You are on page 1of 4

Kai Sotto, kayang i-dominate ang buong Asya, ayon

kay Gilas Coach Tim Cone


February 27, 2024

BNFM Makati
Todo papuri ang head coach ng Gilas Pilipinas na si Tim Cone kay Kai
Sotto matapos ang kagila-gilalas na pinakita nito sa dalawang laro ng
koponan sa 2025 FIBA Asia Qualifiers.

Binuksan ni Sotto ang window games na may 13 puntos at 15 rebounds sa


94-64 win laban sa Hong Kong noong Huwebes, at sinundan ito ng 18
puntos at 10 rebounds, kasama ang limang assist at tatlong block, laban sa
Chinese Taipei noong Linggo .
Saad ni Cone, sa galing ni Sotto mag laro, posibleng ma-dominate niya
ang buong Asya.
Nais niya rin maging instrumento upang makatulong sa karera ni Sotto sa
laranagan ng basketball.
NBA, sinuspinde ang ilang players ng Miami at
New Orleans
February 27, 2024

BNFM Makati
Sinuspinde ng NBA sina Miami forward Jimmy Butler at New Orleans
forward Naji Marshall para sa isang laro dahil sa pag-udyok at pagsali nila
sa isang away sa court.

Nangyari ito sa 106-95 win ng Miami Heat sa host na Pelicans noong


Biyernes.
Nasuspinde rin ng tatlong laro nang walang bayad sina Heat center na
Thomas Bryant at ang Pelicans guard na si Jose Alvarado.
Wala pang isang minuto sa fourth quarter, gumawa ng hard common foul si
Kevin Love ng Heat sa Zion Williamson ng Pelicans, na humantong sa
sunud-sunod na sagupaan.
Gilas, tinambakan ang Taipei sa FIBA Asia Cup
Qualifiers
February 26, 2024

BNFM Makati

Tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Chinese Taipei kagabi sa laban nito sa


FIBA Asia Cup Qualifiers, na may final score na 106-53.

Naipanalo ng Philippine Team ang kanilang pangalawang laro matapos


lang nialng talunin ang Hong Kong noong Huwebes.
Kapansin-pansin naman ang pagbabalik ni Justin Brownlee sa kanyang
kondisyon matapos niyang makapagtala ng 6 puntos, 13 rebounds, 5
assists, 2 blocks, at isang steal.
Nagsilbi ring playground ni Kai Sotto ang court matapos niayng makapag-
ambag ng 18 puntos, 10 rebounds, limang assist, at tatlong block.
Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang kanilang kampanya sa Nobyembre, kung
saan makakalaban nila ang New Zealand at Hong Kong para sa ikalawang
window ng Asia Cup Qualifiers.
UST, panalo laban sa DLSU sa UAAP-WVT
February 26, 2024

BNFM Makati

Wagi ang University of Santo Tomas sa De La Salle University


kagabi sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament sa
Mall of Asia Arena.

Nakapagatala ang koponan ng close-fight scores na 25-18, 25-


23, 14-25, 16-25, at 15-12.
Nakapagtala ang reigning Most Valuabel Player na si Angel
Canino ng 28 points, na sinundan Jonna Perdido na may 24
points.
Dahil dito, may winning record na ang UST na 3 wins at 0 losses
sa UAAP, na nagpababa naman ng record ng defending
champion na La Salle sa 2 wins at 1 loss.

You might also like