mga bata sa labas dahil sa kanyang maalinsangang amoy at itsura isa yong dahilan
kaya palagi siyang nagkakasakit.
Isang araw may sinat si Daria kaya lumapit ang katulong nila kay Aling Rosa.
Nang nalaman ni Aling Rosa humiling siya kay "Allah ang kanilang sinasambang diyos".
Sinabi ni Aling Rosa na "sana po wag niyong pababayaan ang aking anak". Pagkatapos
manalangin gumaan ang kanyang pakiramdam at masaya siyang umuwi ng bahay at
habang nasa daan ay iniisip ang kalagyan ng anak. Hindi niya namalayan ang isang
trak na rumaragasa sa daan, nabangga siya nito at tinakbuhan. Walang tumulong kay
Aling Rosa kaya siya namatay. Habang ang dalagita ay nagpapahinga siya ay nahimatay
at naging "DURIAN".
Ang durian ay mabaho pero pagnatikman ay masarap dahil puno ito ng
pagmamahal ng kanyang ina na si Aling Rosa. Natagpuan ng mga pulis ang puno ng
mabahong bunga pagkatapos ay umalis na sila. Makaraan ang ang ilang panahon
dumalaw ang dating yaya na si Aling Mira. Nakilala agad niya ang mabahong amoy ng
prutas at tinawag niya itong Daria dahil ganito rin ang amoy ni Daria. Pinag-aralan ng
mga tao ang mabahong prutas at natikman na ubod ng sarap.
Akala ng mga tao ay mabaho rin ang nilalaman nito ngunit nagkamali sila. Kumalat
ang Durian sa Pilipinas upang dumami pa ito at hanggang ngayon may roon pa din
nitong kumakain.
(Pinagkukunan:https://www.facebook.com/246072075860530/posts/alamat-ng-duriansa-isang-
malayong-lugar-sa-davao-ay-may-isang-batang-may-kaya-at/279572922510445/)

A. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot


1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akda?
__________________________________________
__________________________________________
2. Bakit nagiging mahiyain si Daria? Ano ang naging dahilan bakit walang
makikipaglaro sa kanya?
__________________________________________
__________________________________________
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
__________________________________________
__________________________________________
4. Paano ipinakita ni Aling Rosa ang kanyang dakilang pagmamahal sa anak?
Ano ang isang bagay na hiniling niya sa Panginoon bago siya binawian ng
buhay?
__________________________________________
__________________________________________
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa?
__________________________________________
__________________________________________

B. Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag sa


pangungusap.
_______________ 1. Si Daria ay nasanay sa buhay na may kaya.
_______________ 2. Bagamat siya ay ubod ng ganda, hindi siya marunong maglinis
ng kanyang pangangatawan.
_______________ 3. Labis ang pag-alala ng anak sa kanyang ina dahil mahina na
ang tuhod nito.
_______________ 4. Simbilis ng kidlat ang mga pangayayari sa sakuna mabuti na
lng at tumugon agad ang mga pulis upang iligtas ang mga biktima.
_______________ 5. Nag-agaw buhay na ang matanda nang ito'y isinugod sa
hospital at sa kasamaang-palad ay hindi na siya nailigtas ng mga doktor.

Payabungin Natin!
Basahin ang sitwasyon. Sumulat ng isang diyalogo. Gamitan ito ng
eupimistikong at matatalinghagang salita upang maging mas mabuti ang
pakikipagtalastasan.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para sa pagsulat ng diyalogo.

1. Nabalitaan mo sa post sa isang social media account ng iyong pinsan na


pumanaw na ang kapatid ng iyong ina. Alam mong mabibigla siya sa balitang
iyon. Paano mo sasabihin sa iyong ina nang hindi siya gaanong mabibigla?

