You are on page 1of 1

City Scie, bumida sa Bb. at G.

Kalikasan 2017
Halos gumuho ang mall dahil sa hindi magkamayaw na humigit isang libong
nakisaksi bata man o matanda sa pinaka inabangang paligsahan sa pagrampa ng
pandibisyong aktibidad ng puerto princesa sa Agham at Teknolohiya. Ang mga
manlalahok ng iba't ibang paaralan sa puerto princesa ay hindi nagpahuli sa
larangan ng kagandahan at katalinuhan.

Umalingawngaw ang ingay na dala ng mga taga suporta ng San Jose High
School, Sta. Monica High School, Babuyan High School, Sicsican High School, San
Miguel National High School, Palawan National School, at ng Puerto Princesa City
National Science High School sa kanilang mga pambato para sa inaasam asam na
panalo at tutungo sa panrehiyonal na paligsahan. Matindi ang naganap na
labanan sa nasabing paligsahan sa SM Puerto Princesa noong ika-27 ng Setyembre
taong kasalukuyan dahil lahat ng mga kandidata't kandidato ay magagaling.

Pagdating sa paggawad ng mga parangal, nakuha ng kalahok mula sa


Babuyan High School ang Ms. Congeniality at mula naman sa Sta. Monica ang
nakapagkamit ng Mr. Congeniality award. Nahakot nina Sheffield Marie N.
Maravilla (City Scie) at Ron Jafet Noe (SMNHS) ang "Best in Kalikasan Attire" "Best
in School Uniform" "Best in Production Number" "Best in Casual Attire" at Ms.
Photogenic Award. Nakuha naman ni Kian Manila mula sa PNS ang Mr.
Photogenic Award. Ang nanalo ng ikaapat na puwesto sa Bb. At G. Kalikasan ay
nagmula sa parehong kampo, ang Palawan National School. Nakamit naman ang
ikatlong puwesto mula sa Sicsican High School at Sta. Monica High School. At ang
ikalawang puwesto naman ay mula sa San Miguel High School at Puerto Princesa
City National High School na si JohnRey Palatino.

Sa huli, ang naturingang panalo bilang Ginoong Kalikasan 2017 ay ang


kalahok na nagmula sa paaralan ng San Miguel National High School na si Ron
Jafet D. Noe at sa Binibining Kalikasan 2017 naman ay nagmula sa paaralan natin,
ang City Scie at ito ay si Sheffield Marie N. Maravilla. Kasalukuyang naghahanda
para sa Regional Scilympics Bb. At G. Kalikasan 2017 ang mga nanalo.

You might also like