You are on page 1of 3

JB Noypi Namayani; Gilas Pasok sa Gold Medal Match

Ginulantangg ni Justin Brownlee ang buong Zinjingang Gymnasium, matapos magpakawala


ng dalawang makapigil hiningang 3 pointers na nagsilbing daan upang magapi ang depending
champion na koponan ng China at magpatuloy para sa Gold Medal Match sa Semifinal Match ng
Men’s 5v5 Basketball sa ginaganap na 19th Asian Games, Hangzhou,China.

Simula pa lamang ng laban ay nagpamalas na agad ang koponan ng China ng kanilang maiinit
na shooting upang maitala ang maagang kalamangan sa iskor na 13-4.

Agaran din naming binura ng gilas ang 9 na puntos na kalamangan ng China at nagawa pang
maitabla ang iskor sa 15 ngunit tinapos padin ng China ang unang kwarter sa talang 19-17 pabor sa
China.

Sa pagpasok naman ng ikalawang yugto ng laban ay nagsimula nanamang uminit ang kamay
ng mga Chino kung saan muling tinambakan ang Gilas at tapusin ang ikalawang yugto sa talang 48-30
pabor sa mga Chino.

Ngunit patuloy padin ang pagdodomina ng China sa pagtira sa labas sa ikatlong yugto ng
laban kaya’t hirap makahabol ang Gilas at napanatili ng China ang kanilang kalamangan kahit na
umiskor si Brownlee ng 10 puntos sa kwarter na ito at naibaba ang kalamangan ng China sa 12
puntos sa iskor na 50-62.

At sa nalalabing 6 na minute ng laban ay nagtala si Hu Mingxuan ng China ng isang


Unsportsmanlike Foul at naikonekta naman ni Chris Newsome ang freethrow upang ibaba sa 7
puntos ang kalamanganng China sa iskor na 62-69.

Sa huling limang minuto ng laban ay umambag pa ng 5 magkakasunod na puntos ang “magic


bunot” ni Coach Tim Cone na si Kevin Alas upang ibaba ang kalamangan ng China sa 4 na puntos 67-
71.

Tatlong minuto na lamang ng laban ay lumobo pa ang kalamangan ng China sa 9 na puntos


67-76, ngunit napako ang mga ito sa talang 76 at isang nanggigigil na Brownlee ang kumamada at
bumuhay ng dugo ng mga Pilipino na siyang kumayod upang matapyas ang kalamangan ng China
kasama ang dalawang magkasunod na krusyal 3 points na siyang nagpatahimik sa lahat ng Chinese
fans.

Natapos ang laban sa talang 76-77 pabor sa Gilas at matapos ang 33 taon ng paghihirap at
pagtitiyaga ay muling makakapak ang koponan ng Gilas sa Gold Medal Match kalaban ang
powerhouse team ng Jordan.
“Puso sa Bayan at Laro; Tiwala sa Kabaro”

Isang pangalan ang umalingangaw sa mundo ng Phillipine Basketball Association(PBA) na


ngayon ay hinahangaan at minamahal na ng ating mga kababayan, siya ang tinaguriang “pambansang
import” ng Pilipinas walang iba kundi ang nag-iisang Justin Brownlee ng Barangay Ginebra Gin Kings.

Nagsimula ang lahat ng pumasok si Brownlee sa mundo ng PBA taong 2016 na kung saan ay
nagdulot ng malaking pagbabago sa koponan ng Barangay Ginebra. At sa kanyang unang taon ay
agad din niyang nakuha ang kampeonato kasama ang kanyang koponan sa PBA Governor’s Cup.

Hindi lamang mulas sa husay ni Brwonlee kaya sila nagkampeon, kundi sa kanyang
determinasyon, pagmamahal sa bayan, at tiwala sa mga kasapi kasama ang kanilang dedikasyong
manalo.

Mula sa pagigng mahusay na manlalaro, ay naging mabuting lider din si Brownlee upang
msging idolo at inspirasyon ng bawat kasapi at ng mga Pilipino.

Nang dahil sa lubos na pagkamahal niya sa bayan ay nagdesisyon siyang magpalit ng


nasyonalidad upang mairepresenta ang Pilipinas sa laro sa labas ng bansa at tulad ng inaasahan ay
hindi siya nabigo dito.

Sa kasalukuyan, ay nagawa na niyang mairepresenta ang bansa kasama ang koponan ng Gilas
Pilipinas at patuloy niyang pinahahanga ang buong pilipinas maging ang ibang bansa dahil sa mga
kahanga-hangang bagay at karangalan na ibinibigay at ipinamamalas niya kasama ang koponan ng
Gilas.

At susunod na laban nila ay tatangkain nilang kuhanin ang gintong medalya sa 19th Asian
Games laban sa koponan ng kapwa niya PBA import na si Rondae Hollis Jefferson ng bansang Jordan.
“Galing at Humaling:Tagumpay Matatamasa Natin”

Sa isang bansang malalim ang pagkahilig sa larong basketbol, ay hindi nakapagtatakang


gumagawa na ang pilipinas ng sariling ingay sa loob at labas ng bansa.

Kung anong iniliit ng bansang Pilipinas ay siya namang inilaki ng pagkagusto ng bawat
Pilipinong manlalaro sa larong basketbol. Mapabata man o matanda may ngipin man o wala ay
talagang buong pusong tumatangkilik sa isport na basketbol.

Paano konga ba nasabing ganon na lamang ang pagkahilig ng mga Pinoy sa larong Basketbol?

Dahil kahit san ka man magdating ay may makikita kang basketball court mapahalf o whole
court man ito, ilan na lamang dito ay ang mga eskenita at maliliit na espasyong pilit nilagyan ng mga
ring at karamihan pa dito ay sariling gawa matuto lamang at makapaglibang ang bawat isa.

Patunay ito na sadyang buong puso ang pagtanggap ng mga Pinoy sa larong ito. Kaya’t
asahan natin na sa susunod pang mga taon ay mas iingay at mas lalong makikilala ang Pilipinas sa
larangan ng basketbol.

Ang basketbol ay patuloy na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa mga kabataan at ang


isports na ito ay hindi lamang tungkol sa puntos at tagumpay kundi tungkol ito sa pagtitiyaga,
determinasyon, pagiging disiplinado at higit sa lahat respeto at pakikisama

You might also like