Rubric sa Pagsulat ng Diyalogo

Pamantayan sa Pagsulat ng Diyalogo 1 2 3 4


1. Kaangkupan ng mga salita, talinghaga at pahayag na
paksa ng diyalogo.
2. Kalinawan at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap.
3. Kawastuhan ng mga bantas, gamit ng Malaki at
maliit na titik.
4. Kabuuang kahusayan at pang-akit sa mambabasa
Kabuuang Puntos

Pagnilayan Natin!
Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang pahayag sa
iyong kapwa. Nahuhubog nito ang intelektuwal na kakayahan ng isang tao. Hindi
lamang mahalagang maunawaan natin ito dapat din natin itong gamitin sa ating
pagpapahayag ng ating mga ideya.
  Ang kahulugan ng idyoma o tinatawag ding matatalinghagang pahayag ay
malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Ang wikang Filipino ay puno ng
mga matatalinhagang pahayag. Ito ay isang uri
ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa ating wika.  Sinasalamin nito ang
kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino.

Talasanggunian:

Infantado, Remedios, et.al. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at PAntikan. Batayan at


Sanayang Aklat sa Filipino. Rex Book Store. 2015

Louisang, Benjamin. Nakuha mula sa


https://benjaminlouisang.wordpress.com/2015/06/28/alamat-ng-durian/

MGA Alamat. Nakuha mula sa : https://www.facebook.com/246072075860530/posts/alamat-


ng-duriansa-isang-malayong-lugar-sa-davao-ay-may-isang-batang-may-kaya-
at/279572922510445/

Ramos, Jezreel M .et.al. MATATALINGHAGANG PAHAYAG: EBALWASYONG PANGWIKA.


Nakuha mula sa
https://www.academia.edu/28960658/MATATALINGHAGANG_PAHAYAG_EBALWASYO
NG_PANGWIKA

Tan, Joscelle. Nakuha mula sa https://prezi.com/1m6dzwfpxr4d/alamat-ng-durian/

Writer: REYDEN LYN E. PIQUERO


Illustrator: Insert Name Here
Template developer: Neil Edward D. Diaz, PDO II – LRMS, Davao del Norte
Susi sa Pagwawasto
Subukin Natin!
1. C
2. H
3. A
4. I
5. B
6. D
7. E
8. F
9. G
10. J

Gawin Natin!
1. A
2. C
3. A
4. D
5. A

Sanayin Natin!
1. A M A A R T E O S L M I maarte
2. M A O K L S G F U B A O sugarol
3. A Y H K N I G H G A H A tsimay
4. Y A I I L M N C A C I U mayabang
5. H B C A R A S T R O R O duwag
6. I A V B N Y I L O O A P iyakin
7. O N Q W E R T Y L I P O napakalawak
8. L G F D U W A G H A A S mahirap
9. I Y A K I N G I T K I L payat
10. W N A P A K A L A W A K magnanakaw
V C V O P A Y A T O T K
M A G N A N A K A W K L

Tandaan Natin!
1. eupimistiko
2. makasakit
3. tao
4. bulgar
5. linaw
Suriin Natin!
A. Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akda?
    Ang mga pangunahing tauhan sa akda ay sina Daria, Aling Rosa at si Aling
Mira. 
2. Bakit nagiging mahiyain si Daria? Ano ang naging dahilan bakit walang
makikipaglaro sa kanya?
Ayaw makipaglaro ni Daria dahil tinutukso siya ng kanyang mga kapwa
bata. Naging mahiyain siya dahil sa kanyang amoy.
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
Malimit magkasakit s si Daria dahil hindi siya naliligo.
4. Paano ipinakita ni Aling Rosa ang kanyang dakilang pagmamahal sa anak?
Ano ang isang bagay na hiniling niya sa Panginoon bago siya binawian ng
buhay?
Nagdarasal si Aling Rosa palagi sa Panginoon at hiniling niya na huwag
pabayaan ang kanyang anak.
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa?
Nasagasaan si Aling Rosa.

C. Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag sa


pangungusap.
Mayaman 1. Si Daria ay nasanay sa buhay na may kaya.
Napakaganda 2. Bagamat siya ay ubod ng ganda, hindi siya marunong
maglinis ng kanyang pangangatawan.
matanda 3. Labis ang pag-alala ng anak sa kanyang ina dahil mahina na
ang tuhod nito.
Matulin 4. Simbilis ng kidlat ang mga pangayayari sa sakuna mabuti
na lng at tumugon agad ang mga pulis upang iligtas ang mga biktima.
Naghihingalo 5. Nag-agaw buhay na ang matanda nang ito'y isinugod sa
hospital at sa kasamaang-palad ay hindi na siya nailigtas ng mga doktor.

You might also like