You are on page 1of 2

DNHS Volleyball Boys at Girls, Napanatili ang Korona

Napanatili ng mga atleta ng Dibuluan National High School boys at girls


ang kanilang korona matapos talunin ang Lasallete of Jones at Srgt.
Prospero G. Bello High School- Main sa 2023 Municipal Men’s and
Women’s Volleyball noong ika-23 ng enero taong kasalukuyan.
Pinadapa ng Men Spikers ng Dibuluan National High School ang Srgt.
Prospero G. Bello sa championship game at mga atleta ng Lasallete of
Jones naman ang nilampaso ng Lady Hitters ng Dibuluan National High
School.
Isang pursigido at doble trabahong laro ang ipinamalas ng mga Men
Spikers sa Championship game nila na dadalhin upang makuha muli nila
ang korona matapang ang ilang taong pagkasara ng mga laro.
Ayon sa captain ball ng Men Spikers na si Neil Ian Dizo “ako ay proud at
labis na masaya dahil nagawa namin ito, bilang isang Captain ball hindi
ko ito magagawa kung wala ang kooperasyon ng aming koponan at
siyempre ang buong suporta ng aming mga coach.”
Ang mga lady Hitters ay kumayod din ng husto para makuha at
mapanatili ang pagiging kampeon ng kanilang paaralan sa volleyball
game at talagang pursigido at may iisang layunin ang bawat isa sa
kanila.
Ayon sa setter ng Lady Hetters na si Jazmine Marie Pasilan “ sobrang
saya ko dahil naipakita naming na hindi padin matatalo ang Dibuluan
hangga’t si Ma’am Sheena ang aming coach.”
Binansagang Defending Champion ang DNHS at sa ngayon ay patuloy
padin ang pag eensayo at pakuha ng bagong mga players ng Dibuluan at
pinag hahandaan ang laban sa susunod na taon dahil madami na ding
gagradute at mababawasan na naman ang grupo.

You might also like