You are on page 1of 1

ANG PAGBABALIK NG MGA BATA SA PAGLALARO

Pagkatapos ng ilang taon ng pandemya na “COVID 19” at nahinto rin ang


paligsahan ng paglalaro ng mga batang tulad ko upang makasali sa Palarong Pambansa,
heto bumalik na ang ibat-ibang paligsahan. Ang una ay “Paligsahang Pandistrito. At kung
sino man ang manlalaro na nanalo ay sila ang magrepresenta sa ating paaralan at distrito
para sa “Palligsahang Pandibisyon.

Dahil dito, sa unang pagkakataon ang aming Paaralang Elementarya ng Macanhan


ay may maraming sinasalihan sa ibat ibang laro tulad ng badminton, basketball, chess, at
takbohan para sa paligsahan pang distrito. Ang mga bata na sumali dito ay sabik na sabik
na sumali sa mga larong ito. Ang kanilang mga coach ay naghahanap ng paraan upang
may uniporme ang kanilang manlalaro sa “Paligsahang Pandistrito”.

Maraming salamat sa aming principal na si Gng. Leonora S. Alinsub dahil hindi


niya pinabayaan ang mga batang manlalaro sa Elementarya ng Macanhan.
Sinusuportahan niya ang mga ito sa pamamagitan ng paglaan ng kanilang pang-snacks at
pagkain pananghalian at tubig. Maliban sa mga coaches nagpapadala pa ang aming
butihing principal ng ibang guro para mag aasikaso sa pangangailangan ng mga
manlalaro.

Sa awa ng Diyos may isang laro tayo na naging champion sa Panlarong Pandistrito.
At ito ay badminton. Ang ating manlalaro ay sina Angelica Jane Tutor at Shelby Palon na
nasa ikaanim na taon. Ang kanilang coach ay si Gng. Sonia G. Lagura kung saan araw-
araw silang nag-eensayo para lang dito. Kaya sila ang nadala para sa “Palarong
Pandibisyon”.

Kahit bakasyon ang mga manlalaro ng badminton ay hindi huminto sa


pag-eensayo. Araw-araw silang naglalaro sa paaralan kasama ang kanilang taga-sanay.
Masaya silang nag-eensayo dahil binigyan sila ng kanilag coach ng mga salitang pang
motibasyon para ganahan silang mag ensayo araw-araw.
Dahil dito, nagkaroon ng uniporme ang mga manlalaro para sa Panlarong
Pandibisyon at maraming salamat sa Panginoon dahil sila ay nakakuha ng ikatlong
Puwesto sa Palarong Pandibisyon. Dahil dito ang kanilang coach ay masaya kahit hindi
nila nakuha ang Unang Gantimpala pero nakuha nila ang Pangatlong Gantimpala sa
Palarong Pandibisyon.

DISTRICT MEET

You might also like