You are on page 1of 1

Karen Clyde D.

Mintac

Sports News Filipino

Great Wall ng China, hindi natibag


Gilas Pilipinas hindi natibag ang pader ng China matapos yumuko, 67-78 sa
malapang inip na Finals ng 2015 Fiba Asia Championship na ginanap sa Changsha,
China, Oktubre 3.

Matinding ratsada ang pinakawalan ng Gilas sa pagsisimula ng laro na


umabot ng 5-0 run at lumamang ng sandal ngunit hindi nagpadaig ang China at
nagpamalas ng nagliliyab na 3 point shots at mga solidong slumdunks tungo sa
pagtayo ng 23-19 kalamangan sa first quarter.

Muling nabuhayan ang mga Pinoy cagers at naibaba ang lamang, 60-50.
Subalit ipinagkait pa rin ng China ang bola at tumabo ng limang puntos, 65-60
resulta ng malubhang bentahe para sa Gilas.

Nagpatuloy ang pamamayagpag ng China dahil sa mga hindi inaasahang


foul mula sa Pilipinas sa pagsisimula ng third quarter. Ngunit hindi pa rin sumuko
ang pambansang koponan at patuloy pa rin sa pagpuntos sa pangunguna ni Calvin
Abueva sa mga huling minuto resulta ng 60-44 puntos.

Hindi na pinaporma pa ng China ang Pilipinas at tuluyan na ngang pinataob


ang huli gamit ang mala-pader na puwersa, 67-78.

Nasungkit ng China ang nakatayang ticket para sa 2016 Rio Olympics


habang naikwintas naman ng Pinoy cagers ang silver resulta ng matinding laban.

You might also like